THE REVENGEANCE Chapter 15


Labis na nasasaktan si Daniel sa pag-iwas ni Armina sa kanya.Ginawa na niya ang lahat ngunit ayaw makipag-usap ng girlfriend niya sa kanya.Kung si Daniel nasaktan ganun din si Armina ng mga sandaling iyon,lalo pa kapag napagmasdan si Daniel na nakatulog sa kotse na naghihintay sa labas ng bahay.Pinairal niya ang pride,hindi ganun kadali na mapatawad niya si Daniel.
Kinabukasan,napatawag ang Kuya Stephan niya dahil magpapasundo ito sa Airport dahil pauwi na ito ng Pinas at may aasikasuhin itong business sa Pinas.
Sakay sila ng kotse nang bandang alas 8 ng umaga,magiliw na nagkwentuhan sina Armina at Kuya Stephan niya,papasok sana sila sa Alcantara Textile Company nang makita nila si Daniel. Nagdilim ang paningin ng binata at sinalubong ng suntok ang Kuya Stephan niya,nakaganti naman si Stephan sa pagkabigla ng pagsuntok ng lalaki sa kanya.
“Daniel!tama na!!” awat ni Armina sa kanya
“Iyan na ba ang pinagpalit mo sa akin?” nagkukuyom ang galit sa mukha ni Daniel
”How d*re you to say that!!tanga ka na nga Daniel,mangbibintang ka pa..umalis ka na baka kung ano pa ang magagawa ko sa iyo..” pagbabanta ni Armina sa kanya
“Hindi pa tayo tapos!!” sabi ng Kuya niya kay Daniel


/> At tinalikuran nila si Daniel na gumawa ng eskandalo sa labas ng Kompanya nila.
“Kuya,I’m so sorry..siya iyong sinabi kong De Dios..”
“Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon!!siya pa ang may ganang manggulo sa iyo!!”
“Hayaan muna Kuya,hindi na mauulit iyon..hindi na ako magpapakita sa kanya..napakawalang hiya niya..”
*****
Nagkukuyom pa rin ang kamay ni Daniel nang makitang masaya si Armina sa piling ng lalaking iyon.Ngayon niya lang nakita kung gaano kasaya ang ngiti ng dalaga nang kasama nito ang lalaki.
*****
Nagpasya si Daniel na puntahan ulit si Armina sa bahay nila pero ang naabutan niya ang lalaki na kasama nito kanina.
Akma sana siyang susuntukin ng lalaki pero napigilan siya ng kapatid.
“Kuya,ako na ang bahala sa kanya..” pakiusap ni Armina sa Kuya Stephan niya
“Huwag na huwag mong sasaktan ang kapatid ko..” pagbabanta ni Stephan kay Daniel at iniwan niya ang dalawa
“Armina,salamat at binigyan mo ako ng pagkakataon na makausap..”,nagsusumamo na sabi ni Daniel
“Pwede ba Daniel?tantanan mo na ako!!kung gusto mong magpatuloy sa paghiganti,Go!!hindi kita pipigilan..”
“Armina,I’m sorry..sorry din napaghinalaan ko ang Kuya mo ng masama..sana mapatawad mo na ako..hindi ko na itinuloy ang binabalak ko noon..na paghigantihan ka…”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top