My love My hero Continuation of chapter 1


Mayaman ang angkan Nina Randolph. Kilala ang mga Romero sa buong tagaytay. Pag-aari ng mga ito ang eskwelahan kung saan siya nagtuturo. Alam niyang inaasahan ng pamilya nito na kauri din nito ang babaeng pipiliin nito.
Ngunit siya ang pinili nito. Isang babaeng maituturing na walang pamilya at hindi alam kung saan nagmula. Lumaki siya sa Bahay-ampunan, sa piling ng mga Madre.
Iniwan siya ng kanyang Ina sa labas ng ampunan. Doon siya natagpuan ni sister Adela. Mga dalawang buwan pa lamang daw siya noon, payat na payat at bahagyang nangingitim.
Ang mga Madre na rin ang namili ng birthday niya base na rin sa pagkakatatiya ng mga ito. Lumaki siyang katu-katulung ng mga Madre Lalo at walang gustong umampon sa kaniya. Ngunit minahal namn siya nang gusto ng mga Madre.
Nakapagtapos siya sa kolehiyo sa kursong education dahil sa isang scholarship. Nang makapagtrabaho siya ay saka pa lamang siya lumipat ng tirahan. Umupa siya ng maliit na apartment. Ngunit palagi rin siyang NASA ampunan upang tumulung kapag may libreng oras siya .
Sa klase ng nakaraan niya, Hindi niya masisi ang pamilya ni Randolph kung ayawan man siya ng mga ito . Umasa siya noon kapg nakilala na ng mga ito ang pagkatao niya ay until until rin siyang matatanggap ng mga ito.
She had so much faith in every person. Naniniwala siyang bawat tao ay may taglay na kabutihan. Ngunit nanatiling tutol ang mga ito sa relasyon nila. Gusto na niyang pakawalan si Randolph. Pero ayaw nito. He told her he loved her so much and she was his life. Humawak lamang siya sa kamay nito at hindi siya nito pababayaan, Hindi iiwan.
Akala niya ay totoo ang lahat ng iyon . Kaya nga ipinaglaban niya ang kanilang pag -ibig. Para lamang pala sa bandang huli ay Makita niya ang aariling nag iisa. Si Randolph ang bumitaw .
Napakasakit sa kanya ang Ginawa nito.
...


Sinundo siya nito noon sa eskwelahan. Nakita niyang parang pagod na pagod ang hitsura nito . Alam na agad niya noon na may problema. NASA tabi na sila ng kotse nito ay Hindi pa rin ito nagsasalita.
Nang akmang tatanungin na niya ito kung ano ang problema ay may humintong kotse sa tapat nila at bumukas ang bintana ng backseat. Tumambad sa kanila ang Mukha ng Mommy nito katabi ang direktor ng eskwelahan na siya namang ama ng binata.
“Randolph, did you tell her?” Agad na tanong ng Mommy nito.” Did you tell her you’re—-”
” Mommy please, “mabilis na sabi ni Randolph. Kita niya ang paghihirap sa Mukha nito.
” But you must tell her now, “ang ng Mommy nito.” Kung ayaw mong ako pa miso ang magsabi sa babaeng ‘yan. ”
Nang gabing yon ay sinabi sa kanya ni Randolph na nagdesisyon na itong sundin ang nails nga mga magulang na ipakasal ito sa babaeng napili ng mga itopara Dito. Noong una ay Hindi siya makapaniwala. Paano nito magagwa iyon gayong ito Mismo ang humimok sa kanyang huwag sumuko?.
Kilala niya si Alexa, ang babaeng pinili ng mga magulang ni Randolph. Dalawang beses nang pinuntahan siya nito at pinagsabihang layuan niya si Randolph. Tiniis niya iyon dahil nanatiling NASA tabi niya ang nobyo. Ngunit iiwan din pala siya nito sa huli.
“Randolph, anong nangyari?” Lumuluhang tanong niya noon Dito. “Hindi mo na ba ako mahal”?
Mahal kita Greena, mahal na mahal,? “Wika nito.”Pero pagod na rin ako. Nakakapagod maging kalaban ang lahat dahil sa relasyon natin. Gusto ko nang….. Gusto ko ng matahimik…..?
.
Ang mga salitang yan ang lumikha ng napakalalimna sugat sa kanyang pagkatao.
“Why only now? Xmay bahid na galit ang tono na tanong niya rito.” My God, Randolph, malayo na Ang narating natin. Ngayon ka pa ba bibitaw.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top