THE LOVE THAT WE ONCE CALLED MAGIC TURNED INTO SOMETHING TRAGIC


THE LOVE THAT WE ONCE CALLED MAGIC TURNED INTO SOMETHING TRAGIC
Sabi nila hindi daw matatawag na love ang love kung hindi ka masasaktan–pero para sakin natural lang na masaktan kapag nagmamahal.
Nasasaktan tayo sa isang tao dahil hindi siya ang totoong nakalaan para sa atin. Maaaring inilalayo lang tayo ni God sa maling tao na nakilala natin sa maling pagkakataon.
“Gusto ko dito tayo ikakasal, dito sa malaki at magandang simbahan na ‘to. Dito kita ilelegal sa Diyos, Celine,”
Namula ang pisngi ko ng marining nag mga katagang ‘yon s boyfriend kong si Chino.
Dalawang taon pa lang kaming nagsasama, pero napakarami na naming nagawang alaala.
“Sigurado kana ba sakin? Paano kung bumalik s’ya? Paano kung magbago bigla ang isip mo at s’ya parin ang piliin mo sa huli? Paano na ako?,”
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ito dahil basang basa ito ng luha.
“Shhh! Ikaw ang pinipili ko. Ikaw ang pakakasalan ko. Pangako,” tugon niya at itinaas pa ang kanang kamay tanda ng manunumpa sakin.
Natatawa niya akong niyakap at hinalikan ang noo ko.
Hindi ako takot na masaktan, dahil nagmahal ako at may kasiguraduhang kapalit itong sakit at sugat.
“Hindi ka ba darating ngayon, Chino? Kanina pa kasi ako naghihintay dito,” tugon ko sa linya.
Malakas na buntong hininga ang pinakawalan niya na nagpakunot ng noo ko.
“A-Ah pasensya na, Celine. Hindi ako makakarating, may biglaan kasing emergency dito sa bahay ng boss ko, ayaw niya akong paalisin,” hingal na tugon nito.
Hindi na ako nag abalang sumagot pa at pinatay ko na ang linya. Bakas sa boses niya ang sobrang pagkapagod dahil hingal ito at nauutal pa sa pagsasalita.
“Bibilhin niyo po, Miss?,”
Nabaling naman ang atensyon ko ng magsalita ang isang babae sa gilid ko dahil nakitang niyang sinusuri ko ang isang napakagarbong wedding gown.
“Hmm, Hindi pa naman po, hindi pa po kasi nagp-propose. Pero magpapatahi na po ako ng size ko,” nahihiyang tugon ko.
Masyadong abala ngayon sa trabaho si Chino kaya nawawalan na siya ng oras para kausapin at kamustahin ako.
“Aba! Celine, Kailan n’yo ba balak magpakasal ni Chino? Palagi kayong nag p-plano tapos hindi naman natutuloy,” iritadong tugon sakin ni Mama.
“Busy si Chino nitong mga nakaraang araw, Ma. Pero tingin ko po magp-propose na s’ya sakin ngayon,”
Malakas ang kutob ko na ngayon hihingin ni Chino ang kamay ko. Basta niya lang ako sinabihan na magkita kami pero wala siyang ibang bagay na binanggit.
Mahilig si Chino sa surprise, kaya sigurado akong supresa ang ginawa niya para sakin ngayon.
“Excuse me, kukuhanin ko na po yung gown na pinatahi ko,” hindi ko maitago ang malaking ngiti sa labi...


ko habang pinagmamasdan ang wedding gown na ito.
“Congrats po, Ma’am,” saad nung nagtahi ng gown ko pag abot sakin ng binili ko.
Tinungo ko ang malapit na Mall para magbihis. Gusto kong isuot ngayon ang wedding gown na binili ko. Gusto kong makita niya akong suot ‘yon.
Bumili ‘rin ako ng sing sing at bulaklak. Gusto ko rin siyang bigyan non, para naman maging kakaiba ang araw na’to.
Pinagtitinginan ako ng mga taong dumaraan. Siguro ay nagtataka sila kung bakit ganito ang suot ko.
“Chino, Nasaan kana? Nandito na ako sa lugar na pinagusapan natin. Excited na akong makita ka. Mahal ko,” text ko sa kaniya.
Wala akong natanggap na reply mula sa kaniya, kaya’t hinintay ko na lang ang pag dating niya.
Pumwesto ako sa lugar na hindi niya ako madaling makita. Kung susurpresahin niya ako dapat ay masurpresa rin siya sa gagawin ko.
“S-Si C-Chino na ba ‘yon? Nako! Siya na nga, kailangan ko ng maghanda dahil ano mang oras ay alam kong mangyayari na ang pinakahihintay ko,”
Tumayo ako sa isang posteng malaki at hinintay siyang makarating malapit sa direksyon ko. Naglalakad na siya palapit sakin.
“Napakagwapo talaga ng boyfriend ko. Walang katulad,” bulong ko habang nakatitig kay Chino.
Napalitan ang malaking ngiti ko ng masasakit na luha nang makita kong may sumalubong kay Chino na babae, niyakap at hinalikan niya ito.
Marahan akong napaupo sa lupa, nabitawan ko ang hawak kong bulaklak at sing sing. Napakabilis ng pagbabago ni Chino at hindi ‘yon mahabol ng mabagal kong utak.
“Celine, wait,” nahinto ako sa pagtakbo ng hawakan niya ang braso ko.
Hinintay ko ang paliwanag niya ngunit pag iyak lang ang nagawa niya habang yakap ako patalikod.
“If you love me, let me know. If not, please gently let me go,” tugon ko.
“Yes, O-Ofcourse Celine,”
“Don’t pretend that you really love me, beacuse in your eyes, I see your lies,” nagpipigil na iyak na tugon ko.
“S-Sorry, Celine. Saying I love you means staying for me, that’s why I can’t say it because I can’t stay,” nanginginig na boses na sabi niya.
“Wipe your own tears, because this time I’m really quitting on you,” huling sambit ko bago siya iwanan.
Naalala ko ang sabi sakin ni Papa, “Wag mo ipilit yung sarili mo sa mga bagay na hindi para sa’yo,” Tama nga si Papa, hindi lahat ng bagay na ibinigay sayo ay totoong para sa’yo dahil may mga bagay na ipinahiram lang sa’yo para malaman mo na kailangan mong ibalik ‘yon sa totoong nagmamay-ari sa kaniya at humanap ng bagay na totoong sayo.
-Work of fiction
-Do not copy my works without my permission!
-@Sapphire
-AXA’NIANS GP;






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top