Ang malambot kong pag-ibig Chapter 4


At samantala naman si Vince Habang hawak niya ang garter na isinusuot niya sa hita ni Abby ay hindi niya alam kung bakit may panginginig ang kamay niya, kasi ang pakiramdan ni Vince ay malapit na siya sa Reyna ng kaibigan, hanggan sa–
.
Abby : hoy bruha ka huwag mo nang itataas yong garter kundi sisipain na kita, makakarating ka na sa Maria ko!
.
Tinataasan na si Vince ng kilay ni Abby, si Vince naman ay natawa sa sinabi ni Abby.
.
Emcee ; Higher……
.
Pati naman yong mga tao na naroon ay isinisigaw din ang higher..
.
Abby : Hindi na pwede!!!!(sigaw niya)
.
Tawang tawa naman sina Kate at Alvin., At nagpasalamat si Abby at natapos na kalokohan ng Emcee, parehas sila ni Vince na pinagpapawisan ng malamig.
.
Abby : tawang tawa ka kate ah.
Kate : eh nakakatawa kayo eh.
Alvin : bakit ba mga nagba-blush kayo?
Abby&Vince ; hindi ah!!(sabayan nilang sabi)
.
Sakay na sila ni Vince sa kotse nito, at ihahatid na siya ni Vince sa bahay.
.
Vince : Hay grabe kanina, ang saya noh..
Abby : masaya?
Vince : oo, bakit hindi ka ba nag enjoy kanina, nakikita nga kita sobrang pula ng pisngi mo.
Abby : Hay sino ba ang hindi pupula ang mukha sa dami ng tao kanina ay nakatuon lahat ang atensiyon nila satin.
Vince : oo nga ano, first time kong makapag suot ng garter sa hita ng girl.
Abby : ganun din kaya ako, mabuti nga lang at ikaw ang naka salo, naku paano na kung si Brando, grabe, sigurado ako na hihimatayin ako sa kilig.
.
Wala ng narinig na salita su Abby mula kay Vince, tumahimik na ito, at nak focus sa daan, at hanggang sa naroon na sila sa tapat ng gate ng bahay ni Alvin.
.
Abby : Salamat sa paghatid Vince.
Vince : wala yon Besh.
Abby : Mag iingat ka sa pag uwi mo.
Vince : salamat.
Abby : ah Vince siya nga pala, salamat ulit dito sa Kwintas ha.
Vince : salamat na naman, kanina ka pa nagpapasalamat sakin diyan.
Abby : basta lang gusto kong magpasalamat ulit, sige mag iingat ka na lang sa pag uwi.
.
Makalipas ang mga oras, gabi na noon at tahimik na ang buong bahay, natutulog na din ang mag asawang Alvin at Kate, samantalang si Abby ay gising na gising pa, hindi maalis sa kanya yong mga nangyari ng maghapon, kinagagalitan niya ang puso dahil bakit kailangan ma Inlove siya sa kaibigan, sa kaibigan nila ni Kate na bakla, nagsimula siya sa paghanga kay Vince dahil sa ipinakikita sa kanyang kabutihan ng kaibigan, at Hanggang sa heto at parang nahuhulog na talaga ang loob niya kay Vince, at hindi na niya kaya pigilin ang kanyang puso, kaya ngayon heto siya lihim na umiibig kay Vince, at sa paglipas ng mga araw, lalo silang nagkakasama ni Vince dahil ang mag asawang Alvin at Kate ay nagpunta na naman sa America para sa 2nd Honey moon at si Vince ang nagsilbing taga hatid sundo ni Abby kapag free ito sa trabaho.
.
Abby : Tay Dante, maiwan ko na po kayo diyan, papasok na po ako. nandiyan naman po si Jessa na makakasama po ninyo.
Dante : Oo anak, mag-iingat ka.
Abby : Salamat po tay.
.
Si Dante ay tatay ni Kate, doon na ito naniirahan kasama nila, magiliw si Abby kay dante dahil mabait naman ito, at kaidadan din ni dante ang tatay ni Abby, kaya tatay na din ang turing niya sa ama ng kaibigan.
.
Vince : Lets go!
.
Nakasakay na si Abby sa kotse ni Vince, masaya na naman ang araw ni Abby dahil nasilayan na naman niya ang lalakeng gumugulo sa puso niya, ngunit pilit niyang pinakakalma ang kanyang puso, dahil kailangan daw niyang kumilos ng normal kapag kasama niya ito, dahil labis daw na nakakahiya kung malalaman ni Vince na may pagtingin siya dito.
.
Abby : Wala ka bang pasok?
Vince : Meron.
Abby : meron pala, bakit sinundo mo pa ako, baka naaabala ka na.
Vince : Anong abala, hello same lang kaya tayo ng way, ganun din naman dadaan din namn ako dito, bakit di pa kita isasabay.
Abby : oo nga ano.
.
May punto nga naman ang kaibigan..
.
Abby : naku kung di ka talaga bakla iisipin kong may gusto ka sakin.(pabiro niyang sabi)
.
Nakukuha na din ni Abby ang biruin ang kaibigan.
.
Vince : Hay grabe ka besh! Wagas kung makapag biro.
.
Nagtatawanan na lang silang magkaibigan.
.
Vince : siya nga pala, anong oras yong tapos ng klase mo mamaya?
Abby : 4 pm
Vince : samahan mo naman ako oh.
Abby : saan?
Vince : basta.
Abby : saan nga? Kapag di mo sinabi di kita sasamahan.
Vince : magkikita kasi kami ni Macky.
.
Nakaramdam ng dismaya si Abby ng marinig ang pangalan ni Macky.
.
Vince : please Abby samahan mo ako mamaya.
Abby : sige.(tipid niyang sagot)
.
Lumipas ang maghapon at natapos na ang klase ni Abby, nasa labas ng Campus si Vince na nag aabang sa paglabas ni Abby, at samantala naman si Abby ay kasabay niya palabas ang iba niyang classmate, at hanggang sa matanawan na niya si Vince na nakatayo at nakasandal sa kotse nito..
.
Classmate of Abby : Woah girls, ang gwapo niya..(sabay turo kay Vince)
Classmate : Shets!!! Oo nga, grabe makalaglag panty.
Abby : huy grabe nman kayo.
Classmate : Grabe Artista ba siya o Model?
Classmate : Gusto ko siya!!(malanding sabi)
Abby : Hoy kayo ha, mag aral muna kayo.
.
Kilig na kilig ang mga classmate ni Abby lalo nang nakita nilang nakangiti ito sa Gawi nila.
.
Classmate : grabe, nakatingin siya sakin girls.
Classmate ; sakin kaya siya nakatingin.
Classmate : sa akin!!
Classmate : hoy magtigil kayo dahil sakin siya nakatingin.
.
At hanggang sa Malapit na sila Kay Vince..
.
Vince : Hi Bi (nakangiting bati ni Vince kay Abby)
.
Bumilis naman ang tibok ng puso ni Abby sa mga ngiting iyon, at samantalang ang mga classmate ni Abby ay ganun na lang ang reaksiyon nila ng marinig nilang tawagin si Abby na Bi.
.
Classmates : Bhie!!! As in Baby????(sabayang nilang sabi)
Abby : mga sira—
Vince : Hi girls, im Vince, Abby’s boyfriend!(sabad niya)
.
Nagulat si Abby sa sinabi ni Vince..
.
Vince : lets go baby!!
Classmates : wooahhh!!
.
Ipinagbukas ni Vince si Abby ng pinto, si abby naman ay Shock pa nun, dahil ang isipin na sabihin ni Vince na bf niya ito.
.
Vince : girls, una na kami sa inyo, nice meeting you all.
.
Sakay na sila ni Vince sa kotse nito.
.
Abby : alam mo, baliw ka!
Vince : bakit?
Abby : bakit mo naman sinabing boyfriend kita!!(sita niya)
.
Kunwari galit si Abby pero deep inside sobrang kilig na kilig siya.
.
Vince : hayaan mo na, gino good time ko lang naman sila.
Abby : ako yong ginogood time mo eh!!!
Vince : bakit besh, huwag mong sabihing affected ka!
Abby : hindi ah!!!!(sagot niya agad)
.
Pinakalma ni Abby ang puso dahil nagiging abnormal sa pagtibok.
.
Abby : alam mo ba, lagi kong pinapangaralan yong mga yun na unahin ang pag aaral, at huwag munang mag boyfriend, tapos ano iisipin nila na pinapayuhan ko sila tapos ako may boy—-
.
Malakas na tumawa si Vince dahil alam na nya yong ibig sabihin ni Abby, at narealize niya na bakit naging sobrang defensive niya, at ayun tuloy pinagtatawanan siya ng kaibigan. At lumipas pa ang oras ay kasama na nila si Macky, nasa isang sikat na resturant silang tatlo..masayang nag uusap sina Vince at Macky, si Abby naman ay tahimik lang siyang kumakain, katabi ni Abby si Vince ng upuan, pero kahit di nakatingin si Abby sa kaibigan ay nakikita niyang nag niningning ang mga mata nito habang kausap si Macky, at hanggang sa makalipas ang mga ilang sandali, nagulat si Abby habang seryoso siya sa kanyang pagsubo, narinig niya ang isang tinig ng babae at tinawag ni Vince ng Mama, agad niyang tinapunan ng tingin ang mama ni Vince, sobrang ganda ng babae, kaya pala guwapo si Vince ay may pinagmanahan ng itsura.
.
Vince : nandito ka din ma?
Joanne : Kasama ko yong mga amiga ko.
.
At nakatuon ang pansin ng mama ni vince kay macky, at ganun din kay Abby, at mas nakatuon ang paningin ni Joanne kay Abby..
.
Vince : ah mama, this is Macky and this is Abby, my friends, guys mama ko.
Abby & Macky : Hello maam.
Joanne : You mean Friend?
Vince : Yes ma.
.
Pero nakatuon pa din ang paningin ni Joanne kay Abby, si Abby naman ay nakaramdam ng kaba, at hiya dahil hindi pa din inaalis ng mama ni Vince ang pagkakatitig sa kanya.
.
Joanne : oh i thougth that she’s a girlfriend.(tukoy kay Abby)
.
Ngunit tawa lang ang isinagot ni Vince.
.
Joanne : by the way guys i have to go.
Vince : okay ma,
Joanne : your tita Mina is waiting.
.
Nakahinga ng malalim si Abby ng maka alis na ang mama ni Vince, ngunit sabi ng isip ni Abby. Bakit ba siya ang kinakabahan eh hindi naman siya ang girlfriend ng anak nito, dapat daw sana ang kabahan ay si Macky dahil ito ang boyfriend, pero sa nakikita naman niya kay Macky ay relax lang ito.
.
Macky : babe kelan mo kaya ako maipapakilala sa mga parents mo as your lover.
.
Lumungkot naman si Vince, hindi alam ni Abby kung maiinis ba siya sa tanong ni Macky kay Vince..
.
Vince : babe, napag usapan na natin yan.
.
Nakaramdam nman ng awa si abby sa kaibigan. Kahit na nakakaramdam siya ng selos, at inis ay may awa pa din siya dito, ramdam niya yong bigat ng kalooban nito..at lumipas ang mga araw linggo buwan, mas naging madalas niyang kasama si Vince at Macky, at naiinis siya sa sarili niya kung bakit di siya makatanggi kay vince kapag magpapasama ito sa kanya na kikitain nito si Macky, nagsisilbi si Abby na Chaperone ni Vince, upang ang lihim na ugnayan ni Vince at Macky ay maikubli sa pamamagitan niya, ibig sabihin isa siyang Props sa dalawang nagiibigan.
.
Macky : Babe babalik na ako sa Hawaii.
Vince : ang bilis ng araw ano, babalik ka na pala agad
Macky : oo at ang bilis ng panahon almost 6 years, pero heto pa lang tayo..nasa sitwasyon na hindi mo ako mapagsigawan na hey siya yong boyfriend ko siya yong mahal ko.
.
Nagpaalam si Abby na pupunta siya sa powder room, dahil masyado nang personal ang pinag uusapan ng dalawa, ayaw niyang marinig ang Personal life nila Vince at Macky, awa lang ang mararamdaman niya para sa kanyang kaibigan. At selos na din, at hanggang paglipas ng araw ay nakabalik na si Macky sa Hawaii..
.
Abby : namimiss mo na siya?
Vince : ha sino?
Abby : si Macky.
Vince : kahit na miss na miss ko siya wala naman akong magagawa kundi sa telepono lang kami pwedeng mag usap,
Abby : kaya yan ang mahirap sa mga LDR.
Vince : kahit naman parehas kaming nandito sa Pilipinas, madalang din naman kaming magkita, alam mo naman si papa madaming mga mata yun.
Abby : ha talaga ba, ibig sabihin, posibleng may mga nakamasid sin sa atin?
Vince : siguro..
Abby : nako, mabuti pa umuwi na ako, baka mamaya mapagkamalan akong girlfriend mo.
Vince : ano ka ba, mas okay nga yun eh.
Abby : ah, ayos ka din eh noh, gagamitin mo ako para sa—
Vince : hindi ganun ang ibig kong sabihin..talagang nagkakataon na talaga na yun yobg iisipin nila, huwag kang magalit.
.
Nag alala si Vince dahil baka na miss interpret ni Abby ang sinabi niya na magandang isipin ng papa ni Vince na girlfriend niya ito para mapagtakpan ang katauhan niya.
.
Vince : sorry!
Abby : ano ka ba hindi ako galit, mauna na ako sayo, kasi kailngan ko pang mag review, salamat sa libre, laging ikaw na lang ang naglilibre sakin..
.
Nasa Mall sila sa isang Fast food chain,
.
Vince : ihahatid na kita.
Abby : ang swerte ko talaga, nagkaroon ako ng driver.
.
Lumipas ang oras ay nasa bahay na si Abby, sa araw araw ay inaabala ni Abby ang isip sa kanyang mga lecture, halos kabisaduhin na nga niya lahat ng nasa note niya upang makalimutan niya ang lihim na kanyang kinikimkim sa kanyang dibdib, ngunit kahit ano namang gawin niya di niya magawang tanggalin sa puso niya ang pagmamahal nya sa kaibigan, dahil lagi silang mag kasama, at lalo pa siyang nahuhulog sa kaibivan dahil nga sa taglay na kabaitan, maaalalahanin, sweet, kaya paano niyang mapaglalabanan ang nararamdaman para kay Vince..
.
Vince : Hi Bi.!!
Abby : Vince, bakit nandito ka? Wla naman akong pasok ah.
Vince : kaya nga nandito ako, para ayain kang mag stroll.
Abby : saan naman.
Vince : basta kung saan makarating yong gulong ng sasakyan natin.
Abby : naku ah baka–
Dante : sige na Abby, sumama ka na anak, para naman makapag relax ka?
Abby : eh Tay-
Dante : sige na, kapag tumawag si Alvin ako na ang bahala.
.
Ayun na nga at Sakay na sila ng kotse ni Vince, ang totoo labis na natutuwa ang puso ni Abby dahil kasama niya ang itinitibok ng puso niya.
.
Abby : alam mo patay talaga ako kay Sir Alvin kapag nalaman niya na nag gagala ako.
Vince : hindi magagalit si Alvin, at saka ako maman ang kasama mo.
Abby : saan kaya tayo makakarating?
Vince : Bahala na!
Abby : Grabe ka, puro ka bahala.
Vince : basta, subukan nating pumunta ng North.
Abby : ay gusto ko dun, saang part?
Vince : Baguio.
Abby : ay gusto ko dun Vince, nakakamiss magpunta ng Baguio.
Vince : nakarating ka na ng Baguio?
Abby : oo may, bahay si Sir Alvin dun.
Vince : ganun ba, sakto pala kung sakaling gagabihin tayo may Matutulugan tayo.
.
Lumipas ang mahabang oras ay Tanaw na nila Ang Arko ng Baguio..
.
Vince : Woaahhh,,Baguio, here we come!!!
Abby : grabe siya, ang saya niya!
Vince : masaya talaga ako Abby, dahil malayo ako sa mga tao na ayokong makita at makausap.
Abby : ayun may tinakasan.
Vince : Grabe ka Besh, Mag enjoy ka na nga lang na kasama ako, yong mga problema nayan, iisantabi muna, sa ngayon Enjoy na lang tayo.
.
Ang totoo naman tuwang tuwa ang puso ni Abby, dahil kasama niya si Vince, lahat ng mga sikat na tourist attractions sa Lungsod ay pinuntahan nila, una silang pumunta sa Mines View park..
.
Abby : Hay ang sarap damhin ng hangin, at ang ganda ng View!
Vince ; oo nga, ang ganda..
.
Pansin ni Abby na sa Kanya nakatingin si Vince.
.
Vince : Ang ganda!!!
.
Bumilis ang tibok ng puso ni Abby dahil sigurado na sa kanya nga nakatingin si Vince habang sinasabi ang katagang “ang ganda” nakatitig sa mga mata niya si Vince, ngunit pinakalma niya ang kanyang puso, dahil nagtutumalon ang puso niya, nagwawala, lalake na daw ba ang kaibigan niya, may gusto na daw ba kaya ang kaibigan niya sa kanya, lalo ng nagwawala ang puso niya ng papalapit na ng papalapit si Vince sa kanya, at hanggang sa halos hindi na siya...


makahinga dahil sobrang lapit na ng mukha ni Vince sa kanya at Hanggang sa ingat na Vince ang kamay at hawak na ang pisngi ni Abby, sa pakiramdam ni Abby ay nasa 180 Over 100 ang blood pressure niya sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya..
.
Vince : Abby, (mahinang sambit niya)
Abby : Vince!
Vince ; Okay lang ba kung-
.
Binitin ni Vince ang sasabihin..
.
Vince : okay lang ba kung ano-
.
Halos walang salita ang lumabas sa mga labi ni Abby, dahil hindi sa isip niya ay gusto siyang halikan ni Vince..
.
Vince : Pwede bang tanggalin ko yong muta mo sa mata mo.
.
Laglag ang balikat ni Abby sa sinabi ni Vince.
.
Abby : ha!! Muta?????
Vince : oo, ang ganda mong babae pero may muta ka!!
.
Sa inis ni Abby ay hinampas niya ng malakas si Vince..
.
Vince : aray naman! Ang shaket naman!
Abby : ang OA mo naman kasi may muta lang pala ako, pa slow mo- slow mo ka pa diyan! Dapat sinabi mo agad na hoy Abby may muta ka!!
Vince : ay ganun ba, sorry!
.
Gustong kurutin ni Abby si Vince sa pang gogoodtime nito sa kanya.
.
Abby : baliw talaga!!!!!!akala ko hahalikan na ako!!!!kainissss!!!!!!!(sa isip)
.
Vince : akina tatanggalin ko–
Abby : ako na!!!!
vince : ay bakit nagalit ka!
Abby : hindi ako galit!!!
.
Natatawa na lang si Abby sa sarili niya, bakit daw ba kasi kung ano ano ang iniisip niya, bakit daw ba kasi lagi niyang iniimagine na ano daw ba kaya ang pakiramdam ang halik ng mga labi ni Vince, yong labing mapula kahit hindi nagli-lipstick ay mapula, parang kay lambot daw ng mga labi ni Vince..
.
Abby : abby..abby..abby!!! Ayan ka na naman pinagnanasaan mo na naman si Bakla.
Abby : eh kasi naman, hindi naman siya bakla, kasi naman bakit ang guwapo niya!!
Abby : bakla siya, bakla, bakla!!
.
Nababaliw na naman ang isip ni Abby, ginugulo na naman siya ng puso niya,
.
Abby : hays ayoko na!!!!
Vince : ayaw mo na dito, tara naman sa iba, dun tayo sa Burnham Park, mamangka tayo.
Abby : Ha, s-sige!
.
Hanggang sa naroon na nga sila sa Burnham Park, nakasakay sila sa Bangkang Bibe, si Vince ang taga sagwan.
.
Abby : Hoy, Vince galingan mong magsagwan diyan, baka mamaya tumaob tayo dito, mamamatay ako, hindi ako marunong lumangoy!
Vince : Huwag kang mag alala, hindi namanbkita pababayaan.
.
Napangiti naman si Abby sa sinabi ni Vince na hindi siya nito pababayaan..
.
Abby : Sagipin mo naman ako Vince, nalulunod na yong puso ko sa pagmamahal sayo!!(bulong ng puso niya)
Abby : Hoy Abby, may toyo ka na talaga, o baka naman kinukulapo na yong utak mo, bakla si Vince, bakla!!
.
Napapabuga nalang sa hangin si Abby, talagang Baliw na siyan Abnomal, baka daw Hanggang mamaya di na niya makonttol ang pagkabaliw niya pati yong bibeng bangka ay kausapin na niya, madami pang pinuntahan sina abby at Vince, at hanggang sa sumapit na ang gabi naroon sila sa bahay ni Vince, dun muna sila magpapalipas ng gabi. Tuwang tuwa namang ang caretaker ni Alvin ng makita si Abby, at ngayon nga ay nasa kama na si Abby at namamahinga, pakiramdam niya ay pagod na pagod siya, napagod siyang mangontrol ng kanyang harot na puso, at Hanggang sa may naririnig siyang kumakatok sa pinto ng kwarto, si Vince ito.
.
Vince : abby tulog ka na?
Abby : hindi pa naman, ikaw?
Vince : syempre hindi pa, nandito nga ako kinakatok ko yong pinto mo.
.
Ngunit iba ang pagkadinig ni Abby..
.
Abby : Ha A-ano, kumakatok sa puso ko??(ulit niyang sabi)
Vince : buksan mo to, kwentuhan muna tayo.
Abby : Sandali..
.
Mabilis na tumayo si Abby dahil nakapantulog siya, manipis at maikli ang suot niyang short,.
.
Abby : Sandali lang!!
.
Ngunit laking gulat ni Abby dahil naibukas na ni Vince ang pinto..
.
Abby : Ayyyyy!!!
Vince : Ayyyyyyy!!!!!(malanding tili niya)
Abby : bakit ka ba pumasok agad!!!
Vince : Jusko, mahuhulog ang puso ko sayo, bakit ka ba humihiyaw!!
.
Ngunit si Abby ay natigilan na naman sa narinig niya kay Vince sa Mahuhulog ang puso nito sa kanya, ngunit ng makabawi siya ng pagkabigla ay pansin na lang niya na nakatingin si Vibce sa kanya na nooy medyo borles Queen ang ayos niya, mabilis niyang kinuha ang kumot at itinakip sa katawan..
.
Vince : Ay sorry, di ko alam na nakahubad kang natutulog.
Abby : hoy hindi ako nakahubad..tumalikod ka magsusuot muna ako ng damit!!
Vince : oo na!!
.
At Hanggang sa mabilis na siyang nagbihis.
.
Abby : Hindi ka pa ba inaantok?
Vince : hindi pa nga eh. Ikaw ba?
Abby : Hindi pa..
.
Ang totoo hindi siya talaga makaka tulog dahil alam niyang hindi mawawala sa isip niya yong mga nangyari sa kanila mag hapon, maghapon na ginulo ng puso niya ang kanyang isip, kung pwede nga lang daw na ilabas muna niya ang puso at tanggalin niya si Vince doon sa loob na iyon ng kanyang puso ay gagawin niya. Sumampa si Vince sa kama at sumandal sa Head board, hindi naman nagpahalata si Abby na natataranta siya, hindi nagpahalata si Abby na naiilang siya sa kaibigan dahil ngayoy nasa higaan niya ito, naupo din siya sa kabilang panig ng kama at sumadal din siya sa headboard, nagkwentuhan nga silang dalawa, kahit walang kakwenta kwenta para kay Abby, naroon pa rin siya na nakikinig sa mga kwento ng kaibigan, kahit gusto na niya itong palabasin sa kwarto dahil ang ikinukwento ni Vince ay Si Macky..at ayaw na niyang makarinig ng tungkol kay Macky, nagsasawa na siya, dahil ang totoo nasasaktan siya, nangawit ang likod ni Abby kaya umunat siya ng higa, nagkunwari na lang siya na nakikinig sa kaibigan, at hanggang sa hindi na niya namamalayan na nakatulog na siya.
.
Vince : Abby, tulog ka na?
.
Hindi na umimik si Abby, dahil nakatulog na ito.
.
Vince : Kadaya naman tinulugan ako.
.
Kinuha ni Vince ang kumot ni abby at kinumutan niya ito, at hanggang sa nagpasya na din siyang lumabas ng kwarto ng kaibigan, naging masaya naman ang magkaibigan sa paglilibot nila sa Baguio, at hanggang sa nakabalik na din sila sa kani kanilang bahay, at lumpas ang araw at mga linggo ay dumating na din ang mag asawang Alvin at Kate, naging busy sa trabaho si vince kaya medyo hindi na nakakasama ni Abby ito, kahit sa text o tawag bihira na niyang makausap si Vince, at namimiss ni Abby ang kaibigan, at sa paglipas ng buwan, nagkaroon sila ng pagkakataon na makapag bonding..
.
Alvin : Vince halika tuloy ka.
Vince : salamat..
Alvin : May lakad ba kayo ni Abby?
Vince : oo.
Kate : Vince!!!!
Vince : hey!!
.
Bumeso si kate kay Vince.
.
Vince : wow, halata na ang baby bumps.
Kate : oo nga eh, baka kamabal to kasi ang laki eh.
Alvin : ikaw Vince kelan mo balak magkaroon ng ganyan.(pabirong sabi)
Vince : Hindi pa ready ang Ovary ko!
.
Nagtawanan sila, hindi na lingid sa kaalaman ni Alvin ang pagkatao ni Vince..si Abby naman ay naiiling sa isip ng marinig niya ang pagbibiro nito.
.
Alvin : san ba ang lakad ninyong dalawa?
Kate : oo nga.
Vince : sa Gym.
Alvin : Abby mag-gi-gym ka na din?.
Abby : Opo sir, baka sakaling magaya ko ang body Figure ni kate noon.
Alvin : ayun, magpapa sexy!
.
Nagpa alam na sina Abby at Vince sa mag asawa.
.
Kate : mag iingat kayo, huwag kayong babalik ng walang pasalubong ha.
Vince : No problem..noted na yan.
Kate : thank you..
.
Nakaalis na nga sina Abby at Vince.
.
Alvin : Malaki na ang pinagbago ni Abby, kelan lang kontento na siya Laudry area at kitchen.
Kate : lahat naman talaga mababago at magbabago.
Alvin : sweetie, huwag mong sabihin yan, kasi ayokong magbago ka sakin.
Kate : Ikaw talaga, hinding hindi ako magbabago sayo, magbabago man ako, yun ay pakamamahalin pa kita ng sobra.
Alvin : talaga sweetie!
.
hinalikan ni Alvin ang asawa, si Kate ay walang araw na hindi siya masaya, at ang tanging mahihiling na nalang ni Kate ay ang makasama niya habang buhay ang minamahal niyang si Alvin, kasama ng mga magiging anak nila. At samantala naman sa Gym, si Abby at Vince ay tagaktak na ang mga pawis, isang oras na silang naroon na nag exercise, doon ibinuhos ni Vince sa pag wowork out ang sama ng kanyang loob sa ama..
.
Rodolfo : Vince, nakatapos ka na ng pag aaral, may trabaho ka na, hindi bat panahon na para mag asawa ka na, bigyan mo na ako ng apo.
Vince : Papa naman, ang bata bata ko pa!
Rodolfo : hindi ka na bata Vince 25 anyos ay sapat na iyon para sa pag aasawa.
Vince : Pa, ni wala nga akong girlfriend-
Rodolfo : yun na nga ang masama, wala ka pang girlfriend, ni hindi ka man lang magpakilala ng girlfriend mo samin, sinasabi ko sayo Vince, ayokong tumulad ka sa Kuya mo, ayokong pati ikaw ay itakwil ko..
.
At sa Naalalang pag uusap nila ng ama, ay doon niya ibinuhos sa pag wowork out niya, gigil na gigil niyang inaangat ang barbell.si Abby ay napapatulala habang pinapanuod niya na binubuhat ni Vince ang barbell na tumitibang na 50 kilos, sobrang lakas ni Vince at lumilitaw ang mga pandesal sa tiyan, kulang na lang ay tumulo ang laway ni Abby.
.
Abby : Hindi siya bakla, lalake siya!!(sigaw ng isip niya)
.
Nakaramdam ng pagod si Vince kaya hinintuan na niya ang pag angat ng barbell, tumayo sa pagkakahiga si Vince, Tinanggal ang damit na basang basa sa pawis, samantala si Abby ay di pa niya inaalis ang paningin sa magandang katawan ni Vince, hinahagod niya ng tingin ang makisig na katawan ni Vince, at hanggang sa nagulat na lang siya nang ichin up ni Vince ang baba niya.
.
Vince : Mukhang tulala ka diyan ah.
Abby : h-ha!! o-oo.
.
Nasa harapan na pala niya si Vibce hindi pa jiya nalamalayan, paano ay natutulala siya sa kakisigan ng Kaibigan, nagkunwari si Abby na may iba siyang tinitingnan, mabuti na lang ay may isa pang maganda at matikas ang katawan na naroon.
.
Abby : ang guwapo naman kasi nun eh.(Sabay nguso sa gawi ng lalake)
Vince : actually tama ka, ang cute niya.
.
Napalitan ng dismaya si Abby, kulang na lang sabihin niya kay Vince na magpakalalake na ito, dahil gusto niyang mahalin siya nito, matapos sa Gym ay nagliwaliw muna sila ni Vince, at gabi ng naihatid ni Vince si Abby sa bahay.
.
Vince : Alvin, pasensiya na ha, ginabi kami ni Abby,
Alvin : okay lang, ang mahalaga ligtas na naka uwi dito si Abby.
Vince : salamat, ah si Kate nga pala?
Alvin : nakatulog na siya, hindi na kayo nahintay.
Vince : sayang naman, may pasalubong pa naman kami sa kanya.
Abby : bukas ko na lang ibibigay.
Alvin : oo mabuti pa.
Vince : ahm tutuloy na din ako.
Alvin : ayaw mo bang magkape muna, o kaya naman inuman muna Tayo.
.
Nagpaunlak naman si Vince kay Alvin, naroon sila sa mini bar area ng bahay, si abby ang nag asikaso sa dalawa, naging mabuting magkaibigan na din sina Alvin at Vince.
.
Vince : Alvin salamat nga pala ha.
Alvin : para saan?
Vince : salamat dahil Welcome ako dito sa bahay ninyo.
Alvin : sus, yun lang pala..wala yun, syempre welcome na welcome ka dito, dahil bestfriend ka ng asawa ko at ni Abby.
.
At nooy napagkwentuhan nila ang mga nakaraan, yong time na nagkakilala sila nong graduation, at nong naligo sila sa pool na pinagselos ni Kate si Alvin..
.
Vince : kung hindi mo naitatanong matagal na kitang kilala dahil lagi kang kinukwento ni Kate, kasi alam mo noon pa lang daw una kayong magkita ni Kate sa bahay ni Jerry ba yun, nong ibenenta siya ng tatay niya.
Alvin : hinaan mo yong boses mo, kasi baka nandiyan si Tatay dante, marinig yong pinag uusapan natin.
Vince : ay oo nga pala, sorry!
Alvin : si Jessie yun.
Vince : ay oo nga, Jessie nga pala, noon pa lang minahal ka na niya..
.
Naligayahan ang puso ni Alvin dahil s nalaman niya mula kay Vince, Noon palang pala ay Minahal na siya ng kanyang asawa, madami pang napagkwentuhan sina Alvin at Vince, Hanggang sa napasarap ang inuman ng dalawa, at hanggang sa dumako ang usapan nila kay Abby, at mula sa kinaroroonan ni Abby ay dinig niyang pagbanggit sa pangalan niya, kaya lumapit siya sa dalawa, at napag alaman niya na siya ang paksa ng usapan ng mga ito.
.
Abby : Sir Alvin ha, ano yong sinasabi mo kay Vince?
Vince : wala naman.
Alvin : ang sabi ko lang mabait ka at masipag.
Abby : sir Alvin parang hindi lang ganun ah.
Alvin : ayos lang naman Abby, hindi naman na ibang tao si Vince satin.
.
Ayos lang naman kay Abby na ikwento ang buhay nya sa kaibigan.
.
Alvin : samahan mo muna si Vince dito, titingnan ko lang yong asawa ko sa kwarto.
Abby : sige po sir.
.
Naiwan sina Abby at Vince sa Mini Bar, madami ng nainom si Vince, halata na ang pagkalasing nito,
.
Abby : Vince, mukhang napadami na ang inom ninyo ni Sir Alvin.
Vince : hindi naman, konti pa lang.
Abby : mukhang lasing ka na nga eh.
Vince : hindi pa ako lasing.
.
Makalipas pa ang oras ay lasing na talaga si Vince, lahat na ng sama ng loob nya ay ibinubulalas na kay Abby.
.
Vince : abby mahirap ba kaming tanggapin ha, sabihin mo abby, ganun na ba kami kasama, kaming mga bakla salot ba kami sa lipunan ha abby!(umiiyak na sabi)
Abby : hindi, hindi Vince, hindi kayo mahirap tanggapin, at hindi kayo masama, at higit sa lahat hindi kayo Salot..
Vince : pero bakit napakahirap kay papa na tanggapin ang isang katulad ko!!!
Abby : May dahilan lang siguro yong papa mo.
Vince : Matigas ang puso ni papa kahit kailan ay hindi niya tanggap ang isang katulad namin. Alam mo abby, naiinggit ako kay kuya Andrei, dahil ang tapang niya, kaya niyang ipaglaban kay papa kung ano talaga siya, ako heto, nagtatago pa din, at hindi ko alam kung kelan dadating yong panahon na ipagsisigawan ko kay papa ang pagkatao ko, takot ako abby, takot ako!!
.
Hindi na mapigilan ni Vince ang kanyang emosyon, umiiyak na siya sa hinanakit ng kanyang kalooban, nilapitan ni Abby ang kaibigan at tinatapik niya ito sa likod upang pakalmahin ito sa pagiyak, ngunit nagulat si Abby dahil yumakap sa kanya si Vince, pati si Abby ay nahahawa sa pag iyak ng Vince, umiiyak na din si Vince, dahil naaawa siya dito, kung pwede nga lang daw na kuhanin niya ang kalahati ng sakit ng kalooban na nararamdaman ng kaibigan ay kinuha na niya, kahit na siya ay may dalahin din siya sa kanyang kalooban na hindi niya din alam ang sulusyon at ito nga ay ang lihim niyang pagtingin dito..
.
Itutuloy..
Muli po ay nagpapasalamat po ako sa mga sumusubaybay, sana po patuloy po ninyong subaybayan ang kwento nila Abby and Vince hanggang sa huli. Salamat po.❀️
.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top