My father’s Lovely Kisses


My father’s Lovely Kisses
Genre: BL Story, Rated SPG
Written by: Sunny Blanc
๐’๐ˆ๐Œ๐”๐‹๐€
Limang taon na rin simula ng mamatay si mama… Limang taon na ring ganito si papa.
Laging lasing pag-umuuwi, tila ba hindi kompleto ang araw niya kapag walang alak.
Pero pinapabayaan ko lang siya sa kung anong gusto niyang gawin, maglasing man siya araw araw, nag-bago man siya simula ng mamatay si mama, mahal ko pa rin ang tatay ko. Kaya kahit ganyan sya hinding hindi ko siya iiwan.
Nandito lang ako sa aming salas nanonood ng palabas sa telebisyon, actually nasa tukaan part na ako ngayon (hehe).
Habang nasa labas naman si papa kasama ang mga kaibigan niya, as usual, umiinom.
Rinig na rinig ko pa rin ang usapan nila kahit nasa labas sila ng bahay.
“Alam mo pare, kung ako sayo, maghahanap na talaga ako ng bago, ayy hindi pala maghahanap, kasi nandyan na eh, kusa ng lumalapit sayo, ikaw lang tong may ayaw!”
Halos pasigaw ng sabi ng isa sa mga barkada ni papa, lasing na kaya ganyan.
Na-curious naman ako sa pinag uusapan nila kaya lumapit ako sa may pintuan at doon nagtago upang hindi nila ako mapansin.
“Eh pano yan...


pareng Mark? hindi naman ikaw si pareng Vincent eh, loyal daw siya sa asawa niya kahit matagal ng patay!” Dagdag naman ng isa sa kanila at nagtawanan silang lahat.
At si papa… Muli, nakita ko siyang nakangiti, tumatawa kasama ang mga kaibigan niya. Ngunit hindi pa rin talaga ma-aalis ang sakit at pait sa mga mata niya. Pero mas okay na rin ito kesa naman sa Vincent na kasama ko noon. Walang buhay, laging umiiyak, laging nakamukmok, klarong klaro kung gaano siya nasaktan ng mamatay si mama.
“Alam mo kasi pare, wala na sa isip ko yang paggi-girlfriend na yan. Si James, ang anak ko ang pocus ko ngayon. Gusto kong bumawi sa anak ko!”
Napatingin naman ulit ako sakanila ng marinig ko ang sinabi ni papa. Gusto niyang bumawi sa akin? Tama ba ang pagkakarinig ko? Sana nga, gusto ko na ulit makita ang tatay ko noon… Yung Vincent na masiyahin at laging nakangiti.
Hindi ko alam ngunit bigla nalang akong napangiti ng maalala kung gaano kami kasaya noon ng kapiling pa namin si mama…
—End of Simula—






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top