The Battered Wife CHAPTER 13


Author : Krista1307
Genre : Random
🌻🌻🌻 🌻🌻🌻
( ZENY- POV )
Pinakiusapan ko si Dominick na samahan akong sabihin ang sitwasyon sa aking mga magulang.Natatakot ako sa pwede nilang gawin sa akin.
” Salamat dahil pumayag ka sa pakiusap ko sayo Dominick ”
” Ginagawa ko lang ito dahil palaging sangkot ang pangalan ko sa mga problemang ginagawa mo.Alam mo Zeny , sana nakipaghiwalay ka nalang agad sa akin at sana binigyan ko ng pagkakataon si Elise ”
” Sorry Dominick … Mahal kase kita kaya hindi kita binibitawan ng mga panahong iyon.Si ate kase kapag may gusto ako , ibinibigay niya agad.Hindi ko naman akalaing aabot sa ganito.Pero alam mo naman na tinapos ko na kung ano man yung meron sa atin.”
” Kahit ano pang sabihin mo Zeny , hindi na maibabalik pa ang nakaraan.Nandyan na pala ang magulang mo , kausapin mo sila ng maayos.”
Mas lalo akong kinabahan ng makita kong magkasama nina mama at papa.
” Anak , mabuti at nakabalik kana … bakit hindi mo agad sinabi na nakauwi kana ng bansa para nasundo ka sana namin … ”
” Si Dominick na po ang sumundo sa akin.”
” Ang Ate mo ? Nagkaayos na ba kayong dalawa ? ”
Hindi naman sang-ayon ang magulang ko sa relasyon namin noon ni Dominick.Nagalit nga silang pareho dahil alam nilang kasal na sila ni Ate tapos inagaw ko pa.
” Mama at Papa .. may sasabihin po sana akong importante at sana wag po kayong magagalit ”
” Umuwi ka lang dito para sabihin na may problema ka na namang dala ! ”
Galit na sabi ni Papa.
Hindi na kase bumalik yung pagiging mabait sa akin ni Papa simula nung nalaman nilang may namamagitan sa amin ni Dominick.
” Pasensya na po kung puro problema ang ambag ko sa pamilyang ito.Buntis po ako. ”
Diretsong salita ko sa kanila.Nakita kong biglang namula sa galit si Papa.
” Sinong ama ng batang dinadala mo ? Iyan bang lalaking yan ! ”
Hindi agad ako makasagot dahil sobrang natatakot ako sa reaksyon ni papa.
” Dominick , kailangan mong panagutan ang anak ko , sa ayaw at sa gusto nyo , ikakasal kayong dalawa ! ”
Si Mama na ang nagsalita .
” Tita , hindi naman po tama —- ”
Hindi na naituloy pa ni Dominick ang sasabihin niya ng suntukin siyang bigla ni papa.
” Walang hiya ka , pagkatapos mong buntisin ang anak ko sasabihin mong hindi tama ! Magpapakasal kayong dalawa ! Tapos ang usap ! ”
” Papa , makinig ka muna sa akin … Mama kausapin mo naman si Papa.”
” Wala na akong magagawa sa sinabi ng papa mo.Bukas na bukas din , aayusin natin ang engagement party ninyong dalawa ! ”
Pati si Mama , galit na sa akin.
Umiyak lang ako ng umiyak.
Wala na akong nagawa pa.
” Tingnan mo Zeny ang ginawa mo , mas lalo mong pinalaki ang gulo ! Ayusin mo agad ito dahil hindi ko pinangarap na maikasal sa babaeng katulad mo na basta bastang magpapabuntis sa ibang lalaki ! ”
Napatayo ako bigla dahil sa mga narinig ko.
” Dominick alam kong napakalaki na ng kasalanan ko sayo pero sumosobra na ata ang mga sinasabi mo tungkol sa akin , Oo tama ka nabuntis ako ng kung sino , pero gagawin ko naman ang lahat para maalala at makita kung sino ang lalaking gumalaw sa...


akin.Hayaano mo , aayusin ko agad ang lahat ng ito ”
” Puro ka salita Zeny hindi mo naman ginagawa ! ”
Bigla nalang lumabas ng bahay si Dominick at hindi nagtagal narinig ko ang hugong ng kanyang sasakyan paalis ng aming bahay.
( ELISE / BELLA – POV )
Hanggang ngayon ay hindi pa ako nagpapakita sa magulang namin.Hindi ko rin alam kung mayroon na silang nakuhang balita na nakabalik na ako.Pero sigurado akong si Zeny ay pumunta na sa kanila.Bukas sana balak kong pumunta sa bahay ng magulang ko at magpapasama nalang ako kay Franco.
Sa bawat araw na dumadaan , pinatunayan ni Franco sa akin lahat ng pangako niya.Halos hindi na siya umaalis sa tabi ko.Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung handa na ba ako talaga na bigyan siya ng pagkakataong ligawan ako.
Pero alam ko sa sarili ko na si Sky parin ang mahal ko.
” Ako ba ang iniisip mo ? ”
Si Franco.
Biglang naupo sa tabi ko at dala ang paborito kong ice cream.
” Hindi , Iniisip ko lang kung anong flavor ng ice cream ang binili mo .. salamat ha ”
Napasimangot tuloy siya sa sinabi ko.
” Franco , pwede bang samahan mo ako bukas sa bahay ng magulang ko.Gusto ko na kase silang makita.”
” Sigurado ka ba dyan ? ”
” Matagal na rin naman simula nung makita ko sila.Handa na akong harapin ang magulang ko Franco.Tsaka nandyan ka naman sa tabi ko kaya hindi ako natatakot.”
” Bella hindi mo alam kung gaano mo ako napapasaya sa tuwing gusto mo akong makasama ”
Todo ngiti pa sa akin si Franco.
Namumula rin siya , halatang kinikilig sa mga sinasabi niya.
” Wala lang ako magawa hindi ka kase umaalis sa tabi ko kaya kita isasama sa bahay ng magulang ko.”
” Ah ganon pala ha , lagot ka sa akin ngayon.”
Kiniliti niya ako at pinahiran ng ice cream sa mukha kaya naman tumakbo ako palayo sa kanya.
Naghabulan na tuloy kami , bigla namang umulan.
” Bella , umuulan na baka magkasakit ka ”
” Minsan lang maging bata ulit Franco kaya hayaan mo na akong maligo sa ulan.At kung magkasakit man ako alam kong aalagaan mo naman ako.Oy , namumula ka , Kinikilig ka na naman ano … Habulin mo ako… ”
Natatawang sabi ko kay Franco.
” Alam na alam mo kung paano ako pakiligin… lagot ka sa akin kapag inabutan kita.”
Kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang tawanan namin dalawa.
Sana palaging ganito yung masaya lang ang buhay namin.
( SKY – POV )
Habang nagmamaneho ako palayo sa bahay ng magulang nina Zeny ay napagpasyahan kong pumunta muna sa parke.
” Hindi ko na alam ang gagawin ko ”
Pagkausap ko sa aking sarili.
Habang nakatingin ako sa kalangitan ay biglang umulan.
Talagang nakikisabay pa ang panahon sa nararamdaman ko.
Napatigil ako ng marinig ko ang pamilyar na boses ng babae.
Tumingin tuloy ako sa dalawang taong nahahabulan sa gitna ng malakas na buhos ng ulan , sana pala hindi na ako tumingin pa.
Sina Franco at Elise.
Masaya silang nagpapakabasa sa ulan.
Naka ngiti si Elise.
Halatang masaya siya talaga.
Ang mga ngiting kahit minsan ay hindi ko nasilayan sa harapan ko.
Dahil karamihan sa pagkakataong humaharap sa akin si Elise ay palagi siyang imiiyak at nagmamakaawa.
” I’m Sorry Elise kung ngayon ko lang nalaman na mahal pala kita ”
To Be Continued …






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top