Just A Fan Of Yours
Livana’s POV
“Ate Liv, kita na lang tayo after lunch ah? ‘Wag mo ‘kong iwan, isusumbong kita kay Mama.” saad ni Yowana sa ‘kin nang maghihiwalay na kami sa hallway.
Pasimple ko siyang inirapan sabay buntong hininga. Ito talagang batang ‘to, laging ginagamit ang winning card niya. Kaloka, syempre ayoko naman masermonan ni Mama.
“Oo naman! Tsaka ‘wag mo naman madalasin gamitin ‘yang winning card mo ineng. Wala akong panama diyan.” ismid ko rito na ikinatawa naman niya.
“Hahaha, bye bye. Naninigurado lang naman Ate Liv. See you mamaya…” kumaway na ito sa akin kaya tipid nalang akong ngumiti rito.
Same school lang naman kami ng kapatid kong iyon ih. Iyon nga lang, magkaiba ng department. Grade 9 pa lang kasi si Yowana which is for Basic Education Department. Samantalang Grade 11 naman ako, well, under pa rin naman iyon ng BED. Pero, I am a senior high school student na.
Supposedly, first year college na dapat ako ngayon kung hindi lang nauso si K-12. But this is life, I mean may magagawa pa ba ako? Ang life talaga parang buhay.
Kaya nga inggit na inggit na ako kila Ate Winter tsaka Ate Sam kasi hindi nila naranasan itong K-12. Napasuwerte. Si Ate Sam iyong huling batch ng mga estudyante na naka-experience ng wala pang K-12 ih. Sana all na lang.
So, now I’m in grade 11 nga. I took TVL strand of Tourism. Kasi my dream profession is to be a successful flight attendant someday. To travel around the world. And most importantly, South Korea is my dream destination.
First semester pa lang naman kami. Pero magugulat ka na lang talaga sa bilis ng panahon. Dahil hindi mo na lang mamamalayan samakalawa o sa susunod Finals niyo na pala. Gano’n napaka-amazing talaga bumanat ng oras ‘no? Nangangabog kay Flash ih.
Feel na feel ko ang paglalakad ko papuntang classroom ko con todo ngiti pa. Syempre, kahit wala naman na akong crush dito sa school kailangan pa rin na presentable at maganda tayo lagi. Lalo pa kung ganito kabongga iyong uniform mo.
Suncrest Academy is one the famous, prestigious school in our town. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay talaga namang may sinasabi sa buhay. Karamihan din sa mga nakakapagtapos sa academy na ito ay madaling nakakakuha ng trabaho.
Ipinagpapasalamat ko na siguro na kahit hindi kami ganoon kayaman ay nagawa naman kaming mapag-aral dito nina Mama at Papa. Kaming lahat simula kay Ate Winter hanggang sa ‘min na nila Yowana. At malaking tulong na rin doon ang pagiging iskolar namin lahat.
Inaamin ko na hindi naman ako ganoon katalino pero masipag ako at nagagawa kong mamintina ang mga grado ko. Ganyan naman kasi talaga kapag balanse ang inspirasyon kaya pati sa edukasyon may sapat talagang dedikasyon.
I am wearing a two set uniform: white long sleeve and a midnight blue coat with the logo of the university on its left, gray skirt, white knee socks and 2 inches heels of black shoes. ‘Di ba ang bongga?
Papaakyat pa lang ako sa hagdan kasi naman 3rd floor pa iyong classroom ko. Kainis, agad na akong napairap kasi ampanget talaga ng sumalubong sa araw ko.
“Hi, papasok ka na?” Mas umirap pa ako ng todo sa naging pagbati niya.
“Obvious ba? Nasaan ba tayo? Malamang, doon nga talaga ang punta ko. Kaya kung wala ka nang matinong sasabihin, please, lumayas ka na sa harap ko.” walang pasubaling saad ko naman sa kanya. Pramis, kalmado pa ako niyan.
“Ang sungit mo pa rin. Para ihahatid lang sana e.” sagot niya pa sabay kamot sa batok niya.
“Wala naman nagsabi sa ‘yo na ihatid mo ‘ko ah? Tsaka isa pa, hindi kita inoobliga. Kaya ko na, Tyler. Gets mo? Kaya shoo!” hantaran ko pang iwinasiwas ang kamay ko sa harap niya na para siyang langaw na gusto ko nang maglaho.
Alam mo sa lahat kasi ng mga ex-crush ko siya iyong sobrang papansin. Eww, bakit ko nga ba ito nagustuhan no’ng una? Kadirdir, wala na iyong paghanga ko dito sa lalaking ito. Inis na lang ang natira, walang araw kasi na hindi niya ako binibigyan ng konsumisyon.
“Bati na kasi tayo, Livana! Sige, libre na kita ng hopia mamaya. Parang hindi mo naman ako naging crush noon. I-crush mo na nga kasi ulit ako uuy.”
Ay ang kapal talaga ng apog ng asong ‘to! Sobra.
“Crush? Baka gusto mong mukha mo ang i-crush ko. Hmm?” maangas kong saad rito. Hahampasin ko na sana nang bigla na itong tumakbo ng mabilis palayo sa ‘kin.
Jusko, kung mayaman lang ako pinatalsik ko na ang lalaking iyon dito sa academy.
“Bulaga!” muntikan na akong mahulog sa hagdan dahil sa boses na iyon.
“A-aray naman! Napakamapanaket mo talaga Livana Faye!” asik niya naman.
“Bakit ka ba kasi nanggugulat ha?!” reklamo ko naman sa kanya pagkatapos ko siyang batukan.
“Ang sweet mo naman, mare umagang kay ganda batok ang natanggap ko. Sweet mo talaga mare, pasabunot nga.” hirit pa nito.
“Huh, sige gawin mo. Itutulak talaga kita dito sa hagdan.” Buong tapang ko naman na hamon sa kanya.
“Ito naman si mare, galit na galit? Nakalimutan ko pa lang sabihin sa ‘yo na ang ganda mo ngayon. Ayieee.” saad niya sabay tusok sa tagiliran ko.
“Anuba! ‘Di ka pa ba sanay? Nasa lahi namin ang nag-uumapaw na kagandahan noh.”
“Sabi na nga ba.”
“Inggit na inggit ka na naman, Chandra.” kinindatan ko pa siya para mas lalo siyang mainis.
“Nyenye. Hindi ‘no!”
“Sinabi mo e.” tipid ko namang sagot sabay una na sa kanya sa paglalakad.
“Huyy, pwedeng wait!” Napangisi na lang ako sa sigaw niya. Ang laki kasi ng boses akala mo hindi babae. Charr.
Yeah, si Chandriah Arsuena, Chandra for short ang best friend ko simula Grade 7. Yep, 4 years na ang friendship namin. Well, 4 years and counting. Kahit na parang aso’t pusa kami lagi, mahal na mahal pa rin namin ang isa’t isa. Kahit anong mangyare ipagpapalit ko ‘yan a este ‘di ko ‘yan ipagpapalit.
Bukod kasi sa mga kapatid ko, siya rin iyong isa sa mga tao na nakakasundo ko sa parehong bagay. Like me, fan rin siya ng OT7s. Yeah, OTceans kaming pareho. At higit sa lahat magkasundong-magkasundo kami kapag sayawan na ang pag-uusapan.
Kung hindi niyo naitatanong ako ang lider sa duo namin. Hahaha.
It’s a normal day for a tourism student like me to not end the day without a reporting. Hindi na talaga nagsasawa ang mga teachers namin. Kada araw may report at every sem may assessment. Gano’n daw talaga para mahasa namin ang communication skills. At the same time, to inculcate confidence and preparedness within ourselves.
Okay na rin, iba talaga ‘pag sanay ka.
“Huy, kung groupings isama mo ‘ko mare.” bulong sa akin ni Chandra nang may pagsiko pa sa braso ko.
Nagdi-discuss pa kasi sa unahan si Ma’am Santander. Strikta iyang guro kaya magkamali ka lang kay habang pagsusulit ang kahihinatnan.
Kaya ayoko naman iyon mangyare. Hindi ko na lang nga pinansin si Chandra. Bahala siya diyan magmukhang ewan.
“Okay, on our next meeting be ready for an impromptu reporting. The topic will be announced on the spot. I just want to let you be informed so that you can practice and be less pressured. Good bye.” huling saad ni Ma’am Santander bago siya umalis.
“Ano ba naman ‘yan! Iyong brain cells ko pasuko na may dagdag na namang reporting. Baka mamaya speech talaga ‘yon ih.” reklamo ni Chandra habang naglalakad kami papuntang cafeteria.
Pinaghalong kulay puti at asul ang buong cafeteria. Habang gawa naman sa kahoy ang muwebles na makikita rito magmula sa mga upuan at lamesa. At talaga namang may nakaukit pang mga disenyo roon. Aakalain mong nasa isang kilalang restawran ka, hindi sa isang pangkaraniwang cafeteria.
“Tumigil ka na nga kakareklamo diyan, Chandra. Sino ba ang todo banggit sa reporting? Hindi ba’t ikaw? Parusa ‘yan sa ‘yo.”
“Talaga lang ha? Livana, baka nakakalimutan mo magkaklase tayo. We share the same punishment, girl.” kumindat pa ito.
Napapailing na lang ako sa naging katwiran niya. Hindi porket nanahimik ako ay talo na ako. Minsan, nag-iisip ako ng ipang re-rebut. Ayokong tinatalo ako ni Chandra.
Matapos naming makahanap ng lamesa ay nagpaiwan na ako kay Chandra. Wala naman kasi akong bibilhin kasi may baon na ako. ‘Di ba nga ang sabi ko sa inyo may kaya lang kami. Iyan talaga si Chandra ang mayaman ih.
Saglit na sinuri ko rin ang buong paligid. Nagbabakasakali akong mahagilap ko si Yowana. ‘Pag minsan kasi ay isinasama namin siya ni Chandra ‘pag recess kung nagkakataon na sabay ang break time namin.
Kaso sa nakikita ko naman ngayon e hindi nagkatapat ang oras ng break namin. Ngumuso ako. Sayang, ang saya pa man din kasama no’n ni Yowana dahil mas lalong umiingay ang lamesa dahil sa pagpapatawa niya. Ang galing ng kapatid ko napaka-joker. ‘Wag lang niya akong asarin ulit kay Tyler dahil do’n na mag-iiba ang usapan.
Tahimik ko na lang na nilantakan ang baon kong ube atsaka hopia monggo. Kunin niyo na sa ‘kin ang lahat ‘wag lang ang paborito kong hopia. Kahit nga iyan lang ang matanggap kong regalo sobrang masaya na ako.
Hindi naman po kasi materialistic si Livana Faye in short, hindi mahilig sa materyal na bagay ang mga Meneces. Dahil kaya namin pahalagahan ang mga bagay mapamaliit man o malaki. All efforts will be appreciated.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-inom ng pineapple juice nang biglang may dumaan sa gilid ko kaya natabig niya ang inumin ko. Alam ko namang hindi niya sinasadya.
Nakahoodie jacket kasi siya nang dumaan. Sa sobrang pagkakabalot na mukha niya ay hindi niya ata nakita iyong pwesto ko.
The good thing is that the juice did not spilled on me or in any of my things. Nasa lamesa lang kaya dinampian ko na lang ng tissue.
Nagulat din ako dahil bigla nang nawala iyong lalaki. Namalikmata lang ba ako?
“Miss, are you alright? I am very sorry for what happened a while ago.” saad ng kung sino sa likod ko.
Sinong kausap niyan? Tsaka teka lang ha, ang pamilyar ng boses. Parang narinig ko na…
Sa pagkakatanda ko wala naman akong nakitang tao sa kalapit naming lamesa. Kaya nasisiguro kong ako ang kinakausap niya? Sh*ta bakit naman kasi spokening dollars? Mama, bakit nang-eenglish? Huhu.
Dahan-dahan tuloy akong lumingon sa gawi niya. At sa pag-angat ko ng tingin sa kanya, mga mata niyang kulay tsokolate na animo’y sumasayaw sa sinag ng araw ang sumalubong sa akin. Napakaganda at buhay ng mga mata niya.
Hindi ko man makita ang buong mukha niya pero sigurado akong gwapo siya. Naalala ko tuloy sa kanya iyong crush ko sa OT7s, si Kenzo Reign Park. Jusko, pati ba naman sa school siya pa rin naiisip ko! Awat nga muna, Livana.
Nang marinig ko ang mababa niyang tawa ay doon ko natanto na natulala na pala ako sa kanya.
“Ah, sorry…ano ay. What i-is it again?” Inisip ko kung tama ba ang naconstruct kong english.
“I am sorry Miss for what I did to you earlier. I nearly caused an accident on your drink.” sabi niya na medyo yumuyuko. Nahihiya siguro.
“No, it’s fine..” gwapo ka naman po kasi kaya okay lang talaga.
“Ah, is that so? I did also asked someone to clean your table. Would that be okay with you, Miss?”
At nagulat nga ako dahil sa likod niya ay natanaw ko si Manang Janitress! Jusko, hindi naman ganoon kadami ang natapon. Napaka-exagge na ni Manang Janitress. Jusmeyoo.
“Ate Lani, okay lang po. Nasa may lamesa lang po natapon e. Salamat po.” Tumango naman sa akin si Ate Lani.
“Gano’n ba, hija. Hayy, masyado akong nataranta nang lapitan niya ako. Paano ba naman ingles ang bungad sa akin. Kaya sumunod na lang ako. Pinagmadali pa talaga ako ni hijo.” natatawang litanya sa akin ni Ate Lani kaya hindi ko rin maiwasan na huwag mapatawa.
“Sir, me go already okay? My work is done here.” hindi na ni Ate Lani hinintay ang sagot ng lalaki at nauna nang umalis bitbit ang mop at timba na hindi niya naman nagamit.
Uupo na sana ako nang maalala kong nandiyan pa pala iyong lalaki. Kanina pa akong nangangati na tanungin siya kung bakit napakabalot na balot ng ayos niya. May sakit kaya siya kasi con todo hoodie tsaka face mask pa siya. Or pamysterious type student talaga siya?
Pero syempre di ko na lang ginawa. Syempre, ang impolite ko naman ata no’n.
“Do you want to sit with us?”
Okay lang naman sa akin lalo pa’t hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabalik si Chandra. Nasaan na kaya ‘yon? Natabunan na ata ng mga paninda sa cafeteria.
Kaya lang nakita ko naman sa mata niya ang pag-aalinlangan. Dapat ba hindi na lang ako nagtanong?
“Uhm, nevermind. It’s fine if you don’t want...