“I’M THE MASTER OF THE CEO” CHAPTER 8


(AYA POV)
+ Anong gagawin ko?? Ano idadahilan ko. Aya magisip ka bilisan mo, mas nataranta ako ng matanaw ko nang papalapit ng kotse nya, paano paano paano???? Maya maya nasa harap ko na nga, bumaba sya at pinagbuksan ako ng pinto.
Primo- pasok
Aya- Ahhhhhhhh, Sir, may paborito akong kainan, gusto nyo dun na lang tayo?
Primo- hm? Wag na, baka may makakilala pa satin.
Aya- hindi yan Sir.
Primo- Mas mabuti ng sa inyo para maihatid din kita, aalis ako ng alam kong nasa bahay ka na.
Aya- kaylangan ba talaga yun?
Primo- ha?
Aya- wala po. Pero may alam talaga akong kainan Sir pramis.
+ sinara nya uli ang pinto at sumandal sa kotse.
Primo- hmm, natatakot ka ba na baka may gawin ako sayo??
Aya- po? Hindi ah. Ano lang kasi, madumi, madumi ang bahay ko.
Primo- wag ka mag alala, lilinisin natin.
Aya- NO!!!
Primo- anong bang nangyayare sayo.
Aya- isipin nyo naman yung mararamdaman ko.
+ kumunot ang noo nya.
Aya- san ka nakakita ng PA na pinaglinis ang boss nya?
Primo- ngayun pa lang.
Aya- SIR!!!!!
+ nagulat sya, kasi naman.
Primo- wag ka sumigaw.
Aya- pramis masarap dun sa alam kong kainan.
Primo- haysss, oo na, san ba yun.
+ yeyyyyyyyy!!!
Aya- dyan lang yun Sir hehe.
Primo- pasok na.
Aya- okay poooooo.
+ pumasok nako sa loob, ayos, ang problema ko na lang ngayun ay kung san kami kakain, iisip na lang kasi ng dahilan, mali mali pa. Pinaandar na nya ang kotse at nag drive.
Primo- san ba yung sinasabi mo?
Aya- uhmmmmm.
+ Ayun! Sakto.
Aya- diretso lang Sir.
15 minutes later.
Primo- Seryoso ka ba?
Aya-bakit, masarap naman pagkain dito ah.
+ humarap sya sakin.
Primo- so ito yung paborito mong kainan?
Aya- opo.
+ tinitigan nya lang ako.
Aya- eyyy, tara na? Ako na oorder.
+ wala na sya nagawa dahil hinila ko na sya paloob, sya nga pala nasa Jollibee kami ngayun haha. Bakit? Masarap naman dito ah, nagpapa deliver lang din naman sya lagi, pareho lang yun. Ang mahalaga nakaligtas ako hahahha. After nun, kinulit nya pako na ihatid, nagpahatid ako pero bumaba nako sa isang kanto kahit malayo pa, hayyy patagal ng patagal, pahirap ng pahirap, pagdating ko sa bahay, lupasay ako sa set, hayyyyy, hindi ako physically pagod, pero mentally oo. Bumangon ako dahil nag ring ang phone ko kaya sinagot ko muna.
Aya- Edward.
[ Maam, I’ve looked in about their lifestyle, they are just some ordinary people, they are currently renting their house and pay their car a month. I also heard that the accident cause them to pay 30,000 pesos for the critical situation of their baby. ]
+ huminga na lang ako ng malalim.
Aya- okay, thank you Edward.
[ no problem Maam]
+ ibinaba ko na ang phone. Ano bang dapat gawin, masakit ang nangyare kay Sir Luis, pero the baby is also suffering. Pakiramdam ko may magagawa ako para dito. Pagkatapos ko magbihis, natulog nako, maaga pako pa set bukas. And the day comes, inagahan kong pumunta sa set para maaga din kong makarating sa ospital para magbantay. 5 minutes, dumating nadin si Primo, lumapit ako agad sa kotse nya at binati sya.
Aya- Goodmorning Sir.
Primo- Goodmorning ka dyan.
+ agang aga ang taray.
Primo- nagagawa mo pa talagang ngumiti.
+ anong bang nagawa ko?
Aya- bakit po ba?
Primo- ayaw mong kumain tayo sa inyo, pati ihatid ka sa mismong bahay mo, ayaw, may tinatago ka ba?
Aya- wala.
Primo- tss.
+ nagulat kami pareho ng may mga biglang sumilpot sa likod namin na mga fans nya, babati pa lang sana sya ng batuhin sya ng isang banner. Agad akong humarang ng makita ko yun.
Aya- Sir!! Ayos ka lang.
Primo- anong ginagawa mo dyan?
” NAKAKAHIYA KA”
” KINAKAHIYA MO AMA MO”
” SIGURO DAHIL HINDI MAYAMAN AMA NYA!!! ”
” MAHIYA KA SA BALAT MO! ”
+ dyusko, eto na nga ba ang sinasabi ko. Dumating ang ibang staff, at tinulungan kaming paatrasin ang ibang fans. Chineck ko si Primo, buti okay lang sya.
Primo- okay ka lang? Diba sabi ko sayo sa likod lang kita lagi.
Aya- okay lang ako. Sabi ko na nga ba eh. Sir, okay lang po ba talaga na magresume na kayo ngayung araw?
Primo- hayyy, Aya, normal yan, alam kong nang hindi malabong mangyare to.
Aya- Sure ka ba?
Primo- oo, puntahan mo na si Daddy.
Aya- tawagan moko agad pag may nangyare.
+ tinap nya ang ulo ko, bago naglakad papunta sa set, tiningnan ko sya sa likod, muka namang okay sya. Nakakapag alala lang kasi.
Aya- Siiiirrrrrrr.
+ lumingon sya.
Aya- Susunduin kita mamaya.
+ nagkibit balikat na lang sya tapos ay nagdirediretso na. Tumingin ako sa mga fans, sobra naman ata to, sumakay nako sa kotse at pumuntang ospital. Pagdating ko dun, ipinarada ko na lang ang kotse, ah, bibili na lang muna ako ng prutas, pagkatapos kong bumili, pumasok nako, nagulat ako ng may bumangga sa likod kong lalake, tumatakbo at nagmamadali kaya nabitawan ko ang mga binili kong prutas. Tumigil ito sa information desk.
Lalake- Nasan yung inadmit dito na baby, yung anak ko.
Nurse- sandali lang po.
Lalake- BILIS!! NASAN.
Nurse- teka ano po bang pangalan ng anak nyo?
+ biglang may pumasok na mga pulis. Ng makita nya ang mga ito, tumakbo sya at binuksan ang mga pinto, pati mga nurse nataranta na at sinundan sya. Ano bang nangyayare? Out of curiosity sumunod ako pagkatapos pulutin ang mga prutas. Nakita kong pumasok sya sa isang kwarto kasunod ang mga pulis. Pagdating don.
Pulis- wag na natin palalain to, sumama ka na pabalik sa presinto.
Lalake- nasan ang asawa at anak ko??
Pulis- pinalalala mo lang ang sitwasyon mo.
Wag mong antayin na masaktan ka pa.
+ hindi ba sya yung. Nanlaki ang mata ko.
Aya- sandali lang po.
+ napatingin sila sakin pati yung lalake. Lumapit ako.
Aya- dadalhin kita sa pamilya mo.
Pulis- Maam, delikado pa kung hahayaan sya. Kami na ang bahala sa kanya.
Aya- I’ll take full responsibility, isa pa kasama ako ng complainant. Gusto lang naman nyang makita ang pamilya nya, let him...


be.
+ sa huli pumayag din sila, bigla kasi akong naawa, ito lang yung unang beses na makikita nya ang pamilya nya pagkatapos ng aksidente. Pumunta kami sa room kung saan naka confine ang anak nya, pero hindi makakapasok sa loob kaya hanggang sa salamin nya lang ito makikita, dumating naman ang asawa nya at niyakap sya ng mahigpit. Halos hindi tumigil sa kaiiyak ang babae, nararamdaman ko ang sakit na yun, after ilang minuto ay hinawakan na uli sya ng mga pulis, pero bago ito sumama ay lumapit muna sakin, nakabantay naman agad ang mga pulis.
Lalake- salamat po. Atsaka dun po sa matandang nabangga ko, pakisabi po, humihingi po ako ng tawad. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya tumango na lang pagkatapos ay dinala na sya ulit ng mga pulis. Ng makalabas na sila, lumapit sakin yung asawa nya.
Babae- Maam, salamat po, atsaka pasensya na po sa nangyare nung kama kaylan lang, bilang isang ina at asawa, hindi ko na lang po talaga alam ang gagawin ko eh, pasensya na po.
Aya- ayos lang ho yun, sa totoo lang dapat ako ang mag sorry dahil alam kong wala naman talagang sumadya sa nangyare, sorry po sa nangyare sa anak nyo.
+ muli na naman itong umiyak.
Babae- natatakot na nga po ako eh, hindi ko po makakayanan kapag nawala pa ang anak namin, lalo nat wala sa tabi ko ang asawa ko.
+ tinapik ko lang ang balikat nya.
Aya- kung may oras po kayo kahit sandali lang, maari ko po ba kayong makausap mamaya sa coffee shop sa harap lang.
Babae- Para saan po?
Aya- May gusto lamang po akong sabihin.
+ nagpaalam na muna ako, pumayag naman sya, hindi ko kasi kayang mag pasa walang bahala na lang sa mga nangyayare, pakkramdam ko nakokonsensya ako. Pumunta muna ako sa kwarto kung saan naron ang ama ni Primo pati ang kinuha nyang tagabantay saglit.
Aya- kamusta po sya?
– okay naman po, maganda naman po ang sinasabi ng doctor tuwing chinicheck sya.
+ inilapag ko muna ang mga prutas na dala ko tsaka lumapit sa kanya. Nakikita ko namang malapit na nga syang magising dahil nakaka recover na ang katawan nya, mabuti naman.
– lalabas na po muna ako, tawagin nyo lang po ako pag may kaylangan kayo.
Aya- uhm, wag na po kaya muna, aalis lang din po ako saglit mabilis lang, babalik din agad ako, tsaka po kayo lumabas pag nakabalik na po ako, may aasikasuhin lang.
– ah sige po wala pong problema.
+ lumabas muna ako para pumunta sa coffee shop, maghihintay na lang muna ako dun. Hindi ko alam kung tama ba tong gagawin ko, pero mas mabuti nato kesa wala akong gawin, umupo na muna ako sa isang table, mga ilang minuto lang natanaw ko ng papasok sya. Ngumiti ito sakin bago umupo sa harap ko.
Babae- matagal po ba kayo nag antay?
Aya- hindi naman po, oorderan ko lang po kayo ng maiinom.
Babae- salamat po.
+ umorder na nga ako. At maya maya dumating nadin.
Babae- ahh, gusto ko lang pong tanungin, para san po ba ito?
Aya- uhmm, wag po sana kayong mag iisip ng kung ano or masama pero gusto ko sanang tumulong.
Babae- po? Naku hindi na po kaylangan, pare pareho lang naman po tayo nabiktima kaya maiintindihan ko po.
Aya- alam ko pong mahirap isipin kung bakit ko nasabi to, pero sa maniwala kayo at sa hindi, gusto ko po talagang tumulong sana hayaan nyo ko.
Babae- paanong tong po ba ang ibig nyong sabihin.
Aya- sa ngayun hindi ko ho maililigtas ang asawa nyo sa nangyare kayaaa..
+ binuksan ko ang bag ko at kinuha ang isang envelop. Iniabot ko yun sa kanya, tinanggap nya at binuksan. Nabitawan nya ito bigla
Babae- naku Miss, hindi ko po matatanggap yan. Baka naman po suhol yan.
+ hinawakan ko sya sa kamay at pinakalma.
Aya- Hindi po ito suhol, bakit ko naman gagawin yun? Halos aminin na ng asawa nyo ang mga nagawa nya tapos kritikal pa ang anak nyo. Alam kong malaking pera ang kakaylanganin nyo, tanggapin nyo na po.
Babae- hindi ko po alam kung tamang tanggapin ko yan, kahit naman po isa kayo sa kasama ng nabiktima namin, hindi ko parin po kayo ganun kakilala, sana maintindihan nyo po. Yung lalake, kilala ko po, artista sya pero ikaw, pasensya na po talaga.
+ napabuntong hininga ako at yumuko. Anong gagawin ko?
Aya- kapag po ba, sinabi ko sa inyo kung sino ako, tatanggapin nyo na ang pera?
Babae- Maam kahit sino pa po kayo, napaka laking pera po nyan, baka kaylanganin nyo rin po at hindi pa maganda ang lagay ng pasyente nyo.
+ sana tama itong magiging desisyon ko. Kinuha ko ang wallet ko sa bag, tapos binunot ang Black card ko with ID.
Aya- ito po, yan po ang magpapakilala kung sino ako.
+ kinuha nya ito at tiningnan.
Babae- ano po ba ito?
Aya- Black Card, anim lang po kami na meron nyan dito sa pilipinas
Babae- ano pong ibig sabihin nun?
Aya- Yan po ang patunay na ikaw ay nagmamay ari ng malaking kayamanan at negosyo, kahit saang bansa mo dalhin, makikilala ka agad dahil sa Black Card na yan.
+ natulala sya at tiningnan uli ang Card.
Babae- ang ibig nyo po bang sabihin?
+ tumango na lang ako.
Babae- pero diba, PA lang kayo nung Artista?
Aya- opo pero, sa ngayun kayo lang ang pinagsabihan ko.
Babae- hindi po ba masyadong mahalaga ang impormasyon na ito, bakit nyo po sinabi sakin.
Aya- wala ng mas mahalaga pa sa buhay ng bata, nagtitiwala din po ako na wala naman kayong pagsasabihan na iba dba? Hindi po sa nagyayabang pero, maliit pa po sakin ang perang sabi mo ay napaka laki na, maliit hindi dahil mayaman ako, kundi dahil kulang pa ito bilang tulong. Sana po tanggapin nyo na.
+ napatingin uli sya sa envelope, ang envelope nayun ay may lamang cheke. Hindi ko sya masisisi sa naisip nya kanina. Alam ko ring tama ang ginagawa ko. Nginitian ko na lamang sya. Parang wala lang sakin na na expose ang identity ko, kung para naman sa gantong bagay.
Itutuloy……






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top