YOU’LL BE SAFE HERE chapter 7


THIRD PERSON
nakapamulsang tinungo ni Eight ang Vendo sa loob ng Entrance ng building.
Sinwipe nito ang Rank Card nya at mabilis na bumagsak ang Calamansi Soda. Pag pulot nya noon ay naglakad sya para humanap ng magandang Hotspot pero naagaw kaagad ang atensyon nya ng apat na kalakalihan.
“Huh?.. Taga East ba ang mga yon? ”
Sa Tantya nya ay Nasa Sampong kilometro ang layo ng mga ito sa kinatatayuan nya pero isa lang ang malinaw.
‘Kinakaladkad nila si Stupid. ‘ nasabi nya sa isip nya.
“Sabi ko gusto ko syang paslangin kapag nagkasalubong kami pero bakit palaging may umeeksena? ” iritang aniya tsaka nag lakad.
“pwede ba binatawan nyo ko! ” angal na saad ni Hayasein at pilit na nag pupumiglas pero wala syang magawa dahil hawak ng dalawang lalaki ang parehong braso nya.
“Hihihihi..hindi naman nasabi ni Master Spaid na ganito kaganda ang babaeng gusto nyang ipakidnap satin. ” saad ng lalaking may hawak sa kanang braso nya. ” kahit hindi ako lumapit ay naaamoy ko kung gaano sya kabango. ”
“Pwede ba! Kapag nakawala ako pag sasa-sapakin ko kayo!” saad ni Hayasein.
“Oh, eh pano yan eh hindi ka nga makawala. ” saad naman ng lalaking may hawak ng kutsilyo. “Gusto kong malaman kung anong kulay ang suot mo kapag nawala ang damit na puti na yan.. ” anito pa tsaka pinaikot ang dila nya paikot sa labi nya at tila takam na takam sa putaheng nakahain sa harap nya.
“Ha….anong gagawin mo! ” kaagad na ginapangan ng takot ang buong katawan ni Hayasein. “Please, pakawalan nyo na ko.” nag mamakaawang saad ni Hayasein pero hindi sya pinakinggan ng mga ito sa halip ay inamba nito ang kutsilyo sa dibdib na bahagi ng damit ni Hayasein para tastasin ang suot nya.
“EIIIIIIIIIIIIIGGGGGGHHHHHHHTTTTT! ! !” malakas na sigaw ni Hayasein habang nakapikit, hindi nya alam kung bakit ito ang naisip nyang isigaw basta nagulat na lamang sya sa isinigaw ng bibig nya.
“Hoy.. “iyon lamang ang sinabi ng boses mula sa madilim na bahagi ng lugar kasabay ng malakas na pagtama ng Soda sa mukha ng lalaking may kutsilyo dahilan para bumulagta ito.
“sino yun! ”
“tignan nyo! ”
Humangin ng malakas dahilan para gapangan ng matinding pablalamig Ang tatlong natitira, halos mabitawan ng dalawa ang braso ni Hayasein dahil sa Takot.
Dahan-dahang nagpakita ang lalaki mula sa dilim at bumungad ang Walang emosyong mukha ni Eight, nakasuksok ang kamay nya sa bulsa habang tinatangay ng hangin ang malambot nyang buhok.
“Si eight! ”
“katapusan na natin! ”
Sa sandaling iyon ay hindi sya nakita ni Hayasein bilang si Eight, nakita nya ito bilang isang napaka gwapong binata.
humakbang sya ng isang beses pasulong pero nataranta ang tatlong lalake at tumakbo palayo.
Nakatulala si Hayasein habang pinapanuod nya ang bawat galaw ni Eight, hindi nagbago ang mata nito pero sa pagkakataong iyon ay nasa kanya na ang paningin nito, hindi manlang kumurap si Hayasein kahit isang beses tila sa unang pag kakataon ay nagustuhan nya ang bawat kilos ng binata.
“Tinawag mo ang pangalan ko? “tanong ni Eight ngunit wala syang nakuhang sagot mula sa dalaga.
*Tik!
“Aaaawww! ” daing ni Hayasein kasabay ng pagtutop nito sa noo nya matapos syang pitikin ni Eight.
“akala ko patay kana. ” saad ni Eight. Inilapat nya ang kamay nya sa ere na tila hinihingi ang kamay ni Hayasein
“Ano yan? Purkit niligtas mo ko hahawak na’ko sa kamay mo?” mataray na saad ni Hayasein habang nakataas ang kilay nito.
“Nasayang yung Soda ko pengeng pambili ng bago. ”
Halos masapo ni Hayasein ang noo nya dahil sa pamamahiya nya sa sarili nya. “okay lang yan, wala, namang ibang tao.” saad pa nito na tila nababasa ang nasa isip ng dalaga. “basta akina yung pambili ko ng soda. ”
“uuwi na’ko! ” inis na saad ni Hayasein tsaka naglakad, napangiwi sya dahil parin sa kahihiyan.
“wala talangang kwenta ang isang yan tssss, kung di lang ako malalagot kay Calvin nilaslas ko na ang leeg nya. ” saad ni Eight tsaka muling naglakad pabalik sa Vendo.
“Kamusta ang Party? ” tanong ni Calvin pag pasok ni Eight sa Room nila.
“Here! ” ibinato ni Eight ang isang soda kay Calvin, nasa libro man ang paningin ay nagawa nya itong saluhin.
“Mag file ka ng Explanation letter para sa mga taga East.”
“para saan? “tanong nito.
“Una, umattend sila sa Opening Party. pangalawa sinubukan nilang halayin ang isang babaeng panget ang panga-nga katawan. ” Napalingon si Calvin kay Eight habang nakataas ang kilay nito. “oh, anong tinginan Yan? “asar na aniya.
“Naninibago na talaga ko sayo bro.”
“Anong pinag sasa-sabi mo? “kontra ulit ni Eight.
“dati, wala kang pakialam kahit pa anong itsura ng taong kaharap mo pero ngayon ay nagiging judgemental kana.”
“Hoy wag kang ma-issue dahil girlfriend mo ang tinutukoy ko. ”
” ngayon naman sakin mo pinapasa, alam na alam mo namang takot ako sa commitment kaya ayoko ng relasyon.”
Naputol ang usapan ng dalawa nang magring ang phone ni Eight.
“Anong kailangan mo? “bungad na tanong nya nang sagutin nya ang linya.
” Anong gagawin ko dito sa lalake? “tanong ni Raizen tungkol sa binato ni Eight ng soda.
“hmmmm? Napalakas pala ang pag kakatama ko sa kanya?…itanong mo kay Ivo sabihin mo na hinalay nyan iyong Stupidang babae. ” pagtapos nya iyong sabihin ay pinatayan...


nya ng linya si Raizen tsaka pabagsak na nahiga sa kama nya. “sana nakinig na lang ako sayo at hindi na umattend pa sa walang kwentang party na iyon. “angal nya
Napabungisngis si Calvin. “Hayaan mo na mukhang nag enjoy ka naman sa Alak. ”
“Naka siyan na bote lang ako. “mahinang tugon nito kaya’t hindi na sumagot pa si calvin dahil mukhang inaantok na ang kaibigan.
~
“Hala sino yan? ”
“oo nga sino yan! ”
Bulong -bulungan ng mga estudyante tungkol sa lalaking nakasabit sa puno patiwarik.
“Queen Thalia sino nga ba yan? ” tanong ng babaeng kasama nito.
“sabi ni Seken ay Outsider daw ang mga yan, kilala nyo naman si Eight ayaw nyang may nakaka pasok sa teritoryo nya. ” maarteng saad ng babaeng tinatawag na Talia.
“Walang panama yung Eight nyo kapag kumilos ang pinuno namin, magiging basura din kayo. ”
“Tumahimik ka. ” nakangiting saad ni Ivo habang naroon sa mataas na puno kung saan nakatali ang lalaki.
“Totoo lahat ng sinasabi ko hahahaha naka pasok na dito ang tatlong myembro ng Black Phantom kaya’t wala na kayong magagawa uunahin nila ang babaeng piniprotektahan nyong lahat Hahahaha.” tumawa ito na tila nababaliw na ngunit mula sa malayo ay may nag hagis ng patalim diretso sa puso ng lalaki na nakasabit, isa ding myembro ng black phantom ang gumawa noon dahil sa kadaldalan nito ngunit Hindi inaasahan ang pagdating ni Eight at kaagad na sinalo ang patalim na iyon gamit ang dalawang daliri nya.
Dahil malakas ang impact ng patalim na iyon ay nadaplisan padin si Eight at nag dahilan ng pag durugo.
Ang lalaki ay gulat na gulat sa kamuntikan nyang pagkamatay. ” pano ba yan? Mukhang nailigtas ka ng basurang tinatawag mo? ” nakangising saad nito.
Hinawakan ni Eight ang puluhan ng patalim tsaka ibinalik ito sa pinag mulan non, tunarak iyon sa puno pero malapit sa Uluhan ni Spaid kung saan sya nakasandal.
“Sinabi ko naman sayo na hwag kang mag papadalos-dalos ng desisyon. ” anang boses ng isang lalaki.
“Pero pinuno! Ikinanta na tayo ng bastardong iyon samantala ang tauhan ni Avanshien na kumilos para paslangin ang babaeng pakialamera ay pinatay din at nag iwan pa ito ng Note! ”
“Kumalma ka kung ayaw nyong tayo ang isa-isahin ng mga iyan. ” anang lalaking tinatawag nilang pinuno. “papakilusin ko si Knucle wag kang mag alala. ” pag tatapos nito sa usapan nila.
“Eight, ayus ka lang ba? ” alalang saad ni Thalia. “heto oh ipamunas mo sa dugo. ” inialok nya ang panyo.
“Hwag na, ilaan mo na lamang yan kapag iniwan kita.” anito tsaka mabilis na naglakad palayo.
“Talaga bang sinusubukan nya ko? “hindi makapaniwalang saad nya dahil sa iniasta ng fiancè nya. “Sandali, hindi ba kilala mo iyong babaeng nag ligtas kay Ivo? ” baling na tanong nya sa kasama.
“Oo, kaso tinigilan ko na sya kasi winarningan ako ni Eight. “sagot nito na nagpataas sa labi ni Thalia.
“Besh, mauna kana may mga aasikasuhin pa’ko. “saad ni Yana.
“kaya naman kitang hintayin.” saad ni Hayasein.
“mag kaiba din naman tayo ng building hindi ba? ”
Walang naisagot si Hayasein dahil sa sinabi ng kaibigan kaya’t tumango na lamang sya at naglakad palabas ng Unit.
“pakiramdam ko ay may itinatago sa’kin si Yana. ” nakangusong saad ni Hayasein.
Tamad syang nagpatuloy sa paglakad hanggang sa marating nya ang hallway papasok sa West bridge pero napatigil sya sa paghakbang nang matanaw nya ang Pamilyar na pigura.
Nakatayo iyon sa harap ng building kausap ang isang proffesor kaya’t madali siyang nag kubli sa malaking halaman na hugis bilog.
“Si Calvin yun! Tae.. Anong ginagawa nya dito? ”
Sumilip sya sandali at nakits nya ng malinaw ang mukha ni Calvin.
“Pinagtataguan mo si Calvin? “tanong ng boses sa likod nya.
“Oo, bakit kaya sya nandito?”
“baka dahil sayo? “sagot muli ng boses
Nanlaki ang mata ni Hayasein dahil sa boses na iyon, alam nyang hindi nya kasama si Yana kaya’t kataka-takang may tao doon.
Lumingon sya at bumungad ang mukha ni Eight na nakayuko din ka level nya.
“Ayminatamisnakalabaw!”gulat na saad nya na nagpatawa ng malakas kay Eight, natigilan si Hayasein dahil ngayon nya lamang ito nakitang tumawa ng ganoon kaganda.
“hahahahaha..” napatayo sya kakatawa habang hawak ang tyan nya. pero napatigil din sya nang mapagtanto nyang nakatitig si Hayasein sa kanya. “Tatawagin ko si Calvin at ituturo kita! “pananakot nya kay Hayasein kaya’t hinablot sya payuko ni hayasein.
“May sugat ka.. ” binuksan ni hayasein ang bag nya at kumuha ng band aid na kulay pink na may bunny na printed. “Wag kang mag inarte dahil unisex ang kulay na pink…ayaaan! Bagay sayo. ” nakangiting saad nito nang maikabit ang band aid. “Hwag mo ko ituro kay Calvin please! “nakangiting anito.
*Tik!
Muling pinitik ni Eight ang noo nito dahilan para indhain iyon ni hayasein.
“nilagyan mo ko nito para hindi kita isumbong! “inis na saad ni Eight. “bahala ka dyan. “tumayo si Eight tsaka sinuksok sa pants nya ang kamay na may Band aid. “Calvin! “tawag nya sa kaibigan.
Nakangiting naglakad si Eight. Alam nyang may kakaiba Sa kanya ngunit ayaw nyang bigyang pansin iyon.
“Uhhy! Wag naman. “pabulong na saad ni Hayasein pero alam nyang hindi naman sya narinig ni Eight kaya’t, napalabi na lamang sya.
#KALMA LANG PO NGA READERS HEHEHEHE






Share On Whatsapp

"3" Comments
  1. Next chapter pls..it very good story ilove to read pls.send the next episode

  2. Next chapter pls..

  3. ayieee kaw eight ahh

Leave a Reply


top