HAVING A BOYBESTFRIEND MATERIAL


❥𝐋𝐒 𝐂𝐫𝐮𝐱’𝐞𝐢𝐳
[Typos and grammatical errors ahead]
Sabay kaming naglalakad ng kaibigan kong lalaki pauwi, looban ang bahay namin kung kaya’t dadaan ka muna sa masikip na daan bago ka makarating sa mismong tirahan mo.
“Sam, tapos mo na ba yung assignment natin?”napatingin ako sa kanya at umiling.
“Hindi pa, lumulutang kase ang isip ko at hindi ako makahanap ng exact knowledge sa essay natin para bukas.”
“Ayos lang yan, kumopya kana lang sakin, pero ibahin mo ng konti.”napangiti ako at tumango.
“Maraming salamat.”
Napatigil kami sa paglalakad ng mapadaan kami sa harap ng bahay nila aling Beth, ang pinaka chismosa sa lugar namin, kasama nito ang tatlo niyang alagad.
“Nabalitaan niyo ba si Liyah? yung anak ni Coning, ayun nabuntis daw ng maaga.”
“Oo nga, kase naman araw-araw daw dinadala yung kaibigan niyang lalaki.”
“Sa tingin ko hindi lang naman niya kaibigan...


yun, may something sakanila.”
Nagkatinginan kami ni Rayzen at nagkibit balikat.
“Oh Samantha, sino yang kasama mo?”nagulat ako ng mapuna nila kami ni Rayzen.
“Kaibigan ko po si Rayzen.”
“Naku baka matulad ka kay Li—”naputol ang sasabihin ni aling Beth ng humarang si Rayzen.
Natawa pako ng makitang kumembot ito at nag boses babae.
“Naku manang Beth, wag na wag mong itutulad itong kaibigan ko sa tinutukoy niyo, mabait ito at may dignidad ano?, tsaka pwede bang pakealaman niyo ang buhay niyo kesa make-alam kayo sa buhay ng ibang tao, my gosh, nakaka stress kayo.”hinila ako nito habang kumekembot.
“Pft, bagay pala sayo maging bakla eh.”napalingon ito sakin at sinamaan ako ng tingin.
“Damn you, magpa-salamat kana lang at niligtas kita sa mga tsismosang yun.”natawa ako sa inasal nito bago siya yakapin.
“Salamat po master!”sabay kaming natawa at napailing-iling na lamang.
@Eunha






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top