AYOS LANG AKO


AYOS LANG AKO
—Winterious Manunulat II
“Ang Saya mo ngayon ah”
“Sana all palaging nakangiti”
“Parang walang problema oh”
” Hindi kaba dinadapuan Ng problema palagi Kang nakangiti e”
” Si Amarra naku okay lang yan, tingnan mo nga oh nakangiti na Naman”
Yan Ang palaging nakikita nila sakin,
Nakangiti masaya at parang walang problema,
Akala nila palage akong maayos kase palage akong tumatawa,
Hindi nila alam sa likod Ng akin mga tawa may problema palang Dinadala.
Hindi nila tinatanong Kung ayos lang ba ako,
Sino ba Naman Ang mag iisip na...


problemado akong tao Kung palage akong aktibo,
Akala nila Oras Oras ako masaya,
Di lang nila alam nagtatago lang pala sa tawa Ang aking problema
Mga ngiting gumuguhit saking labi,
Pilit tinatago Ang sakit at hikbi,
Bawat pagtawa iniiwasan lang ang pagtulo ng mga luha,
Sa bawat sabeng okay lang ako pinapahiwatig nun na gusto ko Ng tulong niyo.
Sa bawat pagsabing oo masaya ako,
Ibig sabihin nun kinakaya ko,
Sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko,
Ibig sabihin nun nagpapanggap lang ako.
MAAYOS LANG AKO
Photo not mine cttro





1
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top