WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO CHAPTER 47


DEO’s POV: (Twin of David)
TANAW na tanaw ko mula sa labas ng restaurant kung paano hinalikan ni David ang babae.
Nandito kasi ako sa loob ng kotse habang pinagmamasdan ang bawat galaw ng kambal ko.
Sa totoo lang, nakakaawa siya.
Pero dahil na-eenjoy ako sa mukha niya, tinutuloy ko ang paglalaro sa kanila.
I know everything about Sandra.
Mahilig ako mag-imbestiga at magaling ako mangilatis ng bawat kilos ng tao.
Siya si Kate na minahal ng kapatid ko.
Siya si Kate na kinababaliwan ni David na halos kitilin ang buhay nang malaman niyang namatay ang babae.
At siya si Kate na ngayon ay ibang mukha na ang gamit.
Pero si David? Hindi niya alam kung sino at ano ang pagkatao ni Sandra.
Kung sabagay, ang bobo niya masyado.
Hindi niya ginagamit ang utak kaya mas nauunahan ko siya sa lahat.
Nakakatawang isipin, napapaikot ko ang dalawa sa kamay ko.
Hawak ko sila sa leeg at kahit anong gawin ko, hindi nila ako mahuhuli.
Parang katulad ng ginawa ko sa buhay ni Kate.
Ang buong akala niya si David ang nagpahirap sa kanya.
But she’s wrong, dahil ako ang dahilan kung bakit namatay ang bata.
(FLASHBACK….)
“I n-need you, Deo. H-hindi ko kayang makita na ikakasal si David kay Kate. Kilala mo naman yung babae diba? Hindi sila bagay. So please Deo, tulungan mo ako para hindi matuloy ang kasal nila.”, umiiyak na pakiusap ni Katrina.
Nakipag-video call siya sa akin habang nasa ibang bansa ako.
And yes, kilala ko si Kate. Dahil may tauhan ako sa Pinas para bantayan ang bawat galaw ni David.
Sa madaling salita, kahit malayo ako sa kanila, lahat alam ko.
Hindi ko matanggihan si Katrina dahil may lihim na pagtingin ako sa dalaga.
At bukod do’n, pinapangarap ko talaga na matikman ang katawan nito.
She’s a model. Pinapantasyahan siya ng mga lalaki. Kaya nagtataka ako kung bakit pinakawalan ni David ang tulad niya.
“Okay, papayag ako Katrina. But in one condition.”, nakangising bigkas ko.
“Kahit ano pang kondisyon ang sabihin mo, handa akong sundin at gawin ‘yan.”, turan nito na tila desperada.
“Good.”, bigkas ko naman.
“T-teka, ano bang gagawin natin? I mean, anong gagawin mo para masiguro na hindi makakasal si David kay Kate?”, pagtatanong ni Katrina.
“It just a simple problem. Kaya wala kang dapat na ipangamba. I can handle this.”,
“Sa paanong paraan?”, she asked again.
“Set-up.”, tipid kong sagot.
“Set-up?”,
“Yes, Katrina. Iseset-up natin ang kambal ko. In short, I can act like him. Pwede akong magpanggap bilang siya. You know me very well, right? Napaka-basic na ‘yan para sa akin.”, wika ko sa dalaga.
“How can you sure? Sa pagkakaalam ko—“,
“Ssshh. Akong bahala. Basta hintayin mo na lang ako sa Cebu. Icocontact ko lahat ng mga ka-meeting ni David sa kompanya. Kaya ikaw ang dapat na maghanda, Kat.”, I said while smirking.
“A-ano bang ibig mong sabihin?”
“Katrina, tutulungan kita, pero kapalit no’n ay katawan mo. Alam mo na siguro ang tinutukoy ko.”, turan ko ulit.
Medyo nagulat ang reaksyon niya, pero sa huli, pumayag...


din ang dalaga.
SET-UP ang nangyari.
Na-contact ko si Mr. Xiao at sinabi ko sa kanya na sa Japan na lang sila mag-usap.
Si Mr. Xiao, malaking kliyente. Pero dahil may alas akong hawak laban sa kanya, naging sunud-sunuran ito sa akin.
Hawak ko lang naman ang sex-video niya sa dalawang babae. That’s the reason kung bakit napa-oo ito nang sabihin ko na sa Japan sila mag-usap ni David.
Kaya nung araw na ‘yon, umuwi ako sa Pilipinas.
Mabuti na lang at ginawa rin ni Katrina ang inutos ko na hiramin ang cellphone ni David. At mukhang kinakampihan yata kami ng Tadhana dahil naiwan nito ang phone niya sa babae.
Marami tuloy na naganap ng magkita kami sa hotel.
Umakto ako na si David. Ginaya ko ang boses niya. Yung mga pictures na sinend namin kay Kate, ako ang may pakana no’n. At nung pumunta si Kate sa hotel, nagkunwari ulit ako na si David. Ang dami kong ginawa at lahat ng ‘yon naging matagumpay.
Kitang-kita ko sa mukha ni Kate kung gaano siya nasaktan.
Too bad for her, dahil ang bilis niyang maloko.
And yes, ako rin mismo ang nagpautos na lagyan ng lason ang pagkain na ipapadeliver sa mancion ni David.
Sinabi ko na galing ‘yon mismo sa kapatid ko.
All of them, doesn’t know about me.
Hindi nila inisip na ako ang may gawa.
At para magalit lalo si Kate, pinalayas ko rin sila sa bahay kung saan binuburol ang anak niya. For the third time, pangalan ulit ni David ang ginamit ko.
Ang galing ko diba?
Sa sobrang galing ko, halos naniwala ang babae.
Nilamon na siya ng galit at napawi ang pagmamahal niya kay David.
Simula no’n, patuloy kong sinusundan si Kate. Hanggang sa malaman ko na kinuha siya ni Derick. Kilala ko rin si Derick dahil nga naimbestigahan ko ang nakaraan ni Kate. At isa siya sa naging karelasyon ng babae na mismong tatay ni Michael.
Sa kakasunod ko, maging pagkatao niya, nalaman ko. Pinalabas nila na patay na ang babae para maniwala ang lahat.
Pero ako, hinding-hindi ako maniniwala.
Kaya kahit nagbago man ang pangalan at mukha ni Kate, hindi niya pa rin ako maloloko.
Matalino ako at hindi agad nagpapahuli sa mga balita.
Hindi nila ako maiisahan.
Dahil ako mismo ang makikipaglaro sa kanila.
Pwede ko rin i-kama si Kate kahit anong oras kapag wala si David sa tabi niya.
Ikakama ko siya, at magpapanggap ulit ako bilang si David para sa gano’n, magalit lalo siya sa lalaki.
(END OF FLASHBACK…)
“Enjoy for today. And cry again for the next day.”, sambit ko sa sarili.
Pinaandar ko na ang kotse para umuwi na sa condo.
And by the way, hindi ko pa sinasabi kay Katrina na buhay si Kate.
Dahil gusto ko, ako lang ang nakakaalam.
____
A/N:
Hello, pasensya na kung mabagal ang update ko. Gaya ng paulit-ulit kong sinabi, college student po ako. I have my online class and modules. Aside from that, nag-oonline selling din po ako ng books ko and assorted items. Thank you.






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. I wanted to compose you a bit of observation to finally say thank you yet again regarding the nice techniques you have documented at this time. It is quite wonderfully generous of people like you in giving extensively just what a lot of people would’ve offered for sale as an e-book in making some cash on their own, chiefly seeing that you could have done it if you ever decided. These strategies additionally served as the huge way to be sure that someone else have the identical fervor just like my own to discover out good deal more with regards to this problem. I know there are plentiful more agreeable instances ahead for people that take a look at your web site.

  2. animal ka DEO surot ka sa lahat

Leave a Reply


top