YUNG NERD NA PINAGBENTANGAN KONG WITCH NA KAPIT-BAHAY NAMIN,EX KO PALA”—PART 02


“YUNG NERD NA PINAGBENTANGAN KONG WITCH NA KAPIT-BAHAY NAMIN,EX KO PALA”—PART 02
:Tadashiro Nobara Manunulat
⚠Grammatical and Typo’s Error Ahead⚠
⚠Plagiarism is a Crime⚠
❇Keir Zoowar Zariell Pov❇
*MONDAY.Kasalukuyan akong nag aayos ng sarili ko ngayon dahil papasok ako sa school.Hindi sana eh kaso ayoko magkaroon ng absent.Hindi ko din gusto sumali sa larong basketball pero naunahan na ako ng tatlong yun,nakakaasar.
Matapos ko mag ayos,lumabas na ako sa kwarto dala ang bag ko.
Nadatnan ko si mama at papa na nag uusap sa sala.Lumapit ako sa kanila at nagpaalam.
“Aalis na ho ako.”tanging sabi ko
“Umuwi ka kaagad ng maaga pagkatapos mo sa eskwela.”tugon ni mama sabay abot sakin ng baon ko
Tumango ako at umalis.Naglakad lang ako papunta sa school.Nadaanan ko pa yung kapitbahay namin.Huminto ako sa tapat ng bakuran nun at takang sumilip.
“Wah!Ang linis na ah.”gulat kong sambit.Nakita ko yung pinto na may nakalagay na ‘Close’ sign.Ibig ba sabihin,walang tao?Umalis yung mangkukulam?Saan?Nag oorasyon siya sa ibang lugar o bumibili ng mga sangkap na gagamitin niya sa kulam?Naku!
*Nagmadali akong naglakad palayo hanggang sa di ko na natanaw pa ang bahay na’yun.Ilang minuto ang lumipas, nakarating na ako sa school.Sumalubong kaagad sakin sina Jay,Ron at Licht sa may gate.
“Oh pre!Akala ko hindi kana papasok dahil na duwag ka na naman hahaha!” pang aasar ni Jay
“Sinong duwag?Gusto mo s*ntukin kita?”asar kong sabi
“Bero lang hahaha!Ang bilis mo maasar.Btw,tayo na sa room balita ko may nerd na transfer eh.” aya ni Jay
“Huh?Nerd?Kaklase natin?”
“Oum!”Hinila nila akong tatlo papunta sa room.Pagdating namin,nakita ko ang sinasabi nilang nerd na transfer daw kuno.
*Short hair,nakaeyeglass,kulot-kulot yung buhok at may mga pimples sa mukha*
“Y-Yan na yun?”Nagkukumpulan ang nga kaklase namin.
“Ew!Saan kaya siya galing noh?Ang weird! Bakit hinayaan nilang may mag aral dito na nerd?” —CLASSMAT 1
“Saka ang p*ngit n*ya!” —CLASSMATE 2
“Nar*rumihan lang ang campus natin dahil sa mga tulad niya e!”—CLASSMATE 3
*Siya na yun pre,galing L.A.*sabi ni Ron
“Duh!Bakit dito pa siya sa section natin?” nandidiri kong sabi
“Ewan,bakit hindi mo itanong kay ma’am Claudine.” sabi ni Ron
Suminghap ako ng malalim at umupo sa upuan na nasa row 2,third seat.Sina Jay,Ron at Licht naman ay katabi ko.
*Bahagya ko tiningnan yung nerd na nakaupo sa fourth row,fifth seat* “She’s like my neighbor witch.”sambit ko na di nakatakas sa pandinig ng mga barkada kong marites
“Ayan ka na naman.Witch na naman ang iniluluwas ng bibig mo!”sabi ni Jay
“Sabihin mo lang kung tulog ka pa,sasabuyan ng tubig!” sabi pa ni Ron
“Iitsahan din ng asin.”dagdag ni Licht sabay tawa
“Hahahaha funny!Tsk!”ismid ko
*Maya-maya dumating na si ma’am Claudine.Binati niya kami at binati man din namin siya.*Pagkatapos nun,tinawag niya yung nerd para yayahing magpakilala samin.
“Hi.I’m Nene Mendiola,seventeen years old from L.A School University and I live in brgy Maligaya which is kapit-bahay ko ang lalaking yan!” Tinuro ako nung nerd, nagulat ako at napatayo.
“I-Ikaw?!Y-Yung nakatira dun?!”
Napatingin sakin sina Jay,Ron at Licht.Tumango naman yung nerd.
“Oh?Keir?Ano ba yang ginagawa mo?Umupo ka nga,kapitbahay mo pero nagulat ka sa sinabi niya?Anu’ba’yan hahaha!”natatawang sabi ni ma’am Claudine
“Eh kasi,di ko naman kilala yan eh saka isa s’yang mangkukulam.Muntik na niya akong kulamin last saturday!”pasigaw kong sabi
*Nagtawanan ang buong klase* “Seryoso ako,ano ba!!?”
“Keir!Nagpuyat ka ba?Huh o nilalagnat ka?Pwede ka umuwi.”tugon ni ma’am
“Oo nga naman Keir.Kalalaki mong tao,takot ka.Hindi totoo ang mangkukulam noh!”
“Maniwala kayo,totoo ang sinasabi ko.Nakita ko siya nun,mapula ang mga mata niya marahil nangungulam siya nun.Ginayuma pa niya parents ko para bigyan siya ng ulam pero yun pala gagamitin niya para sa maitim niyang orasyon.”giit ko
*Lumakas ang tawanan ng mga kaklase ko.Ayaw nila maniwala palibhasa hindi sila ang nasa katayuan ko*
“Jay!Ron!At Licht!Anong pinainom niyo dito kay Keir?Mas weirdo pa siya kaysa sa nerd na nasa harap natin ngayon.”takang tanong ni Elaisa.Siya ang secret crush ko since Grade 8.
“Aba malay namin.Hindi nga rin namin alam kung bakit nagkakaganiyan siya.”sagot ni Jay
“Tama yun!”sang ayon ni Ron
“Hay ano ba kayo!?Paniwalaan niyo naman ako.Hindi ako nababal*w,totoo ang sinasabi ko oh!”sabi ko
“Ikaw lang may sabi niyan!” sabi ni Licht sabay kamot sa noo niya,hindi talaga naniniwala
“Sige bahala kayo kung ayaw niyo maniwala sakin tutal di naman talaga kayo naniniwala sa mga kwento ko noon pa eh.Pero ito,itaga niyo sa bato—maniniwala din kayo sakin na mangkukulam ang babaeng yan.Papatunayan ko yun,maghintay kayo!”nakapamewang kong sabi
*Nagrolled-eyes yung nerd at bahagyang lumapit...


sakin*
Hindi ko kayang titigan ang mukha niya dahil nandidiri ako sa hitsura niya plus nakakatakot kaya sa isang tingin niya sa mata ko,bigla nalang akong nagcollapse sa kaba at tuluyang nawalan pa ng malay*
*Everything went black*
❇Nene Mendiola(Mecaela Flores) Pov❇
(😑)•••Nilapitan at tiningnan ko lang naman ng malapitan si Zoowar,ang ex boyfriend ko tas bigla nalang nahimatay.Talaga bang mukha na akong mangkukulam sa paningin niya kaya ganun siya?Grabe namang tao to’,hindi na niya yata ako nakikilala eh.Sa bagay,sino ba naman ang makakakilala pa sakin kung ganito ang hitsura ko?Hayst!Btw,ako si Mecaela Flores pero pansamantala kong pinalitan ng ‘NENE MENDIOLA’ upang makaiwas sa kahihiyan na naidulot ko kay papa sa mga katrabaho niya noon.Si papa ay isang business man,sikat at pinakamayaman sa lahat ng mga business man na gaya niya pero ngayon hindi na dahil sabi ko nga ay dahil sakin hayts sorry na.
Nagpanggap akong nerd at naglagay ng mga artificial pimples sa mukha ko kaya hindi na ako makilala ng mga dating nakakakilala sakin bilang Mecaela Flores at bukod dun lumipat ako ng bahay which is malapit kina Zoowar.Dahil sa naging nerd ako,maraming nagsasabi na isa raw akong mangkululam kahit hindi naman totoo.Sabi pa nila,nag oorasyon ako hahaha k*loka.Sa ngayon,nagkakagulo ang mga kaibigan ni Zoowar kung paano ito gigisingin.May tagayugyug sa braso,may taga paypay at may tagasigaw sa tainga ni Zoowar.
“W*y Keir!Hindi to’ ang oras para matulog!”
“Bumangon ka Keir!Ano ba!”
“Wag mo kami pahirapan,please!Oy,gigising ka o ihahagis ka namin sa oval!?”
“Keir!W*y!”
*Sari-saring sabi ng mga kaibigan ni Zoowar*
“Excuse me!Dalhin niyo yan sa Clinic!” utos ni ma’am sa tatlo
“Pero ma’am nagtutulog-tulugan lang toh!”
“Hindi yan nagtutulog-tulugan!Dalhin niyo yan sa clinic,ngayon na.”muling utos ni ma’am
*Walang nagawa ang tatlo kundi pinasan nila si Zoowar papunta sa clinic*
“Miss Nene!You may take your sit!”sabi ni ma’am sakin
*Tumango ako at umupo na sa upuan*
*Nagsimula na rin ang discussion ni ma’am kahit wala sina Zoowar*
*
F
A
S
T
F
O
R
W
A
R
D
*RECESS*
*Nakaupo ako sa bench na nasa gilid ng oval,malapit sa lilim ng punong akasya.Tahimik akong kumakain ng sandwich na binili ko sa canteen kanina kasabay ng panonood sa mga cheering squad na nagprapractice sa gitna ng oval para sa gaganaping competition sa basketball doon sa gymnasium,mamayang 1’o clock.
Sa kabila ng panonood ko,lumapit sakin yung tatlong mga kaibigan ni Zoowar pero si Zoowar di nila kasama marahil nasa clinic pa at nakabulagtang natutulog dahil sa k*artehan niya hayst.
“Nene!Ikaw si Nene diba?”
*Tumigil ako sa pagkain.Tinago ko sa bag ang natitirang sandwich ko at sumagot*
“Hm!?O-oo!”
“Totoo ba talaga yun kanina, ikaw ang kapitbahay ni Keir?”
“Oum!Bakit?”
“Alam mo ba kung ano ang nangyayari sa lalaking yun?Ang weirdo niya kasi e,takot na takot.”
“Malay ko,diba kaibigan niyo siya kaya dapat alam niyo yan.” sabi ko
“Pero hindi b——”
“Wag niyo itanong sakin yan.Madali akong mawalan ng pasensiya sa mga tulad niyong matatanong at baka gawin ko pa kayong pumpkin isa-isa eh.”sabi ko
*Nagtinginan silang tatlo*
“Seriously?So you are a witch just like Keir said to us?”
“What do you think?”tanong ko
*Hindi sila sumagot sa halip ay nag-unahang tumakbo palayo*Bumuntong hininga ako at nagpatuloy nalang sa pagkain*
❇Jay Azrael Pardilla Pov❇
~Ako si Jay Azrael,but you can call me as Jay for short.I’m 18 years old and a friend of scaredycat Keir,my bestfriend na sobrang oa na ngayo’y nakaratay sa kama dun sa clinic.Dinala namin nina Ron at Licht si Keir dahil nahimatay matapos titigan ng nerd kanina.
•~•~•~•~•~•
*Tumakbo kaming tatlo nina Ron at Licht ng malaman naming mangkukulam nga si Nene,yung nerd*
“Hindi nga nababal*w si Keir,totoong mangkukulam nga yun.”sabi ni Ron habang tumatakbo
“Oo nga.Akalain mong gagawin daw niya tayong pumpkin.Wahhhh!We must talk to Keir.”sabi naman ni Licht
*Nagmadali kaming pumunta sa clinic na sakto’y kagigising lang ni Keir*
“Keir!Keir!Keir!”
“Oy,ano?Anong nangyari?”tanong ni Keir
*Nilapitan ko si Keir at mabilis pa sa kidlat na hinablot ang uniporme niya*
“Pre!W-Wit—-”
“Aray ano ba, mapupunit ang uniporme ko” *Tinapik ni Keir ang kamay ko.Nabitawan ko ang uniporme niya*
“Ano?”
“Pre!Si Nene,witchhhh!” *Pagpapatuloy na sabi ni Ron sa sinabi ko kanina*
“Ano?!Sinasabi ko na nga ba eh,mangkukulam nga talaga yun.Bakit?Ginamitan ba niya kayo ng itim na mahika niya?Huh?”*Agad na bumalikwas si Keir*
“Hindi pre,gagawin daw niya kaming pumpkin”tarantang sagot ni Licht
•END OF PART 02•
~Salamat sa Pagbabasa!
~Kindly drop your feedback!
~Hihintayin ko yan!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top