LALAKI AKO PERO HINDI GINOO


LALAKI AKO PERO HINDI GINOO
“Hindi ‘yan, akong bahala”
“Sus, ‘yun iniwan ko na yun di naman magaling e”
“Pre, may bago akong chicks ganda!”
“Hindi naman ako mahuhuli nun ako pa ba!”
“Gawin na kasi natin total ang tagal na rin natin”
“Siguro hindi mo talaga ako mahal kasi ayaw mo ibigay”
Saan nga ba nasusukat ang tunay na pagiging lalaki?
Sa dami ba ng nahakot mong babae?
Sa tindig ba, pananamit at matipuno mong katawan.
‘O sa kung paano ka magpapalit palit ng kasintan.
Madali lang sa’ting sabihin na “Lalaki ako”
Ngunit ano nga ba ang tunay na depinisyon nito
Madali lang sa’ting sabihin na lalaki ka’t matikas. Ngunit pagkalalaki saan nga ba nasusukat.
Matipuno nga ang katawan mo pero hindi ka naman marunong gumalang.
Ikaw ba ‘yung tipong kapag may nakitang naka-short sinusutsutan sa daan
Kung tutuusin mas...


aso kapa sa kanilang tignan.
Marami ka nga nakuhang babae sa pamamagitan ng malupitan mong banat
Mga salita mong sakanila‘y nakakahatak
Ngunit tandaan mong wala sa bilang ng nakama mong binibini ang iyong pagiging ginoo
Dahil higit na nakakaguwapo ang lalaki sa isa ay marunong makuntento.
Ang pagalok ba ng pagkababae ng isang binibini ang batayan mo kung mahal ka talaga?
Mahal mo ba talaga siya o gusto mo lang yun makuha
Hindi mo ‘yun hihingin na para bang humihingi ka lang ng tawad sa palengke.
Kung isa kang tunay na lalaki ‘di mo kukunin kanyang pagkainusente.
Lalaki ka nga sa tindig at labas.
May kaaya-ayang mukha at katawang matikas Madali lang maging lalaki at panindigan ang dangal mo,
Ngunit mahirap ang maging isang tunay na maginoo.
Credit to the rightful owner of the picture.
Written by Ken Manunulat






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top