Meant to be? Chapter 28


Nakasanayan na rin ni Nice ang sitwasyon nya sa paaralan sa bawat araw.
Kasalukuyan nyang binabaybay ang daan papuntang carenderia dahil di tulad nong nagdaang linggo nagsasabay silang kumain sa unit o sa labas ng binata . Alas 3 pa lang kasi nasa opisina na ito ng kompanya nila. Na dati ang tiyuhin nito ang nagpapatakbo.
Sinasanay na ito ng papa niya. Imbes kasi magpapakasal sila sa huwes nag suhestiyon ang papa nito na minsanan na lang pero dapat
ay magpakitang gilas muna sya sa papa nito, at nangako itong syang gagastos sa kasal.
Pag labasan na, sinusundo naman sya ng binata at pagkatapos bumabalik din ito sa opisina. Pero sinisikap nitong di mapapabayaan ang pag aaral. Gusto rin kasi nitong mabigyan sya ng kasal na pinapangarap nya. Kaya tinitiis nito ang sitwasyong hectic ang schedule.
Matapos kumain, nanatili muna sya ng ilang minuto sa kinauupuan.
Napangiti syang hinawakan ang may umbok ng kaunti na tyan. Ramdam na ramdam na nya ito. Yong kahit konti lang ang kinakain nya ay pakiramdam busog na agad sya. Dahil iyon sa presensya ng munting buhay sa sinapupunan nya.
Nang maramdamang narelax na ay nag umpisa na syang maglakad pabalik sa campus.
Medyo ilang metro pa bago nya marating ang gate, bale tinuturing na nya rin iyong exercise.
Bigla nyang naisipang tawagan si Ace..
Nasa pag da dial na sya ng biglang napa aray sya sa sakit ng may kung sinong humila sa buhok nyang nakalugay lang.
Di na sya makalingon dahil kontrolado na nito ang ulo nya.. paatras abante na walang awa nitong hinatak ang buhok nya Nagmistula syang rakesta sa paraan ng pagyugyog nito sa kanyang mahabang buhok.
“Masarap ba huh?”
“Khate!?”
“Malamang! May iba ka pa bang inaasahang gagawa?”
“Malalasap mo ngayon kung gaano katindi ang galit ko sayo! Peste kang babae ka! Pineste mo ang relasyon namin ni Ace!”
” Lintik lang ang walang ganti babae! ”
“Bitawan mo ko!”
Nais nyang kumawala sa kakasambunot nito dahil naluluha na sya sa sakit. At base sa anyo nito di na sya titigilan.
Nagsimula syang humingi ng tulong buti at may mga babaeng lumapit pero natakot lang ang mga ito nang makitang may dalang balisong si Khate..
“Khate!”
“Hayop ka Nice! Nasa loob ang kulo mo! Yong mga panahon palang bumibisita si Ace sa akin at sa tuwing nakikita mo kaming magkasama, inggit na inggit ka na pala? Huh? At nang magkaroon ka ng pagkakataon..tinodo mo na ang pang aakit hakiparot ka!!
hanggang di sya napapa sayo?? bwesit ka!!!! ”
Bahagya nitong binitawan ang buhok nya at hinarap sya at mabilis syang pinagsasampal ng magkabilaan.
Nakaipon ng pwersa si Nice at naitulak nya ito.
Pero muli syang sinunggaban ni Khate at tila matagal na nitong pinaplano ang gagawin sa kanya. Mabilis sya nitong nahawakan sabay laslas sa may braso nya. Biglang namuo ang dugo at nagsilaglagan.
Nagulat pa si Nice kaya di nya namalayan na inundayan na naman sya, nakaiwas sya pero di ito tumigil sa balikat na naman sya tinamaan.
” Nice!” Tawag sa kanya ng kanyang kaklase mabilis itong tumungo sa kinaroroonan nila, pero si Khate ay sige pa rin ng sige.. Tatakbo na sana si Nice ng batuhin sya nito at sa kasamaang palad naabutan sya sa may ulo. Impit syang napaaray pero...


tumakbo pa rin sya, ngunit mabilis ding nakasunod si Khate..
Biglang nakadama ng hingal si Nice at pinili nyang huminto dahil di na maganda ang pakiramdam nya sa kanyang tyan banda.
Wala na masyadong estudyante dahil medyo may distansya mula sa campus ang carenderia na yon.
Nang maabutan,muling hinila ni Khate ang dalaga, muling sinabunutan, gumanti si Nice dahil nasasaktan na sya ng sobra!
Pero bigla nitong inilabas uli ang balisong at ikinumpas sa kanya. Napahinto sya at napaatras, tumalikod na sya at patakbo na sana ng mabilis syang itinulak nito sa punong kahoy. Tumama ang ulo at tyan nya sa katawan ng pine tree.
Namilipit sya sa biglaang sakit na nadama sa bandang tyan nya. Napadausdos sya sa sakit.. Muli pa sya nitong sinipa sa may balakang at muli pa sanang sasabunutan ng hilahin ng kaklase nya ang buhok ni Khate. At ito naman ang nakipag sabunutan. May dalawa pang kaklase nya ang dumating at pinagtulungang agawin ang balisong na hawak ni Khate. Pinagsasampal nila ito.
Hanggang dumating si Grey. Mabilis syang nakalapit kay Nice. Hinang hina na ito at may mga dugo sa braso at sa noo mula sa sugat sa ulo.. Putlang putla ito.
Bubuhatin na sana nya ito nang sumigaw mula sa likuran si Ace. Tinawagan ito ng kaklase ni Nice kanina kaya di ito agad nakatakbo papunta sa dalaga. Dahil hinalughog pa ang cp sa bag ng dalaga. Yon palay tumilapon na.
Mas lalong namutla si Nice nang mapansing parang basa ang pwetan ng paldang uniform nya. Pink ang kulay nyon.. Nanginginig ang kamay na pinaloob sa kanyang palda at pinahid ang hita. Paglabas nito ay may bahid nang dugo.
Napaangat sya ng tingin na maluha luha.. Kay Ace na nakatulala pa.
Nice…?
Ace?
Shock silang dalawa.
Agad syang binuhat ni Ace. Si Grey lang ang nakakita ng eksenang yon at nagduda agad ito.
Hinatak na nya si Khate na naglulupasay pa sa galit dahil napagtulungan at nais pang gumanti sa mga nanakit sa kanya.
Mas lalo itong nagalit at napasigaw ng paglingon nya buhat buhat ni Ace si Nice.
Sa loob ng sasakyan, di na nakayanan ni Nice siguro sa sobrang takot at kaba dagdag pa ang natamo nyang sakit at sugat. Nahimatay sya.
Nagising sya sa pagtawag ni Ace sa kanya.
Dahan dahan nyang iminulat ang mga mata.
At nang maalala ang nangyari. Agad nyang hinarap si Ace.
Ace?
Alam na ng binata ang nais nyang itanong.
Di sya sinagot nito pero sapat na ang lungkot sa mga mata at mukha nito para masagot ang pinangangambahan nya kanina. Hindi maaari!!
Gusto nya ng kompirmasyon!
Ace?! “, may bahid ng galit sa boses nya.
” Ok lang sya diba? Nasa atin pa rin sya?”
Namuo ang mga luha sa mata ng binata.
Kaya halos pugtuan sya ng hininga.
” Sagutin moko! Huwag mokong idaan sa iyak! Huwag mo akong tingnan ng ganyan!” Halos maglupasay na sya sa galit at paninikip ng dibdib.
“I’m sorry.. Wala akong nagawa..
Wala na sya Nice. Wala na ang baby natin..”(sob)
“Wala na..
Ganon ganon na lang? Wala na?”
Mayat maya..
“baby ko!!!!!! Anak ko!!!!!(sob)
Baby ko!!!”
“I’m sorry…
” Hindi Ace.. Andito pa sya Ace, nararamdaman ko. Andito pa sya nagkamali lang ang doctor. Nararamdaman ko..(sob)
Andito lang sya kanina.. Hawak hawak ko pa sya.. Hu-hu-hu.. Ace…”
Nayakap sya ni Ace habang parehas silang humahagulgol.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top