Dahan dahan akong pumasok sa bahay. Bago ako nakapasok sa loob ng bahay ay narinig kong nag uusap si tito at tita
“Paano na ba to Kiko..kunti nalang ang bigas natin baka di na abutin to ng linggo ” may pag aalala sa boses ni tita
“Huwag kang mag alala’ susubukan kong pumalaot ngayon baka swertihin ako”sagot ni tito dto.
“Oh sige,subukan mo baka nga swertihin ka at nahihiya narin ako lumapit sa mga kapatid ko ” dinig kong sabi ng tita ko.
“May awa ang Diyos ‘. Huling salitang narinig ko bago ako pumunta sa sampayan at kumuha ng short. Di na ko tumuloy sa loob kase nahihiya ako sa kanila. Naghihirap sila dahiL nandito kame sa kanila nakatira. Siguro kong wala kame di nman sila maghihirap ng ganito kase wala namn silang binubuhay tanging silang dalawa lang sana kaso dahiL sa responsibilidad na iniwan ng mga magulang ko sa kanila. Sila na tuloy itong nahihirapan. Agad akong naghubad ng short. At nagpalit. Ok lng nman total sanay nman kameng mga taga dito ang sabay sabay ngang maligo sa balon na wala ni isang saplot kse wala namang Malisya sa amin kse mga bata pa naman kame.
Binilisan ko ang lakad para makapasok pa ko kahit Late na ko. Mamaya ko nlng pag uwe tatahiin ang napunit na short ko. Sayang din yun.mapagtatyagaan pa. Mabilis bumalik sa isipan ko yung narinig kong usapan kanina. DahiL dun mas lalo akong magpupursige sa pag aaral.
-Mabilis lumipas ang taon at malapit na kaming Grumaduate ilang buwan nlng .. Abala ang lahat dahil Christmas party namin. Kapag desyembre. Malakas ang pakuha ng isda sa lambat dahiL masyadong payapa ang panahon kaya nakakaluwag luwag sa badget ang tita ko 🙂 ito ang buwan na pakiramdam namin lahat ng araw MASAYA. 🙂 kanya kanya dala ng pagkain at syempre regalo para sa exchange gift. Suot ang bagong damit na binili ng tita ko sa bayan ay masaya akong tinitingnan ang sarili ko sa salamin. Para sa akin napakaganda ko kase maganda ang damit ko ngayon. Pag desyembre may bago kaming isang pares na damit ng mga kapatid ko para talaga sa susuotin namin sa chrismas party namin .
Pagdating ko...