🌺🌺🌺🌺CHAPTER TWO🌺🌺🌺🌺
Hindi malaman ni Cathrina Agatha kung bakit mula nang makita niya si Giuseppe ay laging ito na lang ang laman ng isip niya kahit ng mga panaginip niya. Gusto niyang lagi itong nakikita at nakakasama. Noon lang niya iyon naramdaman sa isang lalaki.
Pinuntahan ni Cathrina Agatha nang araw na iyon ang tahanan nina Giuseppe. Ang mga magulang lang nito ang nadatnan niya. Nagluluto si Aling Cecilia ng pananghalian. Nalaman niyang nagluluto ito ng paboritong ulam ni Giuseppe.
“Sinigang na baboy po ang paborito ni Giuseppe?”
“Naku oo hija, ang batang iyon kuntento na kapag ganoon ang ulam. Isa pa hindi iyon kumakain ng sinigang na baboy kapag hindi ako ang nagluto,” si Aling Cecilia.
“Ganoon po ba, pwedi po bang turuan n’yo ako ng pagluluto, I just want to know how to cook sinigang na baboy.”
Parang batang nagpaturo si Cathrina Agatha sa ina ni Giuseppe ng pagluluto ng paboritong ulam ng binata.
“Ilang taon na po si Giuseppe?” Walang anu-anong tanong niya habang naghihiwa ng labanos na isasahog sa sinigang.
“Bente singko na ang bunso naming iyon,” si Mang Guiller ang sumagot. “Matagal na rin siyang nagtatrabaho sa farm mula nang magtapos iyon ng Agriculture.”
“Tay binata pa po ba siya?” Lakas loob na tanong niya.
“Oo hija pero dapat ikakasal na iyon kaya lang hindi natuloy. Sumama kasi sa mayamang lalaki iyong nobya niya,” si Mang Guiller ulit.
“Mula noon hindi na nanligaw ang batang iyon, ewan ba parang wala na sa isip ang mag-asawa dahil sa naranasan niya. Isa pa mukhang hindi pa rin niya nalilimutan ng lubusan si Mercy, iyon lang kasi ang tanging babaeng minahal niya,” si Aling Cecilia.
“Nay, Tay gusto ko po si Giuseppe at gusto ko pong maging close sa kanya,” deritsang wika niya.
Nagkatinginan ang mag asawa pagkuwan ay tumingin sa kanya.
“Nakikita ko ho kasing isa siyang perfect ideal man,” nakangiting dugtong pa ni Cathrina Agatha.
Hindi na lang pinansin ng mag asawa ang sinabi ng dalagita, batid nilang lubha pa itong bata sa iniisip nila.
Nineteen years old pa lang si Cathrina Agatha. Third year pa lang siya sa kursong AB Photography. Sa Australia siya nag-aaral ng kolehiyo.
Hindi akalain ni Giuseppe na ang dalagita ang magdadala ng pananghalian niya.
Nang makita ni Cathrina Agatha na pawisan ang lalaki ay agad niya itong nilapitan at dinampian ng panyo ang noo nito para pahirin ang pawis nito. Bagay na ikinabigla ni Giuseppe. Mabuti na lang at walang ibang tao roon para sumaksi sa ginawang kapangahasan ng dalagita.
“Sa uulitin huwag mo ng gagawin iyon!” Disgustong wika ni Giuseppe.
“Sorry, galit ka ba?”
“Ms. Valle hindi ka bagay dito sa farm masisira dito ang kutis mo, dapat sa resthouse ka lang o kaya mag-enjoy ka mamasyal sa bayan,” pag iiba ng tema ni Giuseppe sa kanilang usapan.
“Don’t worry about my skin, nakakainip sa resthouse saka kung mamamasyal ako wala akong kasama, ikaw gusto mo bang samahan ako?” Nakangiting tanong ni Cathrina Agatha sa lalaki.
“Busy ako dito.”
“Bukas, Sunday naman diba? Walang trabaho.”
“Sorry hindi ako mahilig mamasyal,” tugon nito.
“E di puntahan mo na lang ako bukas sa resthouse para naman may kakwentuhan ako,” kumindat pa siya sa lalaki.
Naisip ni Giuseppe may kakulitan ding taglay ang kausap niya. Hindi na niya ito tinugon pa.
Kinabukasan hinintay ni Cathrina Agatha ang binata pero hindi ito dumating sa resthouse. Nalungkot siya dahil halos buong maghapon siyang naghintay dito pero walang Giuseppe na dumating. Parang gusto niyang umiyak. Nais niyang magtampo sa lalaki pero hindi naman niya magawa. Batid niya hindi lang basta crush ang nararamdaman niya rito, na love at first sight siya rito.
TWO WEEKS LATER
Wala namang bagyo pero napakasungit ng panahon nang araw na iyon. Napakadilim ng langit at malakas ang buhos ng ulan. Matatalim ang kidlat na gumuguhit sa kalangitan. Mag-isa lang noon sa resthouse ang dalagita.
Agad na naibsan ang takot na nasa dibdib ni Cathrina Agatha nang makitang dumating doon si Giuseppe.
“Thank you Giuseppe nandito ka,” agad niyang niyakap ng mahigpit ang lalaki na tila nakakita ng super hero na magiging tagapag-ligtas niya.
Hindi nakakilos si Giuseppe dahil sa ginawa ng dalagita lalo na nang maramdaman niya ang dibdib ng dalagita dahil sa higpit ng yakap nito.
Nang maramdaman naman ni Cathrina Agatha na basang basa ang lalaki ay agad siyang bumitaw mula sa pagkakayakap dito.
“Naku basang basa ka, magbihis ka muna.”
“Hindi na pinapuntahan ka lang ni Inay para masigurong ok ka, aalis na rin ako.”
“Giuseppe please don’t leave, just stay here,” pakiusap niya sa lalaki habang hawak ang kamay nito. Sinadya niya iyong hawakan dahil tatalikuran na naman siya nito para umalis.
Hindi pinayagan ni Cathrina Agatha na iwan siya ng lalaki.
Napilitan naman ito na huwag umalis.
Ipinaghanda siya ng dalagita ng damit, damit iyon ng ama nito.
“Gamitin mo na itong damit ni Daddy, then mag shower ka na lang sa bathroom may hot water doon, pumunta ka na lang sa dining room ipaghahanda kita ng pagkain,” wika ng dalagita sa kanya.
Asikasong-asikaso siya nito. Naalala tuloy niya si Mercy, ang dating nobya niya. Sobra din itong mag-asikaso sa kanya kaya naman napamahal ito ng sobra sa kanya. Muli na naman niyang naramdaman ang sakit sanhi ng pagtataksil nito.
Matapos mag-shower at makapagbihis ay nadatnan niya sa dining room ang dalagita. Nakahain na ang pagkain.
“Giuseppe pasensiya ka na ha noodles lang iyan, hindi kasi ako marunong magluto ng iba eh,” nahihiyang amin niya.
“Ok na sa iyo ang ganyang dinner?”
“Oo, actually pasta ang madalas kong kainin sa Australia hindi ako maki-kanin.”
Dinaanan lang ni Giuseppe ang noodles na inihanda niya. Tahimik nitong tinungo ang refrigerator kung saan nakaimbak ang mga pinamili ni Aling Celia. Naglabas ito ng pork at gulay.
Magtatampo sana siya sa lalaki dahil hindi man lang nito pinansin ang niluto niyang...