“SIR Andrius, may nagpapabigay po sa inyo,” pag-aagaw pansin sa kaniya ng isang empleyado dahilan para mapatingin siya sa pinto. Pumasok ito sa loob ng opisina niya at may nilatag na isang folder sa kaniyang mesa pagkatapos ay umalis na.
Agad kinuha ni Andrius ang folder at binuksan ito.
“Micah Ferrero Salvador,” basa niya sa nakasulat
Ito ang resumé ni Micah na naiwan niya sa loob ng taxing sinakyan niya kanina.
Lahat binasa ni Andrius. Mula sa pinakamaliit na detalye, hanggang sa pinakaimporteng impormasyon tungkol sa babae.
Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral sa kursong AB Journalism. Ngayong, 23 years old na siya. Matanda nang dalawang taon si Andrius. Maraming kayang gawin ang babae base sa mga skills na nilagay niya sa kaniyang resumé.
Nalaman rin niya ang mga past work experiences ni Micah.
Doon napukaw ang atensyon ni Andrius. Maraming pinasukang trabaho si Micah na di niya aakalaing magagawa ng dalaga. Kamakailan lang, pinaimbestigahan niya ang buhay ni Micah at doon niya lang nalaman na nabankrupt ang kompanyang pagmamay-ari ng kanilang pamilya.
Nagtrabaho si Micah bilang isang waitress, dishwasher, event organizer and receptionist sa isang hotel.
Lahat ‘yun ginawa ni Micah para kumita ng pera. Hindi maitatangi ng binata ang munting paghanga sa babae dahil sa sipag nito at dedikasyon sa pagtatrabaho. May parte sa kaniya na naaawa sa dalaga pero mas matimbang pa rin ang kagustuhang niya mas pahirapan ito.
Sunod niya namang pinansin ay ang picture ni Micah.
Ilang segundo niya itong tinitigan. Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi habang pinagmamasadan ang bawat anggulo ng mukha ni Micah. Hindi niya talaga maitatangi ang kakaibang gandang meron ang dalaga. Mula sa mapupungay nitong mga mata, tamang tangos ng ilong, at mapupulang labi, masasabi niya nang napaka-perpekto na ng dalaga para matawag na isang modernong Pilipina.
Nakakaagaw-pansin ang kaniyang ngiti. Ito ang pinaka-nagustuhan ni Andrius noon sa babae. Hindi niya alam kung bakit sa t’wing palihim niya itong tinitingnan noon, kapag tumatawa o ngumingiti ang dalaga, napapangiti na din siya, kasabay nun ang mabilis na pagtibok ng puso niya habang pinagmamasdan si Micah.
“SIR ANDRIUS!,” Sigaw ni Gio sa pintuan ng kaniyang opisina dahilan para maitapon niya ng mabilis ang folder ni Micah sa gilid ng kaniyang table.
“What?,” pinilit niyang magtunog pormal.
“Hehe sir, tapos ko na pong interview-hin si Miss Salvador,” sagot nito.
“And so?,” nagpapanggap na walang pakialam na ani ni Andrius. Akala niya wala nang sasabihin pa ang lalaki ngunit nagkamali siya.
“Sir, share ko lang po ah,para sakin po, mas maganda po kung tatanggapin niyo si Miss Salvador dito sa kompanya. Bukod kasi po sa katotohanang napakaganda...