My love My hero Chapter 1.2


“My God, Randolph, malayo na Ang narating natin. Ngayon ka pa ba bibitaw?.
Tell me what happened.”
“Greena, please…”
“It’s the least you could do . Tell me!”
“I’m marrying Alexa,” nakayukong wika nito.
Wala siyang maapuhap na sasabihin. Nanatiling nakatitig lang siya rito
“They threatened to disown you, right?” Salat sa emosyong tanong niya. “Sinabi ba nilang tatangalan ka nila ng mana?” Lalo siyang nanlumo nang Makita ang kumpirmasyon sa Mukha nito.
“Patawarin mo ako, Greena.”
Mabilis niyang pinahid ang kanyang mga luha. Sa salita lang pala siya kayang ipaglaban nito. Sa bandang huli, ang maalwang pamumuhay pa rin ang pinili nito. Lalo tuloy niyang naramdaman kung gaano siya kaliit kumpara Dito.
Kung may natutuhan man siyang leksiyon sa pangyayring iyon, iyon ang katotohanang Hindi nababgay ang isang tulad niya sa isang tulad ni Randolph.
Huminga siya nang malalim pagkatapos mariing ipikit ang mga mata. Muli niyang pinagmasdan ang bahay kung saan siya mamamalagi sa loob ng anim na buwan.
Malaki ang sweldong matatanggap niya sa trabahong iyon. Sobra pa hanngang sa mga araw na kailangan na niyang maghanap na panibagong trabaho. Matatagalan Bago siya babalik sa tagaytay. O baka Hindi na. Dadalaq-dalawin na lamang niya Sina sister Adela.
Mamayang Gabi na Ang engagement party Nina Randolph at Alexa. Mabuti na lang at Wala siya room kapag naganap iyon. Sa mga sandaling iyon ay tiyak na nagtataka na Ang mga kasamahan niya sa trabaho kung bakit Hindi siya ang papakasalan ni Randolph.
Ipinakuha na lamang sa kaibigang si Ellen ang Ilan pang gamit niya na naiwan sa school. Nagkaiyakan pa sila nang magpaalam siya kina sister Adela. Alam niyang naawa ang mga ito sa kanya . At Ngayon, buong faculty ay tiyak na awang-awa rin sa sinapit niya. Marahilay mayroon ding magtataas ng kilay o maninisi sa kaniya at sasabihing masyado kasing mataasa ang pangarap niya.
Pagod na pagod na siyang kinaaawaan . Kapag may nakaalam na sa Bahay-ampunan siya lumaki at Hindi niya Kilala ang mga magulang , palagi...


siyang nakakatanggap nang naawang tingin. Noong elementary pa lamang siya , narinig pa niya pinag uusapan ng dalawang guro.
Pagkaraan ng maraming taong nagpumilt siyang magkatoon ng sariling Identity, na buuin ang kanyang pagkatao, muli nanamn siyang biniro ng tadhana. She was tired being the recipient of everyone’s pity.
Sa pagpunta niya iyon sa manila, ibang Greena na Ang ipapakilala sa Mundo . The Greena now would be more guarded . She wouldn’t allow people to get through to her. Nang sa ganoon ay hindi magkakaroon ng pagkakataon ang mga tao na masaktan pa siya o maapakan pa ang kanyang pagkatao o kaya ay kawaan ng ibang tao.
Muli siyang huminga ng malalim. She was wearing a black suit. She knew it was too formal. Sinadya niya iyon.
Inayos niya ang suot na eyeglasses. Itim din ang frame niyon. Nakapusod ang mahaba at alun-along buhok niya dati ay hinahayaan lang niyang nakalugay. Ibinalik din niya ang pagsuot ng salamin sa halip na conact lens.
She was different now. She wasn’t the Greena who thought she could have a normal life.
ARAGON would have gladly stayedin bed wasn’t for his nephew’s private tutor. Nagkakita-kita sila ng barkada niya ng nagdaang Gabi at madaling araw na ng maghiwa-hiwalay sila.
Tatlong buwan din siyang Wala sa bansa kaya grabeng kantiyaw ang inabot niya sa mga kaibigan. Magpainok daw siya,kaya. Ganoon ang nga ang ginawaniya. Halos naikot na nila ang lahat ng mga kilalang bars sa kamaynilaham.
. Anim Silang lumabas nang nagdaang Gabi. Makakaibigan na sila Mula noong nasa kolehiyo pa lamang silang natira dahil nauna nang umuwi ang mga may asawa nang Sina Rene at Darwin..
He had been to Japan, Singapore,then straight to Paris then Manila. His last dstination was mexico to where he enjoyed himself the most. He had met a lot of beautiful women along the way and they spiced up his expedition. Hindi pa sana siya uuwi kung hindi lang nag-demand ang kanyang daddy na na umuwi siya.
Well he deserved that three-month vacation. Kung tutuusin ay kulang pa nga iyon.he had been working like a horsesince he started his business..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top