Pakanta-kanta at nangingiti si Run habang bitbit ang dalawang lunch box ng cake na binake niya kahapon, plano ng dalaga na dalawin ang noo’y long time boyfriend niyang si Dein dahil anniversary nila ngayon at nagbabalak siya yayain itong lumabas after class upang I-celebrate ang sana noo’y 7th Anniversary nila. Naisipan niya ring dalawin ito dahil for some reason ayaw na ayaw nitong dumalaw siya o nagagawi sa building nito. Ewan ba niya samantalang isang beses pa lamang siyang nagawi roon, ngunit galit na galit ito ng matuklasan nito ang pagtungo roon at halos makipag-hiwalay pa sa kaniya. Ngayon malakas ang loob niyang dalawin ang gusto dahil may atraso ito sa kaniya, ni hindi nga siya nitong nagawang ihinatid pauwi sa bahay nila kahapon!
“Oyy si Run sa’n punta mo? Mukhang good mood ka ah?” Tawag sa kaniya ni Mika isa sa mga malalapit na batch mates ni Dein sa University nila.
Tumango siya at tinuro ang building na nasa harapan. “Oo, balak ko kasi sanang dalawain si Dein.” Ngiti niya.
Humagikgik ito. “Nako ‘yang si Dein, sinasabi ko sayo.” Tumawa pa ito. Umiling siya at tumawa rin sa sinabi nito.
“Hindi babaero si Dein noh!” Wika pa niya na ikinangisi nito, naglakad na siya paalis roon. May kumpyansa siyang hindi siya lolokohin ni Dein, sigurado siya roon. Hindi nito gagawin iyon.
“This is Bullshit! Run!” Galit na wika ni Dein ng makita siya nito sa labas ng classroom nila, gumawi pa ang tingin nito sa kaliwa’t kanang pasilyo saka tumingin sa kaniya. Ngumiti si Run, iyong ngiti nadating nagpapangiti rin sa kasintahan noon.
“Hey babe. Happy 7th Anniversary.” Iniabot pa niya rito ang dalawang lunch box ng cake, dalawa talaga iyon para mabusog ito. “Ahm pasensya ka na hindi ako nagsabi na pupunta ako rito, kasi naman ayaw mo akong pinapapunta rito eh.” Reklamo pa niya.
“Diba nga sinabi ko sayo na ayaw kong nagtutungo ka rito, bakit ba ang tigas ng ulo mo?!” Sigaw nito, napapikit na siya sa lakas noon. Ramdam niya pinagtitinginan na sila ng mga istudyante sa building. Mabilis siya nitong hinawakan sa braso at hinila siya nito palayo roon. “What a fucking hard headed, ewan ko ba’t pinagtitiisan pa kita.” Dein murmured.
Ramdam niya ang paghigpit ng hawak nito sa kamay. Is he really that mad at her? Kinakabahan tuloy siya, hindi naman niya alam na ganito ito kagalit kapag nalaman nitong nagtungo siya roon, ngunit sa pangalawang beses na pagpunta niya rito ay siya ring magdudulot ng desisyong hindi niya mapaniwalaan.
“Do you understand what I said, Run? Itatak mo dyan sa makitid mong utak na I don’t fucking need this, I don’t fucking need you!” Dein said while staring at her blankly.
Napapikit si Run dahil hindi rumehistro sa kaniya ang sinabi nito. May nagawa ba siyang mali? Sinuprise niya lang naman ito ah? Dahil Anniversary nila ngayon, may nagawa ba siyang hindi nito nagustuhan? Iyong pagpunta niya ba sa building nito, iyon ba yon?
“Let’s break up!” Parang gumuho ang mundo ni Run sa tatlong salitang binanggit nito.
“D-Dein.” Tawag niya rito habang pilit na inaabot ang kamay nito. “M-may h-hindi ka ba n-nagustuhan?.” She asked. “H-hindi ko alam s-sorry, promise. H-hindi na ako pupunta dito. Hindi na kita pupuntahan. Please, h-huwag mong gawin sakin ‘to.” She desperately cried.
“I’m done with you, you’re so fucking hard headed. Nagsasawa na ako sa ugali mo. Tangina! Nakakasakal ka na!” Sigaw nito sa kaniya. Sinubukan ni Run na muling hawakan...