THE REVENGEANCE Chapter 7


Hindi makapaniwala si Armina sa pamamaalam ng kanyang pinagkakatiwalaang Secretary.Sa mahabang taon nang kanilang pagsasama sa Company para na niya itong kapatid.
“Basta kung may kailangan ka,bumalik ka lang..” sabay yakap sa secretary at inabot ang sobre na may laman na malaking halaga bilang parangal nito sa kabutihan at pagtitiyaga sa kompanya.
*****
Makalipas ang tatlong buwan na panliligaw ni Daniel kay Armina,sinagot na siya nito.Balak na niyang ipakilala sa Mommy niya ang binata.
Araw ng Sabado,naisipan ni Daniel na doon magdinner sa mansion ng dalaga at para makilala rin niya ang Mommy ng kanyang girlfriend.Napakasaya niya ng mga sandaling iyon at tila nakalimutan niya ang paghihiganti sa dalaga.
Masaya ang dinner nila kasama si Daniel,marami silang napag-usapan.
****
“Anak,isa pa lang De Dios si Daniel.” paglilinaw ng Mommy niya ng makaalis na si Daniel
“Yes,mom at CEO siya ng DD Group of Company..” sagot ng dalaga
“Anak,gusto kong sabihin ‘to sayo na dating...


may alitan ang Textile Company natin laban sa mga De Dios..ayokong dumating sa punto na bumalik ang mapait na nakaraan lalo pa’t mainit pa rin ang dugo ng mga De Dios laban sa atin..” mahabang paliwanag ng Ginang
“Bakit po mom?may hindi pa ba ako nalalaman laban sa nakaraan ng Textile company natin?” nagtakang tanong ni Armina
Mahabang isinalaysay ng Mommy niya ang lahat,si Don Ignacio De Dios ang dating ka-partner ng Lolo ni Armina na si Victor Alcantara sa mga negosyo.Matalik din silang magkaibigan.Nang di kalaunan,nalubog sa utang ang Textile Company na pagmamay-ari ng De Dios at tuluyan ng nalugi.Isinangla ito kay Victor Alcantara at siya ang nagpatuloy sa pagpapatakbo.Sa hindi inaasahang pagkakataon,nagkaalitan si Don Ignacio at Victor dahil gusto nitong bawiin ang Textile Company gayunman ito’y lumago na sa kamay ni Victor Alcantara.
Kumalat ang balitang nambabae si Don Ignacio at asawa pa ito ng dating kaibigan na si Victor Alcantara.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top