A Desire to Win


+++

Samantala…

Nakarating na sa ikalawang palapag ng college building sina Ken at Sharlene.
Tutungo ang mga ito sa classroom ng binata na gustong puntahan ng dalaga.

Paghakbang pa lamang ng dalawa patungo sa may hallway nito. Napansin  agad ng dalaga ang mga nakatambay na mga studyante dito. Dahil sa dulo nito matatagpuan ang classroom ng binata.

Agad naman syang huminto sa paglalakad at pinigilan ang binata.

“Ken! Pwede bang ikaw na lang tumawag sa kanya? Dito na lang ako sa may hagdan mag-aantay. Nakakahiya din naman kasing dumaan dyan, andami ding mga lalaki.” turo nito sa mga studyante na ang iba dito ay bumati naman sa kanya.

***

“Hi! Sharlene.” -student 1

“Hi! Sharlene.” -student 2

“Hi! Shar pwede papicture naman?..hehheh” bati sa kanya ng mga studyanteng babae.

***

“Huh?! Ahm, o-o sige..hehe.” tugon nito sa kanila habang pinapaalis na ang binata sa tabi nito.
“Sige na Ken. Sumenyas ka lang pagwala talaga sya duon.”

Tahimik lang ang binata na sumunod dito at umalis.

****

Katatapos lang sa pag-entertain ni Sharlene sa mga ibang studyanteng nakakakilala at gustong makipagpicture sa  kanya.
Nakatayo na’to at nag-aantay sa unang baitang ng hagdanan.

Pero….

Nagulat na lamang ito at napalingon sa likuran ng biglang may tumawag sa kanyang pangalan……

*****

Pagkapasok palang ni Ken sa silid ay dinig na dinig nya na agad ang boses ng kakilala nito.

“MILES?!”

Pasigaw na tawag nito sa dalagang nakipagchikahan sa ilang studyanteng nanduon. Na agad naman itong napalingon sa kanya.

“Tama nga si Sharlene. Anong ginagawa mo dito?!”

Lumingon ng saglit si Miles sa kausap at binaling ulit kay Ken ang tingin na nakangiti.

“Hi! KEN~ You know naman bakit ako nandito~ ” sabay tayo nito sa kinauupuan at lumingon ulit sa katabi.
“Right ate Donch~”

“Ewan ko sa’yo Miles!” irap na lang ng kausap sa kanya.

“Si Sharlene. Nag-aantay na sa’yo sa -”

“Uy!KEN!” putol ng tumawag sa binata, at agad naman nya itong pinansin.

“Uy!KEITH,Tol! Klasmeyt pala tayo sa unang subject?” nakipagkamayan sya sa kakilala at sa kabilang banda bumalik naman sa pakikipagchikahan si Miles.

“Haha,hindi noh! Pumunta lang ako dito para sabihin sa’yo na tawagan mo daw si Joe. Eh,panay message sakin’yun kala mo naman close kami, tsk.” kunot-noo namang pinabasa ni Keith ang messages sa binata.

“Huh! Dibah! Nag-usap na kami nyan kahapon?” pagtataka ni Ken.

“Eh, abah! Malay ko. Ako nga dapat magtaka panu nya nakuha no.ko? Hmmm?”

“Hhaha, sorry Keith. Ang sabi ko kasi sa kanya sa iyo lang muna sila tatawag o magmessage pagdi nila ako makontak, hehe…”

“So.. kaya mo binigay no.ko sa kanila? Ganun? Eh, papanu kung magpang-abot nanaman kami ng katropa nun?”

“OO naa, sorry na nga!”

Sa pag-uusap nila napansin nanaman ng binata si Miles at tinawag nya muli ito.

“Hoy, Miles. Kanina pa sya nag-aantay dun sayo nakikipagchikahan ka nanaman dyan!”

“Sino bah?” tugon nito na parang naiirita na sa kakulitan ng binata.

“Si Sharlene nga!”

“Eh, hindi mo naman sinabi agad! Asan ba sya?”

“Sa may hagdan nga!”

“Ewan ko sa’yo,!” sabay irap naman ito sa binata.

“Oi, Hi! Miles!” singit at pagbati naman  ni Keith sa kanya.

“Hello!” tugon nito sabay lingon sa kausap.
“Ate Don. Alis na po ako baka mapapagalitan na ako ng beshy ko,bye~seeyah~”
Pagmamadali nito nang patungo naman sa may pinto agad naman syang inasar ni Keith.

“Hoy, Miles! ‘Wag ka ngang laging HB kay Ken. Sige ka ‘da mor u h8 da mor u lab.”

….. hahaha…. uuuuyyyyyyy…..

– Pang-aasar ng ibang studyante sa kanila.

***
“Miles, kaya ka pala laging nandito,ah..haha” -student 1

“Miles, don’t worry. Wala pa yang gf si Ken..hehhehehh..” -student 2

***
Umirap nalang ang dalaga sa pang-aasar sa kanya at tumugon ito.

“Ewww, As if naman papatulan ko yan!”

Napakunot ng kilay si Ken sa sinabi ng dalaga kaya naman…

“As if din naman kung jojowain ko yan. Ayoko nga sa maarte!”
Di nakapagpigil magbitiw ng salita ang binata na naaasar din sa pangungutya sa kanila.

Papatulan na sana...


ng dalaga…..
“Sinong maarte? Like duhh!”

Ngunit pinigilan na agad ito ng nakakatandang pinsan ni Miles na si Donnalyn, na nakachika nya kanina lamang.

“MILES! Go to Sharlene now and Ken stop teasing her para kayong mga bata!”

Tinitigan na lang ng dalaga si Ken at padabog na umalis. “Hymp!”

Samantalang pabulong namang nagkatuwaan ang dalawang binata dahil sa pang-aasar sa dalaga. Napansin naman ito ni Donnalyn at sinaway si Keith na syang nagpasimuno sa asaran.

“Keith I think you can go back to your room na.”

“Ow, yes po maam!” nagsign ng hand-sallute ang binata at nagpaalam na rin ito kay Ken…

****

Samantala, nagulat naman si Sharlene at napalingon sa kanyang likuran ng may tumawag sa kanyang pangalan.

“Sharlene?”

Paglingon nito nakilala agad ang tumawag.
“Nakakagulat naman ito!”

May isa itong kasama na animoy tagahanga ng dalaga kaya una na itong nagsalita.

“Ahm, miss Sharlene right? ‘Yung varsity player ng women’s basketball dito sa HSdepartment? Galing ng pagkapanalo mo nung last year ah!”

“Ah, thank you poh,hehe..”

“Teka, ba’t ka nandito Shar?” pagsingit ng kanyang kakilala.

“Ahhm. Sinusundo ko lang yun beshy ko,oo..hehe”

“Si Ken?”

“Ah, hindi. Hindi. Si Miles.”

“Jaypee, Close kayo?” pansin ng kasama ng binata ang pag-uusap ng dalawa.

“Sa tingin mo? Ano ka ba? Kaklase ko ang kuya nya sa limang subject at lagi kaming magkakagrupo nun pagdating sa mga activities.”
Tugon ni Jaypee at nagpatuloy…
“Ah oo nga pala, Shar. Si Rome.”

“Ay, hello Rome.”
“Hello din po!”

Nakipagkamayan ang dalawa habang nagpatuloy naman sa pangungusap si Jaypee.
“Matagal na yang humahanga sa’yo since first yr.namin. Oh,ano papa-autograph ka ba sa kanya Rome?”

“Huh? Ah, ‘wag muna ngayon, Jay..” putol ng dalaga.
“Hindi naman ako ganun kasikat noh!”

“Ano ka ba sign lang naman.”

“Hindi kasi, tumanggi rin ako sa ibang studyante. Ayoko naman maging unfair sa iba.”

“Ou, tama naman din sya, Jaypee.” pagsang-ayon ng binata sa dalaga.

“O sige, nasa sa inyo naman yan–”

“UY! BESH!”

Naputol ang kanilang pag-uusap nang tinawag ni Miles si Sharlene.
Ngunit napansin ng dalaga kung sino ang mga kausap nito.
Agad naman itong bumati sa kanila pagdating duon.

“Ahm, Hi! Jaypee!” ngunit sabay kurot sa likod ng tagiliran ni Sharlene ang dalaga na animoy palihim na kinikilig.

Napansin ito ni Sharlene na may kunting gulat sa ginawa ng kaibigan.

“Hello, Miles! Ahm, alis na kami. Baka malelate pa kami sa unang subject namin.”

“Sige,bye!” tugon ni Sharlene.

Ngunit pinigilan naman sila ni Miles at para bang gusto pa itong kakausapin.

“Sus, Kayo naman. Eh, dun ako galing sa room nyo diba? Hindi pa naman kayo nagsstart ng klase.”

“Ano ka ba, besh!” pigil ni Sharlene sa kaibigan.
“Ito! Sige na Jaypee, Rome nextime na akong magsasign sayo,huh! Sige na,bye!”

“Sige miss Shar.Thanks”
“Sige ingat kayo Sharlene at Miles..hehe..”
Nakangiting paalam ng dalawang binata sa mga dalaga.

Papababa na sa hagdan ang magbeshy ng sinuway naman ni Sharlene ang kaibigan dahil sa mga inasal nito.

“Hoy, alam mo? Ang landi mo,gurl? Unang araw ng school, eto talaga ang first destination mo?”

“Huh! Eh, gusto ko lang naman syang makita at maka-usap ng saglit. Ano ka ba?” sabay kilig ni Miles sa kaibigan habang nandidiri naman ito sa kanya.
“Hoy, ang Oa mo Sharlene,huh!”

“Eh, papanu ba naman! Halatang naghahabol ka dun!”

“Papanung hindi sya habulin? Eh ang gwapo kaya… (ng jaypee ko) yyiieehh” bulong nito sa kaibigan para kiligin.

“Nagwagwapohan ka duon?”

“Hoy, beshy ah..”

“Eh para ngang lalaki din habol nun,haha..”

“Atleast gwapo, ano ka ba?”

***

( Bell ringggg!!! )

***

“Halah! Besh!” anya ni Sharlene.
“Dali na. Malelate na talaga tayo nito sa orientation…”

“Uy, teka besh!” pigil ni Miles at may itinurong daan.
“Duon tayo dadaan sa may waiting area. I’m sure makakarating agad tayo sa department natin. Dali na..”

“Alam na alam mo besh,ah”

“Syempre ako pa!”

Patakbong tumungo na ang dalawa sa may waiting area hanggang sa makalabas ito sa college building.

Diretso sa kanilang departamento.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top