In Enemy, I Trust


In Enemy, I Trust
Written By: Hxnnxhssi
“P’wede ba tayong mag-usap—”
Napaatras ako ng konti sa gulat ng malakas n’yang hinampas ang table gamit ang kanan nitong kamay, tinignan n’ya ako ng masama kaya nakaramdam ako ng takot sa kan’ya.
Pinagdikit ko ang kamay ko at parang maiiyak na nakatingin kay Gray.
“Aalis ka o ipapakaladlakad kita sa guard?!” galit nitong tanong sa akin.
Lalapitan ko si Gray, pero napapikit ako ng mayroon s’yang ibato sa pader na muntik na akong tamaan.
Pagdilat ko ay namumula na sa galit si Gray.
Huminga ako ng malalim para lakasan ang loob kong kausapin si Gray. Hindi ako aalis dito hanggang hindi ko s’ya nakakausap.
“Gusto lang kitang makausap,” mahinahon kong saad.
Para akong nakulong sa malaking espasyo na ito dahil sa limitadong galaw ko.
Galit na tumayo si Gray at naglakad palapit sa akin kaya napaatras sa akin dahil sa nakakatakot nitong expression.
Mariin akong napapikit kasabay noon ang pagtulo ng luha ko ng mahigpit na hinawakan ni Gray ang braso ko. Dama ko...


ang pagbahoon ng kuko n’ya sa manipis kong braso.
“G-Gray, nasasaktan ako,” daing ko.
“Ni ayaw na kitang makita, o isipin ang pangalan mo!” galit nitong sigaw sa harapan ko.
Bakit ang sakit n’yang magsalita. Wala naman akong gusto sa lahat ng nangyari. Bakit ako ang sinisisi n’ya?
“I-I’m pregnant,” pag-amin ko sa kan’ya.
Biglang lumuwag ang pagkakahawak n’ya sa braso ko kaya agad akong kumawala para lumayo kay Gray. Hinawakan ko ang braso kong namumula iyon.
“Umalis ka na,” taboy nito sa akin.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. Ang butil-butil na luhang tumutulo sa mata ko ay napalitan ng sunod-sunod hanggang sa tuloy-tuloy na itong umaagos pababa.
Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko dahil hinihintay kong bawiin ni Gray ang sinabi n’ya.
“A-anak mo ito!” nahihirapan kong sambit.
“Hindi ko kayang panagutan ang batang iyan!” malamig nitong sagot sa akin.
Hindi ako makapaniwalang tinignan si Gray. Nagbibiro lang naman s’ya siguro.
“G-Gray!” umiiyak kong tawag sa kan’ya.
Title: In Enemy, I Trust
Written By: Hxnnxhssi






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top