Maaga akong nagising dahil sa sinag ng araw mula sa bintana ng kwarto ko. Agad akong bumaba para maligo at magluto narin. Kumusta na kaya si tiya? Naku baka nakalimutan niyang kumain kagabi kaya minadali akong nagtungo sa banyo. Pagkatapos kong maligo agad kong pinuntahan ang kusina para magluto. Hindi pa ako nakaisang hakbang patungo sa kusina nang may naamoy akong masarap na simoy ng pagkain. Kaya agad kong tinungo ito, sino kaya ang nagluto?
“ Oh, gising kana pala Jasmin halika kumain na tayo ”ngiting bungad ni tiya sa akin pero nakikita ko parin ang lungkot sa kanyang mga mata. Ginantihan ko rin ito ng ngiti.
“ Ahm, tiya ok lang po ba kayo?” ewan ko ba ba’t iyon ang lumabas sa bibig ko. Naiinis talaga ako sa sarili ko sana di na lang ako nagsalita.
“ A-ah okey lang ako ah- sige kumain kana baka ma late kapa sa pasok mo” ramdam ko talaga na hindi pa matanggap ni tiya. Minsan kasi pinaparamdam nating okey tayo pero ang totoo hindi. Ayaw din kasi natin na pagpapaalalahin natin sila.
Natapos na akong kumain at nagpaalam narin ako kay tiya para pumasok sa paaralan. Nakalimutan ko pala na may sinabi si Parker kahapon na magkita daw kami pagkatapos ng klase ko. Ano kaya ang gagawin namin mag-iimbistiga rin siguro kami dahil iyon naman talaga ang trabaho namin. Narating ko ang campus na may mga matang nakatingin sa akin. Ginagala ko naman ang mga mata ko upang makita kung sino pero wala naman. May kakaiba talaga akong naramdaman kapag lumalabas ako ng bahay. Parang may nagmamasid sa akin o di kaya may mga matang nakabantay....