My BestFriend’s Husband Chapter 35


#Mystery_Triller_Romantic_Drama
🧑Vencent POv
Hindi ko sinasadyang masampal si Stephanie dahil sa pinagsasabi nya.
Hindi ko alam kong maniniwala ba ako sa mga pinagsasabi nya na si Megan ang kaharap ko at nakikihati lang ang kaluluwa ni Stephanie sa katawan ni Megan..
Kaya hito hinimatay sya dahil sa sama ng loob sa akin at dahil din sa buntis sya.
pinahiga ko mona sya sa Sofa. Hinintay na magising sya pag d pa sya magising ng 20 minutes ay dadalhin kona sya sa Hospital.
Hindi parin ako makapaniwala na sya si Megan. All this Time nakakasama ko pala ang babaing mahal ko. Pero hindi na sya ang babaing mahal ko dahil kamukha na nya ang kapatid kong si Stephanie.
At ang boung akala ni Megan sya ang totoong Stephanie dahil wala syang maalala.
Hinawakan ko ang mga pisngi nya
Kaya pala minsan kakaiba sya. nag iiba sya ng ugali.
Napansin kong dumilat na sya.
Kakaiba ang mga titig nya. Sya parin kaya si Stephanie?
“A-Ano pong nangyari Sir Vincent?! May nangyari po ba?” Pagtataka nyang tanong sa akin na parang hindi alam ang pag aaway namin kanina.
“Megan? Ikaw na ba yan?” Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapa-tanong hindi ko alam pero hindi ako makapaniwala na sya si Megan.
Kita ko sa mukha niya ang pagtataka.
“Sir hindi po ako si megan? Ako po si Stephanie. Lasing nanaman po ba kayo?” Tanong nya saakin.
Hindi ko masabi kung nagpapanggap lang si Stephanie na sya si Megan. Pero bakit parang gusto ko nang maniwala na totoo ang sinasabi ni stephanie na sya talaga si Megan.
“hindi … hindi ako lasing ihahatid na kita?”
“po! Gabi na po ba? Ano po ba ang nangyari? Nakatulog po ba ako. Kasi po wala po akong maalala. ” Kinakabahan nyang sabi.
“Oo! Nakatulog ka nga kanina.”
“ah! Ser siguro naman po wala po akong ginawang masama diba? ”
“Wala naman. ”
“Sure po ba kayo Sir? Wala po ba kayong napapansin na weird saakin. Baka kasi kung ano ano nanaman ang ginawa ko. May mga nasasabi ba akong kakaiba? Kung mayron man ako na po ang humihingi ng pasinsya.”
“Minsan.. nag iiba ka ng ugali..”
“naku po! (Natakot) … patawarin nyo po ako actually po sir pag nasstress po ako bigla po akong nag iiba. Iba na ho ang katauhan ko at kung may mga nasasabi po akong hindi nyo nagugustuhan sana po mapatawad nyo ako. ”
Natataranta nyang sabi.
Kaya naniniwala na ako na dalawa silang nabubuhay sa iisang katawan. Katawan ni Megan ngunit mukha at Pangalan ni Stephanie ang ginagamit.
“Actually po Sir. . May D.I.D condition po ako may nabubuhay po sa loob ko na ibang katauhan.. sumusulpot sya minsan kya nag iiba po ang personality ko. Patawarin nyo po ako kung may nasasabi akong masama sa inyo.” Naguiguilty nyang sabi
“Naiintindahan na kita.”
“pasyensiya na po talaga?”
“wag kanang mag hingi ng pasyensiya. Naiintindihan ko. ”
” Sir! May itatanong po sana ako sayo. Wag sana kayong magagalit sa itatanong ko.” Nag aalinlangan pa syang sabihin yun.
“Ano yun?”
“Dahil wala akong maalala Tungkol sa atin. At dahil na-curious ako at napapa isip kung bakit masyado kang nag alala sa akin. May relasyon po ba tayo? Ako ba ang dahilan nang paghihiwalay nyo ni Megan?”
Napangiti lang ako at tumingin sa kanya ng diristo.
“Naniniwala na talaga ako na dalawa nga kayong nabuhuhay sa katawang yan. . Wag kang mag alaala hindi ikaw ang dahilan ng paghihiwalay namin ni Megan. ”
Nakahinga ng maluwag si stephanie iwan naguguluhan ako kung tatawagin ko ba syang megan o stephanie. Pero dahil boung akala naman nya ay sya si Stephanie ay stephanie nalang ang itatawag ko sa kanya.
“Alam kong magkaibigan tayo noon. Pero bakit masyado kang nag alala sa akin na para bang lampas pa sa pagkakaibigan.?
“wag kang masyAdong ma-stress baka sumulpot nanaman si Stephanie I mean yung isa mong personality. Nakakatakot sya.”
Bigla syang napatingin saakin kaya nagtama ang mga mata namin. Hindi ko sya mabasa pero pakiramdam ko ramdam ko parin na sya ang kapatid kong si Stephanie.
Nawala ang pag alala ko ng bigla syang ngumiti saakin.
“Ganon din ang sabi Andrew. Mas gusto daw nya akong kausap kumpara kay Tiffany”
“Huh?” Nabigla ako sa sinabi nya. Alam din pala ni Andrew ang nangyayari kay Stephanie
“Tiffany kasi ang pangalan ng isa ko pang personality. Ako naman si Step para may palayaw kami. Kaya tawagin mo akong step. . Kung ayaw mo sigi stephanie nalang ang itawag mo kung nasanay kana.” Mahinahon nyang sabi at mukhang naiilang pa.
“Step yung palayaw mo? ”
Tumango naman siya.
“Alam ni Andrew na may dalawa kang personality?” Tanong ko sa kanya.
“Oo sinabi ko sakanya kasi naman pinagbibintangan nya ako sa hindi ko naman ginawa. Kaya yun sinabi ko sa kanya ang lahat at dahil kilala ko si megan kinukulit nya...


akong maalala ang lahat para maalala ko kung saan man ngayon si Megan.”
“Hindi mo kailangang maalala ang lahat, mas mabuting wala kang maalala. ”
“Pero bakit hindi pwedi na maalala ko ang lahat.
“Magsimula tayo ulit. Magpakalayo-layo nalang tayo. ”
“bakit naman tayo magpakalayo-layo ? Sabihin mo nga sa akin ang totoo. May relasyon ba tayo? Bakit ganyan ka ka dispirado na umalis kasama ka?”
“Hindi na yon importante. Ang mahalaga ay ang makalayo tayong dalawa.”
” ayaw kung sumama sayo. ”
“Bakit?” Nagtataka nyang tanong na may kunting galit
“Hanggat hindi ko maalala ang lahat hindi ako aalis. Kaya ihatid mo ako mona ako please!”
🌹Step(Megan) pOV
Lalabas na sana ako kaya lang biglA nya akong hinawakan sa kamay para pigilan akong umalis.
Napahinto nama ako paglalakad at dahan dahan kung ibinaba ang paningin ko sa kamay nya na kasalukuyang nakahawak sa kamay ko. Muli akong tumingin sa kanya at kita ko rin ang pagkabigla nya sa pag pigil saakin.
“Wag kang bumalik kay Andrew. Please!” Nagmama kaawa nyang sabi saakin. Na hindi ko parin maintinidahan kong bakit sya nagkakaganito.
Kumawala ako sa pagkakahawak nya saakin.
” Hindi ito tama. . Sir Andrew. Sya ang ama ng dinadala ko. At kahit isumbat sa akin ni hena na 3rd party ako wala akong paki. Gusto ko Isilang ko ang bata kasama si Andrew. At kahit bumalik man sa kanya si megan wala akong paki alam.” Mahinahon kong sabi sa kanya.
Kita ko nanaman sa mga mata nya ang pagkadurog ng puso nya.. bakit ba sya nagkakaganito? Bakit ako naapiktugan ng ganito pag nakikita syang umiiyak din.
“Hindi mo sya dapat mahalin!” Naiiyak nyang sabi.
“at bakit hindi. Alam kung mali dahil may asawa na sya. pero pakiramdam ko gusto ko sya. Gusto ko syang makasama . Kahit ayaw nya sa akin” sabi ko pa kay Vincent.
Kita ko sa mga mata nya ang pagka inis at pagka dismayado nya.
💔Vincent POV
Parang nadudurog ang puso ko sa mga sinabi saakin ni Step o si Megan. Bakit ba sya ganito. Kahit wala na syang maalala bakit. . Nagagawa parin nya akong saktan ng ganito.
Hndi sya dapat bumalik kay Andrew. Ako dapat ang balikan nya. Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi sya bumalik kay Andrew
“Hindi mo sya dapat mahalin. Stephanie. Dahil magkapatid kayo.” Ito lang ang paraan para wag na syang bumalik kay Andrew
Nagulat sya sa sinabi ko. Halatang hindi sya makapaniwala sa sinabi ko. Nagsinungaling ako dahil ayaw kong bumalik pa sya kay Andrew. . Ngayong alam kona at nasisiguradong sya nga si Megan. Kaya hindi ako papayag na si Andrew ang balikan ni Megan. Sa akin lang si Megan.
“Anong ibig mong sabihin?” Nanginginig sya sa pagkabigla .
“Kaya ako nagagalit nang malaman kung si Andrew ang ama ng pinagbubuntis mo ay dahil magkapatid kayo. Si Mr.Garcia ang tunay mong ama.”
Halong imosyon ang nakikita ko kay Step/ o megan. Sana mapatawad nya ako sa mga kasinungalingan sinabi ko sa kanya.
” Sinungaling ka!” Sigaw nya saakin.
“Nagsisinungaling kalang diba?” Nanginginig ang bou nyang katawan sa subrang pagkalito at pagkabigla sa mga sinabi kong kasinungalingan.
” yun ang totoo. Magkapatid kayong dalawa. Kaya wag kanang bumalik pa sa kanya. Please.”
“Sinisiraan mo lang ako kay Andrew hindi diba!” Naiiyak naman nyang sabi.
“Maniwala aka Dahil yun ang buong katutuhanan. Kaya kita ilalayo. Dahil magkapatid kayo. ”
“Hindi yan totoo. Kasinungalingan lang ang mga pinagsasabi mo bawiin mo yang mga sinabi mo. Hindi! Hindi kami magkapatid ni Andrew. .”
Gusto nyang sumigaw pero di nya magawa . Kita kong nahihirapan na rin syang umiyak at ayaw pring paniwalaan ang mga sinabi ko.
Gusto ko syang lapitan pero kusa syang lumalayo sa akin. Sa subrang pagkabigla nya at namalayan ko nalang na bigla syang hinimatay.
” Megan!” Hindi ko mapigilang isigaw ang pangalan nya.
Dali ko syang binuhat at agad na dinala sa hospital.
Habang naghihintay ako ng resulta ay diko mapigilang maguilty sa sinabi ko. Bakit ko ba iyon nasabi. Ayan tuloy nahimatay sya.
Lumabas na ang Doctor na tumingin kay Stephanie
“Doc. Kumusta na po sya?”
“Masyado na syang na-stress kaya hinimatay sya. Sinabi ko naman sayo na bawal sa kanya ang ma-stress. Pag ganito lagi ang setwasyon nya baka mapahamak ang batang nasa sinapupunan nya. ”
” kasalanan ko ito. hindi ako nag iingat sa sinasabi ko sa kanya. Pwede ko na po ba syang puntahan? ”
“Oo maari mona syang makita.”
Isa nanamang lihim ang nalaman ko tungkol sa pagkatao ni Stephanie.
Hindi ko na alam gagawin ko paano ko pa mamahalin si Megan ko ang boung akala nya siya si Stephanie .
Hindi ko alam ang gagawin ko.. bakit pinaabot pa dito ni Stephanie ang lahat.
Lumapit na ako kay Megan nakita ko masama ang mga titig nya sa akin baka si Stephanie nanaman ang sumulpot.
To be continue.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. I and also my buddies ended up examining the excellent techniques from your site and then then I got a horrible feeling I had not thanked the website owner for those secrets. Most of the young boys were consequently passionate to study them and have in effect certainly been tapping into those things. Appreciate your really being well thoughtful and for opting for varieties of nice things most people are really desperate to be informed on. My very own sincere apologies for not expressing gratitude to you sooner.

Leave a Reply


top