THE REVENGEANCE Chapter 16


Kung gaano katigas ang bato,ganun din katigas ang puso ni Armina ng sandaling magkausap sila ni Daniel.Aaminin niyang nasabik siyang makita ito,pero kailangan niyang pigilin ang nararamdaman dahil baka madamay pa ang anak niya sa paghihiganti nito sa kanya.Hindi niya alam ang takbo ng utak ni Daniel baka sa huli,masasaktan pa rin siya.
“You don’t need to explain Daniel..tama na!makakaalis ka na..”
“Ang unfair mo naman Armina..ba’t ayaw mo akong pakinggan?Bakit ayaw mong maniwala na pinagsisihan ko na lahat?mahal kita!!”
“Guard!!palabasin niyo na’to..” at tinalikuran ni Armina si Daniel na kinaladkad naman ng guard ang binata.
Naiwan namang napahagulhol ng iyak si Armina.Bakit kailangan niyang parusahan ang sarili niya na tuluyang nasasaktan?..
****
Ilang araw na ang nakalipas at hindi na nagpakita si Daniel kay Armina.Naging duwag at g*go siya.Hinayaan niya lang na pakawalan ang babaeng pinakamamahal niya.
“Sabi ko naman sa iyo noon Daniel na huwag na lang ipagpatuloy ang paghihiganti mo laban sa mga Alcantara..” sabi ng pinsan ni Daniel na si Mike
Nasa beer house sila,inilunod ang sarili sa alak.Hindi umimik si Daniel,naglakbay ang isip nito.
“Sa paghihiganti mong iyan ikaw tuloy ang nahuli sa bitag..” patuloy ng kanyang...


pinsan
Hinablot niya ang tshirt ni Mike at akmang susuntukin pero napigilan siya ng mga kainuman.Nag-iinit ang ulo niya,hanggang ngayon napakasakit pa rin ng ginawa ni Armina sa kanya.
****
“Kumusta ka na Iha?” tanong ng Mommy ni Armina
Nasa bahay siya ng Kuya Stephan niya na nasa Cavite dito lang muna siya pansamantala para makalimutan niya si Daniel.
“I’m ok mom,napaka-relax ng place dito at kahit paano mapayapa ang isipan ko dito..at napakafresh ng hangin dito..” sabi niya at hinimas himas ang malaki niyang tiyan
Dalawang buwan na lang at lalabas na ang kanyang baby.
“Excited ka na ba baby?relax ka lang muna diyan baby..balang araw makikita mo rin ang napakagandang mundo..” pakipag-usap niya sa baby niya kahit paano nakalimutan niya lahat ng sakit at napalitan iyon ng mga ngiti sa kanyang labi.
Ilang araw,ilang buwan at ilang mga luha na ang dumaan,hindi pa rin matanggap ni Daniel ang lahat.Lagi siyang nakamukmok sa kwarto kasama ang mga bote ng alak.Ikinulong niya ang sarili sa sakit at lungkot.Kung pwede lang tatapusin na niya ang buhay niya.Pinagsisihan niya lahat ng kamalian na nagawa niya.Pinalaki naman siyang mabuti ng kanyang magulang,pero bakit napakag*go niya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top