Aking Prinsesa Chapter 13


Aking Prinsesa❣️
.
Chapter 13
.
Noel : ang lahat ng bahay dito ay halughugin niyo!!.(utos niya sa mga tauhan)
Selo : hindi niyo maaring gawin yan.. huwag niyo kaming guluhin dito(sabay labas sa itak sa kanyang baena..
.
nabigla naman si Ka Selo ng maglabas ng baril si Noel..at Samantalang si Ka Imong ay nakita niya ang mga grupo ni Noel at isa isa nilang pinapasok ang mga bahay..nagdumali siyang pumunta sa kubo kung saan ay naroon sina Nico at Yna..at napabalikwas ang dalawa..nakaramdam na naman ng takot si Yna natataranta na siya ng sabihin ni ka imong na nariyan ang gustong kumuha sa kanya.
.
ka imong : tumakas na kayo.magmadli kayo.
.
at pati ang asawa ni ka imong na si Mara ay pingsuot siya ng saya n kparehas ng kasuotan niya si Yna, at binigyan siya ng balabal at.at ng maisuot niya ang ibinigay ni Mara ay dali dali silang pumunta sa likod ng kubo.
.
Mara : halika na Yna itatakas ka namin..
Nico ; sige na Yna sumama ka na sa kanila..
Yna : ha. Eh paano ka?
Nico : susunod ako..sumama ka na sa kanila.,baka maabutan kanila.
Yna : halika na Nico, sumama ka na samin.
Nico : iligtas mo na ang sarili mo mahal ko..hindi ko pwedeng iwanan sina ka imong dito.
Mara : halika na yna.maaabutan ka nila dito.
Nico : sige na mahal ko, lumakad na kayo..baka maabutan ka nila.
Yna : susunod ka din agad ha, mangako kang mag-iingat ka.
Nico : oo mahal ko ipinapangako ko na susunod ako agad sayo at ipinapangako ko din na mag-iingat ako para sa aking Prinsesa..mahal na mahal kita..(sabay halik sa mga labi ni yna)..sige na lumakad na kayo, hindi ko pwedeng pabayaan sila ka imong dito..sisiguraduhin kong hindi sila madadamay sa gulo na ginawa nila Pilo.
.
Wala ng nagawa si Yna kundi sundin niya si Nico, ayaw niya sanang mahiwalay si Nico sa kanya, dahil baka kung ano ang mangyari kay Nico, at hanggang sa nagmadali silang umalis sa lugar na iyon..kasama ni Yna sila Mara at Lita at pati na ang ibang katribo nila Mara ay sinamahan din siyang tumatakas…dahil kabisado nila ang daan kung saan papalabas ng bundok na iyon.,lakad takbo ang ginagawa nila, sobra siyang nag-aalala kay Nico, parang gusto niyang balikan si Nico.
.
Mara : magmadali ka Yna para makalayo tayo dito.
.
Sa halip na magmadali si Yna, huminto pa ito.
.
Mara : bakit ka huminto?
Yna : babalikan ko po si K-kulas..
Mara : huwag na Yna, walang mangyayaring masama sa Nobyo mo..ang mahalaga ay makalayo ka dito..may malapit na kampo ng sundalo dito, makakahingi tayo ng tulong sa mga sundalo..kaya bilisan mo na, sa ganoong paraan mo matutulungan ang nobyo mo.
.
Napa-isip si Yna tama nga naman, kaya nagpatuloy ulit sila sa pagtakbo..at hindi nagtagal ay nakarinig sila ng isang putok..may bumundol na isang malakas na kaba sa dibdib ni Yna.
.
Yna : Nico!!!
.
Natakot din naman ang ibang mga kasama niya, lalo na si Mara baka madamay ang mga mahal nila sa buhay..nakita ni Yna ang takot ding mga reaksiyon ng mga kasama niya, nakaramdam tuloy siya ng awa sa mga ito..sinisisi niya ang sarili niya kung hindi dahil sa kanya hindi mapapahamak ang mga mahal nito sa buhay at ang mga iba pa nitong mga katribo.
.
Mara : magmadali kayo at ng makahingi tayo ng tulong sa mga sundalo.
.
At lalo nilang binilisan ang pagtakbo, para mabilis silang makarating sa kampo ng mga sundalo, dahil mukhang nalalagay daw sa panganib ang mga buhay ng mga naiwan roon. si Yna habang tumatakbo ay dasal siya ng dasal na sana naman daw ay wala namang magbuwis ng buhay dahil sa kanya na kagagan ng mag-amang Poli at Noel.. hindi daw niya talaga mapapatawad ang sarili niya kung may masamang mangyayari sa mga taong walang kamalay-malay.. at hanggang sa laking tuwa nila ng makasalubong sila ng mga sundalo..nabuhayan sila ng loob dahil meron ng sasaklolong mga sundalo..at agad na sinabi ni Mara ang problema sa sundalo na may mga armadong lalake ang napadpad sa kanilang tribo.at sinabi din ang dahilan kung bakit napadpad ang mga armadong mga tao..at nakisabad na din si Yna
.
Yna : Sir, parang awa na po ninyo tulungan po ninyo yong mga kasama namin doon.
.
At inutusan na nga ng opisyal ng mga sundalo na pumunta sa lugar kung saan ay may naririnig silang mga putok ng baril..at hanggang sa madami ng nagdadatingan na sundalo, na nasasalubong nila..at hanggang sa laking gulat ni Yna ng makita niya ang papa niya.
.
Yna : P-papa..!!!
Ferdie : anak ko!!
.
Sinugod niya ng yakap ang ama.
.
Yna : papa..(niyakap ng mahigpit ang ama, at umiiyak ito)
Ferdie : tama na anak, ligtas ka na.
Yna : papa, im sorry, akala ko di na tayo magkikita, patawatin mo ako papa.,kung naging matigas ang ulo,sorry po kung tinakasan ko si Tita Bel, tuloy sa katigasan ng ulo ko umabot ako sa ganitong sitwasyon, pati yong mga ibang tao nadadamay sa katigasan ng ulo ko..
Ferdie : sino ang may kagagawan nito sayo.
Yna : si P-poli po at saka yong papa niya, kung nakinig lang po sana ako sa inyo noon na hindi nararapat si Poli sakin hindi sana mangyayari sakin yong ganito..
Ferdie : huwag mo nang isipin yun anak. Ang mahalaga ligtas ka na, at magbabayad yang Noel na yan..mabubulok silang mag-ama sa kulungan.
.
At hindi nagtagal ay nakita niya na parating din ang tito Robert niya, na asawa ng tita bel niya.
.
Ferdie : Robert, idala mo si Yna sa chopper..ialis nio na siya dito.
Robert : oo kuya..halika na Yna..
Ferdie : sige na anak sumama ka na sa tito mo at susunod na lang ako, at magtutuus pa kami ni Noel.
Yna : papa, sandali, kailangan ko pang makita si Nico..
Ferdie : anak please, huwag ng matugas ang ulo mo..pumunta na kayo sa chopper natin..susunod ako, gusto kong makausap ang walang hiyang Noel na yun..
Yna : papa please si Nico huwag niyo siyang pabayaan..tulungan nio siya..
Ferdie : oo, ako ang bahala..sige pumunta na kayo sa chopper.
.
at samantalang si Nico ay nagsadya talaga siyang pumasok sa isang kubo..kasama niya si Ka imong at iba pang katribo..at nag-usap usap sila kung paano ang gagawin nila..at hanggang sa pinasok na nga ng ibang tauhan ni Noel ang kubong kinalulugaran nila.. pagbukas ng pinto ng tauhan ni Noel, ay hindi na nakapagsalita ang tauhan nakabulagta na ito, dahil hinataw nila ng dos por dos na kahoy.. at ng bumagsak ito sa lapag ay sinamantala naman ni Nico na kuhanin ang baril na hawak ng lalake, at hanggang sa nakita na si Nico ng ibang tauhan. pinaputukan si Nico pero hindi natamaan si Nico dahil nakapagkubli na siya..at Samantalang ang ibang mga katutubo ng nakarinig sila ng putok ng baril ang lahat ay nagsipag takbuhan na ang mga ito.. kanya kanya na ang ligtas sa mga sarili..
.
Nico : ka imong, umalis na po kayo..iligtas nio po ang sarili nio baka po madamay po kayo..
Ka imong : hindi ka namin iiwan dito..
Ka,Selo : oo nga..ginulo nila ang tribo namin kaya pagbabayaran nila ang ginawa nilang ito..
Nico : pero, may mga baril sila..
Ka imong : kaya nating makipaglaban sa kanila kahit wala kaming baril..mga kasama..(baling niya sa mga katribo)..sugod..
.
At sinugod na nga nila ang mga tauhan nila noel..at hindi nga nagtagal ay may dumating na doon ang mga sundalo..hindi na nakakilos pa ang mga tauhan ni Noel at ganun din si Noel samantalang si Poli, ay nagmadaling umalis sa lugar na iyon at tatakas na siya, nakita iyon ni Nico ang pagtakas ni Poli, kaya hinabol ito ni Nico..at nakita din ni ka imong na tumatakas si Poli at hinabol ni Nico, kaya sinabi ni Ka Imong sa mga sundalo na may tumatakas at sumunod din ang ibang sundalo sa tumatakas na si Poli..
.
Nico : Hoy bumalik ka..napaka walang hiya mo..sumuko ka na..
Poli : hindi ako susuko..
Nico : hindi ka na makakatakas..(inilabas ang baril at pinaputukan si Poli)
.
Tinamaan si Poli sa pinakawalang bala ni Nico..kaya bumulagta si Poli sa lupa..at hanggang sa lumapit si Nico kay poli para tingnan kung napatay ba niya ito,,at sa paglapit niya, ay biglang bumangon si Poli at hinataw si Nico ng kahoy na napulot ni poli kung saan siya bumagsak, na hindi nanam naagapan ni Nico ang ginawa ni poli, napasadsad si Nico sa lupa..nakaramdam ng hilo si Nico pero buti na lang at agad din siyang nahimasmasan kaya lang nabitawan niya ang baril at kukuhanin na sana ni Poli ang baril ngunit sinugod na ni Nico si Poli sinipa niya ito kaya hindi nakuha ni poli ang baril, at si Nico kukuhanin na din niya ang baril na nasa lupa, ngunit napigilan din siya ni poli, nagpambuno sila Nico at poli, nagpapalitan sila ng suntok sa mukha, at hanggang sa nagpapagulong gulong sila sa lupa, dahil sa walang papatalo sa kanila.gigil na gigil sa galit si Nico kay poli dahil sa ginawang pahirap ni poli kay Yna, pati ang panloloko ni Poli kay Yna, at si Poli naman ay gigil na gigil din siya sa galit dahil sa si Nico na ang mahal ni Yna, at dahil dun ay nagseselos siya..at sa pagbubuno nila at dahil sa pagulong gulong sila ay nagkataon na napailalim si Nico, at sinamantala ni Poli ang pagkakataon, pinagsusuntok niya sa mukha si Nico, pero gumawa si Nico ng paraan, nakakuha si nico ng kahoy at inihataw kay Poli, at dahil dun nahinto sa pagsuntok si Poli sa kanya, ay nagkaroon ng pagkakataon na makabangon si Nico, hindi pa siya makatayo ng diretso dahil hilo pa si Nico, at hanggang sa kinuha uli ni Nico ang kahoy upang ihataw muli kay poli, pero hindi niya natuloy ang paghataw kay poli, dahil nakuha na ni poli ang baril..
.
Poli : hayop ka, ikaw ang sagabal sa mga plano ko..papatayin kita..hayop ka, ikaw ang dahilan kung bakit hindi na ako gustong pakasalan ni Yna..
Nico : ikaw ang may kasalanan, kung bakit nawala ang pagmamahal sayo ni Yna..dahil wala kang kwentang tao, pera lang pala ang habol mo kay Yna. At ang pinakamasaklap na ginawa mo sa kanya ay paasahin na mahal mo siya,anong klase kang tao, demonyo lang yong gumagawa nun na katulad mo..
.
Sa galit ni poli ay tinutok niya ng malapitan ang baril na hawak niya..at nakita na nga sila ng mga sundalo..
,
Sundalo : bitawan mo ang baril at itaas ang kamay.
.
Wala ng nagawa si Poli kundi sundin ang sinabi ng sundalo dahil ang lahat ng sundalo na naroon ay nakatutuk ang baril sa kanya..kaya binitawan niya ang baril, at pinulot iyon ng isang sundalo, ipit na siya di na niya nagawang lumaban pa dahil sa oras na barilin niya si Nico ay tiyak na hindi na din siya titiran ng buhay ng mga sundalo, binitawan na niya ang hawak na baril at itinaas na niya ang kamay na simbolo ng kanyang pagsuko, at kinuha na siya ng mga sundalo para ilagay siya sa dapat niyang kalagyan, kasama ng papa niyang si Noel at pati na ang mga kasama nilang tauhan.. laking pasasalamat ni Nico dahil may dumating na mga sundalo..at hanggang sa bumalik na si Nico sa may bahayan kung saan ay naroon sina ka imo at pati ang mga iba pang katribo, at naroon din si Noel na may kumakausap dito at mukhang galit na galit ito, at napansin din niyang May mga kasamang media, at kinakausap ng reporter si Ka imong..at sa mga sandaling iyon ay natapos ng tanungin si Ka imong sa isip ni Nico iba talaga kapag mayaman at maimpluwensyang tao, dahil naimi-mediA pa..at hanggang sa mapadako na sa kanya ang pansin ng lalaking kumakausap kay Noel.
.
Ferdie : Mr. De Jesus..(lumapit siya kay Nico)..
Nico : Boss Ferdie..!!!!
Ferdie : Good Job Mr. De Jesus..magaling!! salamat at nabantayan mong mabuti ang anak ko.hindi ako nagkamali na ikaw ang naging body guard ng anak ko.. salamat, salamat, salamat Nicolas.. mabuti na lang at may anak si Leo na talagang maasahan.. salamat!!
.
ngiti lang ang tugon ni Nico sa sinabi ni Ferdie.
.
Ferdie : mamaya ibibigay ko na ang kabuuang bayad ko sa serbisyo mo. at hindi lang yun bibigyan pa kita ng bunos..(tinapik ang braso)
.
napa-ngiwi sa sakit si Nico dahil natapik ni Ferdie ang kanyang sugat..


/> .
Ferdie : bakit Nicolas,. my masakit ba sa’yo?
.
hindi nakapagsalita si Nico dahil ramdam pa niya ang sakit. kya. si Selo ang sumagot sa tanong ni Ferdie..
.
Selo : may tama siya ng bala..
Ferdie : ha ganun ba..pasensiya ka na.. hindi ko alam.
.
Nagpasalamat si Nico sa mga sundalo dahil sa pagsaklolo sa kanya, at sinabi din niya na May kasamahan pa sina Poli at Noel na naroon sa dagat, dhil naisip ni Nico si Mitch, kailangang magbayad ang mga nanakit kay Yna..at agad namang pinuntahan ng iba pang mga sundalo sa may dagat, mabilis lang silang makarating dahil sa kabisado ng mga sundalo ang daan kung saan sila mas makakarating ng mas mabilis.. at samantala nman si Mitch ay dahil sa pagkainip ay nagtampisaw muna siya sa dagat, naiinip na kasi siya sa kahihintay kay Poli..at hanggang sa nakarating na nga ang mga sundalo sa may dalampasigan ng dagat at nakita nga nila na May yati roon.. hindi napansin ni Mitch na may mga sundalo roon, nagulat na lang siya ng magsalita ang sundalo na sumama siya sa mga ito. at pinasok ng mga sundalo ang yati, at hindi din napansin ng mga tao na naroon na naakyat na sila ng sundalo, nagulat pa ang mga ito..walng nagawa ang mga tauhan ni Poli at Noel kundi sumama dahil wala na silang laban dahil nadis-armasan na sila..
.
Mitch : saan nio ako dadalhin? walang hiya kayo, mga sundalo pa man din kayo, rereypin nio ba ako? maawa naman kayo.
sundalo : hoy miss magtigil ka, hindi ka namin rereypin..hinuhuli ka namin.
Mitch : hinuhuli?
sundalo : oo!
Mitch : at bkit nio naman ako huhulihin?
sundalo : dahil sa pagkakasangkot mo kay Apolinario Rodríguez at Noel Rodriguez.. sa pagkidnap kay Ms. Kristina Villaroman..
.
gimabal si Yna sa narinig niya sa sundalo, wala siyang nagawa kundi umiyak na lang, habang naglalakad siya kasama ng ibang mga tauhan ay humahagulgol siya ng iyak, sa isip niya tiyak na hindi siya mapapatawad ng mga magulang niya sa mga ginawa niya, dhil daw sa pagmamahal niya kay Poli. at idinala na ng mga sundalo ang mag-amang Poli at Noel.ganun din ang mga tauhan..at si Nico naman ang in-interview ng reporter, at matapos si Nico na ma-interview ay si Ferdie naman ang kinausap ng reporter, at si Nico naman ay lumapit siya kay ka imong.. nagpasalamat si Nico kay Ka imong at sa iba pang mga katribo ni Ka imong.
.
Nico : ka Imong, maraming salamat po sa inyong lahat, dahil pinatuloy nio po kami dito, napakabuti nio po, di ko po alam kung paano ko po susuklian ang kabaitan niyo samin ni Yna at pasensiya na po kung pati po kayo ay nadamay sa gulo na dulot ng mga masasamang taong iyon.. wala po bang nasaktan sa inyo?
Ka imong : walang anu man yon..at maayos ang lahat walang nasaktan…basta kung sakaling mapadpad uli kayo dito sa lugar namin, ay laging bukas ang tahanan namin para sa inyo..
Nico : salamat po sige po ka Imong, ka selo, tutuloy na po kami, at sana po balang araw ay magkita pa din tayo.
Ka Imong : oo Kulas, wag mo kaming kalimutan ah.sige, mag-iingat kau..
Nico : hinding hindi ko po kayo makakalimutan..salamat po uli sainyo..
ka Selo : Kulas dumudugo na naman ang sugat mo..
ka imong : oo nga, gamutin mo muna ka selo..
Selo : oo kuhanin ko lang Yong gamit ko.
.
pumasok muna si Nico sa isang bahay at naki- inom siya ng tubig..at Samantalang si Ferdie naman ay kausap si ka imong..at samantala naman ng makarating sina Yna at tito Robert niya sa may kampo ng sundalo ay nakita niya roon ang tita Bel niya.
.
Yna : tita Bel sorry..(yumakap ito)
Belinda : ssh.. ang mahalaga ngayon Yna ligtas ka na.. Kya wg ng matigas ang ulo mo ha..sige tayo na sumakay sa chopper..
Robert : tayo na..
Yna : ah tita sandali si papa wala pa..
Belinda : ang sabi ni kuya mauna na tayo. dalawang chopper Yong sakay namin..ipinahiram ng tito Bernard mo Yong chopper niya..ang bilin ng papa mo mauna na tayo agad kaya halika na.
Yna : pero tita, May kailangan akong Hintayin..kailangan ko munang kausapin si Nico..
Belinda : bahala na si Kuya Ferdie dun.. kaya halika na.. huwag matigas ang ulo mo, kaya ka mapapahamak dahil sa ayaw mong sumunod sa mga pinag-uutos sayo.. please naman Yna grow up!! hindi ka na bata..(sabay talikod at pumunta na sa chopper para sumakay..
Robert : halika na Yna..
Yna : opo tito.. susunod po ako.
.
lumapit si Yna kay Mara at sa mga kasamang mga katribo nagpasalamat siya sa mga ito. at nagpa-alam na din siya.. dasal siya ng dasal na sana ay walang masamang nangyari sa minamahal niyang si Nico..at hinihiling niyang sana ay makarating na si Nico doon. dahil siya ay paalis na, gusto niya pa sanang makita at makausap ito, at hanggang sa tinatawag na siya uli ni Belinda.wla ng nagawa si Yna kundi sumunod siya kay Belinda.. sa isip ni Yna, magkikita pa rin naman sila ni Nico dhil alam naman na daw ni Nico ang address niya dahil sinabi naman niya ang kumpletong address niya kay Nico.. at hanggang sa tuluyan na siyang nagpa-alam kay Mara.at sa ibang kasamahan nito.. at hanggang sa pumunta na siya sa may chopper, inalalayan siya ng body guard ng papa niya..at hanggang sa makasakay na sila ng chopper ng tito at tita Bel niya..at hanggang sa ang sinasakyan nilang chopper ay unti unti ng umaangat sa ere, sobrang nalungkot si Yna dahil sa hindi manlang niya nakausap si Nico.
.
Yna : (sa isip) Nico..sorry di kita nahintay, puntahan mo ako sa bahay.
.
nakatanaw si Yna sa may bintana na baka sakaling matanawan niya si Nico..at laking tuwa niya ng makita niya ito na naroon pa ito sa mga bahayan ng mga katutubo at nakita niya rin ang papa niya roon at magkasama ito at hanggang sa halos di na niya makita ito dahil nakakubli na sa mga puno dhil sa nakakalayo na ang sinasakyan nilang chopper..at Samantalang sina Nico at Ferdie ay tuluyan ng nagpa-alam kila ka imong..at sa iba pang mga katutubo, labis labis ang pasasalamat ni Nico sa mga ito..at hanggang sa tuluyan na silang umalis sa lugar na iyon.
.
Ferdie : Nico sobrang nagpapasalamat ako sa’yo dahil hindi mo pinabayaan ang anak ko..
Nico : Mah–(di natuloy ang sinasbi) ang ibig ko Pong sabihin,..Maaari ko po bang pabayaan yong anak nio eh.. obligasyon ko po na bantayan at protektahan ang anak nio..
Ferdie : hay mabuti na lang at may anak si Leo na katulad mo…
Nico : (sa isip)..kailangan ko’ng protektahan ang anak ninyo dahil mahal ko siya..
.
at hanggang sa lumipas ang maraming minuto ay nakarating na sila Ferdie at Nico sa may kampo ng sundalo naroon na din sina Poli at Noel, at hinihintay na lang nila ang mga iba pang mga kasamahan nila Noel at Poli na sina Mitch at iba pa nilang tauhan..hindi maipinta ang mga mukha ng mag-ama dahil sa nabigo sila sa kanilang balak..lalo na tuloy nagkandaluko luko na ang buhay ng mag-ama..at si Nico ay iginagala niya ang kanyang mga mata.. hinahanap niya si Yna, pero bigo siyang makita roon ang dalaga, at hanggang sa lumapit ang isang lalake kay Ferdie sa tantiya niya ay tauhan ito ni Ferdie..
.
tauhan : Boss nauna na po sila ma’am Yna..
Ferdie : oo, pinauna ko na talaga sila..sige mamaya maya ay lumarga na din tyo at kausapin ko muna si Mr. De Jesus..
tauhan : sige boss.
.
At sa mga sandaling iyon ay parang nanlumo si Nico dahil sa hindi man lang niya muna naka-usap si Yna bago ito umuwi, nanghihinayang siya.at napansin ni Ferdie ang pananamlay ni Nico.
.
Ferdie : Nicolas, ayos ka lang ba, baka may iba pang masakit sa Iyo? sumabay ka na sa akin upang makapag-pacheck up ka ka-agad.
Nico : ayos lang po ako.
.
hindi naman niya masabi ang totoong dahilan kung bakit siya ay matamlay..mas natitiis niya ang sakit ng sugat ng braso niya kesa sa Lungkot ng puso niya. dahil ngayon pa lang ay miss na miss na niya ang kanyang Prinsesa.
.
Ferdie : sigurado ka ba?
Nico : opo.
.
At hanggang sa may lumapit na sundalo upang gamutin muli ang sugat ni Nico..at ng matapos linisin at gamutin ang sugat ni Nico ay nagpasalamat siya sa sundalo na naglinis ng sugat niya..at hanggang sa nilapitan siya ni Ferdie..
.
Ferdie ; nicolas, siya nga pala, eto ang bayad ko sayo..triple yan, dahil sa hindi mo napabayaan ang anak ko..(sabay abot sa sobre)
.
Pero nakatitig lang si Nico sa sobreng inaabot ni Ferdie..bayad iyon ni ferdie sa kanyang pag-ba-bodyguard kay Yna..oo kailangan niya ng pera, para sa kanyang pag-aaral at para na din sa pamilya niya, pero parang hindi niya kayang tanggapin ang perang iyon..prinotektahan niya si Yna dahil gusto niya itong protektahan dahil sa mahal niya ito, ayaw niyang tanggapin ang pera dahil ginawa lang niya ang nararapat dahil buhay na ng mahal niya ang nakasalalay..
.
Ferdie : oh eto na, tanggapin mo na..
Nico : pasensiya na po..pero hindi ko po matatanggap yan.
Ferdie : abay bakit naman? Kulang ba sige at dadagdagan ko..
Nico : hindi po ganun ang ibig kong sabihin..sa katunayan po ay napakalaking halaga po niyan..sobra sobra na nga po yan..kung tutuusin po sapat na yong binigay ninyong pera sakin nong tanggapin ko ang inaalok niong trabaho..
Ferdie : sus, kaliit naman ng halagang ibinigay ko sa iyo nun..at saka ang perang ito ay pinaghirapan mo..halos itinaya mo ang buhay mo sa buhay ng anak ko, kaya nararapat lang na bayaran ko ang serbisyo mo..
.
Naiiling na lang si Nico. Hindi niya masabi ang dahilan niya kung bakit di niya kayang tanggapin ang pera, hindi niya masabing mahal niya si yna, hindi niya masabi na nobya na niya si yna, hindi na tuloy alam ni Nico ang sasabihin kay Ferdie,
.
Ferdie : kaya sige na tanggapin mo na ito..
Nico : boss sa katunayan sa ilang araw naming magkasama ng anak nio, naging mag-kaibigan kami..oo tinanggap ko ang trabahong ito dahil sa pangarap ko na makapag-aral ako, at para sa pamilya ko, at sa ilang araw na pagsasama namin ay-
.
Hindi natuloy ni Nico ang sasabihin dahil sa nagkagulo ang mga sundalo dahil naka-agaw ng baril si Noel, sa mga sundalo, dahil sa desperado na si Noel, dahil alam na niya ang kahahantungan ng ginawa niya na baka mabulok na siya sa kulungan kaya sinubukan niyang tumakas, ngunit sa kasawiang palad ay pag-kaagaw niya ng baril, ay binaril na siya ng ibang sundalo, at bumagsak siya sa lupa ng duguan at wala ng buhay, at gimbal naman si Poli sa ginawa ng ama, oo sinisisi ni Poli ang ama kung bakit humantong siya sa ganoong sitwasyon, nagagalit siya dito, pero sa pagkakataong iyon, ay masakit pa rin sa kanya ang nangyari sa ama..pero wala na siyang nagawa kundi umiyak…nagulat din sa nangyari sina Ferdie at Nico..sa ginawa ni Noel..kaya hindi na muna agad umalis si Ferdie roon, at hanggang sa ang ibang mga sundalo na humuli pa sa mga tauhan Nila Noel at Poli ay dumating na din sa lugar na iyon, kasama ang mga nahuli nilang mga tauhan ng mag-ama at naroon din si Mitch na noon nasaksihan niya rin ang ginawa ng papa ni Noel, natakot siya sa nangyari sa ama ni,Noel, sa isip ni Mitch ay baka gawin din ni Poli àng manglaban..at awang awa siya kay poli ng mga sandaling iyon..pero napaisip si Mitch, dahil siya din ay kawawa, dahil nalagay din siya sa sitwasyong iyon dahil sa pagmamahal niya kay poli, ay sinisisi niya din ang sarili dahil naging mapaghangad din siya, kung sanay hinayaan na lang niya si Poli na pakasalan si Yna di sana nagkaganoon..at hindi sana siya malalagay sa ganoong sitwasyon, ano na lang ang mukha niyang ihaharap sa mga magulang niya at mga kapatid at mga kamag-anak nila, at pati mga kakilala niya, dahil ayun siya at pinagkakagukuhan ng mga reporter, panigurado na mailalathala sa Dyaryo ang mga pangyayaring iyon, at isa pa maibanalita sa tv na tiyak niyang mapapanuod iyon sa buong panig ng pilipinas, sunod sunod ang mga tanong sa kanya ng mga reporter, hindi niya alam kung ano ang isasagot, blanko na ang utak niya, parang gusto na lang niyang lumubog sa kinatatayuan niya..
Itutuloy…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top