The Broken Wife Chapter 29


Serenity
Kinabukasan ay nagising ako dahil nakaramdam ako ng pangangasim ng aking sikmura kaya mabilis akong tumakbo sa may banyo at saka nagsusu-suka roon sa may lababo. Hindi ko na alam kung ano’ng oras na pero alam ko na maaga pa lang. Pagkatapos kong magsuka ay lumabas ako ng banyo at napansin ko na bukas ang bintana namin dahil humahangin ang kurtina namin kaya naman mabilis ko itong isinara. Napatingin ako kay Ryker na mahimbing na natutulog kaya naman umupo ako sa kanyang tabi at saka binigyan siya ng halik sa kanyang mga labi.
Nakaramdam ako ng uhaw kaya naman pumanhik na muna ako sa baba para kumuha ng tubig. Abala akong kumukuha ng tubig nang mapatalon ako sa gulat dahil nakarinig ako ng tunog ng telepono. Hinanap ko ito dahil hindi ko alam kung saan nanggagaling iyong nagr-ring na telepono. Patuloy itong tumutunog hanggang sa bigla na lang itong tumigil at iyon naman iyong nahanap ko ito sa isang kwarto sa may library room.
Nang paalis na ako sa kwartong iyon ay bigla ulit itong tumunog at hindi ko alam kung bakit hindi muna ako nagsalita at pinakinggan kung sino ang magsasalita sa kabilang linya. Napalunok ako nang hininga lamang ng isang tao ang narinig ko at bigla na lang niya binaba ang telepono. Napatingin ako sa hawak kong telepono at nagtatakang ibinalik ito. Hindi ko na lang ito binigyan ng pansin nang pagharap ko ay halos mapatalon ako nang makita ko si Maria na nakatayo sa bukana ng pinto at kinukusot ang kanyang mga mata.
“Maria ginulat mo naman ako,” turan ko at humingin siya ng paumanhin.
“Ma’am pasensya ka na po. Hinahanap ko rin ho kasi kung nasaan iyong tumutunog na telepono dahil hindi na rin ho naman ako makatulog.” Tumango naman ako at sabay na kaming lumabas ng silid na iyon.
Sabay na kaming pumanhik sa aming mga kwarto at saka tumabi kay Ryker. Paghiga ko ay agad na pumulupot ang kanyang braso sa akin na nagpangiti sa aking mga labi. Muli kong ipinikit ang aking mga mata hanggang sa hilain akong muli ng antok.
Pag-angat ni haring araw ay nagising ako ng mga alas-otso na ng umaga. Hindi ko alam pero gusto ko pang matulog at tinatamad akong bumangon. Ang kaso nga lang ay kumakalam na ang aking sikmura kaya naman napilitan akong bumangon. Pagtingin ko sa aking tabi ay wala na si Ryker at mukhang mas nauna pa siyang nagising sa akin.
Pumanhik ako sa baba at nakita ko na naroon na silang lahat at masayang nag-aalmusal. Nang makita ako ni Ryker ay agad siyang tumayo at saka inalalayan akong bumaba ng hagdan papunta sa hapag kainan. Pinagsilbihan niya ako at nakita kong kinikilig na nagtinginan sila Linda sa aming dalawa ni Ryker.
“Thank you,” sabi ko kay Ryker at nagsimula nang kumain.
Habang kumakain ay napansin ko na hindi namin kasama si Mark sa hapag kainan kaya naman hinanap ko siya kay Ryker.
“I don’t know. Hindi ko nga siya nakita kaninang umaga paggising ko rito e. Maybe he’s outside watering the plants or he went to the market,” paliwanag ni Ryker sa akin. “Malayo rin kasi ang town dito dahil nga nasa tuktok tayo ng bundok.”
Napatango naman ako nang makita ko na kabababa lamang ng kambal at parang handa na silang mag-swimming dahil nakasuot na sila ng swimsuit na dalawa. Agad namang lumapit sa akin si Ryder at saka hinalikan ako sa aking pisngi.
“Mommy, I want to go swimming.” Turo niya sa swimming pool na nasa likuran ng aming bahay. “Please?”
“Kaso baby malalim iyong tubig e at saka wala ka namang kasamang magswi-swimming sa pool.” Napalabi siya at naiiyak na napatingin kay Ryker.
Natawa naman ako nang kunyaring hindi siya pinansin ni Ryker nang bigla na lang itong pumalahaw ng iyak at agad naman siyang dinaluhan ng kanyang kambal na si Ryleigh. Imbes na patahanin ko siya ay natawa kaming lahat sa inasta ng aking anak. Paano ba naman kasi nang sinabi ni Maria na siya ang sasama sa kanila ay bigla ba namang tumigil siya sa pag-iyak. Napailing na lang ako at kita ko naman kay Ryker na proud siya sa kanyang anak. Nauna na sila Maria sa may...


swimming pool habang sila Linda naman ay tumayo na ng hapag kainan.
“That’s my boy.” Napatingin naman ako kay Ryker at napailing. “What?”
“You’re spoiling your son too much.” Tumayo naman ako saka ibinigay kay Linda ang aking pinggan habang nakasunod naman sa akin si Ryker.
“My love, hindi ko naman ini-spoil si Ryder. It’s just that I’m just a proud father because he already knows how to manipulate people by crying.” Natawa naman sina Linda at Kuya Robert sa sinabi ni Ryker.
“Hmmm, kanino kaya siya nagmana noh?” Napasimangot naman bigla si Ryker at saka mabilis akong binuhat na aking ikinatili.
“Ahhhh! Ryker ano ba? Ibaba mo nga ako,” sita ko sa aking asawa pero tumawa lamang siya ng mahina at saka binuhat ako papunta sa aming kwarto.
Pagdating namin sa aming kwarto ay agad na isinara ni Ryker ang pinto at binigyan ako ng halik sa aking mga labi. Nagtatawanan pa kami habang naglalakad kami papunta sa kama hanggang sa maramdaman ko ang dulo ng kama dahilan para mapaupo ako at hilain ko si Ryker. Sabay naman kaming napahiga at saka natatawa akong nakatingin sa kanya habang nakapatong siya sa akin.
“I love you, Serenity.” Kiniskis niya ang kanyang ilong sa akin at hinalikan ko siya sa kanyang labi sabay ipinulupot ang aking braso sa kanya. “Sa tingin mo magiging kambal ulit ang baby natin oras na gumawa tayo kababalaghan?” Nagtaas baba ang kanyang kilay at natawa naman ako sa kanya.
“Baliw.” Pinisil ko ang kanyang ilong at saka hinalikan ako sa aking labi.
He was about to kiss me again on my lips when his phone rang. He continued kissing me, but at the same time his phone rings as well continuously. Huhubaran na sana niya ako kaso nga lang ay bigla siyang napatigil at naiinis na inabot ang kanyang cellphone. Napaupo naman ako at saka napatitig sa aking asawa na dismayadong natigil ang aming lovemaking.
“What?” sigaw ni Ryker na aking ipinagtaka. “Wait Mom slow down hindi kita maintindihan.” Unti-unting nagbago ang kanyang ekspresyon at gulat siyang napatingin sa akin. Doon na ako kinabahan dahil kita ko ang gulat at pag-aalala ni Ryker sa kanyang mukha. “Thank you Mama,” sabi ni Ryker bago niya pinatay ang kanyang cellphone.
“W-What happened? Si Mama iyong tumawag ‘di ba?” Tumango siya at saka napahilot sa kanyang noo. “Ryker ano’ng sabi ni Mama? May nangyari ba sa kanila?” kinakabahan kong tanong sa kanya pero umiling siya. “Kung gano’n ano’ng problema? Bakit parang may nangyaring masama?”
“Nothing happened to my parens or to your parents, but something happened at our house.” Napalunok ako at para akong makatatanggap ng sakit sa ibabalita ni Ryker.
“Sabi ni Mama bumisita sila sa bahay para sana yayain ang mga batang mamasyal kaso pagdating nila sa bahay ay kalat-kalat ang loob ng bahay at lahat ng mga nandoon ay basag.” Napatakip ako sa aking bibig at napatungo naman si Ryker sabay napatayo ako at sapo ko ang aking ulo habang palakad-lakad ng pabalik-balik.
“Ryker, we need to go back. Paano kung may gawin siya sa kanila Mama at Papa?” histerikal kong sabi. “Paano kung masundan niya tayo dito? Sigurado ako na si Laila lahat ang may kagagawan nito Ryker. Sigurado ako na may kakampi siyang naiwan dito sa Pilipinas at iyon ang inuutusan niya para pahirapan tao. Sigurado ako—”
“My love, calm down.” Tumayo si Ryker at pinigilan ako sa aking dalawang braso at saka yinakap. “Don’t stress yourself. Makasasama sa bata ang ginagawa mong pag-aalala.” Naiyak na lang ako at pinatahan ako ni Ryker sabay hinahaplos ang aking buhok.
“Ryker ayoko ng ganitong buhay na palagi na lang tayong nanganganib. This is not healthy for us and for the kids. Please Ryker gumawa ka ng paraan ayokong may mapahamak na isa sa atin dahil hindi ko iyon kakayanin.” Umiyak ako sa dibdib ni Ryker at nanahimik lang siya habang hinahaplos ang aking buhok.
“I will, my love. Don’t worry, okay?”
– Ayan updated n ulit. Hehehe… Ang dami nang spekulasyon kung sino ba iyong kasabwat dw ni Laila. May ngsabi si Aaron daw. Iyong iba sabi si Darwin daw 😂😂😂 ito mapapaisip nanaman kayo. Hahah… Gusto ko iyan iyong hindi niyo alam kung sino. 😂😁 –






Share On Whatsapp

"3" Comments
  1. baka so Aaron yon ?

  2. di kaya ang ex ni serenity?

  3. Maryann Barrera

    nakakaiyak

Leave a Reply


top