HE READ MY DIARY
Sa kalagitnaan ng imahinasyon ko habang nagsusulat ng mga plano ko sa buhay kasama ang crush kong si Dave sa diary ay biglang pumasok ang Adviser namin at nag announce sa harapan
“Ok section Mangga may special program ngayong araw at idi-discuss sa inyo ang mga kailangan gawin sa oras ng sunog at lindol. Sige pila sa labas boys and girls”
‘Ano ba ‘yan? Ka bad trip!’Itinago ko nalang ang diary ko sa ilalim ng desk ko dahil wala namang maiiwan dito kaya walang mangingialam
Nakapila ako ngayon ng narinig ko si ma’am
“Dave, Carlo and Jeffrey. Maiwan dito at linisin n’yo ‘yung classroom dahil for sure hindi naman kayo makikinig na tatlo” Sabi ni ma’am. Agad akong patakbong bumalik sa room dahil ‘yung diary ko. Hindi pa ‘ko nakakalayo ng tinawag ako ni ma’am
“Nagbago naba ang pangalan mo Jane? Jeffrey naba? Carlo? O baka naman Dave? Hala balik sa hanay” Mataray na sabi sa akin ni ma’am kaya no choice bumalik nalang ako
As usual about sunog at earthquakes nanaman ang mga dini-discuss ng special visitors ng school at narinig ko na ‘yan nung Elementary palang, baka nga saulo ko na eh
Hindi ako mapakali kase baka makita nila ‘yung diary at baka ipagkalat nila ang mga ka-kornihan na naka sulat doon, baka picturan nila at ikalat sa social media o kaya baka ipabasa kay ma’am jusko!
Pabalik na ako ng room at gusto ko ng lumipad pa puntang class room dahil ang bagal mag lakad ng nasa unahan ng pila ng girl ”Ayesha nangangalay na kame” Sigaw ng tomboy naming kaklase na nasa pinaka likod “Masakit puson ko ,shut your mouth wannabe” Pagtataray ni Ayesha
“Hoy nasan na ‘yung tatlong ‘yon?” Sigaw ko ng pagkapa ko sa ilalim ay walang laman at sila lang ang paghihinalaan ko
“Bakit? Bakeet” Sigaw ni Jeffrey at Carlo habang nagpupunas ng bintana habang si Dave naman ay pa chill-chill nalang na nakaupo habang nagpapaikot ng towel bench
“Nakit n’yo ba text book ko? Narito lang ‘yon sa ilalim eh! Napansin n’yo ba?” Tanong ko at nagkatinginan sila
“Itanong mo si Dave siya naglinis sa Area na ‘yan” Sabi nila. Nako nakakahiya, hindi naman kase kame close nito
“Amm… Flores nakita mo ba text book ko?” Tanong ko pero tumayo siya
“Hoy hanapin natin textbook ni Jane andun nakalista ‘yung mga names na nag ambag pambile ng bagong electricfan” Sigaw niya
“Hoy 60 ambag ko dun”
“Hoy 100 sa ‘kin”
“Hala mahigit 1K na iyon ‘di ba?”
“2 na ata beh”
Samot saring reklamo nila kaya nagtulong tulong kaming maghanap pero at the end of the day ‘di paren makita
MAKALIPAS ANG SAMPUNG TAON
Habang naghahanap ako ng mga coloringbooks sa isang tindahan ng school supllies ay may nakita ako isang empty diary na kamukang kamuna ng diary kong...
Doceniam to co robisz i to co piszesz. dziękuję Ci za zangażowanie i wkład w społeczność blogową. Trzymaj tak dalej sukces jest na wyciągniecie ręki 🙂
Sana may next pa kac me ganan din ako ehh may dairy and nadun Yung gusto kong lalake at kung ano Yung mga gusto ko Gawin namin hehehehe🥺😸