Hi👋 Say galan name ko Nagaaral Senior High Grade 11 student , isang dancer .
Ito lang naman Ang aking Hilig Ang pagsasayaw Simula pa Nung grade 3 ako Kinahiligan ko ng sumayaw. Nagsimula ako sumayaw dito Saming barangay. Kapag may program sa barangay namin Niyayaya ko mga Kaibigan ko Sumayaw. Tuwang tuwa ako Kapag Nakakasayaw Ako lalo na kapag maraming nanunood At pinanunood ako😊 Masarap sa pakiramdam yung Napapasaya mo ang Mga Tao, lalo na Pagtapos mo sumayaw Sasabihin nila Sayo “Ang galing mo naman sumayaw” Ang sarap sa pakiramdam kapag ganun Naririnig mo. pero meron ako isang pangarap Yung makasali sa isang Grupo.
Isang araw Nagkaroon ng isang Dance contest saming barangay Excited Ako nun Manuod at makakita ng malalakas Ng Grupo. Dun ko nakita ang isang Grupo na Gusto kung salihan Kids next door (KND) sobrang galing nila Lalo na Pag tambling. Sila Yung ginawa kung inspiration para ipagpatuloy ang pagsasayaw at kagustohan makasali sa kanila👊
2nd Year High school ako meron ako nakilalang isang dancer Grupo siya ng (KND) na gusto kung salihan.
Pumunta siya sa bahay boyfriend siya ng Ate ko. Di ako makapaniwala nun na dating pinanuod ko lang ngayon nasa harap ko na. Dun na nagsimula Nung nalaman niyang marunong akong sumayaw, sinali niya ako sa grupo nila. Tuwang tuwa naman ako at ipinagmamalaki ko yun dahil nakasali ako sa kanila, nagpractice,nagworkshop,training, yan yung pinagkakaabalahan ko nun. Nagsumikap magpractice maging malakas at makipagsabayan sa kanila 😊😊 Sobrang kaadikan ko sa pagsasayaw Kahit walang pera Para lang makapagpractice Nag 123 ako minsan sa jeep Hindi ako nagbabayad Makapractice lang. Hindi pa kasi ako Suportado ng magulang ko nun😞 lagi nila sinasabi ANONG MAPAPALA MO SA PAGSASAYAW GASTOS LANG YAN! 😠 yan palagi sinasabi sakin ng mga magulang ko pero binabaliwala ko lang Lahat ng mga sinasabi...