FOUR GANGSTER FALL INLOVE WITH ME|


FOUR GANGSTER FALL INLOVE WITH ME|
|✢SIMULA✢|
“ arayyyy!!!!” Daing ko nang may bagay akong naramdaman na para bang may kumagat sa bandang paa ko at dahil doon, wala sa oras akong napatayo sa kinaihihigaan ko “ h*ta namang mga langgam yan ohhh!! Magpatulog naman kayo!! ” reklamo ko sa inaakala kong langgam ang kumagat sa ‘akin at halos nakapikit pa ako habang sinasabi ko ang mga katagang iyon.
“anong langgam ka diyan???! Tumayo-tayo ka na ngang bata ka!!! Kanina ka pa nakahilata diyan! Aba! Alas nuwebe na tulog ka pa rin? May balak ka pa bang pusok ineng??! Hah?!” Talak sa ‘akin ng tita kung kasalukuyan na ngayong nakatayo sa paanan ng kama ko. Nakapamewang ito habang ito’y may hawak na sandok. Mukhang kagagaling niya lamang ng kusina at nagluluto ito ng almusal namin.
Halos malabo pa ang paningin ko at hindi ko pa maimulat ng maayos ang mga mata ko dahil sa antok. Inaantok pa talaga ako. Hindi ko siya pinansin at hindi ko rin magawang umimik dahil pakiramdam ko mahihimatay siya kapag umimik ako. Muli akong nahiga upang bumalik sa pagtulog at akma ko sanang ikukumot ang pink na kumot ko nang agad ‘yung hablutin ni tita kung kaya napabangon muli ako sa pagkakahiga ko at nakipaghilahan sa kaniya ng kumot.
” tita naman!!! Monday pa lang naman ngayon! Unang araw pa lang naman ng pasokan! Hayaan niyo na akong matulog ngayon! Puyat ako kagabi dahil ni Fritzie ..” Reklamo ko sa kaniya habang pupungay pa rin ang mga mata ko at pakiramdam ko’y malusog ngayon ang mga eye-bug ko sa mata ” aba!! Sinong tanga? Ako? Alam mong may pasok ka ngayon tapos magpupuyat ka ng ganiyan magdusa ka!!! Hala sige! At bumangon ka na diyan at pumasok!!” Wika niya sa ‘akin habang patuloy pa rin nitong hinihila ang kumot ko.
” ayoko nga pumasok sinabi ehh!!!” Iritang sigaw ko na maslalong ikinainit naman ng ulo niya. Binitawan na niya ang kumot ko at muli itong nagpamewang. Mababakas sa mukha niya ang pagkairita sa ‘akin at kaunti na lamang ay kukulo na ang dugo nito dahil sa inis ” huwag ka na lang kaya pumasok na bata ka habang buhay! Pinagaaral kita tapos——” hindi ko na tinapos pa ang mga litaniya niya ” Oo na nga papasok na!” Nakangusong wika ko at nagkusot- kusot ako ng mata.
“tss… Siguraduhin mo lang na bata ka! Kapag natapos na ako sa pagluluto ko at hindi ka patapos maligo, humanda ka talaga sa ‘akin ” pagbabanta niya at matapos niyang sabihin ‘yun ay tuluyan na siyang lumabas ng kwarto at halos nagmamadali pa itong lumabas sa kwarto ko dahil nangangamoy na ang itlog na priniprito niya. Napairap na lang ako at inis akong pagpapadiyak sa kama at bahagya ko pang ginawa ang mga linyang sinabi niya na halos pabulong lamang dahil panigurado akong masasampal ako noon kapag narinig niya ang panggagayang ginagawa ko sa kaniya.
Matapos ang ilang minutong pagmamatol ko ay napagdisisyonan ko ng bumaba ng kama at tumungo ng baniyo na may dalang tuwalya na panligo. Ang babaeng kaninang putak ng putak, siya ang tita ko na si zyril cyton. Siya na ang taong kumupkop sa ‘akin matapos akong makomatos sampung taon na ang nakakalipas. Tatlong buwan akong nakoma at paggising ko. Boom!. Wala na akong maalala, halos lahat ng ala-ala ng mga magulang ko’y nawala na parang bula kasabay ng kanilang pagpanaw dahil sa aksidenteng ‘yun 10 years ago.
Gusto koman makaalala at pilit kong inaalala ang lahat ng nakaraan ko ay hindi ko kaya. Sabi kasi sa ‘akin ng doctor masyadong nadamage ang utak ko dahil sa aksidenteng ‘yun at isang milagro daw’ ang nangyari sa pagkabuhay ko. 50% daw kasi na mabuhay ako at 100% na pwede na akong bawian ng buhay noong mga panahong ‘yun. Noong una hindi ko matanggap ang lahat. Ang sakit para sa ‘akin namawalan ng alaala, ‘yun na lang kasi kaisa-isang pwedeng maiwan sa ‘akin ng mga magulang ko pero nawala pa, kahit ang mga mukha nila hindi koman lang maalala.
Matapos kung maligo, kinuha ko na ang uniporme ng bagong paaralan na papasukan ko. Kulay blue ang kulay ng unform na ito. Nakapailalim sa asul na checkered na mahaba ang manggas ang puting blouse na kasalukuyang nakasuot na sa katawan ko at binobotones ko na lamang ito. Blue rin ang kulay ng paldang susuotin ko. Maiksi ito na halos gagahita lamang ang haba na para bang pagsinuot ko ito’y makikita na ang panty ko.
Hindi ko naman ginusto na pumasok sa sikat na paaralan na ‘yun. Tita ko talaga ang may gusto. Hindi rin ako nainform na doon ako papasok. Nagising na lang ako isang araw enroll na ako sa paaralan na ‘yun at laking pagtataka ko pa. Paano ako napagenroll ng tita ko sa isang sikat na paaralan na halos libo o million ang tuition fee. Tinanong ko naman siya tungkol doon dahil noong mga oras na malaman ko na doon niya ako papapasukin. Nabigla talaga ako at trumiple ang paglaglag ng panga ko.
Ngunit, naipaliwanag naman niya sa ‘akin ang lahat. Nagkaroon ako ng schollar sa school na iyon. May isang taong busilak ang puso na nag sponsor sa ‘akin para magkaroon ako ng schollar. Tinanong ko pa nga kung sino ang taong ‘yun kaso nagalit lang si tita. Ang dami ko raw masyadong tanong. Matapos kung isuot ang uniform ko. Kinuha ko sa ilalim ng kama ang black plat shoes ko at isinuot ito. Matapos ‘yun nagtungo ako sa kabinet na katabi lang ng kama ko at kinuha ko sa ibabaw noon ang necktia nakulay asul din. Nagtungo ako sa standing mirror na katabi lang ng pintuan ng kwarto ko.
Sandali kung pinagmasdan ang sarili ko sa salamin habang suot ang uniform na ito. Masasabi kong bumagay nga sa ‘akin ito. Isang puting blouse na pinaibabawan ng checkered na kulay asul na mahaba ang manggas at pinatner ito ng isang maikling palda na kulay asul din. Napanguso ako. Pero hindi ko pa rin ‘to gustong suutin. Malalim na lamang akong napabuntong hininga at wala akong ganang inilagay ang necktia sa leeg ko.
Simple lang ang ayos ko ngayon dahil tinatamad pa talaga akong pumasok. Nagpulbo lamang ako ng mukha at kaunting lagay ng maskara at liptint na usong- uso ngayong 20s habang ang malambot kung itim na buhok ay tamang nakalugay lamang. Malamig na naman ngayon saka aircon naman doon sa papasukan ko na paaralan.
NAKALAGLAG ang panga ko habang nakatayo ako sa harap ng isang napakalaking gate na kulay ginto. Nagtataasan ang dalawang pader na pumapagitna sa gate na ito at kumikinang sa ‘aking mga mata ang ‘gate dahil sa sikat ng araw na tumatama dito. Isa lamang ang masasabi ko ngayon habang nakatulala akong nakatingin sa harap ng paaralan na ito ” wow….” Bulong ko sa ‘aking sarili. Nakahawak ako sa shoulder bag na dala ko habang hindi ako makapaniwala na dito ako papasok sa paaralan na ito.
Hindi ko inaasahan na dito ako papasukin ng mama ko. Hindi ko rin lubos maisip na masmaganda pala sa personal ang school na ito kumpara sa mga naririnig ko lamang sa mga kaklase ko. Aaminin ko, ngayon pa lang talaga makikita ng dalawang mata ko ang paaralan na ito at hindi ko lubos maisip na ganito ito kaganda at ngayon ko lamang din napagtanto na nakangiti na pala ako habang nakatanaw mula rito sa gate.
Sino kaya ang lalaking ‘yun na may busilak ang puso at pinagaral niya ako sa paaralan na ito. Gusto ko siyang pasalamatan dahil kahit papaano ay makakaranas akong makapasok sa private school ” Xen University…” Basa ko sa bandang gitna ng gate. Nakaukit doon ang pangalan ng school. Napakaganda ng pagakakaukit nila at ang diseniyo na nilagay nila dito. Dikit- dikit ang mga letrang nakaukit dito na may nakadeseniyong paikot ang letrang ‘X at letrang ‘U na maslalong nagpaganda sa gate.
XEN UNIVERSITY ito ang school na sikat na sikat sa loob at labas ng bansa. Mapachina, japan, korea, america, USA, indonesia, thailand at kung saan pang bansa ay dumadayo pa ang mga ito sa pilipinas para papasukin lamang ang kanilang mga anak sa paaralan na ito. Magagaling ‘daw kasi ang mga gurong nagtuturo sa paaralan na ito at nalaman ko rin na halos lahat ng lingguwahe sa iba’t- ibang bansa ay tinuturo nila dito. Nalaman ko rin na maraming curse ang pwedeng pamilian dito at isa pa, kakaiba daw’ ang paaralan na ito sa ibang private.
Tss. Ano naman kayang pinagkaiba nila sa ibang school na private? “ Xen University….” Paulit- ulit kong binabasa sa ‘aking isipan ang bagay na ‘yan habang pinagmamasdan ko ito. Para sa ‘akin wala namang kakaiba sa paaralan na ito. Tulad din siya ng ibang private school na pinapasukan ng mga mayayaman at may kaya. Napatingin ako sa mga paa ko at napabuntong hininga saka ako muling tumingin sa gate na nasa harapan ko.
“panibagong buhay na naman ang papasukin ko at panibagong kabanata na naman ang bubuoin ko….” Muli akong bumuntong hininga. Maglalakad na sana ako para pumasok sa loob, ngunit namilog ang mga mata ko ng kusang magbukas ang gate na nasa harapan ko at muntikan na akong mapatili sa gulat ng may bumusina sa likoran ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng tibok nito. Pakiramdam ko mamatay ako sa gulat, siguro kung may sakit ako sa puso nakahilata na ako ngayon dito sa daan. Mariin akong napapikit ng marinig ko na naman ang pagbusina ng sasakyan sa likoran ko at sa pagkakataong ito’y paulit- ulit na ‘yun kung kaya’t inis akong lumingon doon.
Natulala naman ako at napanganga dahil sa ganda at kintab ng sasakyan na bumungad sa ‘akin. Malaki ito at mukhang mamahalin, kulay puti ito na talagang makikita na ang mukha ko sa sobrang linis nito ” hoy!! Ano ba? Magpapakamatay ka na ba?” Natauhan ako ng marinig ko ang boses na ‘yun na nagmumula sa loob ng kotse. Agad akong tumabi ng makita kong nakasilip na sa bintana ng sasakyan iyong drive nito.
May mga sinabi pa ang driver na ‘yun bago nito tuluyang isinara ang bintana ng sasakyan niya, ngunit hindi ko na narinig pa ang ilan pa niyang sinasabi dahil sa tunog ng makina ng sasakyan. Matapos kung tumabi ay nagsimula na namang umandar ang magarang sasakyan na ‘yun papasok ng gate. Hindi ko naman maialis ang paningin ko sa magandang sasakyan na ‘yun hanggang sa tuluyan na itong makapasok sa loob ng gate ay hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa ganda nito “Ano kayang pakiramdam ng may sasakyan na ganoon?” Tanong ko sa ‘aking sarili at bahagya akong napangiti at natawa sa tanong na ‘yun.
Paano naman ako makakasakay sa sasakyan na ‘yun? Sa van pa nga lang nasusuka na ako at nahihilo doon pa kaya? Naku! Paniguradong dudumihan ko lang ang sasakyan na ‘yun^_^||. Nakangiti akong napailing habang iniisip ko ang bagay na ‘yun ” iha? Studiyante ka ba ng paaralan na ito?” Natigilan ako at napatingin sa harapan ko ng marinig ko ang boses na ‘yun at muntikan na naman akong pasigaw ng bumungad sa harapan ko ang isang guard.
Mukhang guard ito ng XU. Tumango na lang ako bilang pag sangayon sa tanong niya. Tiningnan niya naman ako mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri ako nito. Tss. Mukha ba akong hindi studiyante? Pati tuloy ako napatingin din sa sarili ko ” a-ahh…may problema po ba sa suot ko?” Takang tanong ko sa kaniya. Napakamot naman siya sa ulo niya ” ahh…wala… Kung ganoon ano pang ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa pumapasok?” Tanong niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay at sa pagkakataong ito ako naman ngayon ang tumingin sa kaniya mula ulo hanggang paa.
Sa dating pinapasukan ko lahat ng guard doon close ko at sa tingin ko naman magiging close ko rin ang guard na ito. Infairness, maganda ang tindig niya talagang guard na guard ang itsura niya. Nakasuot ito ng uniform ng isang guard at bumabagay ito sa katawan niya dahil medyo maskulado ito, ngunit sa mukha niya. Maputi naman siya at singkit pero medyo may kapanguan ang ilong nito, subalit may itsura naman siya.
Tulad ko napatingin din siya sa sarili niya at nagtataka ako nitong tiningnan ” b-bakit may problema ba?” Takang tanong niya na ikinatawa ko naman, para kasi kaming tanga sa ginagawa namin. Umiling ako at hinawakan siya sa kaliwang balikat na maslalo namang ikinakunot ng noo niya ” pagbutihin mo ang trabaho mo…” Nagpipigil ako ng tawa ng sabihin ko ‘yun. Nakakatawa kasi itsura niya at napatagilid pa ang ulo nito, pahiwatig iyon na hindi niya naiintindihan ang sinasabi ko ” sige na po…papasok na ako…” Wika ko at sandali kong pinagpagan ang uniform niya sa bandang balikat saka siya kinindatan at umalis ako sa harap niya at iniwan siyang clueless.
KASALUKUYANG nakaluwa ang mga mata ko habang naglalakad- lakad ako dito sa loob ng XU. Halos mabali na ang leeg ko dahil sa taas at dami ng Gusali na naandito. kahit saan ako tumingin ay puro malalaking gusali ang nakikita ko. bumagal naman ang paglalakad ko ng may nadaan akong isang malaking fountain. Nasa gitna na Ito ng mga malalaking gusali. Napansin ko rin na may iilang gusaling katamtaman lang ang laki.
Napangiti ako ng bahagya habang marahan akong naglalakad paikot sa fountain na ito. Gawa ito sa purong ginto dahilan para kuminang at maging matingkad ang kulay niya. Lalo na’t kapag natatamaan ito ng araw ay maslalo itong nagiging matingkad sa paningin ng lahat ng makakakita nito. idagdag pa ang pagragasa ng tubig sa itaas nito na nagnining din dahil sa sikat ng araw.
Sa taas naman nito ay may nakita akong nakaukit na Pangalan. Medyo may kaliitan lamang ito kaya’t Hindi ito agad mapapansin kung hindi pagmamasdan.
“ Monte…..falco..” basa ko sa itaas nito. Hindi ko mabasa ng maayos dahil medyo maliit ito at masyadong mataas ang pinaglalagian nito. Kulay silver ang ipinang-ukit sa pangalan na iyon.
Sa hindi ko malamang dahilan. Napahawak na lang ako bigla sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang sumikip ang dibdib ko at para bang may bagay na dumagan dito para bumigat ang pakiramdam ko. Hindi ko rin magawang maialis ang paningin ko sa pangalang iyon. Pakiramdam ko ay narinig ko na ang pangalan na iyon pero hindi alam kung saan at kailangan.
Nabalik na lang ako sa ulirat ko ng mapansin kong marami ng nakatingin s’kin. Kakaiba ang mga tinging ipinupukol nila s’kin. Para bang may mali akong nagawa na hindi ko maintindihan. Ang iba’y kaniya-kaniya ang bulong sa kanilang mga kasamahan habang nakatingin s’kin.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka ganito ang paraan ng pagtanggap nila ng bagong studiyante. Natawa na lang ako sa sarili kong naisip at napailing. Nagpatuloy na muli ako sa paglakad at muling nilibot ng tingin ang paligid. Hindi ko na lamang sila papansin. Wala rin naman akong mapapala kung uubusin ko ang oras ko sa kanila. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa ganda ng mga disenyo ng mga nakikita ko sa XU. Talagang pulido at planado ang pagkakagawa nila sa paraalang ito. Masasabi kong ito na ang pinakamagandang paaralan na napasukan ko sa talang buhay ko.
Habang naglalakad. Hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa isang patag at malawak na kapaligiran. Napakalinis nito at berdeng-berde ang kulay ng paligid. May mga iilang nakatayong puno sa gitna at ang iba’y nakatayo sa paligid nito. Makikita rin dito ang mga iilang bench na nakapuwesto sa tabi ng puno at ang iba’y nasa likod nito. Mukhang nasa field ako. Masyado akong naaliw sa mga nakikita ko at hindi ko namalayan na nakarating na pala ako dito.
Napamaang ang labi ko at umangat ang gilid nito ng may mapansin akong ilang taong nakaupo sa mga bench at naghahalikan. Magkadikit ang kanilang mga labi at tila dinadama ang kanilang pagsasalo.
Gusto kong mangilabot at mandiri sa nakikita ko. Gusto ko na tuloy bawian ang salitang ‘magandang tanawin ’ sa lugar na ito. Nakakasuka. Agad na akong nagpatuloy sa paglalakad at isinawalang bahala na lamang ang nakita ko. Pero ilang hakbang pa lamang ang nailalakad ko ay may bigla na lamang sumulpot na kung sino sa harapan ko.
Hindi naman ako agad nakagalaw sa kinatatayuan ko at tila binuhusan ako ng malamig na tubig upang matulala sa isang matipunong nilala na nasa harapan ko. Pansin kong nagulat din siya ng magkasalubong kami. Muntikan pa ngang magdikit ang katawan namin sa isa’t-isa at gayon din ang mukha namin. Mabuti na lamang at agad akong nakaatras sa kaniya dahil na rin sa gulat na bigla na lang siyang sumulpot sa harap ko.
Sa huli ay agad ding nawala ang pagkabigla ng mga mata niya. Nakamask kasi ito at nakasobrero. Batid kong may pinagtataguan siyang tao. Nakauniform din siya tulad ko kaya’t panigurado akong dito rin siya napasok. Muli na naman akong natawa dahil sa naisip kung iyon.
Malamang kelly dito siya napasok. Tandaan mo! Walang kahit na sinong pwedeng makapasok na outside sa paaralang ito at iyon ang mahigpit nilang patakaran. Hindi ko batid kung ano na bang reaksyon niya ngayon dahil wala akong makitang kahit na ano mula sa mga mata niya.
Diretso lamang itong nakatingin s’kin na para bang nanunuri ito. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganoon na lamang kaba ko pero kahit na gano’n ay walang takot kong sinasalubong ang kakaibang tingin niyang iyon. Gusto kong iparating sa kaniya na hindi ako madaling masindak sa ganiyang mga tingin.
Hindi ko alam kung papaano ko ba siya ididiskumbre. Ang masasabi ko lamang ay napakaganda ng tindig nito. Napakatangkad niya na halos gagadibdib lamang ako, kaya’t hindi ko maiwasang tumingala para lamang makita ang mukha niya. Hindi ko rin maiwasang mamangha sa ganda ng mata niya. Mapungay ito na medyo singkit.
Hindi ko alam kung bakit may parte sa sarili ko na nanghihinayang dahil hindi ko makita ang kabuoan ng mukha niya pero sa tingin ko naman ay Gwapo ito dahil sa mga mata pa lang niya ay may dating na agad s’kin at kapansin-pansin din ang kulay brownish na mata nito.
Napukaw lamang ang pagtitigan naming dalawa ng may marinig kaming tilian at siwagan sa kung saan.
“ wahhhh! jarred!”
“ si jarred ba talaga ‘yon?”
“ si jarred ‘yan! Alam ko ang bawat ditalye ng katawan niya kaya’t alam kong siya ‘yan…”
Kumpol-kumpol na mga kababaihan ang kasalukuyang tumatakbo ngayon patungo sa direksyon namin. Naglaglag naman ang panga ko sa gulat dahil halos umusok na ang lupa sa dami nila.
“ sh*t!…” titingin pa lamang ako sa taong iyon ng agad na niyang hawakan ang kamay ko at hilahin ako nito paalis sa kinaroroonan namin. Nakita ko na lamang ang sarili ko na tumatakbo na rin kasabay ng lalaking nangunguna sakin.
Tinitigan ko ang likod niya habang hinahagilap sa bawat sulok ng ‘aking isipan ang mga katanungan kung bakit nasa ganito ako ngayong sitwasyon. Hindi ko alam pero sa mga oras na ito, Pakiramdam ko. Bigla na lamang bumagal ang pagtakbo namin. Tila nag iislow motion sa paningin ko ang bawat paggalaw niya at ganoon din ang mga babaeng humahabol samin. Kahit ang mga tilian at sigawan ng mga ito ay unti-unting humina sa pandinig ko.
Maslalo pang kumunot ang noo ko dahil sa mga katanungang pumapasok sa isipan ko—- na bakit kailangan niya akong hilahin at idamay sa ganitong sitwasyon. Bakit hinahayaan ko lamang siyang hilahin ako gayong hindi ko naman siya kilala. Hindi kasi ako ‘yong tipo ng taong nagpapahila lamang basta-basta sa taong hindi ko naman lubos na kakilala. dapat sa mga oras na ito ay nagpupumiglas na ako at dinatadtad ko na siya ng mga katanungan na kanina pa bumabagabag sa isipan ko.
Pero nanatili lang na tiklop ang bibig ko. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko para hindi ako makapagsalita. Sa sobrang lalamin ng pagiisip ko at sa tagal ko ng nakatitig sa lalaking ito ay hindi ko na namalayan na nasa likod na pala kami ng...


isang gusali. Huminto kami dito at nagtago sa may pader. Sumandal siya dito at sandaling sinilip ang mga humahabol s’min. Napasandal na lang din ako sa tabi niya at naghahabulhininga kong itinuon ang isa kong kamay sa tuhod ko.
Ngayon ko lang naramdaman ang pagod ng magising ako sa katotohanan na may kasama akong lalaking hindi ko naman kilala. Natigilan ako ng mapunta ang paningin ko sa kamay kung hawak niya pa rin hanggang ngayon.
Ramdam ko ang napakalambot niyang kamay na dumadampi sa balat ko at kahit na matagal na niyang hawak ang pamulsuhan ko ay hindiman lamang ito namawis. Masnamamawis pa nga ang mga palad ko sa tensyon na binibigay niya s’kin. Lalo na’t ramdam ko ang init na binibigay ng palad nito sa balat ko.
Sandali akong umayos ng tayo saka tumukhim. Nakuha ko naman ang atensyon niya na busying busy pa rin sa pagsilip sa mga kababaing humahabol s’min. Kunot- noo niya akong nilingon. Gamit ang mga mata ko Itinuro ko ang direksyon ng mga kamay naming hawak niya pa rin. Hindi naman ako nabigo at napunta ang paningin niya doon at nakita ko ang pamimilog ng mga mata nito. Mukhang doon niya lamang din na pagtanto na kasalukuyan niya pa ring hawak ang kamay ko.
Mabilis niya itong binitawan. Umayos siya ng tayo sa harap ko at ilang beses rin nagpakawala ng pagtikhim. Pinagmasdan ko lang siya at sinuri ang bawat galaw nito. Natulala naman ako ng magtama ang mga mata namin. Hindi ko alam kung ilang oras kaming nasa ganoon sitwasyon ‘yon. Ilang minuto’t sigundong nabalot ng katahimikan ang pagitan naming dalawa.
Napakaaliwas ng kalangitan ngayon. Natatakpan ng ulap ang maliwanag na araw dahilan para magdim ang paligid. Isang malamig at sariwang hangin ang dumaan sa pagitan naming dalawa kasabay ng mga tuyong dahong tinatangay nito. Mga puno’t damong nagsasayawan at mga ibong humuhuni na tila nagiging musika sa aking pandinig. Kitang kita ko ang paggalaw ng kaunting buhok na nakaipit sa subrerong suot niya na nasa noon nito. Tumatama ito sa singkit at mapungay niyang mga mata.
Hindi koman lang nakitang kumurap ang mga mata nito. Diretso lamang itong nakatingin s’kin na para bang wala itong balak na sumuko o umiwasman lang ng tingin.
Sa pagkakataong iyon, masasabi kong ngayon lamang ako nakipagtitigan ng ganito katagal sa taong ngayon ko lamang nakita at hindi ko pa lubos na kakilala. Nabalik lamang ako sa ulirat ng tumalikod na siya s’kin. Doon lamang ako natauhan at nagkalakas ng loob para makapagsalita.
“ s-sandali…” pinigilan ko siya hindi dahil malalim na dahilan kung hindi dahil wala na talaga akong pagpipiliin. Kailangan kong malaman kung na saan ang deans office dahil hindi naman ako pamilyar sa lugar na ito at isa pa, kapag iniwan niya ako dito at lumabas ako sa pinagtataguan namin ay baka makita ako ng mga tagahanga niya at mamikilala ako, at ako ang paginitan ng mga ‘yon.
Tumigil siya sa tangkang paglalakad niya. Matagal bago ito lumingon s’kin. Hindi ko naman inalis ang desidido kong mga tingin sa kaniya. makalipas ang ilang sandali ay humarap itong muli s’kin. Iyon na naman ang kakaibang tingin niya. Kahit saan anggolong tingnan, wala akong makitang kahit na anong imosyon sa mga mata niya.
Malamya akong tumawa sa harap niya habang nagkakamot ng batok. “ a-ahh, hehehe. Itatanong ko lang sana. Saan ba dito ‘yong deans office?” hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang labis na hiya ko habang sinasabi ko ito sa kaniya. Hindi siya agad umimik. Pinagmasdan niya lamang ako na para bang nagiisip pa siya ng pwedeng isagot sakin o baka wala talaga siyang planong tulungan ako.
“ a-ahh, ano kasi bago lang kasi ako dito. Wala pa akong alam sa pasikot- sikot kaya—-” hindi ko na nagawa pang imatuloy ang sasabihin ko ng bigla na lang niya akong lapitan at hawakan na naman ako sa pamulsuhan.
Walang imik itong iginaya ako paalis sa likod ng gusali. “ t-teka sandali,” hindi ko na nagawa pang magtanong o magsalita. Hindi ko alam kung bakit para na namang may nakabara sa lalamunan ko para hindi ko maituloy ang mga gusto kong itanong sa kaniya.
NAKARATING kami sa isang kakaibang gusali na katabi lamang ng gusali ng gymnasuim. Napakalaki nito at hindi ko siya maihahalintulad sa ibang mga gusaling nadaanan ko kanina. Sandali kong tiningala ang mataas na gusaling ito bago muling binalingan ng tingin ang lalaking nasa harapan ko. Binitawan na niya ang kamay ko ng mapunta pareho ang paningin namin dito. Nakaramdam naman ako ng pagkailang kaya’t hindi ako masyadong makatingin sa kaniya ng diretso, pero hindi ko alam kung saan siya nakakakuha ng lakas para titigan ako ng diretso sa ganitong nakakailang na systema.
“ a-ahh. b-bakit—-”
“ akyatin mo lang ang building na yan. Sa 5th floor ang dean’s office ni mr. Clymer.” natigilan ako at natulala ng marinig ko ang tono ng beses niya. Kahit ang pananalita nito ay kakaiba rin ang dating s’kin. Napakalalim ng boses niya na paniguradong kahit na sinong makarinig nito ay agad na mabibighani.
Sa pagkakataong ito, Muli na naman niyang sinalubong ang mga mata ko pero mga oras na ito ay sandali lamang iyon. Inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng kaniyang patalon saka nagsimulang maglakad at nilagpasan ako. Nakasunod lang ang mga mata ko sa kaniya hanggang sa tuluyan na siyang makalayo s’kin.
Gusto ko pa sana siyang pigilan at magpasalamat sa ginawa niyang kabutihan para sakin pero wala na talagang lakas ang labi ko para magsalita pa. Nakita ko na lang ang sarili kong nakangiti sa kawalan habang pinagmamasdan ang malayo niyang rebulto Habang may ilang katanungang sumagi sa isipan ko. Kailangan ko kaya siya muling makikita? Panigurado naman akong muling magtatagpo ang landas namin dahil iisa lamang ang mundong ginagalawan namin at kapag nangyari iyon.
Sisiguraduhin kong malalaman ko na kung anong pangalan niya at makakapagpasalamat na rin ako sa kaniya.
ILANG BESES akong nagpapakawala ng mabibigat na paghinga habang kasalukuyang nakatayo sa tapat ng pintuan ng deans office. Hindi ko mawari kung bakit ganito na lamang ang labis na kaba. Kukuha lang naman ako ng schedule at ilang impormasyon para malaman ang patakaran ng paaralang ito. Hihingi na rin ako ng mapa para makasigurong hindi ako maliligaw sa paraalan na ito.
Minsan na kasing nakaharap ako ng terror dean. ‘yong dating pinapasukan ko. Unang araw ko pa lamang doon ay talagang halimaw na ang nakaharap ko sa deans office. Hindi ko nga alam kung anong kasalanang ginawa ko sa dean na iyon at grabe siya kung makasigaw s’kin.
Kaya’t ilang beses ko ring sinasabi at hinihiling sa ‘aking isipan na nasa’y wala akong halimaw na masugapa ngayong unang araw ko sa paaralang ito. Muli akong nagpakawala ng ilan pang malalim na paghinga bago ako lakas loob na tiningnan ng diretso ang pintuang nasa harapan ko.
Iniangat ko ang nakamao ko at tangka ko na sana itong kakatukin ng may magsalita sa loob na ikinagulat ko. “ come in” nangatal ang kamay ko sa takot at pagtataka. Hindi pa naman ako nakakakatok pero nagsalita na agad siya.
Ngayon pa lang ay gusto ng tumakbo ng mga paa ko palayo sa tapat ng pintuang ito dahil sa takot na baka halimaw nga ang makaharap ko sa likod nito O masmatindi pa. Pero sa huli, wala na akong nagawa kung hindi buksan na lamang ang pintuan na ito. Nilakasan ko na lamang ang loob ko. Wala na akong pagpipilian dahil kailangan ko talagang malaman ang schedule ko at classroom na lalagian ko ngayong araw.
NALAGLAG naman ang panga ko at natulala ng bumungad s’kin ang isang matipunong nilalang na nakaupo sa swivel chair at seryoso itong nakatingin sa folder na hawak niya. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong ireact o dapat ba akong magdiwang dahil mukhang nagkamali ako sa ideyang naisip ko kanina.
Isa lamang ang Masasabi ko sa taong ito. He si so perfect. base pa sa pangangatawan nito ay mukhang nasa 30 na ang idad nito pero sa itsura niya ay mukha pa siyang nasa idad 18 pataas. Perpekto rin ang pagkakahubog ng mukha nito, ang mga mata niyang mapungay lalo na’t seryoso itong nakatingin sa binabasa niya. Napansin ko rin ang maliit at manipis nitong labi. Litaw na litaw din ang matangong nitong ilong dahil side view ito s’kin.
Pakiramdam ko ay gusto ng magwala ng puso ko dahil sa kagwapuhan ng lalaking ito. Hindi rin ako makapaniwalang siya ang dean na bubungad s’kin. Sinbukan kong libutin ng tingin ang paligid ng office na ito at nagbabaka-sakaling may iba pang tao dito at nagkamali lamang ako ng iniisip, pero wala akong kahit na isang taong nasumpukan sa loob nito maliban sa kaniya.
Mukhang siya nga ang dean ng XU. Napunta ang paningin niya s’kin at nagulat ito ng makita niya ako pero agad din iyong nawala at sinalubong ako nito ng nakakalaglag panting ngiti. Sa mga oras na iyon, Hindi ko alam kung ano bang dapat kong itugon sa kaniya. Ang ngitian din siya pabalik o kawayan na lamang.
“ikaw pala ms. Cyton. I expected that you come” may galak na wika niya at sinara na nito ang folder nahawak niya at sandali itong inilapag sa lamesa. Inilahad niya ang kaniyang palad sa direksyon ng mono block na nasa harapan ng mesa niya. Hindi na naman ako nagdalawang isip at naupo na doon.
Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito na lang ang kaba ko. Wala naman siyang ginagawa sakin at isa pa, hindi naman siya mukhang terror dean pero bakit kailangan ko pang kabahan?. Sinikap ko na lang patatagin ang sarili ko. Siguro dahil ganito na talaga ako sa tuwing may makakaharap akong gwapo. Lagi akong nanlalabot at kinakabahan. Natatakot na baka magkaroon ako ng pagkakamali at mapahiya sa harap ng makisig na nilalang na ito.
“ hi, i’m the dean of this school” pagpapakilala niya sa kaniyang sarili at inilahad nito ang kaniyang kamay sa harap ko na agad ko namang tinanggap. Nagdadalawang isip pa nga ako noong kamayan ko siya dahil natatakot ako na baka maramdaman niyang kinakabahan ako dahil sa panlalamig ng palad ko. “ and your kelly cyton, rigth?” nakangiting wika niya s’kin. Agad ko ng binawi ang kamay ko sa kaniya dahil sa tensyon na nararamdaman ko.
“ o-opo” tugon ko sa tanong niyang iyon.
Kakaiba kasi ang dating sakin ng ngiti niyang iyon. Kitang-kita ang maliliit niyang ngipin. Maslalo naman akong kinabahan dahil sa pagtawa niya na halos kumalat sa bawat sulot ng silid na ito.
hindi ko alam kung saan ba siya natatawa. Dahil ba sa reaksyon ko o dahil natatawa lang talaga Ito. Sumandal siya sa sandalan ng swivel chair. Pinagmasdan ako ng hindi nawawala ang nakakailang na ngiting iyon. Hindi ko mawari kung sinusuri niya ba ako o kinikilatis. Base kasi sa nakikita ko ay ganoon ang paraan ng pagtitig niya s’kin. Naiilang na lang din akong natawa para mawala ang nakakailang na tensyon na dala ng tingin niyang iyon.
Hindi ko rin maiwasang mapakali sa kinauupuan ko. para bang hindi ako komportable sa upuang ito. “ you look tense miss cyton. Ayos ka lang ba?” tanong niya. Hindi ko matunugan ang tono ng boses niya. Hindi ko alam kung nagaalala ba ang paraan ng pagtanong niyang iyon na ewan.
Ang hirap niyang basahin. “ hehehe. Hindi naman po, medyo naninibago lang po ako” ‘yan na lang ang nasabi ko ng hindi siya tinitingnan ng diretso sa mga mata. Sinikap ko na lang aliwin ang sarili ko.
Nilibot ko na lamang ng tingin ang kabuoan ng opisina niya. Simple lang ang ayos at deseniyo ng paligid pero napakalawak nito na sa tingin ko’y katumbas ng dalawang silid ang lawak. Hindi ko rin maiwasang mamangha dahil ngayon lamang ako nakakita ng opisina na may kasamang maliit na sala. Sa maliit na salang iyon ay may isang maganda at mamahaling sofa, at sa gitna nito ay may babasaging maliit na mesa. nakalagay sa maliit na mesang iyon ang nagkukumpulan na rosas na nakalagay sa isang vase.
Sakabilang side naman ng opisina niya ay may limang malalaki at mataas na locker. Mukhang dito nakalagay ang mga importanteng papeless ng school.
“ wala pa ring ipinagbago, kamukhang- kamukha mo talaga siya” mahinang sambit niya ngunit sapat lamang para marinig ko iyon.
Nang muli ko siyang balingan. Nagiba ang expresyon ng mukha niya. May kung anong lungkot na nakakubli sa paraan ng pagtitig niya s’kin at Ngayo’y may bahed na ng pait ang ngiting nakasilay sa kaniyang labi.
“ p-po?” nagugulumihanang tanong ko. Gusto kong magtanong sa kaniya pero hindi ko naman magawa dahil para na namang may kung anong nakabara sa lalamonan ko at isa pa, nagiingat ako sa mga pwede kong sabihin dahil baka magevolve ang lalaking ito at maging halimaw tulad na lamang ng dean sa unang paaralang pinasukan ko.
Mariin siyang pumikit saka umiling. “ nothing, don’t mind me” bigkas niya saka ito muling tumingin s’kin. Sa pagkakataong ito, iba na ang paraan ng pagngiti at pagtingin niya s’kin. Isang ngiting may kagalakan. Hindi koman siya naiintindihan ay sinubukan ko pa rin siyang tugunan ng ngiti. Sinikap kong ngumiti sa kaniya ng ayos upang hindi mahalata nito ang pagtataka at pagkalito ko sa ikinikilos niya.
“ anyway…” bumangon siya sa pagkakasandal niya sa swivel chair at magkahawak kamay niyang ipinatong ang dalawang braso sa lamesa saka ako kaswal nitong tiningnan. “i’m jack clymer. The dean of xen unversity and i want to give you a good welcome here. Nawa’y magustohan mo ang paaralang ito” maginoong wika niya.
Hindi ko talaga maintindihan ang kilos at paraan ng pagbabago ng imosyon niya. kanina lamang. Sa unang pagtungtong ko sa opisinang ito ay hindi na ako mapakali dahil sa paraan ng pagngiti at pagtitig niya s’kin. Tapos ay muling nagbago ang reaksyon niya at may kung anong kalungkotan na kumumbli sa mukha niya na para bang may kung ano itong nakita s’kin.
At ngayo’y ngingiti siya na para bang ewan. He so weird. Ganito ba talaga ang dean ng paaralang ito. “ a-ahh, nice to meet you then…. At salamat po sa pagwelcome” Iyan na lamang ang nasabi ko ng hindi ko inaalis ang ngiti sa labi ko.
Muli niyang kinuha ang folder na kaninang ipinatong niya sa lamesa saka ito muling binuksan. Seryoso na naman ang mukha nito at namumungay ang mga matang pinagmamasdan ang bawat na sulat sa folder na iyon. “ naandito ka para kunin ang schedule at mga dapat mong gawin tama ba?” tumango ako sa unang tanong niya.
Masgusto ko na ang paraan ng pagkilos niya ngayon. Hindi na ako masyadong kinakabahan. Hindi tulad kanina na halos pagpawisan na ako ng malamig gayong may aircon naman sa loob ng silid na ito. Muli niyang inilapag ang folder na iyon saka ito tumayo at may kinuhang kung ano sa locker. Ilang sandali lang ay muli siyang bumalik at umupo sa harap ko na may dalang isang folder. Iniabot niya ito s’kin na agaran ko namang tinanggap. binuksan ko ito at tiningnan ang bawat nakasulat sa bawat pahina ng folder.
“ naandiyan lahat ng kailangan mo. Ang kailangan mo na lang gawin ay sauluhin ang schedule at sundin ang mga patakaran ng XU..”
Hindi ko na binasa pa ang ibang nakasulat sa folder na ito. Baka kasi maubusan pa ako ng oras kapag dito ko pa binasa ang mga kailangan kong gawin. Masmabuting sa daan na lang. Nakangiti kong binalingan si mr. Jack ng maisara ko na ang folder. “ maraming salamat po talaga mr. Jack. ” wika ko at tumayo ng may paggalang. Sinabayan niya rin ako sa pagtayo ko at inihatid pa ako nito sa paglabas ko ng opisina niya.
Hindi naman mahirap maging kaibigan si mr. Jack. Masasabi kong freindly pala siya kahit na medyo naweweirdohan ako sa kaniya. laking pasasalamat ko na rin dahil hindi terror ang nakaharap ko sa unang araw na ito.
Pero hindi naging madali para sa unang araw ko, ang paghahanap ng silid na unang papasukan ko. Ilang beses pa akong naligaw at napunta sa isang room. May ilan ngang tinatawanan ako at pinagbubulungan. Buti na lamang at may isang busilak ang pusong tumulong sakin para mahanap ko ang classroom na unang papasukan ko.
May nadadaanan kasi akong janitress sa hallway. Naglilinis siya ng mga bintana. Wala na rin pating masyadong studiyante kaya’t medyo kinakabahan na ako dahil baka malate ako sa unang araw ko. Itinanong ko sa janitress na iyon kung saan ang classroom na nakasulat sa folder na ibinigay s’kin ni mr. Jack at laking pasasalamat ko naman at inihatid pa ako nito sa silid na hinahanap ko.
May ilan kasi sa pinagtanongan ko na mali ang direksyon na ibinigay nila at ang iba naman na sinubukan kong pagtanongan ay tinataboy lang ako na para bang hindi ako bilong sa kanila. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita kong wala pang guro sa loob ng silid na kasalukuyang nilalagian ko ngayon. Nakatayo ako sa tapat ng pintuan at sinisilip ang loob kung nagsisimula na ba ang klase. Lumawak ang ngiti ko sa kadahilanang wala pa ang guro namin.
Marami nang studiyante sa loob at mukhang ako na lang ang kulang. dito na ako sa backdoor pumasok. Ayoko kasing maaagaw ang atensyon nilang lahat at lalo na’t bagohan lamang ako dito. Nababalot ng ingay ang bawat sulok ng silid. May mga nagtatakbuhan at naghaharutan. May nakikita rin akong nakaupo sa lamesa habang nagkwekwentuhan ang mga ito. Sari-saring itsura ang mga nakikita ko. May loner, clown, groups of friends, mga mahilig magpaganda at iba pang makikita sa loob ng silid na ito. At alam kong hindi rin mawawala dito ang mga bullied.
Napailing na lang ako at naghanap na ng mauupuan. Gusto ko sanang maupo sa unahan kaso mukhang wala na akong lugar para maupo pa doon at halos lahat kasi ng tao ay doon nagkukumpulan. May ilan pa ngang nagsusulat sa blockboard ng kung ano-ano.
May nakita pa akong ilang bakanteng upuan dito sa likod. Doon na lang ako nagtungo sa unahan ng limang bakanteng upuan. May isa pa kasing bakante doon at sakto namang katabi pa ng bintana. Pabagsak kong iniupo ang sarili ko doon at napakabigat na pagbuntong hininga ang pinakawalan ko sa ere.
Unang araw ko pa lamang sa Paaralang ito ay naging ganito na katindi ang pagod ko. Paano pa kaya kapag tumagal ako dito. Nakangiwi ang labi ko ng bumangon ako sa pagkakasandal sa upuan at bahagya kong hinilot ang binti ko.
Hindi ko mabilang kung ilang hagdanan ang inakyat ko para lang mahanap ang classroom na ito. Hindi ko rin alam kung ilang timbang na ng pawis ang nawala s’kin dahil ilang beses akong nagpabalik-balik ng pagbaba at pagtaas ng mga hagdanan sa paaralang ito.
✎✐✎✐✎✐✎✐✎✐✎✐✎
#FGFIWM
A|N: magandang umaga’t magandang gabi Sa inyong lahat mga binibini’t ginoo. Nakaroon lamang ng kaunting problema sa wattpad apps ko kya iyong naunang post ko sa akdang ito ay bigla na lang nawala. Nakakainis nga e’ first ko pa lang naman ito pero oky na iyon. Hindi naman ako iyong tipo ng binibini na agad na sumusuko sa simpleng problema Lamang. Naway maiibigan niyo ang kwentong ito kahit nagsisimula pa lamang ako bilang isang manunulat sa mundo ng wattpad.
————–
Ang storyang ito ay pawang katang-isip lamang. Ang mga pangalan, tauhan at pangyayari ay bahagi ng imahinasyon ng may akda. Huwag niyong masyadong seseryosohin ang mga nababasa ninyo sa kwentong ito. Nais ko lamang na mapasaya at maibigan ninyo ang kwentong ito at bukod doon, unang pagkakataon ko pa lamang na maisulat ang kwentong ito dito sa mundo ng wattpad kaya’t sana’y maibigan ninyo ito. Nais ko rin marinig kung ano ba ang inyong opinion. Tumatanggap din ako kung ano mangpagkakamali sa kwentong ginawa upang maslalo pa akong mahasa sa aking pagsusulat. Muli, ang mga gaganapan, trahedya at pangyayari sa kwentong ito ay walang kinalaman at katotohanan.
this work of fiction. Name, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imaginations are used in fictitious manner. Anyresemblance to actual persons. Living or dead, or actual events is purely coincidental.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top