PANGARAP


Ako si Lez 18 years old. Gusto ng mama ko na magkaroon ng sarili bahay para samin mag kakapatid. Sa subrang hirap ng buhay namin minsan naiisipan ko na gumawa ng hindi dapat pero dahil sa ina kong may mabuting puso hindi ko ginagawa. “Lez magligpit na tayo baka mamaya abotan pa tayo ng RTA” sabi sakin ni mama habang nag liligpit ng mga paninda namin nasa side walk lang kasi kami nag bebenta ng mga tsenilas at face mask.
.
Umaga na at naghahanda na ako ng pagkain para pumasok sa eskwela. “anak ito baon mo”binigyan ako ni mama ng 50 pesos baon ko. Ang hindi alam ni mama iniipon ko yung araw araw na baon ko para pag walang-wala talaga may pagkukuhaan ako. Exam namin ngayong araw kinakabahan ako kailangan ko pumasa para makakuha ng scholarship at makapasok sa magandang paaralan.
.
Pagkatapos ng klase diritso akong umuwi at may dalang balita “sana mama hindi ka mabigla sa sasabihin ko” sabi ko sa sarili ko. Malapit na ako sa bahay may kunting kaba at alam kong maiintindihan ako ni mama.
.
“oh Lezia andyan kana pala mag meryenda ka muna”Tinignan ko si mama sa mata at hindi ako makapag salita. “Anak yung titig mo sakin alam ko yan bawi ka nalang sa susunod na exam mo” bumuhos ang luha ko at niyakap si mama. “Mama nakapasa ako. Nakakuha ako ng scholarship” dagdag ako at subrang saya ng puso ko “Totoo bayan anak! Jusko salamat sa panginoon! “.
.
“Mama pagbubutihin kopa ang pag-aaral hindi ko sasayangin ang pag kakataon na ito” niyakap ko ng mahigpit si mama. Natupad ko ang una kong pangarap na makapasok sa magandang paaralan “Masaya ako para sayo anak at may tiwala ako sayo” Iba talaga pag kasama mo ang dyos sa mga laban mo sa buhay.
.
Tinawagan ako ng nag sponsor sakin ng scholarship. Sa susunod na araw lilipat na ako ng paaralan mawawalay muna ako sa pamilya ko dahil nasa manila ang nag sponsor ng scholarship ko. “Anak mag iingat ka doon ah tapos tatawag ka palagi samin. Mamimiss ka namin” naiiyak si mama sabay yakap sakin pati narin mga kapatid ko. “Jara alagaan mo si mama ha ikaw ang pangalawang anak kaya ikaw muna papalit sakin” bilin ko sa kapatid ko “Oo aalagaan ko siya madam” natawa nalang ako sa sagot niya.
.
Andito na ako sa manila first time ko makapunta dito. Ang ganda pala dito. Sayang saya ako sa mga nakikita ko sa daan habang nasa byahe pa ako. Hanggang sa makarating na kami sa dorm na titirahan ko. Bukas na ang pasok ko sa university na papasokan ko. “Kaya mo ito Lezia Viernes” pag checheer up ko sa sarili.
.
Nasa skewlahan nako at mag ti-take ako ng course na kukunin ko at sana matagumpayan ko. Hindi rin naman ako nahirapan sa mga kaklase ko dahil friendly din naman ako. Ang importante komportable na ako sakanila.
.
Month and years akong nandito sa manila. Lahat ng down and up ko dito hindi ko sinasabi sa mama ko ayuko siyang mag-alala lalo na at nasa malayo ako. Napag pasyahan kong tumawag sakanila para ipaalam na uuwi ako. “Jara bakit ikaw sumagot sa tawag ko nasan si mama? ” ilang segundo din hindi sumagot si Jara sa tanong ko ” Busy lang....


Ate uuwi kana ba? ” pagbaliktad niyang tanong sakin. “Oo uuwi na ako bukas nakabili na ako ng ticket ko pauwi jan” sabi ko sa kabilang linya. ” kami na susundo sayo bukas” pagkatapos ng tawagan namin nag impake nako at pagkatapos matutulog na dahil sa maaga pa ang alis ko papunta airport.
.
Pababa ang eroplano pero hindi ako nakaramdam ng subrang saya subalit may iba akong nararamdaman hindi saya kundi kaba at lungkot. “Jara!” tawag ko sa kapatid kong nasa loob ng airport. Nilapitan kona sila . Niyakap ko sila at hinalikan sa noo. “Bakit hindi niyo kasama si mama?” tanong ko sakanila umiwas naman sila ng tingin sakin. “Hays ano ba wag niyo sabihin nagtatampo parin sakin si mama dahil hindi ko nabili yung gusto niyang pasalubong” natatawa ko pang sabi. “May malaki akong suprisa sainyo mga mahal kong kapatid” excited akong umuwi para makita si mama.
.
Habang nasa taxi kami tahimik lang talaga silang dalawa ng kapatid ko. Si Edison nasa front seat ng taxi habang kami naman ni Jara mag katabi sa back seat ng taxi. “Jara kanina pa kayo tahimik parang hindi naman kayo masaya na umuwi na ako”
“Hindi naman sa ganun ate masaya nga kami kasi umuwi kana.” tumango nalang ako.
.
Nasa bahay na kami pero walang mama ang nakita ko subrang tahimik ng bahay. “Jara, Edison ano ba kanina pa kayo tahimik tinatanong ko kayo kong asan si mama” medyo naiinis na ako dahil ayaw nila magsalita. ” Ate ito may binilin si mama” kinuha ko ang puting papel na binilin daw ni mama. “basahin mo” sabi ni edison. Binuklat ko ang papel at binasa.
.
“Anak lezia pag nabasa moto ibig sabihin nakauwi kana pasensya kana ha wala ako jan sa bahay. Sumama na kasi ako sa tatay mo hindi na kinayanan ng katawan ko yung sakit na nararamdaman ko sinubukan naman ng mga doctor na pagalingin ako pero hindi na daw talaga kaya ng katawan ko anak. Sinubukan kong lumaban sa sakit ko anak stage 4 brain cancer ang sakit ko lezia hindi ko pinaalam sayo dahil ayuko masaktan ka habang malayo ka samin ayuko rin na ihinto mo ang pangarap mo dahil sakin anak lagi mong tandaan mahal na mahal kita at ang mga kapatid mo. Ikaw na ang magiging magulang ng mga kapatid mo. Lezia anak ko babantayan ko kayo kahit hindi niyo na ako kasama pero yung pagmamahal ko sainyo ay mararamdaman niyo kahit wala na ako. ” Umiiyak ako ngayon dahil sa sulat ni mama. “Gusto ko makita ang puntod ni mama” pinunasan ko ang luhang lumalabas sa mata ko niyakap ko ang mga kapatid ko.
.
Nasa sementeryo kami ngayon binilhan ko ng bulaklak si mama at si papa. “Mama at papa sana nandito kayo ngayon.”huminga ako ng malalim at binuga ito sa hangin. “Ma,Pa natupad ko ang mga pangarap ko isa na ako ngayong B-business Woman, nakabili rin ako ng bahay na gustong gusto mo ma tsaka pa yung pa-pangarap mo na m-motor nabili ko rin” umiiyak parin ako kasi natupad man ang pangarap ko nawala namin sakin ang magulang ko. “Aalagaan ko ng maayos sila Edison at Jara. Mama at Papa mahal na mahal ko po kayo at salamat po sa lahat”
.
.
End.
Written by: desiree ♥
Yes to copy by my name






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top