HIS SECRET GIRLFRIEND


AUTHOR : Krista130
πŸŽ‡πŸŽ‡ NEW STORY πŸŽ‡πŸŽ‡
PROLOGUE :
” Handa akong maging tanga pagdating sa’yo Benedict.Kahit anong gawin mong pagtataboy sa akin,hindi ako susuko.Alam kong darating din ang tamang panahon para mahalin mo din ako.”
” Nika , mahirap bang intindihin na kahit kailan, hindi kita mamahalin.Kaya kung pwede ba , umalis ka na … Hindi kita kailangan !!! ”
” Hindi ako aalis Benedict.Kahit magalit ka pa sa akin ng sobra ”
” Alam mo Nika , kaunti nalang mauubos na ang pasensya ko sa iyo.Basta wag ka ng pupunta sa opisina.”
” Bakit ba ayaw mo akong pumupunta doon ? Girlfriend mo naman ako.”
” Ano ba ang hindi mo maintindihan Nika ? Oo pumayag ako sa gusto mong maging boyfriend mo ako.Pero hindi ibig sabihin nun mahal kita.Isa ka lang sekreto sa buhay ko na kahit kailan ay hindi ko ibubulgar sa ibang tao.Tandaan mo , ikaw lang...


ang may gusto sa set up na ito.Ginusto mo ito kaya tiisin mo ang sakit na nararamdaman mo.Wala akong paki alam sayo.!! ”
Ang sakit niyang magsalita.Pero kahit ganon , mahal ko pa rin siya.Bata pa lamang kami , alam kong magiging kami.Ang lungkot nga lang kase sa ibang babae siya nagkakagusto.
Wala naman akong ginagawang masama sa kanya.Nagtataka nga sina Mama Alice kung bakit ang init lagi ng ulo sa akin ni Benedict.
Ginawa ko naman ang lahat para magustuhan niya ako.
Pero wala eh , hanggang pangarap na lang siguro ako.
Ayokong sumuko , pero kung minsan kase sobra na ang pananalita niya.
Kung dumating man ang oras na lalayo na ako sa kanya , sana ay huwag niyang pagsisihan.
Ah basta , mahal ko si Benedict.
Tanga na kung tanga…
Mahal ko siya kaya ipaglalaban ko siya.
Bahala na kung anong mangyari.
( TO BE CONTINUED … )






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top