Marriage contract Chapter 10


Almira
Ilang araw ang lumipas ng lumipas ang insidente until now sinisisi ko ang aking sarili sa nangyari kay Baby Chloe.
Inasikaso na ni Tyron yung pagsasampa ng kaso laban sa mga sindikato na dumukot kay Baby Chloe tapos nagpunta na rin kami sa psychiatrist para ipa check up si Baby Chloe sabi naman ng tumingin sa kanya she’s fine.
Nalaman din ng family ni Tyron ang nangyari kaya nag insists sila na tulungan ako sa pamamagitan ng pagbibigay ng yaya kay Baby Chloe pero tumanggi ako dahil nakakahiya naman sa kanila.
Abala ako sa pagluluto ng snack para movie marathon namin ni Baby Chloe ng may biglang nag text sa phone ko pagtingin ko mula sa unregistered number.
Hello Almira pwede ba tayong magkita ng pinsan mo by the way si Kristof ito nakuha ko number mo kay Tyron.
Agad akong nag reply sa text ni kristof.
Sure Kristof kailan ba?
Muli siyang nag reply sa text ko.
Pwede bang now na diyan sa unit ni Tyron nagpaalam na ako at pumayag na siya.
Okay Kristof
Tinext ko ang pinsan ko para papuntahin siya sa unit namin ni Tyron.
May problema ba reply ng pinsan ko sa tinext ko.
Dadalaw si Kristof sa unit sana maka punta ka kung hindi ka busy muli kong reply.
Okay Almira pupunta ako excited na akong makita si Kristof.
Naghanda na ako para sa pagbisita ng pinsan ko at si Kristof magluluto ako ng makakain naming tatlo.
Abala ako sa paghihiwa ng rekado ng lumapit si baby Chloe at kinalabit ako.
” Mie…. ”
” Yes baby Chloe? ”
” Mie akala ko po ba manunuod tayo ng cartoon na paborito ko? ”
” I’m sorry baby Chloe basta pwedeng next time na lang ”
” Why po? ”
” Si tita ninang mo pupunta dito mamaya ”
” Talaga po mie? ”
” She’s coming kasama si Tito Kristof mo ”
” Who’s tito Kristof po? ”
” Kaibigan namin ng tita ninang mo bumalik na siya galing ibang bansa magbihis ka na para fresh ka pagdating nila halika samahan kita ”
” Mie kaya ko na po ”
” Are you sure baby? ”
” Yes mie big girl na po ako ”
” Oksy Baby just call me if you need help ”
” Okay mie ”
Dumirecho na si Baby Chloe sa kwarto habang ako abala sa pagluluto ng kakainin namin.
Abala ako sa paggigisa ng biglang tumunog yung doorbell agad kong binuksan ang pinto pagbukas ko si pinsan.
” Hi Insan ”
” Ang aga-aga mo ah ”
” Excited lang ako na makita si Kristof it’s been a years ng huli ko siyang nakita siguro gwapo pa rin siya ”
” Sobrang gwapo na niya ngayon at excited na rin siya na makita ka ”
” Wait…. ”
” Oh? ”
” May umuusok! ”
Agad akong tumakbo papunta sa kusina at pinatay ang apoy sa kalan thanks god at hindi nasunog yung niluluto ko.
” Ikaw naman kasi eh ”
” Sorry nakalimutan kong patayin ang apoy ”
” Ano ba yang niluluto mo insan? ”
” Pasta ”
” I can help you ”
” No need na isa pa bisita ka dito ”
” Mag handa ka na kaya ako na bahala sa niluluto mo tignan mo mukha ka ng haggard-looking dapat fresh n fresh ka sa harapan ni Kristof ”
” Sigurado ka insan? ”
” Yeah ako na bahala sa niluluto mo ”
” Thanks insan ”
Dumirecho na ako sa kwarto ko para magayos ng sarili ko naglagay lang ako ng light make-up tapos lumabas na.
” Ang ganda ganda mo insan ah! ”
” Bolero ka talaga ”
Muling tumunog yung doorbell kaya agad kong binuksan ang pinto si Kristof dumating na may dalang pagkain at dalawang paper bag.
” Hi Almira ”
” Kristof nice to see you ”
” Msy dala nga pala akong regalo for your daughter ”
” Naku nagabala ka pa kristof sa regalo ”
” It’s nothing Almira ”
” Nandito na nga pala si insan ko ”
” Saan? ”
” Sa kusina abala sa paghahanda ng pagkain ”
Agad na nagtungo si Kristof sa kusina at niyakap ng mahigpit yung pinsan ko nagulat naman si insan sa ginawa ni Kristof.
” Maris ”
” K-kristof? ”
” Yes ”
” Aba ang gwapo gwapo mo na ngayon ah ”
” Ikaw din gumanda ka ”
Bakas sa mukha nilang dalawa ang kasiyahan dahil after ilang years muli silang nagkita.
” Kamusta ka Maris? ”
” Okay naman going strong with jowa ”
” Nice to hear that! ”
” Ang torpe mo kasi Kristof kaya naunahan ka na ng iba diyan! ” Pabiro kong sabi.
Tinawanan lang ako ng malakas ni kristof pero ramdam ko deep inside masakit sa kanya na yung first love niya may iba ng mahal.
” Don’t be sad Kristof marami pa namang iba diyan ”
” Ikaw naman kasi Kristof ang torpe torpe mo ayan may nauna na sa’yo hayaan mo irerekomenda kita sa officemate ko maganda, single, mabait at sexy yun tiyak kong magugustuhan mo kapag nagkita sa’yo ”
” Yun naman pala eh may irereto sa’yo si insan kaya grab muna mahirap na ”
” Mie…. ”
” Siya na ba yung anak mo Almira? ”
” Yes Kristof ”
Agad na lumapit si Kristof kay Baby Chloe at nagpakilala.
” Hi baby I’m tito Kristof friend ng mommy mo tita ninang mo at daddy Tyron mo ”
” H-hello po tito Kristof ang gwapo gwapo ninyo po ”
” Thanks Baby Chloe by the way may gift ako...



Ibinigay ni kristof yung mga paper bag kay Baby Chloe tuwang-tuwa naman si Baby Chloe ng makuha ang regalo ng tito Kristof niya.
” Ano sasabihin mo baby Chloe kay tito Kristof mo? ”
” Thank you po tito Kristof ”
” You’re welcome baby Chloe ”
” Nagugutom ka na ba Kristof may nakahanda ng pagkain ”
” Tamang tama Almira nagdala din ako ng pagkain dalawang box ng pizza ”
” Nagabala ka pa talaga Kristof ”
” Nakakahiya naman Maris na pupunta ako sa unit ni Almira ng walang dalang pagkain ”
Inihain ko na sa mesa yung nilutong pasta kasama ang pizza na dala ni Kristof tapos nagtimpla din ako ng juice na maiinom namin.
” So kailan ka pa nakabalik ng pinas ”
” Last week lang Maris ”
” I heard kaibigan mo si Tyron paano nangyari yun? ”
” Nakilala ko si Tyron ng lumipat kami abroad naging classmate ko siya mula Third year until college super close kami until now laking gulat ko nga na ikakasal na siya at kay Almira pa na matalik kong kaibigan mula bata pa so Almira kailan ang kasal ninyo ni Tyron? ”
” Within months ikakasal na kami ni Tyron sa simbahan ”
” Basta Almira imbitado ako sa kasal mo ”
” Siyempre naman ”
” Hi po Tito Kristof ”
” Ang cute cute talaga ng anak mo Almira manang mana sa’yo sa kagandahan ”
” Ehem ehem FYI lang Kristof noong pinag bubuntis yan ni Almira ako ang pinaglilihian niya ”
” Naku po baka maging simang din yan kagaya mo ”
” Hoy Kristof hindi ako simang ah! ”
” Anong hindi eh araw araw nga mukhang Biyernes santo ang mykha mo noong bata pa tayo ”
” Stop it! Sa harapan talaga ng anak ko insan at kristof ”
” Sorry insan ”
” S-sorry Almira ”
Naging masaya ang bonding moments naming tatlo kasi ngayon lang ulit ito naulit ang dami naming napagkwentuhan tatlo lalo na si Kristof kinuwento niya ang naging buhay niya sa ibang bansa ayon pa ka Kristof sobra niyang na miss ang samahan naming tatlo.
” Ah insan mauuna na nga pala ako may lakad kami ng jowa ko ”
” Hatid na kita Maris ”
” No need na Kristof isa pa baka makita ka ng jowa ko eh mag-away pa kayo ”
” Okay ”
” Sige na insan ”
” Mauuna na rin ako Almira maaga pa kasi ang meeting ko bukas ”
” Sige Kristof ingat sa biyahe ikaw rin insan ”
” Bye Baby Chloe ”
” Bye po Tita ninang ”
” Magpapaka bait ka kay mommy mo ”
” Okay po tito Kristof ”
Sabay ng umalis sina insan at kristof sa condo unit namin ni Tyron.
Kirsten
Nasa coffee shop ako malapit sa unit ko para makipagkita sa kakilala kong private investigator may nalaman na kasi siya tungkol kay Almira.
” Madam eto na po yung mga gusto ninyong malaman tungkol kay Almira Sanchez ”
” Salamat ”
Kinuha ko yung brown envelope at binuksan ito laman nito mga files at pictures na may kinalaman kay Almira.
Napansin ko ang isang larawan ni Almira kasama ang isang lalaki.
” S-sino yung kasama ni Almira sa picture? ”
” Ayon po sa nalaman ko yan po yung ama ng anak niya si Vince Lorena ”
” Alamin mo ang lahat ng tungkol kay Vince Lorena na yan ”
” Nariyan na rin po yung tungkol kay Vince Lorena yung address niya contact number pati yung lugar na madalas niyang puntahan kasama na rin yung working place niya ”
” Good maasahan ka talaga ”
Ibinigay ko na sa kanya yung 100k na bayad.
” Salamat po ”
” You did a great job ”
Nauna ng umalis yung private investigator habang ako naiwan.
Alam ko na ang mga susunod kong plano against Almira at tiysk kong magagamit ko yung Vince Lorena na yun sa mga plano ko.
Kinuha ko yung phone ko at may tinawagan yung kakilala kong goons.
” Dalhin ninyo sa akin si Vince Lorena ibibigay ko ang details tungkol sa kanya ”
” Yes madam ”
” I want him alive ”
” Yes madam ”
Biglang dumating ang kapatid ni Tyron.
” I tried to call you but hindi ka sumasagot ”
” I’m sorry ate may kausap lang ako ”
” Who? ”
” Yung private investigator ”
” Anong balita? ”
” Hawak ko na ang mga files ar pictures tungkol kay Almira Sanchez at may bonus pa na information tungkol kay Vince Lorena ”
” Sino naman yung Vince Lorena kirsten? ”
” Ex ni Almira ang tunay na ama ng anak niya ”
” So ano naman kinalaman nung vince Lorena na yun sa mga plano mo ”
” Magagamit ko siya against Almira ”
” Paano? ”
” Trust me ate ”
” Okay kung ano man yang plano mo susuportahan kita ”
” Thanks Ate ”
” Basta team Kirsten ako no matter what ikaw lang ang nababagay kay Tyron hindi yung hitad na Almira ”
++++++++++
Pinarada na ni Vince yung sasakyan niya sa parking lot ng condo unit niya isasara na sana niya ang pinto ng sasakyan ng may dumating na dalawang lalaking naka suot ng maskara.
” You must be Vince Lorena ”
” S-sino kayo ”
Biglang hinampas ng baril si Vince sa ulo niya dahilan para mawalan ito ng malay.
Hinila siya ng dalawang lalaking naka suot ng maskara sinakay sa itim na sasakyan tapos binalutan ng itim na panyo ang buong mukha nito saka pinaandar ang sasakyan.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top