Meant to be? Chapter 34


Hi!..
Bati ni Alodia kay Nice na halatang may umbok na ang tyan. May ngiti itong di mawari.
Nice?…tense na tense na nakatingin lang si Ace sa dalaga. Parang may rambulan sa loob ng dibdib nya. At walang maayos na salita ang napoformat ng utak nya. Yari na! Utak gumana ka!
Agad na tumayo si Nice..sumunod din si Ace.
Napangiti ng mapait si Nice at mula kay Alodia napunta kay Ace ang paningin.
Magsasalita na sana si Ace.
“So, ito ang sinasabi mong problema Ace?”
Tumaas ang isang kilay ni Alodia
“Hindi naman to problema, blessing to Ace. Congrats!!”
“Nice.. Let me explain hah, alam ko mauunawaan mo ako. I know you’re an open minded person.”
“Syempre..”
“Sasabihin ko na sana sayo diba, kaso.”
“Heheh.. Hindi ka na mahihirapan, heto na oh. Clear as the water, right before my eyes.”
Nilapitan nya si Alodia.
“Pwede ka bang umalis muna. Paano mo natunton dito. May balak ka bang sirain kami. I’ve already told you. After the parenthood test, tsaka na ako mag dedecide. I’ll just support your necessities with your situation.”
” Nakalimutan kong sabihin na kasama sa pangangailangan kong iyon ay ang presensya mo, Araw araw..”
” Ah!! Are you out of your mind. Sinabi ko na sayong may asawa na ako.”
Bumaling ito kay Nice.
“Are you really married? ”
Nabigla si Nice.. Buti gumana agad ang utak nya. Dahil buti na lang suot suot nya ang singsing na bigay ni Ace dati.
” Here!” itinaas nya ang kamay na may singsing sa palagitnaan.
Di bale na, ayaw nyang mawala si Ace at mapahiya sa babaeng to. Kung sino man sya!
Napangiti si Ace sa ginawa nya.
Napaismid si Alodia sa nakitang singsing..
“I need the documents.. You’re proof of marriage”
“Why you become like this? At hindi namin kailangang laging dala yon. ”
“Ayoko syang mag karoon ng broken family. I need you.. We need you Ace. Kami dapat amg inuuna mo. I’ll tell your father about this.”
“Shut up your mouth!! Subukan mo lang.. ”
Napalakas iyon at napahigpit ang pagkakahawak nya sa siko nito.
Dahilan para dumaing si Alodia.
” Tama na Ace!” sigaw ni Nice..
At lumapit na rin sa dalawa.
” I’m sorry.. is all that I can say for now and for the following days..dahil hindi ako papayag na hindi magkaroon ng buong pamilya ang magiging anak natin! Ace Lacson! ”
“Marami ang nagagawa at nababago sa taong nag mumukhang dehado. ” dagdag pa nito.
“And you?” turo nito kay Nice
” Enjoy your remaining precious moments with this guy here. Coz it will be ended so soon. I’ll assure you that..
” Isa akong cobrang nagtatago sa kung saan na di nyo malalaman kung kelan aatake.”
Tsaka ito tumalikod.,
” Hoooh!!! ” sigaw ni George nang mapansing tulala pa ang dalawa.
“Kinabog ako don ah”
“O pano ba yan, bukas na pala yong road trip reunion natin with tropa. Prepare na tayo ngayon guys! .. Kain na muna pala. .nagutom tuloy ako.. ”
Tinapik pa nito ang balikat ni Ace na nakayuko lang..
“Bro? Kain na tayo. Gutom na ako.”
“Nice?”
Lumapit sya dito. At akmang hahawakan
Umalis ito at nagtungo ng kusina.
“Lika na George! Nagutom rin ako sa ganda ng palabas!”
Sigaw nito.
Napaupo sandali si Ace bago sumunod.
Habang kumakain.. Nasa kay Nice madalas ang paningin nya.
“Kain na daddy! ”
Untag nito sa kanya na may pekeng ngiti.
“HAHAHAHA.. daddy?” segundang ni George
“Daddy, pakiabot nong juice please. “saad pa niya kay Ace… Tinitiis nya na lang, alam nyang galit ito at...


dinadaan sya sa ganon,mas masakit pala pag ganon pinaparinggan sya.
Nang mapansin nitong nakatitig sya dito, itinaas nito ang isang kilay.
” What? Kumain ka na.”
” DADDY!”
Iiling iling na lang si George, di alam kung matatawa o malulungkot.
“Bakit dati gusto kong tawagin mo akong daddy ayaw mo. Ngayon..”
“Whatever!” While rolling her eyes
Mas lalo lang syang nagiging attractive kay Ace pag nagtataray sya.
Binilisan nya ang pagkain at nang mauna nang matapos ay tumayo na sya.
“Tapos ka na?..”
“Tingin mo? Di gaya mo lutang lang, waiting ang pagkain.. Gaya ng mga ex’s mo, waiting din. ” pigil nitong matawa.
“Wow! Namemersonal ka na?”
“Ay hindi! Ikaw pa tong may courage na umastang ganyan? Pasalamat ka walang sampal na naglanding dyan sa mukha mo!”
“Nice! Nangyari ang lahat ng wala ka pa. Di ka pa dumararing sa buhay ko non. Alodia is my first girlfriend.”
“Wow! Kinilig ako.. So first love mo rin?
George do you believe that” first love, first love.. Never dies. . 🎶
“Hahaha.. Ewan, di ko pa kasi experience yon. ”
Talaga? HAHAHAHA.. Parehas tayo.. ” tsaka nito inabot ang palad kay George at nag aper sila
” Isa pa tong ungas na to! Bigyan ko to e” sa isip ni Ace. Feeling nya pinagkakaisahan sya ng dalawa. Gusto nyang mag usap sila ng maayos hindi ganito. Masyadong masakit Pinipigilan nya lang wag maluha.
Pagkatapos kumain.. Tinabihan nya ito sa sofa.. Pero nakaayos ito at may sling bag sa gilid.
Aalis ka?
Hmm? Nilingon lang sya ng may nakataas na kilay.
Yes! Gagala kami ni Mia. On the way na sya.
Ngayon mo lang naisipan? Mag uusap pa tayo.
Pasalamat ka, sinagip kong di ka mapahiya kanina. Inamin kong mag asawa tayo
Pero ngayon wag kang umasta at pigil pigilan ako. Baka mapasama ka sakin.
Pero kailangan nating mag usa-
Hmph!! Tigilan mo ko. Ayoko ng stress.. Hayaam mo muna akong mapag isa. Naiintindihan ko.. Nangyari yon ng wala pa ako
So alam ko na.. Ok na just give me some time para mag enjoy na di ka kasama
Di pa kita feel kasama ngayon.
Napaarko agad ang kilay ni Ace at kumunot ang noo. Pigil na pigil ang kaloobang di bumigay sa harap nito. Napapayuko na lamang sya.
“Magpasama kayo kay George ”
Syempre.. Natatanggal stress ko pag kasama ko sya e. Com’on George, escort kita ngayon.
Hoy!bakit naman may ganyan?
Isinabit kasi ni Nice ang braso sa naka de kwatro na balikat ni George.
Tinaasan nya lang uli ng kilay si Ace.
Nice! Mag iingat ka..
“I love you! ” may himig pait sa boses nito.
“Bro!?” tiningnan nya ng makahulugang tingin ang kaibigan.
Bago tuluyang lumabas.. May pahabol pa si Nice.
“Papuntahin mo sya dito.. Mag labing labing kayo… Enjoy!..”
“. Shit! Di ko gagawin yon!.” asar nyang sigaw dito
At bago pa tuluyang nakalabas si Nice patakbo. Na syang nakahabol dito walang ano anoy hinablot nya ito at siniil ng halik. Punong puno na sya sa pagtataray nito.
Masyadong masakit.
Without knowing kung ano ring sakit ang dinulot nito sa dalaga na pilit lang nilalabanan.
Napa” owh” si George..
Pero nakatikim tuloy sya ng sampal mula sa dalaga na pilit kumalas.at nagpatiuna na itong lumabas. Naiwang nakayuko si Ace.. Hinimas himas ni George ang kanyang balikat..
“Wala lang to, parang spices lang to sa isang menu.. You can get through this.
In fairness kinilig ako don papa Ace😁
Bye! Ako nang bahala .. unwind lang kailangan nya..”
Tumango lang ang gwapong mukha ni Ace. Na dama pa ang sinampal na cheek.
A/N:
Pasensya3.. Konting oras lang para maka update..✌🏻❤️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top