Aking Prinsesa Chapter 9


Aking Prinsesa❣️
.
Chapter 9
.
Lumipas ang mga oras, maagang nagising sina Nico at Yna, dahil ngayon na ang alis nila sa bahay ampunan, nang makapag-almusal sila, ay gumayak na din sila agad, dahil dadaan pa daw sila kila mang temyong, ayaw sana ni Nico na pumunta doon para daw hindi na mahirapan sa paglalakad si Yna, pero hindi naman pumayag si Yna, dahil gusto niya muling makita ang mag-ama, dahil nga sasabihin niya sa mag-ama ang alok niya na magtrabaho si Mang temyong sa papa niya, at ng sa ganun daw ay hindi na mahirapan si esang kapag nag-aaral na ito..kaya pumayag na din si Nico na pumunta ulit sila ni Yna roon kila esang..
.
.
Mother Fely : naku, kabilis naman ninyo dito, hindi man lang kayo nagtagal.
Veron : oo nga naman kulas, matagal na naman siguro uli ang balik mo.
Nico : opo. Baka po matagalan po..pero babalik at babalik naman po ako.
Mother Fely : isama mo naman uli si Yna.
Veron : oo nga naman..
Nico : p-po, eh kung gusto po niya. Bakit hindi.
Mother fely : pasyal ka uli dito samin yna ah.
Yna : sige po, wala pong problema, basta po ba isasama uli ako ni Nico dito.
Nico : syempre naman, isasama kita.(nakangiti niyang sabi)
Veron : ikumusta mo naman kami sa nanay mo, sabihin mo sana makalibot din siya dito, pati din si Camille.
Nico : hayaan nio po, at sasabihin ko po.
Mother Fely : sabihin mo din na lumibot din naman sila dito.
Nico : hayaan nio po, ipupunta ko po uli sila dito.
Mother fely : sige nga, at ng magkita-kita kami uli.
Nico : opo..sige po pupunta na din po kami.
Mother fely : sige mag-iingat kayo ha.
Nico : opo, salamat po.
Yna : sige po mother Fely, manang veron tuloy na po kami.
Veron& Mother fely : sige ingat kayo.
Nico : sandali lang paalam muna ako sa mga bata.
.
At nagpaalam nga si Nico sa mga bata, nalungkot ang mga bata dahil wala na naman silang kalarong matanda,,at ang lalong nalungkot ay si Gino.
.
Nico : gino, alis na kami ni Ate Yna.
.
At lumapit din si Yna kila Nico at Gino..at nakita niya ang itsura ni Nico na mukhang iiyak ito, mukhang nakaramdam na naman ito ng lungkot
.
Yna : Gino, wag ka ng malungkot, tandaan mo yong pinag-usapan natin kagabi.
Gino : nalulungkot na naman po ako kasi aalis napo pala kayo agad..(umiiyak na niyang sabi)
Nico : kailangan kasi ni Ate Yna na umuwe na sa kanila, kasi hinihintay siya ng papa niya..
Gino : ate Yna, kuya kulas sama po ako sa inyo.
Nico : Gino hindi pwede.
Gino : sige na po ate Yna, isama nio po ako..(pagsusumamo niya)
Yna : kung pwede lang Gino bakit hindi.
Gino : sige na po ate Yna.(umiiyak niyang sabi)
Nico : babalik namn kami ni Ate Yna mo..diba ate Yna?
Yna : ha, o-oo Gino babalik kami.
Gino : baka matagal pa po yun..
Nico : hindi naman.
Gino : promis po?
Nico : oo, promis!!
Mother fely : Gino, baka tanghaliin sa daan sila kuya kulas mo, at ate Yna.
Yna : sige Gino, huwag kang mag-alala pagbalik namin dito makikiusap kami kay mother fely na isama ka namin.
Gino : totoo po ate?
Yna : oo.
Gino : ate yna mamimis po kita, mamimis ko po kayo ni kuya kulas.
.
Sa awa ni Yna kay Gino ay niyakap niya ang bata.
.
Yna : mamimis din kita Gino,magpapakabait ka ha.
Gino : babalikan nio po ako ah..
Yna : oo.
Nico : sige na Gino pupunta na kami ni ate Yna mo.
.
Malungkot ang mukha ni Gino habang tinatanaw niyang papaalis sina Yna at Nico..inihatid nila mother Fely at manang veron ang dalawa sa may gate, at ng tuluyan ng makalabas sina Nico at Yna sa gate ay, may pahabol pa si Gino.
.
Gino : ate Yna, kuya kulas, hihintayin ko po yong pagbabalik nio..(sigaw niya)
.
Nico&yna : oo..babalikan ka namin..(panabayan nilang sabi)
.
At hanggang sa tuluyan na silang umalis sa lugar na iyon, at binabagtas na naman nila ang daan papunta kila mang temyong, hindi alam ni Nico ang mararamdaman kung matutuwa ba siya sa binitawang salita ni Yna kay Gino na babalikan nila ang bata, pampalubag loob lang daw ba kaya yong sinabi ni Yna sa bata na babalikan nila ito o totoo daw ba kaya yong sinabi ni Yng kay Nico, kaya nahiling niya na sana ay totoo nga na makakasama niya uli si Yna na babalik roon..at lumipas ang mga maraming minuto ay nasa kalahati na sila ng nalalakad, nagpapahinga lang sila ng konti ay lalarga na din sila, dahil para hindi sila maabutan ng tanghalian sa daan..at hanggang sa lumipas na ang oras, ay natatanaw na nila ang bahay nila mang temyong at esang,.samantala naman ay may hindi inaasahang tao na dadating sa bahay nila mang temyong, bigla na lang pumadok ang mga lalake sa bakuran nila mang temyong..at namukhaan naman ni Mang temyong ang dalawang lalake,dahil nagpunta na ito kamakailan lang, pero hindi lang dalawa ang lalaje lima na sila, sa isip ni Mang temyong na mukhang may masamang balak yong mga lalake.
.
Temyong : bakit kayo bumalik? Ano ang kailangan nio?
Lalake : hoy, magsabi ka ng totoo, nasan ang babae na tumuloy sa inyo, tinatago mo ano?
Temyong : wala akong tinatago, kahit tingnan mo sa buong paligid, wala na sila dito, umalis na.
Lalake : sinungaling ka..(tinutukan ng baril) magsabi ka ng totoo nasan si Yna Villaroman?
Temyong : nagkakamali kayo, hindi siya si Yna Villaroman, ang pangalan ng girlfriend ni Kulas ay Princess.
Lalake : hoy wala akong pasensiya sa taong sinungaling.
Temyong : baka nagkakamali lang kayo, baka hindi si Princess yong hinahanap nio, o kaya baka kamukha lang si Princess ng hinahanap nio.
Lalake : hoy, magsabi ka ng totoo kung nasaan talaga yong babae, kung hindi aalisan kita ng hininga.
.
At hanggang sa si Esang ay dumating na noon galing siyang kumuha ng gulay sa bakod nila..at hanggang sa natakot si Esang dahil nakita niyang may nakatutuk na baril sa tatay niya. Tumakbo siya papalapit sa tatay niya.
.
Esang : huwag po, huwag po niong papatayin yong tatay ko maawa na po kayo..huwag po.(pagmamakaawa ni esang)
.
Takot na takot si Esang ng mga sandaling iyon, para sa kanyang ama, at para na din sa sarili niya, sa isip ni esang na sa oras na patayin ang tatay nya ay pati siya ay papatayin na din at baka daw gahasain pa siya ng mga ito dahil mukha daw mga halang ang kaluluwa ng mga lalake.
.
Lalake : kasi ayaw nio pang sabihin kung nasan ang babaeng pinatuloy nio dito.
.
At ipinakita ng lalake ang larawan ni Yna, kay esang..
.
Lalake : nasan ang babaeng ito?
.
At nakita nga nilang mag-ama ang larawan ni Yna na ang alam nilang mag-ama na Princess ang pangalan.
.
Esang : si ate Princess!!
Lalake : princess na kung princess ang pangalan niya, nasan siya?
Esang : umalis na po sila dito. Nung makalawa pa po.
.
At samantala naman sina Nico at Yna ay nakapasok na ng bakuran nila mang temyong at nagtaka sila ng mukhang naririnig nilang umiiyak si esang dahil pilit silang pinapaamin ng mga lalake kung nasaan si Yna…at naririnig din nila na may ibang boses ng lalake at mukhang galit ito..nakaramdam ng kaba ang dalawa, sino daw ba kaya ang mga taong kagalit ni mang temyong..nagdadahan dahan silang pumasok sa may kusina upang alamin kung sino ang mga tao.,at laking takot ni Nico dahil 5 lalake pala ang naroon, at may mga baril at nakatutok pa sa mag-ama..at mas laking takot nila ng marinig nila ang sinabi ng lalake.
.
Lalake : sabihin nio na kung nasaan si Yna Villaroman kung hindi nio sasabihin, pasasabugin ko ang mga bungo nio..
Temyong : hindi nga namin alam.
Esang : opo maniwala po kayo sa amin, umalis na po dito sila..at kahit na po patayin nio pa kami ay hindi namin alam kung nasaan siya.
.
Parang may bumundol sa dibdib ni Yna dahil sa matinding kaba,at ganun din ni Nico, natakot siya para kay Yna, ano daw kaya ang pakay ng mga tao kay Yna..kaya ang ginawa nila ay dahan dahan uli silang lumabas sa pintuan ng kusina, upang itakas niya si Yna, at hanggang sa marating na nila ang labas, at nagmadali silang tumakas, pero nakita na sila ng iba pang lalake na pumunta din sa gawing likod.
.
Lalake 1 : pare ayun si Yna Villaroman.
Lalake2 : nasan?
Lalake 3 : tumatakas sila..
Lalake 4 : habulin nio!!
.
At nagpaputok ang isang lalake..at ang lalake naman na tumutok ng baril sa mag-ama ay lumabas na nun ng bahay, iniwanan na niya ang mag-ama at hinabol na din si Yna.
.
Lalake 5: huwag kayong magpapaputok, baka matamaan si Villaroman.
.
Halos nagkakabuhol-buhol ang hininga ni Yna.,dahil sa kaba, at isa pa dahil na din sa pagod..sobrang takot na takot si Yna at kinilabutan siya dahil naalala niya ang panaginip niya, na may humahabol sa kanya, at nagimbal siya sa mga nangyayari ngayon dahil ang panaginip daw niya ay nagkatotoo.
.
Nico : Yna bilisan mo pang tumakabo.
Yna : oo nico.
.
At lalo pa, ngang binilisan ni Yna ang pagtakbo niya, dasal siya ng dasal, na sana ay huwag silang maabutan ng mga lalake, at hanggang sa hindi na niya kaya, nadapa siya dahil nginig na nginig na yong mga tuhod niya sa pagod..nahiling niya na sana nailigaw nila ang mga lalake..
.
Yna : Nico, hindi ko na kaya, pahinga muna tayo.
Nico : konting tiis na lang Yna, baka abutan tayo ng mga yun..
Yna : sige.
.
At tumayo uli si Yna para tumakbo uli, hingal kabayo na siya..at ganun din si Nico, at hanggang sa napaatras sila dahil nakita nila ang ibang lalake mga naghiwahiwalay sila,.at hanggang sa nakakita sila ng pagkukublihan nila, nagmadali silang nagtungo sa may malaking bato, nagsumiksik sila yna at nico roon.,at hindi sila lumikha ng ingay..takot na takot si Yna, natakot din si Nico dahil may mga baril ito..pero pinaglabanan ni Nico ang takot, kapwa sila nagdarasal na sana ay huwag silang makita roon.at nagkaroon sila ng pagkakataon na makapagpahinga..at hanggang sa mapadako din ang mga lalaki sa kanilang pinagkukublihan, at halos hindi makahinga si Yna sa nerbiyos dahil naroon ang mga lalake, at kapa oras na nalaman na nandoon lang din sila ay malilintikan sila, dahil nakacorner na sila sa mga lalake..at nag-uusap usap ang mga lalake.
.
Lalake 1 : pare, mukhang natakasan na nanaman tayo..
Lalake : kailangan mahanap na natin yun. Kundi patay na naman tayo kay boss..
Lalake 3 : kababagal nio naman kasi.
.
Nagsisisihan ang mga lalake.
.
lalake 4 : huwag na tayong magsisihan, hanapin nalang natin, tiyak na hindi pa nakakalayo yun.
lalake 2 : dapat patamaan na lang natin ng baril sa binti para hindi na makatakbo.
Lalake 5 : huwag, huwag daw nating sasaktan si Villaroman..
Lalake 3 : eh yong lalakeng kasama niya, papatayin ba natin.
Lalake 5 : oo..kaya wag na tayong tumanga maghanap na tayo. Maghiwa-hiwalay tayo..
Lalake 1 : sandali pare, may naaamoy ako, mabango..
Lalake 2 : mabango?
Lalake 1 : oo pare, mahinhin ang amoy!!
.
Nagimbal ang dalawa dahil dinig na dinig nila ang mga usapan ng mga lalake,...


at lalo nilang ikinatakot ang sinabi ng lalake na may naamoy silang mabango, iyon ay ang pabadngo ni Yna.nataranta na sina Yna at nico, hindi na nila alam gagawin.
.
At mukhang natutuwa na ang mga lalake, dahil palagay na sila na nasa malapit lang sa kanila si Yna..at si Yna naman ay nagsisi kung bakit ba kasi nagpabango pa siya, at narinig pa nila ang sinabi ng lalake na.
.
Lalake 5 : nariyan lang yun sa paligid.
Lalake 1 : sigurado na ang pera natin..tiyak na kapag binigay ang ransom tiba tiba tayo sa ibibigay ni boss.
.
At napag-alaman na nga ng dalawa ang pakay ng mga lalake kay Yna..sobrang takot na takot si Yna, hindi na niya alam ang gagawin, at ganun din si Nico..hindi nila alam kung matatakasan pa kaya nila ang mga lalake.
.
Yna : Nico ano na ang gagawin natin?(mahina niyang sabi)
Nico : huwag kang mag alala hindi ka nila makukuha sakin.
.
Walang kasiguraduhan si Nico kung paano niya maitatakas si Yna, halos lahat ng humahabol sa kanila ay de-baril.
Halos hindi na makahinga si Yna sa takot, sa isip niya ay mukhang eto na ang katapusan niya, mukhang eto na yong ibig sabihin ng panaginip niya, sobra naman kasi ang tigas ng ulo niya, kung hindi niya sana pinilit si Nico na pumunta kila esang at mang emong sana hindi mangyayare sa kanya iyon, at eto nadamay pa si Nico..pero sa kabilang banda ng isip niya ay kung hindi sila nagpunta ni Nico kila esang at mang temyong, ay ang mag-ama naman ang mapapahamak.. humugot muna siya ng malalim na hininga..dahik talagang nagsisikip na abg kanyang hininga, at saka niya tiningnan si Nico.
.
Yna : Nico sorry nadamay ka pa.(bulong niya)
Nico : wala yun, huwag kang maingay, malaki ang awa ng Panginoon, hindi niya tayo pababayaan.. hindi ko hahayaang masaktan ka nila.
Yna : huwag na Nico iligtas mo ang sarili mo, lalabas na ako, magpapakita na ako sa kanila, ako lang naman ang kailangan nila eh.
Nico : hindi Yna, hindi ako papayag na sumama kanila..baka kung ano ang gagawin nila sayo.
Yna : Nico makinig ka sakin, parang awa mo na ayokong madamay ka nico, kailangang iligtas mo ang sarili—–
.
Hindi na naituloy ni Yna ang sinasabi dahil sukol na sila ng mga lalakeng kidnaper.
.
Lalake : lumabas na kayo jan.
.
Sukol na silang dalawa wala na silang nagawa kundi lumabas sa pinagkukublihan nila dahil may nakatutuk na baril sa kanila, at bago tuluyang makalabas si Nico ay unundayan niya ng suntok ang lalakeng may hawak ng baril, pinaguundayan niya ng suntok ang lalake, at si Yna naman ay di malaman ang gagawin takot na takot siya, at hanggang sa nabitawan ng lalake ang baril at naisip ni Yna na kuhanin ito, ngunit hindi na niya nakuha dahil hawak na siya ng isa pang lalake..at si Nico naman ay napapasabak pa sa tatlong lalake..at sa kasamaang palad ay hindi na siya nakalaban dahil tinutukan siya muli ng baril,,nagmamakaawa si Yna na huwag saktan si Nico na huwag barilin.
.
Yna : huwag…parang awa nio na huwag niong papatayin yong kasama ko, sasama na ako sa inyo, nico tama na huwag ka ng lumaban(umiiyak niyang sabi)
.
Pero pilit pa din nanlaban si Nico, ginawa niya ang lahat upang makaagaw siya ng baril, pero hindi siya nagtagumpay dahil hinampas siya ng isang lalake ng baril sa mukha, at siya ay napasadsad sa lupa,
.
Yna : Oh my God!! Nico..kuya huwag nio po siyang sasaktan parang awa nio na po.
.
hindi kinaya ni Nico ang 5 lalake, at dahil ang lahat ng lalake ay may mga baril.
.
Yna : huwag…Nico, huwag ka ng lumaban..nakikiusap ako sayo..
.
Pero hindi pa din nagpasindak si Nico bumangon pa rin siya, pero ang isang lalake ay pinaputukan si Nico.
.
Yna : ayy, oh my God..nico!!!!(sigaw niya)
.
Pinaputukan si Nico pero hindi ito pinatamaan, sinindak lang siya nito, na ang akala din ni Yna ay talagang pinuruhan na si Nico.
.
Yna : nico huwag ka ng lumaban…parang awa nio na, huwag nio siyang babarilin..
Lalake : sige, basta ipangako mo na sasama ka samin ng maayos.
Yna : oo..oo..sasama ako..pero ipangako nio din na hindi nio siya sasaktan, kundi wala kayong makakamit na ransom money, sinisiguro ko sa inyo. Wala kayong makukuhang ransom money.
Lalake 1 : eh paano itong lalake pare, anong gagawin natin dito sa kasama niya..
Lalake 2 : isama na natin yan, at baka magsumbong pa yan..
Lalake 3: talian yong kamay sa likod para hindi makalaban yan..
Lalake 4 : oo nga malupet makipaglaban eh, halos basagin yong mukha ko.
.
At itinali nga ang mga kamay ni Nico sa likuran niya, at wala na siyang magawa dahil may mga baril ang mga lalake, at isang kalabit lang sa gatilyo ng baril ay siguradong mawawalan siya ng buhay, at ang inaalala niya ay si Yna, dahil baka kung ano ang gawin ng mga hdalang ang bituka..kaya sa isip niya ay kukuha na lang daw uli siya ng tyempo, makakuha lang siya ng armas na baril ay hindi na siya madedehado..at hanggang sa hinawakan ng isang lalake ang damit ni Nico, at nilamukos ito at nagbanta.
.
Lalake 1 : huwag na huwag kang gagawa ng ano mang kalokohan, kundi sasabog ang utak mo..
Lalake 2 : oo nga, hindi ka sasantohin ng mga bala namin..
Lalake 3 : sige lakad..(sabay tulak kay nico)
.
Nauunang pinalakad ng mga lalake si Nico, nag-iisip si Nico ng gagawin niya, para makatakas sila ni Yna, at si Yna naman habang naglalakad sila ay dasal siya ng dasal, naawa siya kay Nico dahil pati ang binata ay mapapahamak dahil sa kanya, hindi daw niya mapapatawad ang sarili kung may mangyayaring masama kay Nico..at hanggang sa sobra ng nakakaramdam ng pagod si Yna.
.
Yna : pwede bang pahinga muna tayo..hindi ko na kayang lumakad.
Nico : pagpahingahin nio naman si Yna, pagod na pagod na siya..
Lalake 1 : hoy babae pareparehas lang tayo na napapagod, kailangan na nating magmadali.
Yna : hindi ko na nga kayang maglakad eh.
.
Huminto sa paghakbang si Nico..at dahilan din na napahinto sa paglalakad ang mga lalake.
.
Nico : napapagod na daw si Yna, maawa naman kayo sa kanya.,
Lalake 2 : hoy lalake, wala kang pakialam kung ano ang desisyon namin kapag sinabi kong walang magpyapahinga wala.,hala sige lakad.
Nico : pagod na nga yong kasama ko eh.
Lalake 3 : o kung ikaw ang pagpahingahin ko..(sabay tutok ng baril sa ulo)
.
Sobrang natakot na naman si Yna para kay Nico.
.
Yna : huwag naman, sige hindi na ako magpapahinga.
Lalake 5 : sige lakad!!
.
At hanggang sa lumipas pa ang 30 minuto ay may nakita silang isang sasakyan na lumang van, sa isip ni Yna ay baka doon sila isasakay sa van na yoon..at hanggang sa makarating na nga sila sa sasakyan.
.
Lalake 1 : sige sakay!!
Lalake 2 : tawagan nio na si Boss, sabihin nasa kamay na natin ang babae.
.
At tinawagan na nga ng isang lalake ang boss nilang si Noel..ngunit walang signal roon.
.
Lalake 3 : Walang signal.
Lalake 4 : ituloy na natin sila sa isla..baka makapagsumbong pa ang mag-ama sa mga pulis o kaya sundalo..delikado tayo..
.
At sumakay na din ang mga lalake sa van, at umalis na din sila roon, at hanggang sa may kinuha ang isang lalake sa kanilang bag na dala, at may panyo na inilabas sa bag at ipinaamoy sa mga bihag..at hindi nagtagal ay nawalan na ng malay sina Yna at Nico dahil sa ipinaamoy na panyo na may pampatulog.
.
Lalake 5 : mas mainam ng matulog muna kayo..lalo ka na lalake..
Lalake 4 : ano kaya kung ihulog na natin yong lalake, baka mamaya makakuha pa ng tyempo yan, maisahan tayo..
Lalake 2 : ano ka ba, hindi pwede, hindi nio ba naisip na kapag tinawagan ang ama ng babae, ay hindi magsalita yan, dahil sa pinatay natin yong kasama niya. Paanong maniniwala na nasa atin ang anak niya.
Lalake 1 : oo nga may punto ka dun pare.
Lalake 3 : oo hindi nio na natandaan yong sinabi ng babae kanina..sisiguruhin niya daw na wala tayong makukuhang ransom.
.
At lumipas ang kulang isang oras, ay nagising na si Nico, nakaramdam pa siya ng konting hilo, dahil sa gamot na naamoy niya, at tiningnan niya si Yna. Tulog pa din ito, naalala ni Nico ang panyong pinaamoy sa kanila ng nga lalake may pampatulog ito, sobrang nag-aalala si Nico para sa dalaga, hindi niya alam kung paano niya maililigtas ito sa mga lalake..gayong nakatali ang mga kamay niya sa likod, ni hindi siya makakilos, at sobrang sakit na ng mga kamay niya dahil kanina pa niya ginagalaw galaw ang kamay niya habang lumalakad mahigpit ang pagkgakatali ng lubid sa kamay niya, ginagalaw galaw niya ang kamay, upang lumuwag ang lubid na nakatali dito, pero sobra naman kasi ang higpit sa pagkakatali sa kamay niya..at hanggang sa pumasok sa kagubatan ang kanilang sinasakyan..at napag-alaman niya na dagat pala ang tinutuntun doon, at hindi nagtagal ay unti-unti ng nagigising si Yna, at ng magmulat ng mata si Yna ay si Nico agad ang hinanap ng mga mata niya.at naibsan ang pangamba niya ng masilayan niya si Nico sa gawing likuran niya..at nagtaka si Yna kung nasaan na sila, at hanggang sa nahinto na ang sinasakyan nila..bumaba ang mga lalake at pinababa na din sila..at lumakad uli sila at hanggang sa marating na nila ang malaking resthouse ngunit walang tao roon, takot na takot si Yna dahil hindi niya alam kung ano na ang mangyayari sa kanilang dalawa ni Nico, at hanggang sa makarating na sila sa likod ng bahay, at meron na silang nakitang tao at sumalubong sa kanila.
.
Lalake : sige bilisan nio isakay nio na sa yati ang bihag.
.
At noon lang napansin nila Nico at Yna na may yati roon, at dali dali silang isinakay ng mga lalake sa yati..at pagkasakay nila ay ayaw pang umandar ng makina ng yati..kaya inalama ng isang lalake kung bakit hindi pa sila umaalis,,at napagalaman nila na mukhang nagkaroon ng diperensiya ang makina, at muli silang lumabas ng yati.
.
Lalake 1 : paano yan..nagkadeperensiya naman ang makina.
Lalake 2 : kailangan na nating makaalis sa lugar na ito at may naliligaw na mga sundalo dito..
Lalake 3 : sa yati na nila boss natin isakay yang dalawa na yan.
Lalake 4 : sige.,tayo na.
.
At nagmadali na silang pumunta sa isang yati..sa isip ni Yna, sino kaya ang amo ng mga lalakeng ito.
.
Samantala naman ay, ang mag-ama ay nagkakatuwaan, nag-iinuman sila kasama nila si Mitch..at hanggang sa narating na nga ng mga lalake at nila Yna at Nico ang isa pang yati, mas malaki ito kesa sa unang pinagsakyan nila..tuloy tuloy sila sa loob ng yati.at nadadagdagan ang kaba ni Yna dahil makikita na niya ang pinaka-boss ng mga lalake na nag-utos na kidnappin siya.
.
Lalake : boss eto na si Yna Villaroman.
.
At laking gulat naman ni Poli ng marinig niya ang sinabi ng tauhan nila na naroon na si Yna at ganun din si mitch..at nagimbal si Yna ng malaman niyang si Poli ang nagpakidnap sa kanya, at isa pang ikinagulat niya ay naroon si Mitch na kasama si Poli na nakapayakap pa ito sa boyfriend niyang si Poli.
.
Yna : Poli…!!
.
Itutuloy..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top