THE NERDY GIRL MEETS THE CAMPUS PRINCE CHAPTER 6


THE NERDY GIRL MEETS THE CAMPUS PRINCE❤️(Troy Baltazar and Kate Story)
❤️CHAPTER 6❤️
💛KATE’S POV💛
Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Troy sa akin kagabi. Gusto niya ako? Ang hirap talagang paniwalaan. Bakit naman siya magkakagusto sa isang tulad ko na nerd? Samantalang ang dami daming ibang babae sa campus na baliw na baliw sa kanya at higit na maganda kaysa sa akin.
“Kate, ano bang iniisip mo? Mind if you share.Kanina pa ko kwento ng kwento sayo pero di ka naman nakikinig.”
Napatigil ako sa pagmumuni muni dahil kay Cindy. Kanina niya pa pala ako kinakausap ngunit di man lang ako sumasagot. Mukhang ang dami niya ng nasabi sa akin. Ngunit kahit isa ay wala manlang akong naintindihan.
“Ahh ano kase puyat lang ako kagabi, kaya ito ako ngayon lutang.” Pagdadahilan ko kapagkuwan ay ngumiti sa kanya. Nabahiran naman ang pagtataka ang kanyang mukha.
“I think there something or someone that bothering you. Spill it.Im your bestfriend you can tell me anything.” Sabi ko na nga ba nahalata niya. Wala na talaga akong maitatago kay Cindy.
“Ahhm ano kase si —Troy” Di ko pa matutuloy tuloy ang aking sasabihin. Natatakot ako sa pwedeng niyang maging reaksyon.
“What about Troy? May ginawa ba siya sayo? I told you naman kasi na stay away from him.” Para siyang si Nanay na pinapagalitan ako. Buti pa si Cindy kahit nagsusungit at nagagalit ang ganda niya pa rin.
“Inamin niya sakin na gusto niya ako.” Halos manlaki ang mga mga mata niya dahil sa aking sinabi.
“OMG, Kailan niya sinabi sayo?” gulat na gulat niyang ani.Minsan nagtataka rin ako sa kanya, kasasabi niya lang nung nakaraang araw ayaw niya kay Troy.
“Kagabi lang. Hinatid pa niya ako sa amin. Kaya ayun si Nanay tinutukso ako sa kanya.” Medyo nahihiya pa ako habang ikukwento sa kanya ang mga bagay na yon.
“Do you think na nagsasabi siya ng totoo? Or maybe pinagtitripan ka lang niya. Gosh! Kate kapag nalaman yan ng mga girls sa campus at ni Samantha maiinggit sila sayo.”
“Ehh bakit parang masaya ka pa diyan? Di ba nga ayaw mo sa kanya? Sabi mo pa nga ay playboy siya.At isa pa sayo na rin nanggaling na baka pinagtitripan niya lang ako.”
“Miss Mendez and Miss Ferrer anong pinag-uusapan niyong dalawa diyan?”
Dahil sa pagkukuwentuhan namin muntik na namin makalimutan na may professor na pala sa unahan.Mabuti ay mabait ito kaya sinaway lang kami at di pinagalitan. Kung sa iba yon yari na.
“So class were having a quiz tomorrow. Inaasahan ko na mag-aaral kayo para makakuha kayo ng mataas na marka. Wag niyong sayangin ang ipinapampaaral ng mga magulang niyo sa inyo.”
“Oo naman Ma’am magrereview po kami” sabi ng kaklase naming si Jeremy sabay tawa.
Paano siya makakapagreview kung puro chicks at online games ang inuuna niya.
“Siguraduhin mo lang Mr. Vargas at hindi puro ML ang unahin mo.” Kaya nagtawanan ang buong klase.
“Class Dismiss.” Muling sabi ng professor kaya nagsilabasan na ang mga estudyante.
Sinabi ni Cindy na sa cafeteria na lang kami magkuwentuhan habang kumakain.
Kilala ko na siya di niya ko titigilan hanggat di niya nalalaman ang lahat.
“Omo, Kate! Si Troy oh!” Sa kamalas malasan ba...


naman, napadaan pa kami sa basketball court. Nakita namin si Troy ang tropa niya. Naglalaro at mukhang nagkakasiyahan sila.
“Tara na punta na tayo sa caf di ka pa ba nagugutom?” pag-aaya ko kay Cindy. Nakatingin siya kay Kevin isa sa tropa ni Troy at ito ang madalas na tahimik sa grupo.
“Girl! Nakatingin siya sayo!” Para siyang kinikilig na kung ano.Noong nakaraang araw nga lang tinatarayan niya yung tao.
“Tara na alis na tayo dito.” Pag-aaya ko pa. Pero huli na ang lahat dahil napansin na kami ng mga ito.
Aaminin ko ang galing palang maglaro ni Troy kaya pati mga babae pinaglalaruan niya.
“Hello Ms, Kate anong ginagawa mo dito? May gusto ka bang makita o makausap?” kilala ko ang lalaking to. Siya si Patrick. Nakita ko ang mga nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.
“Ahh w-wala napadaan lang kami, Halika na Cindy alis na tayo dito.”
“Yayayayy Mukhang may iniiwasan ka Ahh.” Si Mark iyon.
Hindi ako makatingin kay Troy.Pero ramdam ko ang mga titig niya sa akin. Ngunit wala naman siyang imik.
“Teka san nga pala kayo papunta?” tanong pa nito. Feeling close siya. Sa totoo lang.
“Sa cafeteria lang.Tara na Cindy alis na tayo dito.Dali na.” Pamimilit ko pa.
Rinig ko naman ang mahihinang tawa ng mga kaibigan ni Troy pero sinamaan niya ito ng tingin kaya agad din silang tumigil.
Ewan ko ba pero sobra akong apektado ng presensiya niya.
” Ang weird ah.Ms. Kate, Bakit nawala ang katarayan mo ngayon? At di ka rin makatingin kay Troy.” pang-aasar pa ni Patrick.
Malakas naman siyang siniko ni Troy kaya napaaray ito at tumawa lang ang iba nilang kaibigan.
“Walandyo pare ang sakit non. Teka, wag mong sabihin umamin ka na?” gulat nitong sabi. Kaya napayuko na lamang ako.
“H*yop sa bilis ah! Kaya pala naiilang sayo. Totoo yon Ms.Kate gusto ka nitong kaibigan namin.”Sabi nung Mark at mukhang sayang saya pa.
“Wait lang Ms. Kate pwede ko ba nalaman ang pangalan ng kaibigan mo?” tanong pa nito. Agad ko naman itong tinaasan ng kilay.
“Hindi pwede.” Sagot ko agad.
“Nakakatakot ka naman. Kaya pala gusto gusto ka ni Troy eh! O siya nga pala sabay na kayo sa amin at wag na tayo sa cafeteria dun na lang sa labas.May mga restaurant naman diyan.” Muli namang sabi nung Patrick.
Ang tahimik ata ni Troy at ang mga kaibigan niya lamang ang nagsasalita.Ngayon ko lang naalala! Wala akong suot na salamin dahil naiwan ko sa bahay. Kaya titig na titig siya sa mukha ko.
” Hindi na dito na lang kami sa loob at di namin kaclose ang guard.”
“I can talk to the guards sumabay na kayo sakin ng kaibigan mo.” Sabi ni Troy kaya naghiyawan ang mga kaibigan niya.
“Ang lakas mo naman sa kaibigan namin Ms. Kate!”si Patrick.
“Sabi ko na nga ba bagay kayo eh. Ikaw ang magpapabago diyan.Pagdating samin ang sungit. Mabait pa nga ako diyan!si Mark.
“Sige sama kami sa inyo.” masayang ani ni Cindy. Ngayon lang siya umimik.
“Wag kayong mag-alala malilibre naman kayo.”
“At sino naman ang manlilibre?” tanong ni Troy.
“Siyempre ikaw!” sagot ng mga kaibigan niya.
“And who the hell says na papayag ako? Ang yayaman niyo kayo magbayad ng sa inyo! Si Kate lang ang ililibre ko at siya lang naman yung gusto ko dito”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top