HE IS MY FIRST LOVE CHAPTER ONE


HE IS MY FIRST LOVE
(short story)
By YZABELAH
🌺🌺🌺🌺CHAPTER ONE🌺🌺🌺🌺
Masama ang loob ni Cathrina Agatha sa kanyang ama nang hindi siya nito payagang magbakasyon sa Greece sa halip ay dito na lang siya sa Pilipinas pinag-stay. Ilang araw na rin siyang bagot na bagot dito sa Valle Mansion. Ang gusto kasi ng kanyang mga magulang ay dito na lang sila magbakasyon ng mommy niya sa Baguio sa piling ng lolo at lola niya.
Tahimik lang siyang nakatanaw sa malayo nang lapitan ng mommy niya. May iniabot itong susi sa kanya.
“Tanggapin mo na, galing iyan sa Daddy mo, hayan na iyong matagal mong hinihingi, ang magkaroon ng sariling kotse. Kaya hindi ka niya pinayagan na magbakasyon sa Greece kasi ibibigay niya iyan sa iyo. Payag na rin siyang pumunta ka sa resthouse natin sa Ilocos. Hindi ba matagal mo ng ninanais na makapagbakasyon sa plantasyon?”
Nawala ang pagkabagot na kanina pa nakalarawan sa mukha ng dalaga at nakangiting yumakap sa ina. Dahil doon agad na tinawagan ni Cathrina Agatha ang ama na nasa Australia para magpasalamat.
Nang araw din iyon, gamit ang bagong kotse ay nagtungo sa Ilocos si Cathrina Agatha. Ayaw pa siyang payagan ng mommy niya na magmaneho dahil ang nais nito ay magpahatid siya sa kanilang family driver pero dahil sa pakiusap na rin niya ay napapayag niya ito na mag-solo na lang pumuntang Ilocos sa kondisyon na oras-oras siyang tatawag hanggang sa makarating sa kanilang Plantasyon.
Pinangarap niya tagala ang makapagbakasyon sa probinsiyang tulad ng Ilocos kung saan naroon ang pag-aari nilang resthouse at malawak na taniman ng Tabacco. Nature lover siya kaya siguradong mai-enjoy niya ang lugar na tulad noon kahit malayo sa siyudad.
Papalubog na ang araw nang dumating roon ang dalaga. Ipinaalam na lang ng mommy niya sa katiwala nila na darating siya roon kaya kinagabihan ay dinalhan na lang siya ng hapunan ni Aling Cecilia, ang asawa ng katiwala nila.
“Naku Nanay Cecilia nag-abala pa po kayo, siyanga po pala heto oh pasalubong ko po para sa inyo,” iniabot niya sa matanda ang tatlong paperbag na naglalaman ng ilang bagong damit, pabango at mga pagkain.
“Naku at ang batang ire ay nag-abala pa, eh salamat ha,” bakas sa mukha ng matanda ang galak.
“Walang anuman po,”nakangiti rin niyang tugon.
Binili pa niya ang mga iyon sa Australia bago sila pumuntang Pilipinas ng mommy niya.
Hindi siya iniwanan ng matanda hanggang hindi siya nakakatapos kumain. Umalis lang ito nang masigurong matutulog na siya.
Dahil pagod sa byahe ay hindi na rin nagawang makipagkwentuhan pa ng matagal ni Cathrina Agatha kay Aling Cecilia na naunawaan naman ng matanda.
Kinabukasang umaga ay maagang nagising si Cathrina Agatha at nag-shower. Excited na siyang libutin ang taniman nila ng Tabako. Kumain muna siya ng breakfast bago siya tuluyang lumabas ng bahay. Toasted bread and ham with hot choco ang kinain niya. Ang simpleng breakfast na iyon ay sapat na sa kanya lalo pa nga at wala naman siyang ibang alam lutuin kunndi iyon.
Dala ang camera ay naglakad-lakad siya sa taniman. Ang sikat ng araw ay ramdam niya ang mabining pagdampi sa balat niya. She loves taking pictures. Iisa ang nagustuhan niyang subject, isang gwapo at morenong lalaki na nagtatrabaho sa farm. Napangiti siya. Aliw na aliw na kinunan niya ng picture ang bawat galaw nito. Ang mga masel nito sa braso na hindi kalakihan at ang abs na meron ito ay bumakat sa hapit nitong kamesa tsino.
Biglang nagsalubong ang kilay ni Giuseppe nang mapansin ang isang dalagita na may hawak na camera at sa kanya nakatutok ang lens. Ngumiti pa ito sa kanya.
Nakaramdam naman ng kaba si Cathrina Agatha nang lapitan siya nito ng walang kangiti-ngiti.
“Sino ka? Trespasser ka ano?” seryosong tanong nito sa...


kanya.
“Bakit? Hindi ba ito ang Valle Tobacco farm?” Tanong din niya sa lalaki.
Natigil ang paguusap nila nang lapitan sila nina Aling Cecilia at mang Guiller.
“Naku hija pinag-alala mo kami nandito ka lang pala, akala namin nawala ka na,” wika ni Aling Cecilia na tiwala nawalan ng tinik sa dibdib nang hindi siya madatnan sa bahay na tinuluyan niya.
“Oo nga naman hija, lubha kaming nag-alala,” si Mang Guiller.
“Hija siya ang asawa ko…” wika ni Aling Cecilia, “…si Guiller.”
“Magandang umaga ho Nay, Tay,” nakangiti niyang bati sa mag-asawa.
“Giuseppe siya si Cathrina Agatha Valle, nag-iisang anak ni Sir Jake at Ma’am Xieley Yvonne,” si Aling Cecilia, “Hija si Giuseppe ang kabunsuhan naming anak.”
“Hello Giuseppe, kumusta ka,” nakangiting naglahad siya ng palad sa lalaki.
“Madumi ang kamay ko, huwag na salamat na lang,” tugon nito na hindi man lang siya sinuklian kahit ngiti.
Tila tumagos sa puso niya ang kakaibang lamig ng lalaki.
Ipinakilala na rin ng mga-asawa si Cathrina Agatha sa iba pang mga trabahador sa farm.
Nang araw na iyon ang simula ng pagpuputol ng mga dahon na order ng buyer nila sa Manila. Kasama na rin ang mga pang-export. Kapag ganoong panahon abala ang lahat ng mga trabahador.
Para kay Cathrina Agatha ang senaryong tulad noon ay napakagandang pagmasdan at nakakaaliw sa mata dahil bago iyon sa kanyang karanasan.
Maging sina Aling Cecilia at mang Guiller ay abala sa paghahanda ng masarap na pananghalian ng mga trabahador. Sumama siya noon sa mag-asawang matanda sa bahay pakainan. Tila isa iyong malaking cottage na may napakahabang lamesa na kung saan sama-samang kumakain ang lahat.
“Kapag ganitong anihan sinisiguro namin na masasarap ang pagkaing ihahain, iyon ang bilin ng lolo at lola mo. Kahit ordinaryong araw naku tila fiesta lagi ang hapag-kainan. Ayaw ng lola at lolo mo na magugutom ang mga trabahador dito. Wala kaming masabi sa kabaitan ng iyong pamilya. Si Giuseppe naman siya ang abala sa pag-aasikaso sa mga trabahador,” kwento ni Aling Cecilia habang naghihiwa ng mga rekado para sa mga lulutuin.
“Hindi mo naitanong pero nag papasalamat na rin kami kasi malapit dito sa farm ang puso niyang si Giuseppe. Siya lang sa anim naming mga anak ang nagkahilig magtrabaho dito sa farm,” kwento naman ni Mang Guiller habang naglilinis ng sariwang lapu-lapu na pansigang.
“Nay, Tay gusto ko po sa resthouse na sila mag-dinner mamaya. Ako na po ang bahala, umorder na lang po tayo sa restaurant para hindi na kayo mapagod sa pagluluto,” mungkahi ni Cathrina Agatha.
Nagkatinginan ang mag-asawa.
“Hija ni minsan hindi pa kami nakapag-pakain sa resthouse, isa pa masyadong malaki ang gastos kung o-order pa sa restaurant,” si aling Cecilia.
“Ngayon lang naman po total first day ng trabaho, gusto ko din naman pong lubusang makilala ang mga trabahador dito sa farm namin. Huwag ho kayong mag-alala sa gastos ako po ang bahala,” wika niya.
Napilitan na rin ang mag-asawa na pumayag sa gusto ng dalagita. Sariling pera ang ginastos ni Cathrina Agatha sa catering ng dinner na iyon sa resthouse. Lubos din ang pagtataka ng mga trabahador.
Napatunayan nila na nakuha ng dalagita ang kabaitan ng mga magulang nito at ng lolo at lola nito. Ramdam nila na welcome na welcome sila sa dalagita. Sinabi pa nga nito na kung kailangan nila ng tulong ay huwag mahihiyang lumapit sa kanya.
Matapos ang hapunan at kwentuhan ay nagsiuwi na ang mga trabahador.
Sa hardin ginanap ang dinner na iyon.
Nilapitan ni Cathrina Agatha ang binatang kanina pa ay laging tahimik.
“Giuseppe.”
“Salamat sa ginawa mo, salamat sa special na dinner pero huwag mo laging gawin baka masanay ang mga iyon,” wika nito.
“I just want to be close to them lang naman, pati sa’yo.”
Hindi na ito umimik, tinalikuran na siya.






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. OK sna, Kaya lang hind sunod-sunod

  2. sana Hindi binitin ang kwento ,para ganahan magbasa

Leave a Reply


top