WHERE THE PLACE I BELONG TO” CHAPTER 10 – continuation


WHERE THE PLACE I BELONG TO”
CHAPTER 10
-continuation…
“Aiana!” gulat at sigaw ng kuya niya.
Unti-unting naghina ang katawan niya dahil sa balang tumama sa likuran niya. Agad siyang naalalayan ng kuya niya.
“Aiana!” naiiyak ng wika ng kuya niya.
Nagkagulo ang lahat ng naroon, ang lolo niya ay nandun lang. Ngumiti siya at sinabing…
“Sundan mo ang daloy ng tubig, ituturo niya kung sino ang bumaril at gusto tayong pataying tatlo” utos niya, ” tawagan mo din si Mark bago ko isara ang buong bahay”
“Aiana-” wika...


ng lolo niya.
“Please” pakiusap niya.
Nakahiga na siya sa sahig at nanghihina na, nagkakagulo na rin sa loob ng bahay.
Nasa tabi niya pa rin ang lolo niya ng umalis ang kuya niya, pero kakaalis palang ng kuya niya ng biglang narinig niya ang pagkalabit ng isang baril.
Mabilis siyang napatayo kahit nanghihina na siya… Mabilis siyang humarang sa harapan ng lolo niya upang sa kanya tumama ang bala. Gulat na gulat ang lolo niya sa ginawa niya, ganun din ang kuya niya na napabalik sa kanila..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top