Embracing The Darkness
Kabanata 3
Hapon na ng magising ako, langya aga pa sobra. Wala kasi akong ginawa kagabi kundi icomfort si Maalindog pero hindi naman sa nagrereklamo ako ha. Lumabas muna ko ng munti kong tirahan dala ang aking pitaka. Pumunta ako sa bakery sa isang kantuhan lang.
“Pabili nga po ng dalawang spanish bread at tatlong pandicoco.” sabi ko sa tindera. Ang init sobra, kahit hapon na tirik pa ang araw. “Ay padagdag na din po ng isang mango juice at isang yelo Ate Gina.” nakangiti kong dagdag.
“Kainitan ngayon ano Kendra? Kumusta ka naman iha?” mabait nitong pangungumusta. Kendra ang totoo kong pangalan, syempre hindi naman lahat ng tao dito alam ang pangalan ko sa bar. Tanging iilan lang na nakapasok na sa pingatatrabahuhan ko tulad nila Bert.
“Ayos naman Te single pa din. Kayod pa din kayod para mabuhay.” biro ka pa.
“Haha. Bakit naman? Bulag yata ang mga binata dito sa atin ah. Sa ganda mong babaeng iyan, wala pang nagkakamali?”
“Naku Ate Gina, I know right. Pero syempre naman Te, may nagkakamali kaso mga tambay at manginginom. Ayoko naman na ako pa bubuhay sa jojowain ko, hindi iyon nakakaganda. Tsaka Te, nangangarap din naman ako ng lalaking mag-aahon sa akin dito, wala naman sa plano kong dito na forever. Haha.”
“Ay tunay ka Kendra, magaling iyong mamimili ka. Mamaya adik pa kabagsakan mo, ay huwag.” Nagpaalam na ko matapos ang chikahan namin. Uhaw na uhaw na ako kaya nagmamadali na kong umuwi. Nabigla ako ng madatnan ko sa labas ng maliit kong gate si Matamis at Maalindog?
“Anyare girls?”
“Ah eh Masarap may hihingin kasi kaming pabor sayo kung okay lang sana?” nangangalumatang sabi ni Matamis. Mukhang wala pa silang tulog, nagpapalakihan sila ng eye bags e.
“O, siya kayo’y pumasok muna at magtitimpla muna ako ng juice. Sobrang init sa loob tayo mag-usap.” Pinapasok ko naman sila agad at pinaupo matapos ay itinapat ko sa kanila ang elecric fan agad namang humilata si Matamis. Ako naman ay dumiretso na sa kusina para ihanda ang binili ko. Dala ang tasty at mayo na stock ko pati na ang binili kong tinapay at tinimplang juice sa maliit lamesa sa maliit ko din na salas.
“O inom at kain muna kayo bago tayo mag-usap. Natulog ba kayo? Mukha kayong puyat na puyat ah.” sabi ko pa sa kanila habang sinasalinan ang mga baso nila. Kumuha naman si Matamis ng tasty at pinalamanan iyon pati si Maalindog ay inabotan niya at mukhang nahihiya pa.
Uminom muna si Matamis bago nagsalita, “Wala nga kaming tulog kakapunta sa mga katrabaho natin. Sa inuupahan ko sana patutuloyin itong si Marie Belle kaso bukod sa nandoon ang adik kong boyfriend, lumuwas pa ang kaniyang dalawang kapatid at sa amin muna maninirahan habang naghahanap ng trabaho. Alam mo namang ang liit lang ng apartment ko kaya pinuntahan ko ang ibang kasamahan natin para magbaka sakali kung maaring doon muna si Marie kaso wala. May mga problema din sila sa tirahan nila, iyong iba madami din sila sa inuupahan nila, iyong iba naman problema sa bayad ng renta at iyong ibang hindi ko naman kaclose puro palusot at mukhang ayaw lang.” namomroblemang paliwanag ni Matamis at bumuntong hininga pa. Napatingin naman ako kay Maalindog na nakayuko habang hawak ang baso niyang may juice. Napansin ko din ang may kalakihang sako bag na may zipper sa tabi ni Maalindog, probinsyana talaga.
“Oh hindi ba siya binigyan ni Madam? Malaki ang kita nitong si Maalindog kagabi ah?” tanong ko pa. Limang lalaki ba naman tapos nagperform pa siya kagabi kung saan inulan siya ng pera.
“Binigyan naman niya ako Ate. Pambudget. Iyon lang budget ang iaabot nya sa akin palagi para daw makabayad agad ako.” Si Maalindog na ang sumagot.
“Oo Masarap, malaki nga kinita. Inabutan lang naman ba ng 600 si Marie. Jusko saan aabot iyon dito sa Maynila, kulang na kulang pa. Tapos eto pa inalok niya si Marie na sa bar manirahan sa umaga at maglatag na lang daw pero syempre may bayad. Aba baka hindi na makaahon ang batang ito, sa laki ng ineteres. 50,000 daw ang inutang ng bruhang ina pa nitong si Marie. Walang awa.” umiiling na sabi pa ni Matamis. Maging ako ay naawa na kay Maalindog, grabe naman iyong Nanay niya. Siya kaya ang magbanat ng buto pati si Madam na sobrang barat ay ang sarap palunokin ng barya.
“So ang pabor na hihingiin niyo ay kung puwedeng dito muna si Maalindog?” hula ko.
Napayuko sila parehas at mukhang parehas ding nahihiya. Tumango sila matapos ay lumuluha na naman si Maalindog. Jeske ay buti at hindi nauubosan ng luha ang batang ito. Kaya naman tumikhim ako kaya inangat nila ang mga mukha nilang kabado. At tumatangong nginitian ko sila. Nanlaki ang mata ni Matamis habang humagulhol na si baby girl.
“Walang problema. Hangga’t kaya ko keri lang tsaka sinu-sino pa ba ang magtutulongan? Tumahan ka na baby girl at hindi ka na sa lansangan pupulotin. Haha.” pampapagaan ko ng loob kay Maalindog. Pati nga si Matamis umiiyak na din.
“Maraming salamat Ate. Maraming salamat talaga, hindi ko alam ang gagawin ko kanina eh. Maraming salamat po talaga sa inyo mga Ate. Kaya lang wala akong maibabayad sa renta dito. Pero ibibigay ko na lang iyong mga binibigay sa akin ni Madam sa iyo.”
“Welcome. Huwag na itabi mo na lang muna iyan. Tsaka ka na bumawi kapag nakaluwag luwag ka na. Tsaka anong renta? Sariling bahay ko naman ito kaya hindi na kita sisingilin ng renta.”
“Salamat Masarap ha, hindi ko din alam gagawin ko kanina kay Marie buti na lang talaga nandyan ka.” nakangiti ding pasasalamat ni Matamis.
“Oh sya tama na ang dramahan natin, nakakawala ng ganda. Ikain na lang natin, ‘wag na kayong mahiya.” natawa na lang din kami. Natapos ang meryenda naming puro pasasalamat ang sinasabi nila sa akin. Dalawa naman ang...