Pinagtagpo pero hindi Itinadhana


Author: Miss J
~ Jay&Jane ~
Jay…
Pagkasara ng aking pintuan marahan akong naglakad sa may bintana, hindi maalis sa aking pananaw ang malungkot na mga mata ng aking Ina. Alam ko na na disappointed sya sa tinatakbo ng sitwasyon namin ni Jane at alam ko rin na nalulungkot sya para sa akin. Napabuga ako ng malalim, ayokong pati ang Nanay eh masaktan dahil hindi ako ang pinili nya.
Jane…
Isinama ko na ang pinsan ko ng sa gayoy hindi na ako mahirapan humanap ng masasakyan ko pabalik ng bahay, hindi rin naman masyadong marami ang naiwan naming gamit ang natatandaan ko mga ilang dede lang at yung 2 backpack ng mga bata.
” Tao po! ” sabay pindot ng doorbell na nandon, isa, dalawang pindot at meron ng isang bulto ang nag bukas ng pintuan at marahan ng papunta sa aking kinaroroonan, si Jay! Bigla ang paglukso ng aking puso ng makita ang lalaki na bumabagabag sa akin Simula pa nong isang araw, Simula pa ng umuwi kami sa bahay ng aking mga magulang, gusto ko syang yakapin ng mahigpit...


nong pagbuksan na nya ako ng gate pero pinigilan ko ng mabuti ang aking sarili. ” Pasok ” iyon lang ang naisatinig nya at binuksan ng maluwag ang gate at saka tumalikod na at lumakad papasok ng bahay. Ako na tumingin sa gawi ng aking pinsan at ng itoy tumango tuluyan n akong pumasok sa loob.
Tahimik ang loob ng bahay, mukhang walang ibang tao ” Nandon sila Nanay sa likod bahay at nagpapahangin ” parang nabasa naman ni Jay ang nasa aking isipan ” Kumain kana muna, bakit hindi mo pinapsok ang kasama mo para makapag meryenda din ” walang kabuhay buhay nyang saad sa akin.
Tumingin akong mabuti sa kanyang mga mata, inaarok ko ang nasa loob niyon pero sa kasamaang palad wala akong maaninaw na kahit na ano kundi blanko ” Huwag na at hindi rin naman ako magtatagal, kukuhanin ko lang ang mga naiwan naming gamit ” pilit ang ngiti at kinalma ko ang aking sarili ” Nagpasama lang ako para daretso na ang aking paguwi, hindi na ako mahihirapan ” dadag tinig ko sa kanya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top