His Lola’s last will Chapter 10


His Lola’s last will
Chapter 10
‘Akala ko pa namn manliligaw mo yun anak, ang gwapo saka ang yaman pa man din kako, yun pala employer mo, binata pa ba yun?’
Lumipad ang tingin ko ke mama saka napaismid.
‘Hindi ko alam’ matabang kong sagot sabay subo ko ng kanin.
Tanghali na rin ng makaalis si Sir Federico samin.Inalok pa nga sya ni Mama na kumain dito pero agad naman syang tumanggi at ang sabiy marami pa syang gagawin at kailangan na nyang umalis kaagad.
‘Anong napag usapan nyo, kailan ka daw nya dadalhin sa america?’ Kulang nalang maibuga ko ang nginunguya kong kanin sa sinabing iyon ni mama.
‘A-ano ho? May may nasabi ba sya sa inyo?’loko yun ah mukhang binalita na nya ang buong detalye ke mama!
‘Eh oo, di ba balak ka nyang kunin pa america para maging caregiver ng mama nya?’
‘Ho?yun ba ang sabi nya sa inyo? As in yun lang?’ Hindi ako makapaniwala at Inulit ko pa ke mama ang tanong ko.
‘Oo namn, bakit meron pa ba syang ibang dapat sabihin maliban dun?’ Balik tanong ni mama sakin.
‘Um wala naman, naitanong ko lang..’ saka ako umiwas ng tingin sa kanya. Napabuga ako ng hangin sunod napatungo sa plato ko. Mabuti namn pala at hindi nagkwento ang magaling na lalaking iyon. Hanggat maaari ayaw ko pang ipaalam ke mama ang lahat. Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ng pamilya ko sa bagay na yun. Baka atakehin sa sobrang gulat si mama pag nalaman nyang ikakasal ako sa taong di ko kilala kapalit ang 2 milyones.
Hmp! Pero sa isang banda duda akong mag alala si mama sakin.
Baka pag nalaman nya ang tungkol sa mana ipagduldulan pa nya ako ke Rico pag nagkataon. Mukhang pera din kasi ang mama ko paminsan minsan.
‘Eh ano ngang naging usapan nyo? Kailan ka maglalakad ng papers mo?’
‘Hindi ako pumayag.’ Mabilis kong tugon. Which is may bahid naman ng katotohanan. Sinabihan ko si Sir rico na pag iisipan ko muna ang inoofer nya. Ramdam ko ang kanyang sama ng loob pagkaalis nya pero what to do,. magulo pa ang isip ko at medyo di pa ako sigurado sa plano nya.Saka naisip kong masyado atang malayo ang states para isubo ang sarili ko ng ganun ganun na lng. Lalo pa wala naman akong kamag anak dun para takbuhan sa oras na magka problema , um..may pinsan nga pala ako doon, kaso sa laki ba namn ng America at sa higpit ng amo nya mabuti kung magkita kami nun?
‘Ano? Ba-bakit naman? Sayang naman yun anak, america na yun, di ba matagal mo nang pangarap ang makapunta dun?’
‘Mama naman.. talaga ba? Gusto nyo ba talaga akong malayo at makasama ang taong yun? Ni hindi nyu pa nga yun lubos na kilala eh, tas kung ipagtulukan nyu ako ganun ganun na lang, di ba kayo nag aalala sakin?’
Hindi ko maiwasang magtampo sa sinabi ni mama . Parang di anak ang turing sakin kung palayasin ako ah! Ganun na lang ba talaga yun, wala man lang ka concern concern sakin?
‘Hindi sa ganun anak,nasa sa iyo parin namn ang desisiyon, pero kasi mukha namang legit ang amo mo , at sa tingin ko hindi namn masama kung susubukan mo, para naman sa future nyung magkapatid ang iniisip ko, lalo pat ganto ang sitwasyon ng buhay natin ngaun..kahit wag na samin ng papa mo, kahit sa inyo na lng ni edward, naiintidihan mo ba ako?’
Tila kinurot namn ngayun ang puso ko sa tinurang iyon ni mama.Napalitan ng guilty ang kaninang sama ng loob ko. Tama si mama, kailangan kong isipin ang future namin.Kailangang isantabi ko muna ang takot sa sarili ko dahil may umaasa sakin.So does it mean papayag na ako sa offer ni sir? Kakagatin ko na ba ang kasal na yun ? Nasa gitna ng pagtatalo ang isip at puso ko nang biglang may kumatok sa pintuan ng aming bahay.
May sulat na dumating galing sa lending company kung saan nakasanla ang titulo ng bahay namin.
Naluluhang humarap si mama samin ni Edward at malungkot na sinabing may isang linggo na lng kami para magbayad bago maremata ang bahay namin.
Napabuga ako ng hangin matapos kong basahin ang notice period namin.
Nanlulumo akong napatitig sa labas ng bintana.
Ito na nga siguro ang sign.
‘Ma, may pera ka ba jan, bibili ako ng load, May tatawagan lang ako’
—////
‘Hindi pa raw sya makakapagdesisyon.. what the f*ck is wrong with that lady! Masyadong hard...


to get, feeling primadonna,who does she think she is?!’
Singhal ni Rico sa harapan ng kanyang ka video chat sa laptop saka tinungga ang nangangalahati nang bote ng whisky na kanina pa nya iniinum mula ng bumalik sya ng hotel.
‘Wait, calm down will you? You mean tinanggihan ka? Wow thats new, ano nang nangyari sa charm mo? Mukhang nakahanap ka ng katapat ah hahahah’ kantyaw ni Gerald.
‘Shut up! You know what, i really dont care anymore , kung ayaw nya eh di wag, kasehodang bayaran ko na lang ang ancestral house, i dont care about the rest, kikitain ko namn ang mga iyon, all i want is the house thats it!’ Tiimbagang napalagok uli sya ng alak.
‘Tsk! Sayang namn ang mamanahin mo, baka namn masyado ka naging straightforward,agresibo yata ang dating mo eh, hindi uubra yan sa mga probinsyana pre’
‘Pribinsyana? Who? Sya? I dont think so, yeah you were right , she’s pretty, at sa ganda nyang iyon imposibleng wala pang naging karanasan sa mga lalaki yun, d*mn it! Pinaka ayaw ko panaman sa babae eh yung nag fefeeling v*rgin pero obviously hindi namn..’
‘Hahaha! Di mo lang tanggap na tinaggihan ka, kaya nagpuputok ang butse mo, first time ba?’ Nang uuyam na saad pa ni Gerald sa kanya.
Hindi nakaimik si Rico bagkus muling napalagok sya ng alak. May tama ang pinsan nya. Maliban sa naramdamang disappoinment, may parte ng pagkatao nya ang labis na nasaktan sa ginawa ng dalaga.
His ego.
Yeah, he doesn’t like being rejected by a woman. And Wala sa bukabularyo nya ang maghabol ng babae. Kaya marahil ganun na lang ang galit nya nang tanggihan sya nito. Something na bago sa karanasan nya dahil most of the time sya ang hinahabol ng mga babae ang at sya ang tumatanggi.
He was about to end the call nang mapansin nyang may rumihistrong call waiting sa phone nya.
And who the hell is this?
Matiim nyang binasa ang pangalan ng tumatawag at pag anoy napaawang sya ng bibig.
Si Mitch!
Sa isang iglap nawala ang kalasingan nya at biglang napatayo mula sa kinauupuang stool.
‘Wait, i have a call,’ putol nya sa pinsan saka mariing pinindot ang answer call para tanggapin ang bagong tawag.
Tumikhim muna sya saka ingat na nilapit ang bibig sa receiver ng phone.
‘Hello , Rico speaking’ tila pumiyok pa nyang sabi dahilan para mapamura sya ng sarili.
Whats the f*ck is wrong with me? Bakit bigla na lang akong natataranta?!
‘Um sir, si Amichell po ito..’
‘Um.. yeah. Napatawag ka?’
hindi nya maintindihan pero tila biglang kinabog ng kaba ang dibdib nya pagkarinig sa boses ng dalaga. Bigla syang na tense. Something that he never felt before.
Na mabilis din nyang inignore.
Nah! Excited lang siguro ako sa sasabihin nya .That’s all.
‘Sir.. pumapayag na po ako.sa- sa plano nyo.. willing na po akong maki pag cooperate, sa -sa kasal na-natin’
‘Talaga?! I mean are you sure? ‘ hindi makapaniwalang napa diin pa ng kanyang telepono sa tenga si Rico, sinisigurado kung tama ba talaga ang narinig nya.
‘O-opo, um.. sabihan nyu na lng po kung anong dapat kong gawin, kung may mga requirements po ba akong dapat ayusin. wala po kasi akong ideya sa mga bagay na yan eh..’
‘Um.. dont worry. Wala kang alalahanin, aayusin ko ang lahat from your visa to our ticket,’ ani Rico na noon din ay di na mapigilan ang pag guhit ng abot tenga nitong ngiti sa mukha.
‘Salamat po,so may ipapasa po ba akong papel or something?’ Pag anoy tanong muli ni Mitch.
She sounds more interested dahilan para lalong magliwanag ang mukha ni Rico.
Good.. she’s really into it now.. thats great , thats really really great!
‘I sesend ko sayo mga requirements tas pag na kumpleto mo na luluwas tayo ng manila to process your entry visa, siguro naman may passport ka nang hawak sa lagay na yan..’
‘Yes sir, meron namn.. actually kakarenew ko lang..’
‘Good , very good.. cge wait for my instructions, i sesend ko na ngayon’
‘O sge po, hihintayin ko, salamat’
‘Okay, see you later then, and salamat din’
Maluwang ang pagkakangisi nyang pinagkatitigan muna ang numero ng dalga sa kanyang telepono bago pinindot ang end call.At maya pay hindi na nya napigalan ang sarili na mapatalon at mapasuntok sa hangin sa labis na kasiyahan.
Finally she said yes!
Tuloy ang plano, akalain mo..sa hinaba haba ng prusisyon , mahahalikan ko parin pala ang mga milyones ko!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top