Dear diary, inlove ako kay Sir Chapter THREE



Ms. Samonte POV:
Matapos kong malaman ang lahat, mabilis akong pumasok sa isang kwarto.
Bahala na kung kaninong kwarto ang napasukan ko. Ang mahalaga, mailabas ko ang totoo kong nararamdaman.
Kaya heto, pagulong-gulong sa may kama.
“Yung first love ko at si Sir ay iisa? Ayieeee kinikilig si akes. Pa’no ba ‘yan? Eto na ba talaga ang tadhana? Eto na ba ang sinasabi nilang meant to be?”,
Sa mga sinasabi ko, nagawa ko na ring tumalon-talon sa kama na parang bata sa sobrang saya.
Kaso lang napatigil ako nang makita ko sa mismong pinto si Sir na tawang-tawa habang nakatingin sa akin.
“Ahm, kanina ka pa ba nandyan? Ahm ano kasi, naglilinis ako. Tama! Inaayos ko ang kama, Sir.”, palusot kong sambit.
“Ang galing mo palang mag-ayos Ms.Samonte. Sa sobrang galing, napapatalon ka habang naglilinis. Ngayon lang ako nakakita ng ganyan.”, smirk na wika nito habang nakatingin ng diretsa sa mata ko.
“Ahm, yeah sir. You know, ganito talaga ako.”,
Pakshet! Nakakahiya!
Parang gusto ko ng magpalamon sa lupa!
Ang tanga mo rin talaga Ms.Samonte. Ni hindi mo man lang nilock ang pinto.
Nagulat naman ako nang lumapit si Sir sa akin.
“S-sir?”, nauutal kong bigkas nang makita kong kakaiba na ang tingin nito.
But still, he continue walking.
“S-sir, teka-“, kinakabahang saad ko habang naka-wait sign pa talaga.
Pero hindi man lang ito huminto at nagpatuloy sa paghakbang.
“Anong gagawin mo Sir?”, tanong ko sa kanya. Nagawa ko na ring takpan ang aking dibdib.
“Sir teka, ano–“, hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil bigla na akong napasanday sa dingding.
“Gusto ko kasing mag–“,
“Mag? Sir naman! ‘Wag ganyan! Bad ‘yan! Hindi pa ako ready. Saka hindi pa ako naliligo, baka sabihin mong mabaho ako!”, maktol na wika ko rito.
“Wala akong pakialam kung mabaho ka Ms.Samonte, basta makapag–“,
“Sir, noooo. Ayoko! ‘Wag ako pleasssee. Kahit ikaw pa ang first love ko. Hindi ako papayag!”, sigaw na sabi ko sa kanya.
“Ms.Samonte–“,
“Sir, kasambahay mo lang ako. Hindi ako pangka–“,
“Tsk. ‘Wag na nga lang. Ang dami mong satsat. Magpapahilot lang naman ako dahil medyo masakit ang katawan ko.”, inis na sambit nito at tinalikuran na ako.
“Hala? Nagtampo si Sir? Putek! Magpapahilot lang pala...


siya. Akala ko kung ano na!”, bigkas ko sa aking sarili.
Oh no!
Yung first love ko, nag-walkout.

Dear diary,
Ang cute magtampo ni Sir.
Sa sobrang cute niya, parang gusto ko siyang halikan.
Kaso hindi pa ako nagtoothbrush at ayoko namang maturn-off siya sa pagiging bad breath ko.
Ay mali, bakit naman siya matuturn-off? Ni-hindi niya nga ako magustuhan.
Oh my gosh diary, tila kumirot ng bahagya ang puso ko. Sa salitang, HINDI AKO GUSTO NI SIR.
Pero sana mali yung nasa isip ko. Kasi first love ko siya simula bata pa ako.
At ngayon na magkasama na kami sa iisang bahay, hindi ko na siya papakawalan pa.
______
Itinago ko na ang aking notebook nang matapos kong magsulat sa aking mahiwagang diary.
Tumayo na ako at lumabas ng kwarto.
Si Sir agad ang unang nasilayan ng mata ko habang nag-sstretching.
Nakasuot lang ito ng sando. At kahit nakatalikod siya,
kitang-kita ko ang macho niyang katawan dahil sa mga muscles.
Siguro nahalata nito na nasa likod niya ako kaya napalingon siya sa aking gawi.
And OMG! Ang hot ni Sir.
Napakagat-labi na lamang ako nang makita ko ang mapang-akit niyang ngiti.
Dahan-dahan siyang lumapit na para bang gusto niya akong halikan.
“Ang ganda mo talaga Ms. Samonte kaya bagay na bagay tayo. So pwede ko bang mahalikan ang malambot mong labi?”, tanong nito na animoy inaakit ako.
“Yes Ser. Ene ke be. Pwedeng-pwede. Beste ekew.”, pabebe kong tugon habang kagat ko ang aking labi.
Hinihintay ko sana ang pagdampi ng labi ni Sir sa akin kaso—
“Ms.Samonte?! Hey? Baliw ka na ba?”, pitik nitong saad.
Dahil sa boses na ‘yon, doon ko lang narealize na imagination lang pala ang lahat.
“Ah hehe.”, nahihiyang bigkas ko.
“Tsk. Itikom mo ang bibig mo. Baka tumulo ang laway mo Ms.Samonte.”,
Ano ba yan!
Nakakahiya na!
Hiyang-hiya na ako sa sarili ko!
Teka, eto na ba yung epekto ng mga creamstick na kinain ko kanina?
____
A/N:
Hello, this was my first story po, way back 2017 kaya asahan niyo na medyo jeje.
Pero kapag magsusulat po talaga ng story, one POV per chapter. At ayan ang hindi ko nasunod dyan, since bata pa ako nung sinulat ko siya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top