Love at First Seat Chapter 4


Nangingiti si JL ng pagmasdan niya ang natutulog na babae. Nung una, nakaramdam na naman siya ng inis dahil nakatulog na naman ang babae sa balikat niya. Pero ng mapagmasdan niya ito, nagulat siya, No, he was amused to see the girl’s face. Ito rin ang babaeng nakita niya sa restaurant nung isang araw. She ahs an angelic face. Mas maganda ito sa malapitan. Ang cute din nito kapag nagagalit. He really wanted to apologize earlier pero mas gusto niyang inaasar ito kasi ang cute cute talaga nito. She has a beautiful eyes, a kissable lips and to tap it al, She’s an angel without wings. Her smile makes his heart melt. Sana makilala ko na ang babaeng ito. Bumalik lang siya sa realidad ng makita niyang gumalaw ang ulo nito. Mukhang gising na.
“Miss, aren’t you going to say sorry again??”
“Oh, sorry again Mr. whoever-you-are. If sa palagay mo nagusot ulit ang damit mo, don’t worry, i’ll buy you another one once i stepped out of this plane.”
“Nah, never mind, Baka kulang pa ang dala mong pocket money pambili ng damit ko.” Nakita niyang natigilan ito. Hmm.. Bakit kaya?
“Pocket money?” Parang nagulat na sabi nito.
“Oo pocket money. Don’t tell me pupunta ka ng palawan ng walang dalang pera maski singko???”
“Oh shit! wa- wala nga. Sa sobrang pagod ko sa trabaho nung isang araw at sa sobrang excited ko pumunta ng palawan, nakalimutan ko ang wallet ko.”
“Oh good! Ngayon lang ako nakakita ng turistang walang dalang pera. Baka naman pati ang ticket mo hindi mo rin dala?” tumatawang sabi niya. Naaamuse talaga siya rito. Sa dami dami ng pwede nitong maiiwan, pera pa?? And to think na parang balewala lang iyon dito kung hindi pa niya naungkat ang bagay na iyon.
Napayuko ang babae. Akala niya hindi na ito magsasalita pero makalipas ang ilang minuto nagsalita rin ito.
“So-Sorry. Sobrang nagmamadali lang talaga kasi ako kaya nakalimutan ko ang wallet ko. Anyhow, wala naman sigurong kaso iyon kasi bayad naman ako sa hotel na tutuluyan ko.”
“Hahaha! Bayad ka nga sa hotel. ibig sabihin lang niyan, sa hotel ka nalang buong stay ng bakasyon mo? Kasi kung wala kang dalang pera, hindi ka makakagala at lalong hindi ka makakapasyal.”
“Anong akala mo sa akin poor? May pera naman ako no! Sakto lang para sa 3 days.”
“Ah. That’s good. Yun eh kung 3days ka...


lang talaga magbabakasyon.”
Hindi na siya nagsalita. Pinilit nalang niya pumikit at matulog.
Sa kasamaang palad, napahiya na naman si Jemay sa lalaking katabi niya. Arghhhh!! Sa totoo lang, wala talaga siyang dalang pera. kaya ang unang unang gagawin niya ay tawagan si Agness at magpapadala siya ng pera. Ayaw naman niyang mas lalong magmukhang kawawa sa harapan ng lalaking ito. The nerve na pagsabihan siya! Grrr!
Excited na siya bumaba ng makita niyang nag landing na ang eroplanong sinasakyan niya sa Runway. Ibig lang kasi sabihin niyon, nasa Palawan na siya. Pagbabang pagbaba niya, kinuha niya agad ang mga bagahe niya at tumawag ng taxi para magpahatid sa hotel na tutuluyan niya.
Pagdating sa hotel, nakita na naman niya ang lalaki.
“Ikaw na naman? Sinusundan mo ba talaga ako?”
“Pardon me? Ako? Susundan kita? Hah! Wag kang feeling miss. Hindi kita type at mas lalo namang hindi ko ugaling humabol sa mga babae. Ako pa nga ang hinahabol nila eh.” Tumatawang sabi nito.
“Alam mo, hindi ka lang ubod ng yabang, ubod ka pa ng kapal ng mukha! Makaalis na nga bago pa masira ng tuluyan ang araw ko!”
Pagdating niya sa reception area..
“Miss, i have a reservation on suite 415”
“Your name ma’am?”
“Jennaline Marthine Hudgens”
“Please wait while i check your records in our database.”
“Ma’am, i’m so sorry but your name is not record here.””What?! Paano nangyari iyon? Boss ko pa nga ang tumawag dito at nagpareserve.”
“Ma’am, sorry po talaga pero base po sa database namin, someone named Jander Lexi Munoz reserved this suite.”
“That’s me! Anyway, can i have my room key now?”
“Ikaw??”
“Oh, you again! So, is there a problem with that?”
“Yes! Ako ang nagpareserve sa suite na iyan kaya dapat akin yan!”
“Miss, hanggang dito ba naman sa hotel suite, tatanga tanga ka pa rin? Hindi mo ba alam ang three days rule? Well, ibig sabihin, three days before ng flight mo, dapat magpareserve ka na ng hotel room. Which, in fact, i must say, nakalimutan mo din. Tata! See you when i see you.” Kumindat pa ito sa kanya.
“Miss, may bakante pa bang room?” tanong niya sa receptionist
“Naku ma’am, check ko po ah. Pero hindi po kita ma gaguarantee na meron pang available. Peak season po kasi kami ngayon.” sabi nito. Alam naman niya iyon dahil summer na. Marami talagang turista kapag ganun sa Palawan.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top