AGE GAP


AGE GAP
“alam mo ang gwapo ni Leo noh?, kaso bata” narinig kong saad ng isang babaeng nasa harapan ko. Si Dalia lang pala, classmate kong nasobrahan ang make-up sa mukha.
“oo nga, type kopa naman din” wika din ng classmate kong si kia, abay gag* akin ’yun.
Pinakinggan ko lang sila ng biglang may pamilyar na boses akong narinig.
“hoy!!!Krystal nand’yan na siya” pasigaw na wika ni Pearl, goshh mababasag ear drums ko nito.
Hindi na ’ko nakinig sa dalawang nag-uusap na babae kanina at dali-dali kong kinuha ang make-up kit ko at inayusan ang sarili, dapat maganda ako kapag nakita ako ni Leo.
Matapos kong mag-ayos ay lumabas ako ng classroom para makita ang pinakamamahal kong si Leo, ‘ang gwapo talaga niya’ saad ng aking isip, hindi lang basta gwapo mataas pa at matalino.
“titingin kalang ba d’yan?, hindi mo lalapitan?” agaw atensyon na saad ni Pearl.
“alam mo naman ‘di ba, nahihiya ako” nakabusangot na sagot ko sa kan’ya.
“ang sabihin mo, nahihiya kalang kasi mas matanda ka kaysa sa kan’ya” taas kilay n’yang saad
Isa din sa dahilan ‘yun Kong bakit ako nahihiya, ba’t kasi mas bata siya sa ’kin.
“krystal………………” chat ni pearl, parang naririnig kopa rin boses niya, kahit nag cha-chat lang kami.
“ohh?” reply ko
“nag stolen shot ako sa crush mo” reply niya at nag send nang pic.
nagpa gulong-gulong ako sa aking kama at tinignan ng pa ulit-ulit ang larawan na binigay ni Pearl kanina.
“ackkkk ang gwapo talaga niya…”kinikilig Kong saad at nagpa gulong- gulong ulit ng biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto at nahulog ako sa kama.
“arayyy, ang sakit” pag inda ko sa sakit ng aking pwetan.
“ano ba‘ng nangyari sa’yo jan Krystal? hali kana nga‘t kakain na”
“sige po mama” ang sakit talaga.
Pagkatapos kong kumain ay bumalik ako sa kwarto at...


nag-aral ng biglang tumunog ang messenger ko, hudyat na may nag message. In-open ko ito at tinignan kong sino, ba ka si Pearl lang. Kumislap ang aking mata sa nakita, hindi si Pearl ang nag message, gosssshhhh si Leo. Pangarap kolang ’to noon, ngayon nangyayari na.
“Hi, gusto kolang sanang makipag kaibigan” basa ko. Omg kinikilig na ’ko, ’yan pangalang chat na.
Pumayag ako,aayaw pa ba ako, gura na. Do’n nagsimula ang conversation namin, pati sa school ay naging close na din kami.
“Krystal may aaminin sana ako” kinakabahang wika niya. Almost months na din no’ng unang pag-uusap namin at hindi na ako masyadong na iilang sakan’ya.
Pati rin ako kinakabahan sa aaminin niya, omg ba ka aamin siyang bakla siya, ’wag naman sana.
dug..dug..dug..
“m-may g-gusto a-ako s-sa’yo” natulala ako sa inamin niya, totoo ba ’to? ayaw ko ng magising kong panaginip lang ’to.
“no lies? legit ba ’to?” tanong ko sakan’ya ng maka get over ako sa confession niya
matatae na ’ko sa kilig.
“oo, totoo. Ba’t parang ayaw mo’ng maniwala?” namumulang tanong niya pabalik
Kilig na kilig na sana ako ng may maalala
“hindi naman sa gano’n, to tell you gusto din kita, kaso mas matanda ako sa’yo” nakayukong wika ko.
“talaga, totoo din ba ’yan?” ang ekspresyon ko kanina ay ekspresyon din niya ngayon
tango-tango ako bilang sagot
“parang age gap lang e”
nilingon ko siya
“age doesn’t matter lang naman daw, at kong grade 9 ako at grade 10 ka, anong masama do’n?”
“isang taon lang naman gap natin” dagdag niya pa
WHHHHHHAAAAAAAAAAAAAAAAAA KINIKILIG AKOOO
“HOY!!! gaga gising na, natutulog kana naman” basag na ear drums ko talaga.
“tapos na ang klase po, tayo na’t uuwi na” dagdag niya pa at isinukbit ang bag sa kan’yang balikat.
Putchaa akala ko totoo na, panaginip lang pala. Hayop kairita AHHHHHHHHHHHH
Words by: Elizabeth Winkpen






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top