𝐓𝐡𝐞 𝐦𝐚𝐧 𝐢𝐧 𝐦𝐲 𝐝𝐫𝐞𝐚𝐦


𝐓𝐡𝐞 𝐦𝐚𝐧 𝐢𝐧 𝐦𝐲 𝐝𝐫𝐞𝐚𝐦
Nag mamadali kong inilagay ang notebook at ballpen ko sa aking bag. Kanina pa kasi ako nagugutom dahil hindi na ako nakapag agahan kanina.
Palabas na sana ako ng room ng may biglang humiltak ng bag ko.
“Let me go. What’s your probl-” nabitin ang sasabihin ko ng makilala ang taong humiltak ng bag ko
Si Ian ang gwapo kong kaklase/crush ko. Close kaming dalawa pero hindi niya alam na crush ko siya
Ayoko kasing aminin sa kaniya na siya yung gusto ko baka kasi iwasan o layuan niya ako pag nalaman niya.
“Why are you in a hurry?” he asked me
Is he really asking me why I’m in a hurry?
“Ahh your hungry?” tanong pa niya
“Oo kaya bitawan mo na yung bag ko at baka ikaw ang makain ko.” agad niyang binitawan ang bag ko kaya naman agad na akong tumakbo palayo sa kaniya
“TALLIA!” he shouted
Huminto ako sa pag lakad at tiningnan siya. Tinaasan ko lang siya ng kilay.It’s my way of asking him what he needs from me.
“Sabay na tayong umuwi.” nakangiting wika niya
Habang nag lalakad kami pauwi ay walang nag tangkang mag salita sa aming dalawa. Hanggang ngayon hindi pa din ako sanay na malapit siya sa akin, hanggang ngayon naiilang pa din ako sa kaniya.
“Kita na lang ulit...


tayo sa school bukas.” nakangiting wika ko ng nasa tapat na kami ng bahay
Ngumiti siya sa akin at tumango. Papasok na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko at hilahin palapit sa kaniya. “Tallia i like you.”
Tumawa ako pag katapos niyang sabihin yun. “Wag ka ngang mag biro ng ganiyan,kahit kailan ang hilig mo mag joke.” wika ko sabay tawa
Natigil ako sa pag tawa ng mapansin kong seryoso siya sa sinabi niya.
“Gusto na kita simula pa nung una kitang nakita. Ikaw yung babaeng gusto ko Tallia
Akmang mag tatagpo ang labi naming dalawa ng may biglang nag buhos sa akin ng malamig na tubig.
Napabalikwas ako agad ng bangon dahil doon at nakita ko si mama na masama ang tingin sa akin.
“Bumangon ka na nga diyang bata ka at tanghali na.”
“Pag katapos mong mag ayos bumaba ka at may ipapakilala ako sayo.” saad niya at lumabas ng kwarto ko
Nag hilamos na ako agad at nag toothbrush atsaka nag palit ng damit at bumaba.
Papasok na ako sa kusina ng marinig ko ang pamilyar na boses. Si Ian. Oo tama kay Ian na boses yun
Dali dali akong nag tungo ng kusina para alamin kung tama nga ba ang hinala ko at hindi ako nag kamali at siya nga iyon. Ang lalaki sa panaginip ko
“I-ian.”
_____






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top