MY AMNESIA WIFE CHAPTER 9


🥀CHAPTER 9:Love Is a War🥀
🥀Alliyah Majandra POV🥀
Ang saya. Nakakagaan sa loob na nasabi mo na yung totoo.Na wala ka ng kailangan itago. Na hindi nagalit yung tao kahit na parang pinaglaruan mo siya. Ngayon alam ko na mahal talaga ako ni Marco.
“Hon, dapat sinama na lang natin si Charlene dito bakit iniwan natin siya don sa Mama mo?” Napatigil siya sa pagbabasa ng mga papeles dahil sa sinabi ko.
“Why? Hindi ba kayo ayos ni mom? I though you two are close.” Sabi niya sa akin. Oo, malapit kami noon ni Donya Isabelle. Pero mukhang siniraan na ko ni Mike sa kanya.
“Ewan ko pero parang galit siya sa akin. Sabi niya inaakit ko daw si Mike dahil sawa na daw ako sayo kaya si Mike naman.” Sinabi ko na lang totoo. Ayoko ng itago pa sa kanya.
“What?! This is all Mike’s fault! I knew it! Sinisiraan ka niya kay mom! I’m gonna kill him. That b*stard.”Galit niyang sabi. Umalis ako sa pagkakaupo sa sofa at lumapit sa kanya.
” Hon, I have a feeling na magkakilala si Carla at Mike. Ewan ko lang kung totoo pero malakas ang kutob ko. “Pag-amin ko. Ayaw ko ng magkaroon pa kami ng sekreto sa isat isa.
” Then we will know if that’s true at kapag nalaman kong magkasabwat silang dalawa sa panggugulo sa atin. I will make their life d*mn miserable! ”
Ngayon ko lang napag-isip isip na baka nagsasabwatan si Mike at Carla para mapaghiwalay kami ni Marco. Dahil may gusto si Mike sa akin at may gusto naman si Carla kay Marco.
Niyakap ko na lang siya para kumalma. Ayoko siyang nagagalit.Gusto kong lagi siyang masaya. Lagi kaming masaya. Ako, siya at si Charlene bilang isang pamilya.
🥀Mike POV🥀
Bw*sit na Carla to! T*tanga t*nga amp*ta. Pumunta pa talaga sa kompanya para puntahan lang ako. Buti na lang at lumabas ako kaya nakita ko siya!
Di man lang nag-iingat! Paano kapag nahalata kami?! Siguradong mayayari ako kay Marco at magagalit sakin si Alliyah. Walang utak ang babaeng to!
“Ano bang kailangan mo? Wala ka ng pera? I told you wag kang pupunta dito para sakin. If you’ll go here para lang akitin si Kuya!”Inis kong sabi.
Nasa loob kami ng kotse ko. Dahil hindi naman pwede na kung saan lang kami mag-usap. Maraming mga mata. Walang dapat makaalam.
” P*tang ina Mike! Muntik ng at*kihin yung Nanay ko! Tumatawag ako sayo di ka sumasagot! Oo kailangan ko ng pera!” Talak niya sa akin.
“Pera?! Ehh wala ka ngang nagagawa! Mukhang ayos na si Marco at Alliyah. Wala kang kwenta.” Inis kong sigaw sa kanya.
“Ehh ikaw bat di mo ak*tin si Alliyah ha? Hindi yung ako lang ng ako! Bakit ako lang ba ang may gusto na maghiwalay sila?!” hirit niya pa sakin.
“Hindi ako pwede! Kung di ka ba naman t*nga! Magagalit sakin si Donya Isabelle kapag inagawan ko pa ang anak niya!” Inirapan niya lang ako.
“Edi siraan mo si Alliyah sa Mommy niyo ay Mommy niya lang pala ni Marco.Ampon ka lang pala.!” Nainis ako sa sinabi niya kaya humarap ako at sinakal ko siya.
“Anong sabi mo? Ulitin mo nga!” Inis na inis kong sabi. “Ano ba Mike hindi ako...


makahinga nasasaktan ako….”Sabi niya habang tinatanggal ang kamay ko sa leeg niya.
Kaya binitawan ko na. Masyadong ang tab*l ng dila!Pasalamat siya babae siya!Oo ampon ako! Pero wag niya ng ipamukha sa akin!
” Ang galing mo rin noh! Kahit hindi mo sabihin sakin pati si Marco sinisiraan mo sa sarili niyang ina. Gusto mong makuha sa kanya lahat noh?” May utak rin pala ang babaeng to.
“Manahimik ka Carla! Itikom mo ang bibig mo! Ang dali mo lang disp*tsahin kapag di na kita kailangan! Baka makasira ka pa sa mga plano ko!”
🥀Carla POV🥀
P*steng Mike sinakal ba naman ako! Ang sakit tuloy ng leeg ko. Kung di ko lang talaga si Marco di ako susunod sa kanya! Ang k*pal ng mukha!Wala talagang babae magkakagusto sa kanya!
Ang sama ng ugali! Siya may pakana ng lahat eh. Dati naman hindi ako ganito! Nadamay lang ako sa kag*guhan niya. Takot lang akong ilaglag siya.
Aba ayoko pang mamatay! Marami pa kong pangarap sa buhay! Gets ko naman eh oo na mal*ndi ako! Pero masama bang hangadin na kahit konti mahalin ka ng tao mahal mo?
Napakabait na kaibigan sakin ni Alliyah pero nainggit ako sa kanya. Saming dalawa siya lagi ang napapansin. Ang napupuri. Ako balewala lang!
Kaya gusto kong maagaw ang asawa niya. Para na rin siguro yumaman ganon! Hindi na maibabalik pa ang kaibigan namin.
Simula ng pumayag ako sa kasunduan namin ni Mike kinalimutan ko na ang lahat! Naging parang p*ta akong babae.
Ewan ko ba pero gusto gusto ng bw*sit na Mike na yon si Alliyah.Parang obsessed amp*ta!Pero kahit ako di magkakagusto sa kanya sa totoo lang!
“Ano Carla san ka na naman nanggaling? Dun sa Mike na yon na naman ha?” Tanong sakin ng baklang nag-aalaga kay Nanay.
“Pake mo ba ha? Manahimik ka nga diyan. Badtrip ako!” Inis kong sabi at umakyat na.
“G*ga ginagamit ka lang ng lalaking yon!” pahabol niya pa.
Ok lang basta mapapasakin ang mahal ko! Mapapasakin si Marco!
🥀Marco POV🥀
Masaya ako na sinabi na sa akin ni Alliyah ang totoo. Totoo ng nagbalik ang asawa ko. And now I promise to myself That I will never make her cry again!.
I will love her. I’ll protect her and will fight for her. Hindi ko hahayaan ang kahit na sino na paghiwalayin kami! Kahit si Carla pa yan o si Mike!
“My blood Is boiling to those two. Gusto nila kaming paghiwalayin!Dati pa pansin ko na may gusto si Mike kay Alliyah at may gusto si Carla sa akin.
At ngayon ang galing ni Mike pinapakita niya na talaga na gusto niya ang asawa ko! Amb*syoso!Pasalamat siya inampon siya ng mga magulang ko.
Di man niya sabihin hindi lang alam kong hindi lang si Alliyah ang gusto niyang makuha. Kung hindi pati na rin ang lahat ng para sakin.
Pati si Alliyah sinaraan niya kay mom.Ampon lang naman siya. Ang lakas ng loob! Ang talino aba! Wag lang niya hintayin na sumabog ako sa galit!
Gagawin ko ang lahat wag lang uli kami magkahiwalay ni Alliyah at wag na wag lang nila idadamay si Charlene! Magkakamatayan talaga kami!
A/N:Ano say niyo? Ano ang dapat na gawin ni Alliyah at Marco laban kay Mike at Carla?






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top