Walang mali sa pagmamahal. Hindi rin ito ipinagbabawal. Kaso, may mga pagmamahal na hindi p’wede. Mga tao na hindi para sa iyo. Pag-ibig na hinding-hindi para sa inyo.
Pagdating sa damdaming bumubugso ang pagmamahal. Tao na naisin sanang makapiling kailan man. Sinasabi ko sa’yo… ito ang payo ko. Hindi para sa inyo nakalaan ang pagkakataon. Masakit, ‘yun ang totoo.
“Akala ko gusto mo ako. Akala ko. Akala ko lang pala. ‘Yung akala ko na ako ang nililigawan mo. Hindi pala. Ang sakit. Rex.” Aniya kong pinunasan ng marahas ang luha ko sa pisngi. Masakit. Asang-asa ako. Sobra akong nag-a-assume.
“I’m sorry. Hindi ‘yun gan’on. Hindi dahil mabait ako sa ‘yo. At lagi akong nandito para sa ‘yo. Gusto na kita at mas lalong magugustuhan na kita. Gusto kita, kaso hanggang kaibigan lang.” Ang sakit marinig ng mga salitang iyon mula sa taong gusto mo. ‘Yung kaibigan lang ang tingin niya sa ‘yo.
“Hindi ako naniniwala sa ‘yo. Kita ko at ramdam na ramdam ko. Kung paano ka tumitig sa mga mata ko. Kung paano mo ako alagaan at protektahan.” Bakit gan’on? Bigla na lang s’yang nagbago. At nasasaktan ako do’n ng sobra.
Walang masama magkagusto sa kaibigan mo. Pero, alam mo kung saan ka p’wedeng masaktan at kung kailan hindi mo s’ya p’wedeng angkinin. Mahalin oo, p’wede.
“Tama na. Hindi ‘yan totoo. Wala akong gusto sa ‘yo. Wala akong gusto sa ‘yo, Alexa. Nararamdaman ko ng sasagutin na ako nililigawan ko. Malapit na maging kami. Kaya, p’wede ba? Tumigil ka na.” Napailing ako’t napaiyak sa narinig. Parang may punyal na agad tinarak sa dibdib ko at tagos’yun sa likod ko.
“Sabihin mong gusto mo rin ako. H’wag mo namang itanggi o. At alam kong nagsisinungaling ka lang. Please, naman o. Gustong-gusto kita. At ayoko na magkagusto ka sa iba. Sa akin lang dapat.” Possive na kung possive. Desperada na kung desperada. Wala akong pakialam.
“Naka-shabu ka ba? Alexa? Karapatan kong magkagusto sa iba. At wala akong paki sa nararamdaman mo o kung ano man ang mararamdaman mo. Kaibigan lang kita. ‘Di nga kita gusto...
Next part 2