What a Girl wants CHAPTER TEN


What a Girl wants πŸ’•πŸ₯°
🍬 CHAPTER TEN 🍬
NASISILAW na si Claribelle sa tindi ng sikat ng ilaw na nakatutok sa kanya. Nakatayo siya sa fountain sa harap ng mansiyon katabi ang host na si Vhon. She was wearing pink sequined V-neck gown. Her long hair was put in a bun and she felt like she was wearing tons of makeup on her face.
“Nervous?” tanong ng guwapong host. Matangkad si Vhon at mababakas sa maamong mukha na bata pa ito. Ang alam niya ay nasa mid-twenties lang ito.
“Yes,” sagot ni Claribelle at bumuga ng hangin. Mabuti na lang at in-between takes sila habang hinihintay ang mga paparating na “suitors” niya. Kapag nasobrahan ng kaba ay baka mag-walk out na lang siya.
“Just be natural. Isipin mo na walang camera na nakatutok sa iyo.”
Umaga pa lang ay nasa mansiyon na si Claribelle at ginagawang pamilyar ang sarili sa paligid. Sa isang mansiyon sa New Manila, Quezon City sila nagshu-shoot at naka-settle na siya sa kuwarto bago pa man ang shooting. Kasama ni Claribelle ang nanay niya na sinigurong maayos ang kalagayan niya. Hindi man kasama sa shoot pero kasama lang ito ng production team at nakamasid. Pahapyaw lang na nakuhanan ng video kanina ang nanay niya at bukas pa niya ito pormal na ipapakilala sa mga manliligaw. Gusto ng nanay niya ng minimal exposure sa naturang programa. Basta ang mahalaga raw ay nababantayan siya at naroon ito kung kailangan niya.
Narinig ni Claribelle ang boses ni Kara mula sa earpice.
“Claribelle, Vhon, we will start rolling in five, four, three, two, one.”
Inihanda ni Claribelle ang ngiti nang makita ang isa sa mga manliligaw na naglalakad palapit sa kanya. Hindi katangkaran ang lalaki na sa palagay niya ay kasintangkad lang niya kung naka-heels. Hindi guwapo pero may appeal. Nanginginig ang kamay nito nang iabot sa kanya ang isang tangkay ng pink roses.
“Hi! I am Claribelle,” pakilala niya at iniabot ang kamay.
“H-hello!” sabi ng lalaki at napanganga na lang. “I’m ano…. Ahhh!” At humaba ang sandali nang hindi man lang nito nasasabi ang pangalan.
“Cut!” sigaw ni Kara na bigla na lang lumabas ng mansiyon mula sa monitor room. Malayo pa lang ay dinuduro na nito ang unang manliligaw. “You!” Hindi ka ba marunong magsalita? Nakalimutan mo na rin ba ang pangalan mo?”
“S-sorry po, Ma’am. Di ko naman alam na ganyan kaganda si Miss Pastillas. Nakalimutan ko po ang sasabihin ko pati ang pangalan ko,” sabi ng lalaki.
Isang maasim na ngiti ang ibinigay ni Kara sa lalaki. “Mr. Del Rosario, kayang-kaya kitang palitan ora mismo ng ibang contestant na di-hamak na mas guwapo at mas competent kaysa sa iyo. Kaya umayos-ayos ka sana ng pagpapakilala kung ayaw mong uminit ang ulo ko.”
“O-opo, Ma’am,” mangiyak-ngiyak na sabi ng lalaki.
Hinawakan ni Claribelle ang balikat ng lalaki. “Okay lang yan. First time mo sigurong humarap sa camera kaya ka kinakabahan.”
Tumango ito. “O-oo.”
“Huminga ka lang nang malalim at isipin mong walang camera sa paligid mo. Kunwari, tayong dalawa lang. Tapos magpakilala ka. Hindi naman ako nangangagat.”
“A-ako si Vincent. At handa na akong maging Band-aid na gagamot sa puso mo,” sabi nito at kumindat.
“See? Kaya mo naman pala,” sabi niya at tinapik-tapik ang balikat nito.
“Salamat. Ang bait mo pala,” sabi ng lalaki at saka bumalik ilang metro mula sa kanya para ulitin ang shot.
Sumunod ay ibang manliligaw naman ang dumating. Pamilyar ang mga ito kay Claribelle dahil nagme-message ang iba sa kanya sa social media accounts niya. Ang mga staff ang namili at nagsala sa background ng mga ito. Kailangan lang niyang i-confirm kung isa sa mga lalaki ay stalker niya.
Isang simpleng dinner party ang sumunod na itinanghal kung saan pahapyaw na nakilala ni Claribelle ang mga lalaking searchee. Iba’t iba ang character ng mga ito at mga pinagmulan. She was gracious to the guys. Magkakasama sila araw-araw at ayaw niyang maging masyado silang pormal sa isa’t isa. Hindi lahat ay mapipili niya kaya gusto niyang maging magkakaibigan sila.
“Wine?” alok ni Jaime na may hawak na whiskey sa isang kamay. He was a model and he grew up in Los Angeles. Komportable na ito sa harap ng camera at sa pakikipag-usap sa kanya.
“I have to pass,” sabi ni Claribelle. Tipid na ngumiti bago ininom ang sparkling water.
“What’s the use of a good wine if you won’t enjoy it?” nangalumbabang tanong ng lalaki. “Huwag mong sabihing boring ka rin gaya ng mga lalaki rito.”
“Boring?” Tumawa si Claribelle, saka sumubo ng ubas. “Boring just because I don’t drink wine? 🍷 I just know my limits. Hindi ko kailangang magpakalunod sa alak dahil lang iyon ang cool.”
Lumapit si Jaime at bumulong. “How about we get out of here? Let’s go somewhere private where we can talk? Tayong dalawa lang. I will make sure that you will have fun.” At saka nito binasa ang mga labi.
Umatras si Claribelle. “Errrr! I-I think I need to use the washroom.” Saka niya tinalikuran si Jaime. Nagkulong siya sa restroom.
“Where are you going, Claribelle?” tanong ni Kara mula sa earpiece.
“Makikilala pa lang namin pero gusto na po niya akong isama somewhere private daw? Akala ba niya, cheap akong babae?” angil niya.
“He just wants to get what he wants. Huwag ka nang magalit sa kanya. Go back to the...


party then you can bid everyone goodnight.”
Walang nagawa si Claribelle kundi sumunod sa utos ni Kara. Nang matapos ang shots sa party ay pinayagan na siyang umakyat sa kuwarto at magpahinga habang ang mga lalaki ay pinapunta sa pool area para sa sariling party. Isang pagsubok agad ang nakahanda sa mga ito at bukas na lang malalaman ni Claribelle ang mga happening.
Tumuloy si Claribelle sa kuwarto niya. Hinati ang bahay sa dalawa kaya may sarili siyang area at may sarili ring area ang mga manliligaw. Ang natira na lang sa kuwarto niya ay sina Edmark at Marie na mas excited pa sa kanya sa pagsulpot ng mga manliligaw niya.
“Bet ko si Vincent. Di kaguwapuhan pero parang mabati,” sabi ni Marie. “Saka iba siya kung tumitig sa akin.”
“Feeling mo naman crush ka, bakla?” tanong ni Edmark at hinila ang buhok ng kaibigan. “Si Claribelle ang type niya.”
“Hindi naman siya type ni Claribelle, noh?” At saka bumaling sa kanya si Marie. “Pwedeng pakibasted mo na agad?”
“Kapag binasted ko agad siya, baka hindi mo na siya makita. Babalik na sa Batangas iyon at plano niyang mag-abroad,” sabi ni Claribelle. “Gusto mo?”
“Basta bet ko si Jaime,” nagniningning ang mga matang sabi ni Edmark.
Naputol ang pagkukwentuhan nila nang pumasok sa kuwarto ang kanyang ina.
“Anak, may nagpapabigay pala nito kanina,” sabi nito at may iniabot na folder.
“Ano po to, Nay?” tanong ni Claribelle nang kunin ang folder.
“Hindi ko alam. Basta may nagpaabot lang sa akin kanina bago ako umalis ng bahay. Naka-address sa iyo.”
Nang buksan ni Claribelle ang folder ay parang tumigil sa pagtibok ang kanyang puso nang bumungad ang picture ni Reymart.
“Si Reymart!” tili ni Edmark.
Napaisip si Claribelle. Mag-a-apply ba si Reymart na “manliligaw” gaya ng hamon niya? Parang nawalan ng hangin ang lumolobo niyang puso sa sobrang pagkadismaya nang makitang nakapangalan sa isang “Totoy Biloy” ang resume.
(DIMPLES KO PA LANG, BUO NA ANG ARAW KO.) Iyon ang tagline nito.
Nangilid ang mga luha ni Claribelle. “Akala ko si Reymart.”
“Asa ka naman na hahabulin ka ni Reymart. Takot lang niyang ma-associate sa iyo,” paalala ni Edmark. “Saka tantanan mo na nga yang stalker mo.” Hinablot nito ang folder. “Mula ngayon, huwag ka nang tatanggap ng kahit ano mula sa kanya. Huwag mo na rin siyang kakausapin.”
“Huwag!” tutol ni Claribelle at binawi ang folder. “Tingin ko kasi kilala ko siya.”
“Kilala mo ang stalker mo?” tanong ni Marie. “Sino?”
“H-hindi ko alam. Basta pakiramdam ko, kilala ko siya. Magaan ang loob ko sa kanya.” At niyakap ni Claribelle ang folder. Hindi niya maintindihan kung bakit kinikilig siya kay Totoy Biloy. Malay naman talaga niya kung ano ang tunay na pagkatao nito.
“Claribelle, mag-focus ka lang sa mga manliligaw mo. Huwag mong hayaan yang poser ng ex mo na ma-distract ka. Isusumbong kita kay Miss Kara,” banta ni Edmark.
“Huwag naman. Hayaan niyo na. Kailangan ko si Totoy Biloy. Ito na lang ang realidad na natitira sa akin na walang kinalaman sa dating game na to.”
Madalas, pakiramdam ni Claribelle ay isa siyang robot. Kailangan niyang gumalaw kung ano ang hinihingi ng camera at kung ano ang dapat na mapanood ng mga tao. Kahit ang mga kaibigan niya ay nasa program at na kay Kara ang loyalty. Gusto naman niya ng isang tao na makakausap nang walang kinalaman sa programa. Isang kaibigan ma masasabihan niya ng totoong nararamdaman.
“Bahala ka na nga diyan. Sisilipin ko na lang kung anong nangyayari sa pool area. Baka pwede akong maki-join,” sabi ni Edmark at pakendeng-kendeng na lumabas ng kuwarto.
Niyakap naman siya ni Marie. “Goodnight.”
Nang mapag-isa sa kuwarto ay medyo naririnig pa ni Claribelle ang tugtugan sa pool area at may bahagya pang tawanan ng mga babae. Alam niyang may ibang mga seksing babae roon na hindi niya kilala. Tine-test na ngayon pa lang ang mga contestant kung sino ang hindi basta-basta magpapaakit sa ibang babae at kung sino rin ang kayang kontrolin ang sarili kahit nakainom ng alkohol.
Sa halip na mag-usyoso ay binuksan na lang niya ang Facebook. Bumungad agad ang mensahe ng secret admirer.
πŸ§‘ TOTOY BILOY: Nakuha mo na ba ang resume ko?
πŸ‘© PATRICE: Ano bang inaaplayan mo?
πŸ§‘ TOTOY BILOY: Nag-a-apply na manliligaw mo.
πŸ‘© PATRICE: Kasama ka sa suitor ko dito sa show?
πŸ§‘ TOTOY BILOY: Yes.
Kumabog ang dibdib ni Claribelle. Nandito na ba si Totoy Biloy sa show niya? Baka naman basta na lang itong magpapasabog sa kanya. Sumilip siya sa bintana para tignan kung kumpleto pa roon ang mga manliligaw. Dose pa rin ang mga lalaki roon at nagpapakasaya kasama ang mga babaeng naka-two-piece bikini. πŸ‘™ Habang nagshu-shoot ay hindi pwedeng gumamit ng cellphone ang mga manliligaw maliban na lang kung emergency. Hindi isa sa mga ito si Totoy Biloy.
πŸ‘© PATRICE: Lalabas ka rin ba sa TV?
πŸ§‘ TOTOY BILOY: Masaya na akong hangaan ka mula sa malayo. Kung pakiramdam mo, puro pagkukunwari ang nasa paligid mo, pwede mo akong maging kaibigan na masasabihan ng totoong nararamdaman mo. Hayaan mong pasayahin kita habang kailangan mo ako. Nandito lang ako hanggang mabuo mo ang mga desisyon mo. Hanggang matapos ang show mo.
Pagkatapos magpasalamat Kay Totoy Biloy ay nakangiting pumikit si Claribelle. Dahil may kaibigan siyang gaya nito, kahit paano ay makakatakas siya sa nakakabaliw na mundong iyon.
——————-
Kain Muna po Tayo 😁πŸ₯°






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top