THEY’RE INTO EACH OTHER Chapter 13


THEY’RE INTO EACH OTHER
Chapter 13
3 Months Later
Tatlong buwan na rin yung nakakalipas and heto parin si fort matiyagang hinihintay yung pag “Oo” ko sa kanya. syempre, ibibigay ko itong yes sa kanya sa mismong kaarawan niya na malapit na.
Sumulat ako sa aking diary tulad ng mga babaeng tulad ko na mahilig isulat ang mga nangyayari sa ating/aking buhay. malungkot man ito o masaya isinusulat ko ito para kapag medyo bored ako at gustong takasan lahat ng problema babasahin ko lang mga ito.
Sabay kaming pumasok ni bes joanah kasama si leah na bago naming kaibigan. si jasmine kase medyo hindi parin kami nagkaka usap ng maaayos dahil puro iwas siya sa mga alok kong sabay kaming kumain sa canteen.
Ewan, hindi ko na tuloy alam kung ano ang totoo sa mga ipinapakita niya basta ang alam ko “okay” na raw siya sa amin and accept niya panliligaw ni fort sakin. nasa labas kami lahat ngayon upang mag flag ceremony.
Natapos yung seremonya at nakapasok na lahat ngunit wala si danfort sa kanyang upuan. absent na naman siya ngayon tatlong araw na itong hindi pumapasok and hindi niya sinasagot mga text or tawag ko.
Sinubukan kong itanong kay jasmine ng sandaling matapos yung first subject namin pero, walang maisagot siyang maisagot. hindi niya raw alam at hindi daw siya nakabantay 24 hours. nasupladah*n ako sa asta niyang yun kaya hininto ko na pagtanong sa kanya at bumalik sa aking upuan.
Malapit na matapos yung third subject namin ng makaramdam ako ng paghihilo dahil hindi ako nakapag almusal kanina. tiniis ko na lamang ito kase malapit na din yung break namin at dideretso kami sa canteen kasama mga kaibigan ko.
“Bes, hindi ka ba oorder ng sayo? … saka parang medyo maputla ka?” hinawakan niya kamay ko at noo “gosh, may sinat ka bes” pag aalala nito. tungin ko nga rin...


kase hindi lang ako basta nahihilo kundi nanlalamig na din pakiramdam ko at mainit katawan ko.
“Ipagpapaalam kita sa mga teachers natin” sabi naman ni leah.
“Huwag na kaya ko pa naman” sabi ko at uminom nalang ng tubig at yung flakes na baon ko.
“Naku bes, hindi! … uuwi ka para magpahinga baka mapano kapa. understood naman yan sa mga teachers natin. kaya sasamahan kita mamaya sa bahay at dun ka muna para may tumingin sayo” sabi pa niya.
“Bes, okay lang ako promise” magsasalita pa sana sila ng pigilan ko. sabay sabay kami ulit pumasok sa room habang tinitiis yung sakit na nararamdaman ko.
Danfort Villasis POV
Nasa court kami kahapon ng tropa ng marinig ko pinag uusapan nina jasmine at mga kaibigan niya about sa pum*tay sa dad ko ilang taon na nakalilipas. napahinto ako at biglang nanigas ang aking katawan ng sandaling banggitin nila na yung mamam*tay taong yun ang ama ng minamahal kong si catherine.
Nabitawan ko yung bola at dahilan para makita nila ako. nagulat pa sila ng oras na yun kaya lumapit ako at pinaulit yung sinabi ni jasmine. pinipilit kong paniwalaan na hindi yun totoo.
Tinapos ko yung laro namin at umuwi sa amin upang i-research pagkatao ni catherine. nakita ko sa kanyang account yung name and father niya na magkakasama sa cover photo niya.
Para akong sinaks*k muli at bumalik yung mga nakaraang taon na sobrang hirap at sakit isipin na mawawala ang aking dad dahil sa ama niya na mamam*tay tao. Ibinato ko lahat ng gamit na nahahawakan ko dahil sa galit at inis sa aking sarili na nafall ako sa pamilya ng mga kinasus*klaman ko.
“Hindi ka na naman pumasok. may problema ka ba?” text ni cath sakin a few a hours ago. marami din siyang missed callls and hindi ko na yun sinagot pa dahil gusto ko munang makapag isip.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top